Tuesday, June 15, 2010

Marian Rivera at Regine Velasquez, ipinagmamalaki ang kanilang mga bf



SINO ba naman ang hindi magmamalaki kung ang kani-kanilang mga kasintahan ay magiging mga lingkod-bayan?

Kahit na sino pang nilalang ay maliligayahan pag ang kanilang mga minamahal ay napupusuan ng isang lider para mamuno sa komunidad kahit balak pa lang dahil may patunay na may ibubuga ang mga ito.

Isang halimbawa ang kaligayahan nina Marian Rivera at Regine Velasquez.

Kamakailan ay nabanggit sa mga balita na napipisil ng darating na pangulo ng bansa na si Benigno Simeon C. Aquino III na sina Dingdong Dantes at Ogie Alcasid ay pupuwesto sa mg ahensiya na pangkabataan.

Naniniwala umano si Noyoy na malaki ang magagawa nina Dingdong at Ogie para sa bayan at sa kabataan.

Kaya naman ipinagmamalaki ng mga babaing ito ang kanilang mga kasintahan.

***

Matatandaan na napakabokal ni Dantes sa pag-i-endorso kay Aquino noong eleksyon samantalang si Alcasid ay talagang ipinagmamalaki ang kanyang manok sa publiko.

Kasama pa ang dalawang bituin sa mga publisidad at mga materyal na pangkampanya para sa kapatid ni Kris Aquino.

At nasa Batasan Pambansa pa sina Ogie at Dingdong nang iproklama si Noynoy bilang panalo sa nakaraang halalan.

Kuntodo naka-Barong Tagalog pa ang dalawang aktor sa pagsalubong at pagbati sa magiging pangulo ng Pilipinas mula sa ika-1 ng Hulyo, 2010.

Hindi mapigtal sa mga puso’t kaluluwa nina Rivera at Velasquez ang pagtataas ng kanilang mga noo sa espesyal na pagtrato sa kani-kanilang katipan.

***

Pinagmimitingan na ang pagsasama sa pelikula nina Ramon “Bong” Revilla, Jr. at Vic Sotto.

Ayon sa isang production staff, talagang tuloy na tuloy na ang pagtatambal ng dalawang mabibigat na bituin sa bansa.

Ngayong nanalo muli si Bong sa eleksyon, talagang napatunayan na malakas siya sa publiko.

Ito ay palatandaan na malakas din si Bong sa kanyang mga pelikula lalo na nga at nangunguna sa takilya ang kanyang mga obra.

Gayundin si Vic na kahi na kailan ay dinudumog ang mga palabas sa kahit na saan at kahit na kailan.

“Enteng Agimat” ang pamagat ng pelikula ng malalaking bituing ito.

At ipapalabas sa 2010 Metro Manila Film Festival ang panooring ito na tiyak na mangunguna na naman sa paramihan ng manonood dahil bukod sa pambata na ito ay pang-General Patronage pa.

***

Hindi tutugot si Revilla hanggang hindi niya nakakasama si Sotto na isa ring certified box-office king.

Nagmamadali na sa paggawa ng pelikula ang Imus Productions at M-Zet Productions dahil nga talagang pag-aagawan na naman ang booking ng pelikulang ito.

Excited na kapwa sina Bong at Vic na magkatambal sa pelikula na matagal ding pinangarap ng bawat isa.

Ang pagbabalik sa pelikula ni Nora Aunor naman pag nandito na siya sa Pilipinas ay inaasahan na makakasama si Vilma Santos.

Kahit nga si Vilma ay nananabik na rin na makasama niya si Sharon Cuneta kaya naman mabubuhay nang magandang-maganda ang industriya ng pelikulang Filipino dahil pati na ang mga independent o indie film ay mangingibabaw at tatangkilikin ng masa sa kagandahan ng mga ito.

Star Patrol (for Saksi, June 15, 2010)

Boy Villasanta

Regine Velasquez at Marian Rivera, ipinagmamalaki sina Ogie Alcasid at Dingdong Dantes

KALAT na kalat na sa apat na sulok ng showbiz at ng mas malawak na lipunang ito na sina Ogie Alcasid at Dingdong Dantes ay itatagala sa mga posisyon sa pamahalaan sa pamamalakad sa mga adhika at simulain ng mga kabataan.

