Sunday, June 6, 2010

Michelle at Miguel Mendoza, nominado sa 2010 World Music and Independent Film Festival

BONGGA ang mga Filipino ngayong mga panahong ito at kahit na nga yata kahit anong araw.

Ito ay dahil sa pagkakasama ng mga singer na sina Michelle at Miguel Mendoza sa talaan ng mga nominado sa 2010 World Music and Independent Film Festival.

Sino naman si Michelle?

Aba, huwag isnabin, mga kaibigan.

Si Michelle ay ang lagi nating isinusulat sa pitak na ito mula nang ilabas niya ang kanyang CD na “Back in Time.”

Si Michelle din ang isa sa mga unang kasapi ng 14K ni Ryan Cayabyab kasama sina Jeffrey Hidalgo at ang nasirang si Tintin Muñoz.

Si Michelle din ang nagpasikat muli ng kantang “Ocean Deep” na nilikha nina Jon Sweet at Rod Trott at pinatanyag ng walang kamatayan at hindi nalalaos na si Cliff Richard.

***

At ang kanta ring ito ang naging dahilan kung bakit nakapasok sa 2010 WMIFF ang nominasyon ni Michelle, Michelle Junia sa tunay na buhay, anak ng PR practitioner na si Ray Junia.

Masayang-masaya si Michelle na ngayon ay nasa ibang bansa para mag-aral ng karagdagang teoriya at praktika sa pagtuturo sa mga bata gamit ang musika.

Naia-apply niya ito sa pagtatatag at pamamahala niya ng eskuwelahang Musikgarten na nasa kanto ng Pioneer Street at EDSA sa Mandaluyong City.

Sa pagbubukas ng website ng WMIFF, nakakarami na ng boto si Michelle at nadadaig niya ang mga iba pang nominado na mula sa iba’t ibang panig ng daigdig.

***

Ang isa pang nominado sa People’s Choice Award for Music ay si Miguel Mendoza.

Miguel Mendoza who?

Naku, kailangang palawakin natin ang kamalayan sa mga singer dahil ang dami-daming mahuhusay na Filipino pero nakatuon lang tayo kina Christian Bautista, Rico J. Puno, Regine Velasquez, Nora Aunor, Pops Fernandez, Michael V., Ogie Alcasid, Martin Nievera, Claire de la Fuente, Pilita Corrales, Sheryn Regis, Rachelle Anne Go, Ronnie Liang at iba pa samantalang narito rin sa ating piling si Miguel Mendoza na recording artist ng Star Records.

Ang kanyang awiting “Hanggang Tingin” ng Star Records ang nominado sa kategorya at matitiyaga rin ang mga botante na siya ay iboto.

***

Samantala, sa People’s Choice naman sa Pelikula na pinagbobotohan din sa on line, ang mga Filipinong nominado ay sina Charlotte Dianco para sa pelikulang “Prom Date Teaser,” isang short film, “Pearls of the Orient,” isang documentary fearure na idinirek ni JP Tanchanco at tatlong short film ni Mike Dagñalan na kinabibilangan ng “Karoler,” Pagbrunayan” at “River of Dreams.”

Bongga talaga ang mga Filipino dahil nag-uumapaw sa mga talento an gating bayan.

Star Patrol (for Saksi, June 6, 2010)

Boy Villasanta

5 Filipino talents, nominado sa 2010 World Music and Independent Film Festival

WALA na ngang paglagyan sa kaligayahan ang mga Filipino sa pagmamalak ng ating mga ipinagmamalaking talento sa maraming larangan.

Kaya nga hindi lang sina Brillante Mendoza, Lea Salonga, Arnel Pineda, Charice Pempengco, Allan Pineda at iba pang mga pangalan sa ibang bansa na ang pinagmulan ay Filipino ang bumibihag sa maraming imahinasyon ng ibang bansa kundi maging ang mga talino na nasa sarili nating bayan.

