Tuesday, June 1, 2010

Sa pagkawala ng boses ni Nora Aunor, Noranians, naghihinagpis

HINDI maalis sa isip ng mga Noranians ang pinakahuling trahedyang sumapit sa kanilan idolong si Nora Aunor.

Hindi biru-biro ang mawalan ng boses sa pagkanta samantalang ito ang naghatid sa kanya sa rurok ng tagumapay kaya naman nadismaya ang mga Noranians sa kapalarang ito ng Superstar.

Ayon kay Tess de Vera, isang aktibo at makapangpangyarihang tagahanga ni Nora, nagulat siya nang kumanta pa sa Australia ang kanyang paborito.

“Akala ko kasi, in-advise na siya ng doktor na magpahinga nang anim na buwan para hindi lumala ang kanyang lalamunan. Nakaramdam na kasi siya ng hindi maganda,” pahayag ni Tess.

Pero nagpaawat ang aktres at tumuloy pa sa Canada.

“Kontrata kasi niya ‘yon kaya bumalik siya,” sabi ni de Vera.

At nagsimula na nga ang trahedya sa katawan at pisikal na kabuuan ni Aunor.

***

Ito anang mga ulat ay dahil sa operasyon ni Guy sa kanyang mukha nang siya ay magparetoke kamakailan sa Japan.

Isang surgeon ang nag-opera sa kanya pero ayon sa pananaliksik, nakaapekto ito sa kanyang kara.

May ugat umanong nasagasaan sa operasyon na konektado sa vocal chord ni Ate Guy.

At heto nga ang nangyari.

Pero magdedemanda umano ang bituin laban sa manggagamot na nag-iba nang bahagya ng kanyang anyo.

Sinabi ni Tess na sila ay tutulong sa mga laban ni Nora kontra sa doktor at iba pang may kinalaman sa masamang kapalarang naganap sa aktres.

***

Nai-suggest nga ang pag-ulit sa proyektong Piso Para Kay Nora para makatulong sa problema ng singer.

Matatandaan na nang magkasuliranin si Guy sa panananalapi noong mga unang taon ng 1990s ay kumilos ang mga Noranians at ipinag-ipon siya ng mamiso at milyon ang nalikom para sa kanya.

Kaya ngayon ay marami ang nag-iisip ng suporta sa aktres.

Sinabi lang nga ni de Vera na huwag nang isulat pa ang kanyang pangalan sa mga ulat kaugnay kay La Aunor pero siya ay mahalagang bahagi ng karera ng aktres kaya hindi maiiwasang siya ay mabanggit sa mga lathalain.

Ang suhestyon na Piso Para Kay Nora bagamat nagmula ang ideya sa amin ay nais naming mamobilisa ang mga Noranians para kumilos at ipinadaan kay Tess dahil kailangan nila ang mga mungkahi para lalo pang tumindi ang popularidad ni La Aunor.

Hindi kailanman malalaos ang isang Nora Aunor dahil ang marketing naman ay hindi lang sa pagkita ng pera o pagkita ng mga proyekto ng isang produkto o serbisyo kundi ang pagtangkilik, ang pag-alala sa isang tao kahit na ito ay wala sa hinagap ng ibang mga tao.

Maraming nakakaalala kay Aunor kaya naman isa rin itong katotohanan at mukha ng marketing sa pagbebenta sa kanya.

***

Kahit ang mga ulat sa ibang bansa, may nagpapabatid tungkol kay Nora.

Narito ang text message ng isa sa kanyang mga tagahanga: “Canada Journal newspaper (Associated Press) May 22, 2010” ay nagsabi sa pamamagitan ng isang nagngangalang Anita Lee” na “Nora Aunor Toronto concert compare to 1986 People Power in d Philippines, all time record breaker, a phenomenal success: chaos and crises suddenly erupt in d peaceful homes of d rich middle class in d entire Toronto villages—children are crying, husbands are helplessly stranded, pots are boiling, its turn out that all d estimated 2 million housewives and maids abandoned their husband, domestic duties to watch Nora Aunor concert in Toronto, like Elsa in ‘Himala,’ Nora is d event bringing about…”

Talagang kahit na saan ay pinagkakaguluhan hanggang ngayon si La Aunor at ito ay isang mahiwagang kaganapan sa ating lahat.

Star Patrol (for Saksi, June 1, 2010)

Boy Villasanta

Noranians, gagawin ang lahat para maibalik ang boses sa pagkanta ni Nora Aunor

NGAYONG may masamang kapalaran muling dumapo kay Nora Aunor, lalong nag-uumigting ang pagnanasa ng mga Noranians maiadya ang kanilang idolo sa kapahamakan.

