Sunday, June 13, 2010

Arnell Ignacio, binira si Willie Revillame


WALANG kagatul-gatol si Arnell Ignacio sa kanyang komento laban kay Willie Revillame.

Ito ay kaugnay ng mga akusasyon ng kayabangan ni Willie sa likod at harap ng kamera.

“Tulad n’yang si Willie. Ano na lang ang mamanahin sa kanya ng mga manonood. Dahil nasa TV si Willie, ang sasabihin ng mga tao ay puwede naman pala ang ginagawa ni Willie, bakit hindi rin natin gawin?” pahayag ni Arnell sa paglulunsad ng “artists as artists part 3” ng The Film Artists Group na siyang may pasimuno ng all-star painting exhibit sa Sining Kamalig Gallery sa Gateway sa Cubao sa ika-16 ng Hunyo, 2010.

Sinabi ni Ignacio na sana ay maging responsible naman ang mga taga-entertainment industry sa kapakanan ng mga manonood.

Ayon kay Arnell, wala nang magandang ipinapakita ang mga palatuntunang pantelebisyon at pelikula sa mga panahong ito kundi kawalang kapararakan at kawalang kuwenta.

“Wala na ang standard ng magandang mga palabas,” puna ni Arnell.

***

Sinabi niyang ang industriya ay hindi nakakatulong sa isang tao para gumawa ng mas mabuti para sa kanyang sarili at sa ibang tao kundi pulos na lang kababawan.

“Ma-imagine, kahit sino na lang ay puwedeng mag-artista. Bastat nakapagluto ka lang ng itlog sa harap ng kamera, artista ka na. Ano naman ‘yon?

“Kasi naman, tinatangkilik natin ang mga ganyang mga palabas. Sana naman ay matuto na tayo para umunlad tayo.

“Tulad na lang ‘yang mga talent search na ‘yan. Hindi basta may kapansanan ka o mahirap ka ay kailangang manalo ka o ikaw ang mapili sa contest.

“Kailangang ang mangibabaw ay ‘yong talento at hindi ‘yong simpatya ng tao sa isang may kapansanan na nakakakanta. To begin with, ang pagkanta ay talento at hindi awa.

“Ngayon, kung napipili lang ang isang talent dahil nakakaawa siya at hindi ang talagang talento niya, nakakaawa talaga ng show business,” puna ng komedyante.

***

Pero inililinaw ni Arnell na hindi siya nagsa-sourgraping sa kanyang mga sinasabi.

“Ba’t naman ako magsa-sourgraping?” tanong ni Ignacio na ang ibig sabihin kaya siya ay negatibo ang kritisismo ay dahil sa wala siyang TV show ngayon at ang nagmumunini ay ang kanyang mga karibal sa popularidad at tsansa sa telebisyon.

Inamin ni Ignacio na ang pagpipinta ay isa sa mga bagay na dapat maunawaan at maibigan ng mga tagasubaybay sa showbiz.

“Kaya nga umaapila kami sa media na tulungan naman kaming maipalaganap sa publiko ang aming project para makatulong tayo sa ating mga kababayan,” sabi ng komiko na aminadong bakla pero may asawa namang babae at may anak.

***

Nananawagan si Ignacio na panoorin ng mga tao ang kanilang art exhibit para mapatunayang may magagandang layunin ang mga taga-showbiz at hindi pulos mga kawirwiran lang.

Nagpapasalamat nga siya sa White Castle, Mang Inasal, Fernando’s Bakery, Water Plus with LCarnitine, CIIT, Tamayo’s at Regroe dahil sumuporta ang mga ito sa kanilang pasinaya.

Hindi rin bigo o nadadala si Arnell sa pagkatalo niya bilang konsehal ng Quezon City.

“Marami pa naman akong project na makakatulong sa mga tao kaya hindi ako nalulungkot. Hindi ako tulad ng iba r’yan na hindi na makalabas ng bahay pag natalo sa eleksyon,” panunudyo ng komikero.

