IPINAGDIDIINAN ni Maria Isabel Lopez na malaya ang bawat kalahok na bituin sa pagpili ng tema o paksa na ipipinta nila sa pagsali sa “artists as artists part 3” na bubuksan sa ika-26 ng Hunyo, 2010 sa Sining Kamalig Gallery sa Gateway.
Sinabi ni Maria Isabel, ang isa sa mga organisadora ng art exhibit, na bukas na bukas silang lahat sa paggawa ng kanilang sining.
“This is a very opportune time that we show our talents in painting and the arts,” pahayag ni Lopez.
Sinabi ni Maribel na isang sorpresang likha ang kanyang ginawa na ang paksa ay ang kanyang pelikulang “Kinatay” ng Centerstage Productions, Inc. At Swift Productions na idinirek ni Brillante Mendoza.
“I am very proud of ‘Kinatay’ kaya gumawa ako ng painting kamakailan at ito ang ilalabas ko sa June 16 sa Gateway. Come and see my creations,” pahayag ni Maria Isabel.
Inspiradung-inspirado si Lopez sa pagkakataong ito dahil maipapakita niya ang lahat ng kanyang nalalaman sa sining dahil siya naman ay nag-aral sa Up College of Fine Arts kaya naman may ipagmamalaki siya.
Hindi rin malalaos si Maia Isabel tulad ng akusasyon ng iba dahil ay ibubuga siya at marami siyang alam na mahahalagang bagay sa lipunang ito.
***
Hinahamon naman ni Arnell Ignacio ang media na sila ay tulungan sa kanilang adhika na makilala at maipalaganap ang kahalagahan ng sining na kanilang ginagawa para sa kapakanan ng mga Filipino.
Galit na galit si Arnell sa walang kapararakang inilalabas ng mga pelikula at telebisyon kaya naman ang pagtataguyod sa art exhibit na ito ay kanyang sinusuportahan.
Pangatlong bese na siyang nakakapagtanghal ng kanyang mga likhang-sining.
Kahit dalawang taon pa lang siyang nagpipinta ay nakitaan na si Ignacio ng kanyang kahusayan sa larangang ito.
At ipinagmamalaki ng komedyante ang kanyang likhang-sining.
“Paano tayo uunlad kung pulos walang katuturan ang napapanood natin. Kailangang maging aware tayo na may mga pinta at art work ang mga artista na kailangang tangkilikin ang mga ito,” pahayag ni Arnell.
***
Hindi na nagpatumpik-tumpik si Arnell sa kanyang panggigising sa mga miyembro ng media.
“Itong presscon na ito ay hindi para malaman kung sino ang dyowa o syuntis na artista kundi maganda ang gusto naming dito. Ito ay para ipakita naming may iba pang gustong pagbabago ang showbiz at ang mga artista na tulad namin,” sabi ni Ignacio.
Kaya nga marami ang nagulat sa sentimiyentong ito ni Arnell dahil sawang-sawa na siya sa kawalan ng kadesentihan ng showbiz.
Para sa kanya ay walang latoy ang mga inilalabas sa araw-araw na lang na ginawa ng Diyos.
***
Sinabi naman ni Heber Bartolome na talagang pamburgis ang pagpinta.
“Pamburgis ang painting. Kailangan natin na kung ang masa ang nais nating marating, sa kanta ko na lang idadaan. Tapos, sa TV kaya o sa pelikula na mas maraming nanonoor.
“Pero nagpipinta pa rin ako para sa self-expression. Ganyan talaga ang dapat pero hindi ako nag-iilusyon na pangmasa ang painting. Siguro, sa mga susunod na araw, puwede nang pangmasa ‘yan pero ngayon, hindi pa.
“Ang ginagawa ko ay sinasakyan ko na lang ang bawat pangyayari. Kung pang-intelektwal ang nais ko, magsusulat ako ng literature o kaya ay ‘yong mga pang-academic na mga gawain,” sabi ni Heber na talagang nagsisilbi sa bayan.
Maraming ipapakita si Bertolome sa all-star painting exhibit na ito.
***
Makakasama ni Heber sina Cesar Montano, Ruby Rodriguez, Andrea del Rosario, Jao Mapa, Evangeline Pascual, Ernie Garcia, Melissa Mendez at marami pang iba sa pagkakataong ito.
Kaya nga tuwa-tuwa si Vangie Pascual dahil sa kabila ng kanyang kaabalahan sa buhay ay nakakapagpinta pa siya.
“Sangandaan” nga ang titulo ng kanyang painting na napakamakulay at makahulugan.
Abala si Pascual sa kanyang pre-cana na pagpapayo sa mga magpapakasal sa usapin ng mga family planning, ispiritwal na mga gawain at iba pang mga paksa.
Sa Ateneo naglilingkod si Vangie sa mga nais magpakasal.
May foundation din siya at ito ay nakasalalay sa kanyang DWIZ na programa na “Echoes of the Heart.”
Kaya palakpakan natin ang mga artistang makakasali sa okasyong ito dahil nagsasakripisyo sila sa kanilang propesyon para lang makagawa ng likhang-sining tulad ni Victor Wood na napakahusay magpinta.
Star Patrol (for Saksi, June 12, 2010)
Boy Villasanta
Ngayong Araw ng Kalayaan, malaya ang mga artista sa pagpinta
KAHIT sa mga paksa at sa mga materyal na gagamitin sa pagtatanghal ng “artists as artists part 3” na inorganisa ng The Film Artists Group na all-star painting exhibit na gaganapin sa ika-16 ng Hunyo, 2010 sa Sining Kamalig sa Gateway.