Ito ay dahil sa pagkawala ng boses sa pagkanta ng aktres na siya niyang puhunan sa kanyang karera sa showbiz.

Hindi nga ba’t lalo pang pumailanglang ang kasikatan ni Nora nang siya ay manalo sa “Tawag ng Tanghalan” noong 1966 at saka siya ay binigyan ng pagkakataon ng Sampaguita-VP Pictures na maging bituin sa pelikula?

Nang dahil sa musika ay nag-iba ang guhit ng palad ni Aunor mula sa naghihikahos na pamumuhay sa Iriga City ay naging milyonarya siya nang dahil sa pagkanta.

***

At ngayong nawala ang kanyang tinig sa pagkanta ay nagugulumihana ang mga Noranians sa kasasapitan ng buhay ng kanilang paborito kaya naman gagawin nila ang lahat maibalik lang ang boses ng aktres.

Hindi naman sila nag-aastang Supersman o nagmamayabang pero tutulong sila sa pagbabalik sa boses ni Nora sa maraming paraan.

Kahit nga ang masugid na tagahangang si Tess de Vera na ayaw nang magpabanggit ng pangalan sa mga lathalain tungkol sa bituin ay nag-iisip ng mga paraan para makatulong.

Kaya pinag-isip namin siya at minungkahian kahit na sinabi niyang galing sa amin ang suhestyon na bakit hindi ilabas muli ang Piso Para Kay Nora na proyekto na maglilikom ng malaking halaga para sa pagbabalik sa boses ni Guy o kaya naman ay sa iba pa niyang laban.

***

Nawalan umano ng tinig sa pagkanta ni Nora nang siya ay retokehin sa mukha sa Japan kamakailan.

Naapektuhan umano ang isa sa kanyang mga litid nang siya ay operahan kahit na marami ang nagdududa sa koneksyon ng mga ito sa isa’t isa pero ang agham nga ay maraming misteryo.

Hindi maitatatwang napakakomplikado ng sistema at pisiyolohiya ng isang nilalang kaya naman hindi basta-basta naghuhusga ang mga Noranians dahil ang mahalaga ay ang kondisyon ng kanilang minamahal na Superstar.

Magdedemanda nga si Nora sa doktor na gumawa sa kanya ng ganito.

At tutulong ang mga tagatangkilik ng aktres.

Babalik umano si La Aunor sa Pilipinas huling linggo ng buwang ito kaya naman naghahanda na rin sila ng pagsalubong sa bituin.

***

Sinabi ni Tess na ang dinig niya ay talagang gustung-gusto ni Ate Guy na makapagtanghal sa Canada kahit na may tagubilin ang kanyang manggagamot na ipahinga ang boses nito.

“May kaibigan nga akong taga-Australia na fan na fan ni Ate Guy at naghihintay rin siya sa Australia na pumunta roon si Ate Guy pero inuna nga niya ang Canada.

“’Yon nga ang nangyari. Nakakalungkot ang nangyaring ito kay Ate Guy. Lahat kaming Noranians, nalungkot. Masyado ang apekto sa amin ng balitang ito,” pahayag ni de Vera na kahit na ayaw nang magpalagay ng pangalan sa mga lathalain ay hindi namin sinusunod dahil wala namang masama para sa kanyang kapakanan at siya ay mahalagang bahagi ng career ni Nora.

“Akala ko kasi, in-advise na siya ng doktor na magpahinga nang anim na buwan para hindi lumala ang kanyang lalamunan. Nakaramdam na kasi siya ng hindi maganda,” pahayag ni Tess.

Pero nagpaawat ang aktres at tumuloy pa sa Canada.

“Kontrata kasi niya ‘yon kaya bumalik siya,” sabi ni de Vera.

At nagsimula na nga ang trahedya sa katawan at pisikal na kabuuan ni Aunor.

***

Samantala, kahit ang mga ulat sa ibang bansa, may nagpapabatid tungkol kay Nora.

Narito ang text message ng isa sa kanyang mga tagahanga: “Canada Journal newspaper (Associated Press) May 22, 2010” ay nagsabi sa pamamagitan ng isang nagngangalang Anita Lee” na “Nora Aunor Toronto concert compare to 1986 People Power in d Philippines, all time record breaker, a phenomenal success: chaos and crises suddenly erupt in d peaceful homes of d rich middle class in d entire Toronto villages—children are crying, husbands are helplessly stranded, pots are boiling, its turn out that all d estimated 2 million housewives and maids abandoned their husband, domestic duties to watch Nora Aunor concert in Toronto, like Elsa in ‘Himala,’ Nora is d event bringing about…”

Talagang kahit na saan ay pinagkakaguluhan hanggang ngayon si La Aunor at ito ay isang mahiwagang kaganapan sa ating lahat.

No comments:

Post a Comment