Star Patrol (for Saksi, June 13, 2010)

Boy Villasanta

Willie Revillame, tinarayan ni Arnell Ignacio

NGAYONG lugami na si Willie Revillame dahil hindi pa siya nakakabalik sa “Wowowee” ng ABS-CBN at maraming naiinis sa kanya at nagpapahayag ng pagkadismaya sa mga mensahe sa Internet, lalo pa siyang lulugami sa mga komentaryo sa kanya ng kasamahan na si Arnell Ignacio.

Ayon kay Arnell, ang ginawa ni Willie sa TV ay isang halimbawa na bakit nabibigyan ng pagkakataon ang mga tulad ni Revillame samantalang maaaring sabihin ng mga manonood na puwede rin palang gawin ng mga manonood ang kanyang ginagawa.

“Kasi, makapangyarihan ang isang artista o ang isang TV host. Tingnan mo naman ang ginawa ni Willie. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao na nakakapanood sa kanya, na puwede rin silang maging tulad ni Willie?” tanong ni Ignacio.

Ito ay may kaugnayan sa mga akusasyon kay Willie ng kayabangan at kawalan ng pakialam sa mga tao.

Inis na inis si Arnell sa mga taong mayayabang na aniya’y malaki ang responsibildad para mahango sa kaapihan ang mga mamamayan.

***

Sinabi ni Ignacio na sana ay maging responsible naman ang mga taga-entertainment industry sa kapakanan ng mga manonood.

Ayon kay Arnell, wala nang magandang ipinapakita ang mga palatuntunang pantelebisyon at pelikula sa mga panahong ito kundi kawalang kapararakan at kawalang kuwenta.

“Wala na ang standard ng magandang mga palabas,” puna ni Arnell.

Sinabi niyang ang industriya ay hindi nakakatulong sa isang tao para gumawa ng mas mabuti para sa kanyang sarili at sa ibang tao kundi pulos na lang kababawan.

“Ma-imagine, kahit sino na lang ay puwedeng mag-artista. Bastat nakapagluto ka lang ng itlog sa harap ng kamera, artista ka na. Ano naman ‘yon?

“Kasi naman, tinatangkilik natin ang mga ganyang mga palabas. Sana naman ay matuto na tayo para umunlad tayo.

“Tulad na lang ‘yang mga talent search na ‘yan. Hindi basta may kapansanan ka o mahirap ka ay kailangang manalo ka o ikaw ang mapili sa contest.

“Kailangang ang mangibabaw ay ‘yong talento at hindi ‘yong simpatya ng tao sa isang may kapansanan na nakakakanta. To begin with, ang pagkanta ay talento at hindi awa.

“Ngayon, kung napipili lang ang isang talent dahil nakakaawa siya at hindi ang talagang talento niya, nakakaawa talaga ng show business,” puna ng komedyante sa paglulunsad ng “artists as artists part 3” ng The Film Artists Group na siyang may pasimuno ng all-star painting exhibit sa Sining Kamalig Gallery sa Gateway sa Cubao sa ika-16 ng Hunyo, 2010.

***

Pero inililinaw ni Arnell na hindi siya nagsa-sourgraping sa kanyang mga sinasabi.

“Ba’t naman ako magsa-sourgraping?” tanong ni Ignacio na ang ibig sabihin kaya siya ay negatibo ang kritisismo ay dahil sa wala siyang TV show ngayon at ang nagmumunini ay ang kanyang mga karibal sa popularidad at tsansa sa telebisyon.

Inamin ni Ignacio na ang pagpipinta ay isa sa mga bagay na dapat maunawaan at maibigan ng mga tagasubaybay sa showbiz.

“Kaya nga umaapila kami sa media na tulungan naman kaming maipalaganap sa publiko ang aming project para makatulong tayo sa ating mga kababayan,” sabi ng komiko na aminadong bakla pero may asawa namang babae at may anak.

***

Nananawagan si Ignacio na panoorin ng mga tao ang kanilang art exhibit para mapatunayang may magagandang layunin ang mga taga-showbiz at hindi pulos mga kawirwiran lang.

Nagpapasalamat nga siya sa White Castle, Mang Inasal, Fernando’s Bakery, Water Plus with LCarnitine, CIIT, Tamayo’s at Regroe dahil sumuporta ang mga ito sa kanilang pasinaya.

