Friday, June 18, 2010

Joel Lamangan, walang paki at maligaya kahit late tapusin ni Mario O’Hara ang “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio”

HABANG natatapos na si Joel Lamangan para sa kanyang pelikulang “Sigwa” para sa Open Category sa mga beteranong direktor sa ika-6 na Cinemalaya Independent Film Festival at habang si Gil Portes ay nagpo-post production na sa kanyang “Two Funerals” gayundin si Mark Meily para sa kanyang “Isang Pirasong Buhay” na kapwa rin opisyal na lahok sa pestibal, si Mario O’Hara para sa kanyang “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio” ay wala pa man lang nasisimulan.

Kasi nga’y umurong ang unang kasosyo ni Mario sa pagsasapelikula ng kanyang obra na magastos at kailangang mabusisi sa tulong ng karagdagang gastos.

Nabigyan nga si O’Hara ng P600,000.00 mula sa Cinemalaya Foundation at Cultural Center of the Philippines para sa gantimpala sa bawat direktor na nakapasa sa kategoryang ito pero kailangan pa ng counterpart na prodyuser sa okagaganda pa ng pelikula.

Kaya nawalan na ng pag-asa si Mario na matutuloy pa ang kanyang obra maestra.

Pero hindi rin tumigil sina Laurice Guillen at Robbie Tan na suportahan ang magandang proyekto ni O’Hara kaya naghanap sila ng kapalit ni Ellen Ilagan, ang unang umoo kay Mario na makisali sa produksyon at maglagak ng karagdagang pera sa paggawa ng pelikula.

***

Nag-isip-isip si O’Hara at habang sina Joel, Gil, Mark at Joselito Altarejos para sa kanyang “Pink Halu-Halo” ay nagkukumahog at nagtatapos ng kani-kanilan proyekto, hindi umuusad ang proyekto ni Mario.

Hanggang nasabi niya kay Dennis Adobas, isang peryodistang pampelikula na hindi na niya itutuloy ang kanyang lahok.

Nagpatuloy ang kanyang mga kasamahan sa pagtatapos ng kanilang isasali sa pestibal.

Hanggang makakuha sina Laurice at Robbie ng sasalo kay Ellen sa katauhan ni Boy Abunda.

Si Boy na ang kasosyo ni O’Hara sa “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio” samantalang makinis ang paglalayag nina Lamangan, Portes, Meily at Joselito at si Mario ay hindi pa rin nakakapagsimula dahil kailangan pa niyang makipagmiting at makipagkasundo kay Abunda.

***

Nang mabuo na ang mga plano para sa pagdating ni Boy sa produksyon, halos tapo na sina Joel sa kanilang mga lahok.

Kinabahan na si O’Hara dahil baka lumilisya na siya sa mga regulasyon ng pestibal.

Hanggang sa magkita ang dalawa sa isang miting ng Cinemalaya.

Tulad ng dapat asahan kay Mario, ibinulalas niya kay Joel ang kanyang saloobin.

Matagal nang magkasama sa showbiz sina O’Hara at Lamangan lalo na nang sila ay magkasama sa Philippine Educational Theater Association o PETA kaya naman malalim at malawak ang kanilang pinagsasamahan.

“Ang sabi ni Joel nang sabihin ko sa kanya na ako ay nagsisimula pa lang sa aking pelikula samantalang matatapos na sila. Baka hindi nila gusto na nagsu-shoot pa ako samantalang sila ay tapos na.

“Aba, sabi ba naman niya sa akin, e, ‘naku, wala akong pakialam d’yan. Bastat tapusin mo ‘yan dahil maganda. We don’t mind. Basta ituloy mo ‘yan,” kuwento ni Mario.

***

Pagkakaisa at pagtataguyod ng pelikulang Filipino ang nais ni Joel kaya naman binibigyan niya ng karagdagang pagtulak at pag-iinspira kay Mario bilang kasama sa industriya.

Kaya naman hindi nagpatumpik-tumpik si O’Hara na magkandaugaga sa pagtatapos ng kanyang obra.

Nakapag-presscon na ang CCP sa okasyong ito at marami ang nananabik sa makapanood na ng mga lahok na ito na tiyak na magbibigay na naman ng magagandang bunga para sa larangan.

Sa pamamagitan nf Cinemalaya ay nauunawaan ng publiko na ang independent o indie film ay pelikula rin at ito ay napapanood rin sa mga sinehan at ito ay dapat ding tangkilikin.

Kahit ang buong industriya ay nag-aabang na sa ikaanim na Cinemalaya Independent Film Festival.

Star Patrol (for Saksi, June 18, 2010)

Boy Villasanta

Siniguro ni Mario O’Hara, maluwag na dibdib ni Joel Lamangan ang late na pagtatapos sa “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio”

MARAMING pinagdaanang kasaysayan at karanasan ang pagsasapelikula ng “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio,” isa sa limang pelikulang nakapasa sa tinatawag na Open Category, isang bagong kategorya sa Cinemalaya Independent Film Festival.

