Saturday, June 19, 2010

Kung bakit nawala sa lotto draw sa Channel 4 si Cathy de Leon-Vilar at si Tina Revilla

MATAGAL nang panahong bahagi ng lotto draw sa Nation Broadcasting Network o NBN Channel 4 sina Cathy de Leon-Vilar at Tina Revilla.

Matagal din silang sinubaybayan ng publiko lalo na at ng mahihiligin sa ala suwerte na dala ng pagtaya sa lotto sina Cathy at Tina.

Si Cathy na minahal ng mga taga-showbiz nang siya ay nagho-host pa ng “Showbiz Talk of the Town” kasama si Portia Ilagan sa Radio Philippines Network o RPN Channel 9 noong pagkatapos ng EDSA Revolution.

Si Cathy de Leon na nananatili pa ring newscaster hanggang ngayon.

Si Cathy de Leon na ang napangasawa ay ang isa sa mga taga-Lopez, Quezon na si Tony Vilar.

***

At siyempre, si Tina naman ay ang mahal ng industriya ng pelikulang Filipino na mula sa angkan ng mga artista mula sa kanyang amang si Armando Goyena hanggang sa kanyang pamangking si Bernard Palanca.

Si Tina na minahal nating lahat na nang nagho-host ng lotto ay lalo pang napamahal sa publiko.

Si Tina Revilla na ang napangasawa ay si Sergs Valencia na mula sa angkan ng mga Osmeña.

Biglang-bigla, naiba ang panonood natin nang hindi na sila ang nagpapakilala ng mga nabunot at nanalo sa lottery na ito.

Gayunman, ang pagwawagi sa lotto sa pamamagitan ng television coverage nito ang siya ang una at huling adhika at layon ng mga manonood bagamat ang mga tulad nina de Leon-Vilar at Revilla ay karagdagang sangkap sa pagpapasarap ng panonood.

***

Ayon kay Manny Huang, isa sa mga TV personality ng lotto draw kung saan isa siya sa nangangasiwa ng pagbola at saksi sa walang halong interbensyon ng anumang puwersa sa loob at labas ng bolahan, nagtipid na ang Philippine Charity Sweepstakes Office sa paggamit ng mga sikat na host ng lotto.

Maraming gastos ang PCSO at kailangang gawin ang nararapat na pagtitipid lalo na at maraming umaasa ng tulong sa ahensiyang ito kaya nga naapektuhan ang pagho-host nina Cathy at Tina.

Mahalagang malaman ito ng publiko dahil showbiz ding kaganapan ito dahil nakalagay sila sa kuwadradong iskrin ng telebisyon na itinuturing na isa sa mga sangay ng aliw at impormasyon sa lipunan.

Kahit na ngayon lang ito nasulat ay balita ito dahil hindi naiulat kung bakit nawala na ang dalawang aktres sa harap ng kamera ng lotto draw.

Taon na nga ang binilang pero wala namang opisyal na pahayag ng pagkawala ng dalawang mahuhusay na newscaster at emcee.

***

Ayon kay Manny, tagaloob na lang ng PCSO ang kinuha ng pangasiwaan ng lotto draw sa telebisyon dahil may mga karapat-dapat ding mga persona sa hanay ng mga ito.

Kasama na rito si Huang na matagal nang nanglilingkod sa lotto draw.

Marami nang napatunayan si Manny hindi lang sa pagharap sa kamera kundi sa pagtulong sa kapwa lalo na kina Conrad Poe, Noli Salvador, Efren Reyes, Jr. at napakarami pang iba.

“Napakabait niyang si Manny Huang,” pahayag ni Cesar Montano na natulungan din ni Manny sa mga serbisyong pangkalusugan ng PCSO lalo na ang mga kababayan ni Cesar sa Bohol.

***

Ngayon ay pinalitan na ng mga taga-PCSO sina Cathy at Tina.

Nagsasalit-salit na ang mga bagong hosts sa pagsasalaysay at pagpapaabot ng mga impormasyon tungkol sa lotto.

Kabilang din si Neptali Gigante sa mga nag-aasisti sa mga hosts at laging kapana-panabik ang bawat araw na may pagbobola sa lotto dahil ang bawat Filipino ay naghahangad na yumaman at umasenso kahit sa pabuwenas at ala suwerte lang na mga pamamaraan.

Star Patrol (for Saksi, June 19, 2010)

Boy Villasanta

Cathy de Leon-Vilar at Tina Revilla, hinahanap-hanap sa lotto draw sa Channel 4

MALALAKI nang pangalan sa lotto draw ng Nation Broadcasting Network o NBN Channel 4 sina Cathy de Leon-Vilar at Tina Revilla.