Hindi rin bigo o nadadala si Arnell sa pagkatalo niya bilang konsehal ng Quezon City.

“Marami pa naman akong project na makakatulong sa mga tao kaya hindi ako nalulungkot. Hindi ako tulad ng iba r’yan na hindi na makalabas ng bahay pag natalo sa eleksyon,” panunudyo ng komikero.

Boy Villasanta (for Bomba, June 14, 2010)

Kris Aquino, naiintriga s pag-ariba muli ni Madam Auring sa panghuhula sa showbiz

MABUTI naman at muling nagningning ang pangalan ni Madam Auring sa panghuhula sa showbiz pagkatapos ng mga taon na parang siya ay pinagtatawanan na lang sa kanyang panghuhula sa loob at labas ng larangan ng aliw.

Hindi nga ba’t umalis na siya sa Gotesco Commonwealth kung saan siya ay may puwesto at lumipat na sa Victory Mall sa may Monumento?

Ayon sa peryodistang pampelikula na si Chito P. Alcid, nagkaproblema si Madam Auring, Aurea Erfelo sa tunay na buhay, sa pagtitinda ng kung anu-ano sa kanyang puwesto sa mall na ‘yon sa Commonwealth Avenue papuntang Fairview.

Mabuti at nabigyan siya ng bagong puwesto sa Victory Mall naman.

Kaya nagdiriwang siya at ang kanyang anak na si Marilyn kaugnay sa pagbangong muli ng sikat na manghuhula.

***

Isinabay pa ang pagbanggit sa kanya ni President-elect Benigno Aquino III na sa kanya ito kukunsulta sa mga problema sa pag-ibig at ang kuwestyon ng kanyang pagpapakasal at pagkakaroon kinalaunan ng unang ginang.

Sinabi ni Aquino na kay Madam Auring siya kukunsulta sa aspetong ito.

Siyempre’y hindi nakaligtas kay Auring ang balitang ito.

Kaya agad namin siyang tinawagan at tinanong kung totoong siya na ang consultant ni Noynoy.

Inamin naman ni Madam na siya nga ay consultant ng paparating na bagong pangulo ng Pilipinas.

Pero hindi kaya tayo pinaglalaruan lang ni Noynoy?

Hindi kaya basta na lang pumasok sa isip ng kapatid ni Kris Aquino ang pangalan ni Madam Auring?

O si Madam ba talaga ay opisyal na tagapayo ng bagong pangulo ng bansa?

***

Hinulaan naman ni Auring si Noynoy na hindi matutuloy ang kasal ngayong 2010.

“Kasi, walang kasalang magaganap. Ang kasalan ay one or two years pa mula ngayon,” pahayag ni Auring.

Nang magkita anya sila ni Noynoy kamakailan ay pinayuhan niya ang bagong presidente na huwag munang humarap sa altar ngayong 2010.

“Hindi maganda. Malas ang pagpapakasal sa 2010. Kasi, kulong ang mga numerong zero sa taon na ito. Mas magandang magpakasal si Noynoy sa 2011 o 2012 para mas maalwan ang buhay.”

Klinaro naman namin kung kay Shalani Soledad pa rin magpapakasal si Noynoy.

“Siyempre naman,” pahayag ni Auring.

***

Samantala, masayang-masaya naman si Kris Aquino sa kapalaran ni Noynoy.

At ayon nga sa mga kaanak ni Madam, masaya rin si Kris para sa manghuhula.

Matagal na ring magkakilala sina Kris at Madam Auring kaya naman may dalang katuwaan ang pag-aaktibo muli ni Auring sa panghuhula, isang bagay na nakakaintriga para sa mga taong tulad ni Aquino.

Kahit na sabihing mga intelektwal sina Kris ay hindi pa rin maiiwasang maintriga sila sa mga manghuhula.

***

Hindi naman inaaring karibal sa panghuhula ni Auring si Madam Suzette Arandela dahil pareho lang naman silang babae na ipinaglalaban ang kanilang mga karapatan sa panghuhula.