Ngayong 2010 World Music and Independent Film Festival na itatanghal sa ika-21 ng Agosto, 2010 sa Amerika ay napakaraming Pinoy na nominado sa iba’t ibang kategorya ng paligsahan.

Unahin na natin ang mga nasa People’s Choice ng timpalak para sa Musika.

Nangunguna ngayon sa paramihan ng boto ang mahusay na singer na si Michelle.

Sino si Michelle?

Sino siya kung ikukumpara sa mga Celeste Legaspi, Rachelle Ann Go, Jonalyn Viray, Marco Sison, Nora Aunor, Rico J. Puno, Ronnie Liang. Sheryn Regis, Leah Navarro, Michael V., Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Gary Valenciano, Martin Nievera, Jamie Rivera, Pops Fernandez, Zsa Zsa Padilla at marami pang iba?

***

Si Michelle, mga giliw na mambabasa ay ang lagi nating itinatampok sa pahinang ito, sa pitak na ito mula nang siya ay maglunsad ng kanyang kauna-unahang CD na “Back in Time.”

Si Michelle na kauna-unahan at orihinal na miyembro ng 14K ni Ryan Cayabyab kasama sina Jeffrey Hidalgo at ang namatay nang si Tintin Muñoz.

Si Michelle na anak ng PR man na si Ray Junia na taga-Pacita Complex sa San Pedro, Laguna.

Si Michelle na nagtatag ng Musikgarten sa panulukan ng Pioneer Street at EDSA sa Mandaluyong City kung saan inilalapat niya ang kanyang mga natutunan sa Amerika na pagtuturo ng mga bata sa pamamagitan ng musika.

Ngayon ay pangunahin si Michelle, Michelle Junia sa tunay na buhay, sa pagtataguyod ng musika para sa mga musmos at sanggol o kahit na sa mga may edad na.

***

Ang awitin ni Michelle na “Ocean Deep,” isang revival ng sikat at makabagbag-damdaming piyesa nina Jon Sweet at Rod Trott na pinatanyag ng wala na nga yatang kalausang si Cliff Richard.

Nagustuhan ng WMIFF ang “Ocean Deep” kaya may-I-nominate agad nito para pagbotohan ng mga mahiligin sa Internet.

Nangunguna na si Michelle sa mga pinagbobotohan kung isasaalang-alang ang mga boto na ibinabato sa kanya sa buong mundo.

Nadadaig na ni Michelle ang iba pang mga singer sa paramihan ng boto.

Kasama niya sa nominasyon ang isang nagngangalang Luke Jickain.

***

Samantala, ang isa pang kasama sa kategorya ay si Miguel Mendoza.

Sino naman si Miguel Mendoza?

Bakit walang masyadong publisidad ang isang ito?

Aba’y tangkilikin kung walang masyadong publisidad dahil may ibubuga rin ang batang ito.

Recording artist ng Star Records si Miguel at ang ipinasok niyang kanta sa 2010 WMIFF ay ang kanyang plakang “Hanggang Tingin.”

Sa dinami-dami ng kalye at kanto sa Pilipinas, alam ba ninyo kung saan nandoon ang billboard ni Mendoza?

Sa may Alabang, sa itaas ng bubong at pader ng Sogo Hotel malapit sa Metropolis Star Mall ni Manny Villar.

Baka naman sa iba pang panig ng Pilipinas o Kamaynilaan ay may mga marketing at promotional materials si Miguel pero ‘yon na nga, humahabol din siya sa mga taga-ibang bansa sa paramihan ng boto sa on line.

***

Samantala, sa People’s Choice naman sa Pelikula na pinagbobotohan din sa on line, ang mga Filipinong nominado ay sina Charlotte Dianco para sa pelikulang “Prom Date Teaser,” isang short film, “Pearls of the Orient,” isang documentary fearure na idinirek ni JP Tanchanco at tatlong short film ni Mike Dagñalan na kinabibilangan ng “Karoler,” Pagbrunayan” at “River of Dreams.”

Bongga talaga ang mga Filipino dahil nag-uumapaw sa mga talento an gating bayan.

No comments:

Post a Comment