Ngayong taong ito, idinagdag ng Cinemalaya Foundation ang pagsasali sa mga beteranong direktor sa natatanging pestibal na ito.

Kaya nagpasali sila sa mga establisado nang filmmaker sa Open Category at isa ang pelikula ni Mario O’Hara sa napili.

Bukod kay Mario ay nakapasa rin sa panlasa ng mga pumili sa limang kalahok ang mga iskrip at ideya nina Joel Lamangan para sa “Sigwa,” Gil Portes para sa “Two Funerals,” Mark Meily para sa “Isang Pirasong Buhay” at Joselito Altarejos para sa “Pink Halu-Halo.”

Ang limang nakapasa ay binigyan ng halagang P600,000.00 pero alam naman ng lahat lalo na ng mga nanalong direktor na ito na kulang ang gantimpalang ‘yan sa paggawa ng isang makabuluhang pelikula kahit na digital ang pormat.

Kaya pinayagan silang maghanap ng kapartner sa bawat lahok na napili.

***

Pero sa unang bugso ng pagpapartner nina Ellen Ilagan at Mario O’Hara sa produksyon ng “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio” ay nagkaproblema agad.

Hindi naibigan ni Ellen ang nakatalaga sa kontrata niya bilang kasosyo sa produksyon ng Cultural Center of the Philippines, ang ahensiya ng pamahalaan na nagtataguyod sa Cinemalaya.

At halos pagsakluban ng langit at lupa si Mario sa pagbabagsak ni Ilagan ng bomba na hindi na niya itutuloy ang pakikipagtulungan sa filmmaker,

Nagpasya si O’Hara na huwag na lang ituloy ang produksyon dahil magkakaproblema lang.

Pero hindi tumigil sa pagtulong sina Laurice Guillen at Robbie Tan kay Mario dahil naniniwala ang dalawang puwersa ng Cinemalaya na karapat-dapat ang entry ng direktor.

***

Kinabahan na si O’Hara dahil baka lumilisya na siya sa mga regulasyon ng pestibal.

Hanggang sa magkita ang dalawa sa isang miting ng Cinemalaya.

Tulad ng dapat asahan kay Mario, ibinulalas niya kay Joel ang kanyang saloobin.

Matagal nang magkasama sa showbiz sina O’Hara at Lamangan lalo na nang sila ay magkasama sa Philippine Educational Theater Association o PETA kaya naman malalim at malawak ang kanilang pinagsasamahan.

“Ang sabi ni Joel nang sabihin ko sa kanya na ako ay nagsisimula pa lang sa aking pelikula samantalang matatapos na sila. Baka hindi nila gusto na nagsu-shoot pa ako samantalang sila ay tapos na.

“Aba, sabi ba naman niya sa akin, e, ‘naku, wala akong pakialam d’yan. Bastat tapusin mo ‘yan dahil maganda. We don’t mind. Basta ituloy mo ‘yan,” kuwento ni Mario.

***

Pagkakaisa at pagtataguyod ng pelikulang Filipino ang nais ni Joel kaya naman binibigyan niya ng karagdagang pagtulak at pag-iinspira kay Mario bilang kasama sa industriya.

Kaya naman hindi nagpatumpik-tumpik si O’Hara na magkandaugaga sa pagtatapos ng kanyang obra.

Nakapag-presscon na ang CCP sa okasyong ito at marami ang nananabik sa makapanood na ng mga lahok na ito na tiyak na magbibigay na naman ng magagandang bunga para sa larangan.

Sa pamamagitan nf Cinemalaya ay nauunawaan ng publiko na ang independent o indie film ay pelikula rin at ito ay napapanood rin sa mga sinehan at ito ay dapat ding tangkilikin.

Kahit ang buong industriya ay nag-aabang na sa ikaanim na Cinemalaya Independent Film Festival.

Samantalang nakalugmok sa kawalang katiyakan si Mario sa kanyang obra maestra, halos natatapos naman sa produksyon ang mga lahok nina Joel Lamangan.

Ayon kay Mario, naisip niya na nag-uumpisa na at ang iba’y matatapos na samantalang wala pa siyang nauumpisahan.

Natakot si O’Hara na baka mainis sina Lamangan na wala pang kalahati ang natatapos niya samantalang halos kumpleto na ang kanyang mga kasamahan.

Hanggang dumating si Boy Abunda sa buhay ni O’Hara.

Si Boy ang nakumbinsi nina Laurice at Robbie na tumulong at maglagak ng pinansiya sa obra ni Mario.

Pero tapos na nga sina Lamangan samantalang wala pang nauumpisahan si O’Hara kahit may Abunda na siya.




No comments:

Post a Comment