Sunday, June 27, 2010

John Lloyd Cruz, “inulila” ni Sarah Geronimo sa Box-Office King and Queen of Philippine Movies awards night


SINONG hindi makakaalala sa Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation ni Mrs. Corazon Samaniego?

Ang Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation na nadatnan na namin sa showbiz noong 1976.

Nagsisimula pa kami noon sa pagsusulat sa showbiz nang nalaman at nabalitaan na namin ang GMMSF.

Noon ay katunggali niya ang Box-Office King and Queen ni Paul Daquiz, ang isa sa mga nagpasimuno ng awards na ito para sa mga nagpapasok ng malalaking pera sa mga prodyuser ng pelikula.

Nawala na ang awards body ni Paul pero ang kay Mrs. Samaniego ay nandito pa rin.

Sa katunayan, nakakaapatnapu’t isang taon na ang kay Guillermo.

***

Kamakailan ay idinaos ang ika-41 Entertainment Awards ng GMMSF sa Carlos R. Romulo Auditorium sa RCBC Plaza sa Ayala Avenue at ang kinoronahang Hari at Reyna ng Box-Office ng Pelikulang Pilipino ngayong 2010 para sa taong 2009.

Si John Lloyd Cruz ang itinanghal na Box-Office King samantalang si Sarah Geronimo ang iprinoklamang Box-Office Queen.

Nang dumating si John Lloyd, naku, Diyos mio, parang nakawala sa hawla ang mga tao.

Iniluluwa pa lang si Cruz ng elevator sa 4th Floor ng gusali, aba at hiyawan at tilian na ang mga tao.

Naharangan na ang aktor sa paglakad niya at hindi na siya makahakbang.

Kung hindi pa hinawan ng mga sekyu ng building ang mga tao ay hindi pa makakalagpas sa dami ng nag-aabang sa kanya si Lloydie.

***

Mag-isa lang siyang dumating bagamat marami pang artistang kabataan ang dumalo pero ibabalita namin sa inyo sila sa mga susunod na labas nitong Bomba Balita at Saksi sa Balita.

Nang abutin niya ang kanyang tropeyo ng karangalan ay inihandog niya it okay Sarah na wala sa kanyang tabi.

“Kung nasaan ka man sa Amerika, Sarah, ang award na ito ay para rin sa’yo. Hindi ko maaabot ang karangalang ito kung wala ka. Para sa atin ito,” mapagkumbabang pahayag ni John Lloyd na umani ng palakpak at tilian muli ng kanilang mga tagahanga.

Alam ba ninyo na sa 2011 ay may ipapalabas pang isang John Lloyd-Sarah film mula sa Star Cinema?

Talagang maganda ang ipinakikitang pagganap sa pinilakang tabing nina Cruz at Geronimo hindi lamang sa kritikal na nilalaman ng sining ng pagganap kundi kung paano ito tanggapin at tangkilikin ng mga tagasubaybay nila.

Sa dalawang magkakasunod na pelikula nina Lloydie at Sarah ay napatunayang may merkado sila na puwedeng hainan ng mga putahe na sila’y kasangkap.

***

Si John Lloyd rin ang nagwaging Film Actor para sa pelikulang “In My Life” ng Star Cinema.

Gayunman, katabla niya rito si Luis Manzano na gumanap din sa pelikulang ‘yon bilang kasintahan niyang bading sa obra.

Nang tanggapin nga ni Luis ang kanyang parangal ay nagbiruan pa sila ni John Lloyd na “mga bading silang magkasintahan.”

Pero siyempre’y ipapakita rin nilang laro lang ang lahat ng ito.

Nanalo rin si Vilma Santos bilang Film Actress of the Year para sa “In My Life” at si Manzano ang tumanggap ng karangalan.

“I would like to thank my mom for her support at sa kanyang mga Vilmanians,” sabi ni Lucky.

Star Patrol (for Saksi, June 27, 2010)

Boy Villasanta

John Lloyd Cruz, “iulila” ni Sarah Geronimo sa Box-Office King and Queen of Philippine Movies Entertainment Awards

SA ika-kung-ilang taong paghahatag ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Entertainment Awards, si John Lloyd Cruz muli ang binigyan ng karangalan ng organisasyon na makakuha ng pinakamataas na parangal, ang Box-Office King of Philippine Movies para sa nakaraang taon ng 2009.