Kahit na ang peryodistang pampulitika na si Patricia Evangelista ay tinatalakay na ang mga balitang ito.

Kasi nga ay talagang naririnig ng mga kinauukulan mula sa mga lider na napipisil ni Benigno Simeon C. Aquino, ang nagwaging presidente ng Pilipinas sa nakaraang halalan, ang dalawang bituing ito.

Mas malamang ay sa National Youth Commission ilagay sina Ogie at Dingdong dahil naniniwala ang mga magtatalaga sa kanila na kaya nilang hawakan ang mga puwestong ito.

***

Ang higit na naliligayahan sa planong ito ay sina Marian Rivera at Regine Velasquez.

Siyempre’y mga kasintahan nila ang dlawa—si Marian ay kay Dingdong at si Regine ay kay Ogie.

Tiyak na nagsasaya na ang mga ito kahit na wala pang katiyakan ang planong ito dahil ang marinig lang ang mga papuri para sa isang minamahal ay sapat nang maging batayan ng kaligayahan at pagmamalaki.

Ganyan talaga ang diwa ng pagtanggap sa magagandang balita kaya naman ngayon pa lang ay taas-noo na ang mga babaing ito sa kanilang pagkakaroon ng katipan na karapat-dapat.

Sino ba naman ang hindi maliligayahan sa ganitong mga kamalayan sa buhay?

***

Matatandaan na napakabokal ni Dantes sa pag-i-endorso kay Aquino noong eleksyon samantalang si Alcasid ay talagang ipinagmamalaki ang kanyang manok sa publiko.

Kasama pa ang dalawang bituin sa mga publisidad at mga materyal na pangkampanya para sa kapatid ni Kris Aquino.

At nasa Batasan Pambansa pa sina Ogie at Dingdong nang iproklama si Noynoy bilang panalo sa nakaraang halalan.

Kuntodo naka-Barong Tagalog pa ang dalawang aktor sa pagsalubong at pagbati sa magiging pangulo ng Pilipinas mula sa ika-1 ng Hulyo, 2010.

Hindi mapigtal sa mga puso’t kaluluwa nina Rivera at Velasquez ang pagtataas ng kanilang mga noo sa espesyal na pagtrato sa kani-kanilang katipan.

***

Pinagmimitingan na ang pagsasama sa pelikula nina Ramon “Bong” Revilla, Jr. at Vic Sotto.

Ayon sa isang production staff, talagang tuloy na tuloy na ang pagtatambal ng dalawang mabibigat na bituin sa bansa.

Ngayong nanalo muli si Bong sa eleksyon, talagang napatunayan na malakas siya sa publiko.

Ito ay palatandaan na malakas din si Bong sa kanyang mga pelikula lalo na nga at nangunguna sa takilya ang kanyang mga obra.

Gayundin si Vic na kahi na kailan ay dinudumog ang mga palabas sa kahit na saan at kahit na kailan.

“Enteng Agimat” ang pamagat ng pelikula ng malalaking bituing ito.

At ipapalabas sa 2010 Metro Manila Film Festival ang panooring ito na tiyak na mangunguna na naman sa paramihan ng manonood dahil bukod sa pambata na ito ay pang-General Patronage pa.

***

Hindi tutugot si Revilla hanggang hindi niya nakakasama si Sotto na isa ring certified box-office king.

Nagmamadali na sa paggawa ng pelikula ang Imus Productions at M-Zet Productions dahil nga talagang pag-aagawan na naman ang booking ng pelikulang ito.

Excited na kapwa sina Bong at Vic na magkatambal sa pelikula na matagal ding pinangarap ng bawat isa.

Ang pagbabalik sa pelikula ni Nora Aunor naman pag nandito na siya sa Pilipinas ay inaasahan na makakasama si Vilma Santos.

Kahit nga si Vilma ay nananabik na rin na makasama niya si Sharon Cuneta kaya naman mabubuhay nang magandang-maganda ang industriya ng pelikulang Filipino dahil pati na ang mga independent o indie film ay mangingibabaw at tatangkilikin ng masa sa kagandahan ng mga ito.

No comments:

Post a Comment