Dahil sila naman ay mga haligi ng industriya ng broadcast industry sa bansa.

Kung wala sila ay wala rin ang maraming nagsulputang mga hosts at emcee sa mga istasyon ng telebisyon gaya ng ABS-CBN, NBN, Associated Broadcasting Corporation o Channel 5, mas kilala ngayon sa tawag na TV5, GMA Network, Radio Philippines Network o Channel 9, ZOE TV o Channel 11, Intercontinental Broadcasting Corporation o IBC Channel 13.

Ilan lang sina Cathy at Tina sa mga higanteng pangalan sa TV kaya naman nang mawala sila sa lotto draw ng Kuwatro ay marami ang naghanap sa kanila.

***

Matagal na ring kabanata ito sa buhay ng mga nag-aabang sa lotto at sa Channel 4 pero hindi nga ito nabalita at walang kaalam-alam ang mga tao kung bakit wala na sina de Leon-Vilar at Revilla.

May karapatan ang balana na malaman kung bakit wala na sila sa programa kahit na ang mas mahalaga sa mga manonood ay ang pagbola sa mga tiket sa lotto.

Nakapagdaragdag din kasi ng saya at ibang kulay ang presensiya nina Cathy at Tina sa mga manonood at sa makulay na drama ng telebisyon lalo na kung ang lotto draw ang pagbabatayan na maraming sumusubaybay.

Wala kaming nabasa kung bakit wala na sina Cathy at Tina sa palatuntunan samantalang showbiz na showbiz din ito dahil napapanood sa TV at mga alagad ng sining din ang dalawang babaing ito.

***

Si Cathy na minahal ng mga taga-showbiz nang siya ay nagho-host pa ng “Showbiz Talk of the Town” kasama si Portia Ilagan sa Radio Philippines Network o RPN Channel 9 noong pagkatapos ng EDSA Revolution.

Si Cathy de Leon na nananatili pa ring newscaster hanggang ngayon.

Si Cathy de Leon na ang napangasawa ay ang isa sa mga taga-Lopez, Quezon na si Tony Vilar.

At siyempre, si Tina naman ay ang mahal ng industriya ng pelikulang Filipino na mula sa angkan ng mga artista mula sa kanyang amang si Armando Goyena hanggang sa kanyang pamangking si Bernard Palanca.

Si Tina na minahal nating lahat na nang nagho-host ng lotto ay lalo pang napamahal sa publiko.

Si Tina Revilla na ang napangasawa ay si Sergs Valencia na mula sa angkan ng mga Osmeña.

***

Ayon kay Manny Huang, isa sa mga TV personality ng lotto draw kung saan isa siya sa nangangasiwa ng pagbola at saksi sa walang halong interbensyon ng anumang puwersa sa loob at labas ng bolahan, nagtipid na ang Philippine Charity Sweepstakes Office sa paggamit ng mga sikat na host ng lotto.

Maraming gastos ang PCSO at kailangang gawin ang nararapat na pagtitipid lalo na at maraming umaasa ng tulong sa ahensiyang ito kaya nga naapektuhan ang pagho-host nina Cathy at Tina.

Ayon kay Manny, tagaloob na lang ng PCSO ang kinuha ng pangasiwaan ng lotto draw sa telebisyon dahil may mga karapat-dapat ding mga persona sa hanay ng mga ito.

Kasama na rito si Huang na matagal nang nanglilingkod sa lotto draw.

Marami nang napatunayan si Manny hindi lang sa pagharap sa kamera kundi sa pagtulong sa kapwa lalo na kina Conrad Poe, Noli Salvador, Efren Reyes, Jr. at napakarami pang iba.

“Napakabait niyang si Manny Huang,” pahayag ni Cesar Montano na natulungan din ni Manny sa mga serbisyong pangkalusugan ng PCSO lalo na ang mga kababayan ni Cesar sa Bohol.

***

Ngayon ay pinalitan na ng mga taga-PCSO sina Cathy at Tina.

Nagsasalit-salit na ang mga bagong hosts sa pagsasalaysay at pagpapaabot ng mga impormasyon tungkol sa lotto.

Kabilang din si Neptali Gigante sa mga nag-aasisti sa mga hosts at laging kapana-panabik ang bawat araw na may pagbobola sa lotto dahil ang bawat Filipino ay naghahangad na yumaman at umasenso kahit sa pabuwenas at ala suwerte lang na mga pamamaraan.

No comments:

Post a Comment