Iginawad kay John Lloyd ang karangalan kamakailan sa Carlos P. Romulo Auditorium sa RCBC Plaza sa Ayala Avenue.

Sunud-sunod na ang pagbibigay ng pagkilala sa aktor bilang Box-Office Actor.

Sa tinagal-tagal na ng GMMSF sa pagbibigay ng karangalan sa departamentong ito, laging si John Lloyd ang nagpapatunay na kaharian niya ito pagkatapos na pangibabawan ito nina Bong Revilla, Fernando Poe, Jr., Vic Sotto, Ramon Revilla at marami pang iba.

***

Sa loob ng maraming taon na nagpaparangal ang GMMSF sa pinakamabiling aktor at pelikula kabilang ang mga bituin sa telebisyon at musika, naging bantayog na ito sa larangang ito kahit na anupaman ang parametro o pamantayang sinusunod nito.

Kaya nga nawala na si Paul Daquiz sa kanyang pagbibigay ng parangal sa mga box-office stars ay nandito pa rin si Mrs. Corazon Samaniego sa kanyang GMMSF.

Dahil nakakaapatnapu’t isang taon na ang kanyang grupo at tumatagal pa.

Nang pumasok kami sa showbiz noong 1976 bilang peryodistang pampelikula ay nand’yan na si Samaniego at si Daquiz.

***

Kaya lang ay wala si Sarah Geronimo nang ipagkaloob kay John Lloyd ang Box-Office King Award samantang Box-Office Queen Award naman ang ibinigay kay Sarah.

Matagal na ring pinahahalgahan ng Guillermo ang kapangyarihan ni Geronimo na makapagpasok ng maraming pera sa lukbutan ng kanyang mga prodyuser.

Halos magkakasunod na taon nang kinikilala ng Guillermo ang aktres at mang-aawit sa kanyang kapangyarihan na maging Reyna ng Takilya pagkatapos nina Nora Aunor, Vilma Santos, Maricel Soriano, Sharon Cuneta, Judy Ann Santos at marami pang iba.

“Inulila” nga ni Sarah si Lloydie.

***

Mag-isa lang dumating si Cruz bagamat marami pang artistang kabataan ang dumalo pero ibabalita namin sa inyo sila sa mga susunod na labas nitong Saksi sa Balita at Bomba Balita.

Nang tanggapin niya ang kanyang tropeyo ng karangalan ay inihandog niya it okay Sarah na wala sa kanyang tabi.

“Kung nasaan ka man sa Amerika, Sarah, ang award na ito ay para rin sa’yo. Hindi ko maaabot ang karangalang ito kung wala ka. Para sa atin ito,” mapagkumbabang pahayag ni John Lloyd na umani ng palakpak at tilian muli ng kanilang mga tagahanga.

Alam ba ninyo na sa 2011 ay may ipapalabas pang isang John Lloyd-Sarah film mula sa Star Cinema?

Talagang maganda ang ipinakikitang pagganap sa pinilakang tabing nina Cruz at Geronimo hindi lamang sa kritikal na nilalaman ng sining ng pagganap kundi kung paano ito tanggapin at tangkilikin ng mga tagasubaybay nila.

Sa dalawang magkakasunod na pelikula nina Lloydie at Sarah ay napatunayang may merkado sila na puwedeng hainan ng mga putahe na sila’y kasangkap.

***

Si John Lloyd rin ang nagwaging Film Actor para sa pelikulang “In My Life” ng Star Cinema.

Gayunman, katabla niya rito si Luis Manzano na gumanap din sa pelikulang ‘yon bilang kasintahan niyang bading sa obra.

Nang tanggapin nga ni Luis ang kanyang parangal ay nagbiruan pa sila ni John Lloyd na “mga bading silang magkasintahan.”

Pero siyempre’y ipapakita rin nilang laro lang ang lahat ng ito.

Nanalo rin si Vilma Santos bilang Film Actress of the Year para sa “In My Life” at si Manzano ang tumanggap ng karangalan.

“I would like to thank my mom for her support at sa kanyang mga Vilmanians,” sabi ni Lucky.


No comments:

Post a Comment