Ito ay lalahukan ng napakaraming artista na nagpipinta.
Huwag isbain dahil si Cesar Montano ay kasama rito.
Naisumite na niya ang kanyang dalawang painting na may kaugnayan sa pamilya.
Nakakabilib talaga si Cesar dahil sa kanyang magagandang halimbawang ipinamamarali sa publiko sa pagmamahal sa kanyang mga tagahanga at sa masa.
May titulong “My Family,” nilikha ni Montano ang kanyang mga pinta nang dahil san pag-ibig sa sining.
Kahit natalo siya sa eleksyon sa pagka-gobernador ng Bohol ay patuloy siyang tutulong sa mga tao na nangangailangan ng kanyang suporta.
***
Huwag ding isnabi na ang seksing aktres na si Rosanna Roces ay kasali sa art exhibit.
Hindi pababayan ni Rosanna na mapag-iwanan siya sa pagpinta dahil ito ang kanyang pinagkakaabalahan pag wala siyang ginagawa.
Maraming tema at damdamin ang nais isiwalat ni Roces sa pamamagitan ng kanyang sining.
At ang kontrobersyal na aktor na si Baron Geisler ay hindi nagpapahuli sa kanyang partisipasyon sa art exhibit.
Kahit na kaliwa’t kanan ang kanyang mga kaso ng pambabastos sa mga babae ay nananatili siyang alagad ng sining at iba ito sa kanyang mga demandang kinakaharap.
May ginawa si Baron na “Baron’s Clown” na napakamakatuturan at malalim ang ibig sabihin.
***
Masagana ang mga kuwento ng pagsali ng mga artista sa eksibisyong ito.
Sinabi ni Maria Isabel Lopez, ang isa sa mga organisadora ng art exhibit, na bukas na bukas silang lahat sa paggawa ng kanilang sining. Malaya anya ang sinuman na gumamit ng anumang materyal o paksa na tatalakayin sa mga obra maestra.
“This is a very opportune time that we show our talents in painting and the arts,” pahayag ni Lopez.
Sinabi ni Maribel na isang sorpresang likha ang kanyang ginawa na ang paksa ay ang kanyang pelikulang “Kinatay” ng Centerstage Productions, Inc. At Swift Productions na idinirek ni Brillante Mendoza.
“I am very proud of ‘Kinatay’ kaya gumawa ako ng painting kamakailan at ito ang ilalabas ko sa June 16 sa Gateway. Come and see my creations,” pahayag ni Maria Isabel.
Inspiradung-inspirado si Lopez sa pagkakataong ito dahil maipapakita niya ang lahat ng kanyang nalalaman sa sining dahil siya naman ay nag-aral sa Up College of Fine Arts kaya naman may ipagmamalaki siya.
Hindi rin malalaos si Maia Isabel tulad ng akusasyon ng iba dahil ay ibubuga siya at marami siyang alam na mahahalagang bagay sa lipunang ito.
***
Hinahamon naman ni Arnell Ignacio ang media na sila ay tulungan sa kanilang adhika na makilala at maipalaganap ang kahalagahan ng sining na kanilang ginagawa para sa kapakanan ng mga Filipino.
Galit na galit si Arnell sa walang kapararakang inilalabas ng mga pelikula at telebisyon kaya naman ang pagtataguyod sa art exhibit na ito ay kanyang sinusuportahan.
Pangatlong bese na siyang nakakapagtanghal ng kanyang mga likhang-sining.
Kahit dalawang taon pa lang siyang nagpipinta ay nakitaan na si Ignacio ng kanyang kahusayan sa larangang ito.
At ipinagmamalaki ng komedyante ang kanyang likhang-sining.
“Paano tayo uunlad kung pulos walang katuturan ang napapanood natin. Kailangang maging aware tayo na may mga pinta at art work ang mga artista na kailangang tangkilikin ang mga ito,” pahayag ni Arnell.
***
Hindi na nagpatumpik-tumpik si Arnell sa kanyang panggigising sa mga miyembro ng media.
“Itong presscon na ito ay hindi para malaman kung sino ang dyowa o syuntis na artista kundi maganda ang gusto naming dito. Ito ay para ipakita naming may iba pang gustong pagbabago ang showbiz at ang mga artista na tulad namin,” sabi ni Ignacio.
Kaya nga marami ang nagulat sa sentimiyentong ito ni Arnell dahil sawang-sawa na siya sa kawalan ng kadesentihan ng showbiz.
Para sa kanya ay walang latoy ang mga inilalabas sa araw-araw na lang na ginawa ng Diyos.
***
Sinabi naman ni Heber Bartolome na talagang pamburgis ang pagpinta.
“Pamburgis ang painting. Kailangan natin na kung ang masa ang nais nating marating, sa kanta ko na lang idadaan. Tapos, sa TV kaya o sa pelikula na mas maraming nanonoor.
“Pero nagpipinta pa rin ako para sa self-expression. Ganyan talaga ang dapat pero hindi ako nag-iilusyon na pangmasa ang painting. Siguro, sa mga susunod na araw, puwede nang pangmasa ‘yan pero ngayon, hindi pa.
“Ang ginagawa ko ay sinasakyan ko na lang ang bawat pangyayari. Kung pang-intelektwal ang nais ko, magsusulat ako ng literature o kaya ay ‘yong mga pang-academic na mga gawain,” sabi ni Heber na talagang nagsisilbi sa bayan.
Maraming ipapakita si Bertolome sa all-star painting exhibit na ito.
No comments:
Post a Comment