Hindi man magkakilala nang personal o magkaibigan, naggagalangan naman sina Auring at Madam Suzette.

Sila ang dalawa sa mga pangunahing psychic ng bansa kaya naman mabili siya sa maraming kustomer ng hula sa bansang ito.

Kasalukuyang nasa Japan si Arandela at binibisita ang kanyang dalawang anak na babae sa bansang ‘yon na kapwa mauunlad na ang mga buhay.

Star Patrol (for Saksi, June 14, 2010)

Boy Villasanta

Madam Auring, nakakabangon na sa pagkalugmok, Kris Aquino, natutuwa

ISA si Kris Aquino, ayon sa mga kaanak ni Madam Auring sa mga natutuwa at nakakabangon na ang kontrobersyal na psychic sa pagkakadapa.

Matatandaan na sikat na sikat si Madam Auring, Aurea Erfelo sa tunay na buhay, nang dahil sa panghuhula sa mga kilalang tao sa Pilipinas at sa labas ng bansa.

Naging mayaman din si Madam sa kanyang propesyon at siya ay nag-artista rin.

Pero dumating ang panahong sinubukan ng Maykapal ang kanyang buhay.

Naging kapos ang mga materyal na bagay kay Madam Auring at nakaapekto ito sa kanyang hanapbuhay na pagpapaganda at panghuhula.

May mga panahon na umupa pa si Madam sa Isetann Recto at sa isang mall sa may Congressional Avenue pero hindi rin nagtagal ang mga ito.

Kamakailan lang ay umupa rin siya ng puwesto sa Gotesco Commonwealth sa Commonwealth Avenue malapit sa Fairview pero hindi rin ito nagtagal.

Ngayon ay nasa Victory Mall na sa may Monumento ang beteranang manghuhula sa showbiz at namamayagpag doon.

***

Isa si Kris sa mga natuwa sa magandang kapalarang ito ng makulay na karakter sa showbiz.

At lalo pang naintriga si Aquino sa mga tulad ni Madam Auring na maraming dramang nagagawa at nagaganap sa buhay para sa kanyang pag-usad sa eksistensiyang ito.

Bilib na bilib din naman ang manghuhula sa kakayahan at kapangyarihan ni Kris na makahalina ng mga tagasubaybay niya.

Mula nang maging pangulo ng Pilipinas si Cory Aquino ay lagi nang may baong mga panalangin ni Madam para sa namayapang lider ng bansa.

Noon ay naggi-guest din si Madam Auring sa mga palatuntunan ni Kris kaya naman may pinagsamahan na ang dalawa.

***

Lalo pang naging makulay at nakakabawi na sa buhay si Madam nang siya ay banggitin ng president-elect na si Benigno Aquino III sa kanyang mga sagot sa mga miyembro ng media.

Naitanong kasi kay Noynoy kung sino ang kanyang magiging unang ginang sa Malacanang at kung kailian ang kasal.

Alam na naman ng lahat na si Shalani Soledad ang kasintahan ni Aquino kaya naman ang tanong ay may koneksyon kay Shalani at sa pakikipag-ibigan nit okay Aquino.

Sinabi ni Noynoy na ikukunsulta niya kay Madam Auring ang kasong ‘yan.

At umalingawngaw muli ang maalamat na pangalan ni Auring kaya naman mabili muli siya sa mga balita.

***

Hinulaan naman ni Auring si Noynoy na hindi matutuloy ang kasal ngayong 2010.

“Kasi, walang kasalang magaganap. Ang kasalan ay one or two years pa mula ngayon,” pahayag ni Auring.

Nang magkita anya sila ni Noynoy kamakailan ay pinayuhan niya ang bagong presidente na huwag munang humarap sa altar ngayong 2010.

“Hindi maganda. Malas ang pagpapakasal sa 2010. Kasi, kulong ang mga numerong zero sa taon na ito. Mas magandang magpakasal si Noynoy sa 2011 o 2012 para mas maalwan ang buhay.”

Klinaro naman namin kung kay Shalani Soledad pa rin magpapakasal si Noynoy.

“Siyempre naman,” pahayag ni Auring.

No comments:

Post a Comment