Wednesday, September 8, 2010

Direktor Jowee Morel, tinutulan ang pagpapabayad ng booking fee sa mga pelikula halimbawa ni Mercedes Cabral sa mga sinehan

BUMUBUGA sa galit ang kontrobersyal na direktor na si Jowee Morel ng mga obrang “Moma,” “Ec2luv,” “Mona, Singapore Escort,” “When A Gay Man Loves,” “Moving Dreams,” “HiStory,” “Latak” at “Strictly Confidential” sa sistema ng booking at marketing ng mga independent o indie film ngayon sa bansa.

Ito ay ang pagsingil ng may-ari ng mga sinehan, halimbawa’y Isetann, Recto, Remar at iba pa, sa mga prodyuser kaugnay sa pagtatanghal ng mga pelikula sa mga ito.

“Bakit gano’n? Kaya nga independent filmmaking, kailangang hindi pinagsasamantalahan ng mga sinehan dahil wala namang kinikita ang mga indie producer,” pahayag ni Jowee na kasalukuyang nasa London upang mag-aral ng mga makabagong pamamaraan ng filmmaking upang ilapat sa paggawa ng pelikula sa Pilipinas.

***

Halimbawa, may pelikula si Mercedes Cabral o si Chanel Latorre o si Marc Jacob o si Ana Capri o si Paolo Paraiso o si Julio Diaz o si Maria Isabel Lopez at iba pang bituin na hindi gawa ng malalaking studio tulad ng Star Cinema, Regal Entertainment, Viva Films, Imus Productions at iba pa, kailangang magbayad ang mga produser sa mga sinehan na madalas naman ay porsyentuhan lang.

Ito ang tinututulan ni Morel. “Dapat, percentage lang talaga. Kasi, wala nang matitira sa prodyuser na nagkapital kahit na maliit sa kanyang produksyon.

“Kaya kailangang magkaisa ang mga indie film producer na huwag magbayad sa mga sinehan. Sobra nang pahirap ‘yan sa mga indie producer. Hindi na ‘yan makakatulong sa ating paglago ng ekonomiya.

“Kaya nga hindi lumalago an gating industriya ay nang dahil sa ganyan. Wala namang nagrereklamo. Dapat ay talakayin na ‘yan sa Independent Filmmakers Cooprative. Kasi, wala na ngang kinikita ang mga indie filmmakers dahil gusto lang nilang makagawa ng kanilang gusto, tapos, papatayin pa?” tanong ni Jowee.

Sa mga sinehan ng Robinsons ay hindi naniningil ang mga may-ari kundi poryento lang.

***

Samantala, napili si Maria Isabel na isa sa mga direktor ng Sub-committee on Visual Arts ng National Commission for Culture and the Arts.

Talaga namang aktibo sa pagpapalago ng sining ng pagpinta at iba pang biswal na sining si Lopez kaya naman karapat-dapat na siya ay ilagay sa posisyong ito.

Kahit na sinong presidente pa ng Pilipinas ang maupo sa Malacanang, ang tulad ni Maribel ay mahalagang tauhan ng sining at kultura ng bansa.

Kababalik lang nga ni Lopez mula sa United States at pagkabalik-balik niya ay nakatutok agad siya sa NCCA.

***

Tinarayan naman ni Gloria Diaz si Cutie del Mar?

Sino si Cuie del Mar?

Si Cutie del Mar ay isang kongresista at isang TV hostess sa Nation Broadcasting Network o NBN Channel 4.

Kasi nga ay nagsabi umano si del Mar na manghingi dapat ng sorry ang mga taga-Cebu kay Gloria nang dahil sa mga sinabi ng 1969 Miss Universe sa mga Cebuano kaugnay sa pag-i-Ingles.

Pero itinanggi na nga ni Diaz na may masasama siyang sinabi kontra mga Cebuano.

“Dapat, bago siya magsalita ng anuman, alamin niya ang puno’t dulo ng istorya. Kasi, wala naman siyang alam kung bakit gano’n ang interpretasyon ng mga Cebuano sa akin, e. Pero inuulit ko, wala akong sinabing masasama sa kanila,” sabi ni Ms. Diaz.

“She should do her homework,” paghahamon ng aktres sa pulitiko.

Tuesday, September 7, 2010

JC de Vera, Rayver Cruz at Jason Abalos, nagkakapalit-palit ang mukha

SA biglang tingin, lalo na sa larawan, magkamukha sina Jason Abalos at JC de Vera.

Si Jason na nakakontrata sa ABS-CBN samantalang si JC na nakatali sa Associated Broadcasting Corporation o ABC TV5.

“Marami nga po ang nagsasabi na magkamukha kami,” pahayag ni Jason kamakailan sa pagdiriwang ng Poulex Departmen Store sa Cabanatuan City sa Nueva Ecija kamakailan kung saan siya kumanta at sumayaw.

Kahit hindi malapit sa isa’t isa, itinuturing ni Abalos na kasamahan sa trabaho si JC kaya iginagalang niya.

Kaya naman sinasabing magkawangis sina de Vera ar Jason ay dahil sa tabas ng kanilang mukha.

Natatawa lang si Jason pag itinatanong kung sino ang mas guwapo sa kanila ni JC.

“Baka mas guwapo naman po si JC,” natatawang paglalahad ni Abalos ng kanyang isip at damdamin.

***

Kasi nga ay pareho ang hilatsa ng noo at unahang bahagi ng itaas ng mukha nina de Vera at Abalos kaya marami ang nagkakamaling magkapatid o iisa lang sila.

Pero siyempre’y magkaiba talaga ang talaga sa maraming bagay dahil una na nga’y ang bawat tao ay unique o hindi pare-pareho bagamat sa ibang bagay ay halos magkakatulad lalo na sa paghahangad ng kabutihan kabilang ang pagkakaroon ng pera subalit ang paraan ng pagkakamit nito ang iba’t iba at masalimuot.

Gayunman, hindi matatawaran ang kahusayan ng pagiging aktor ng dalawang bagets na bituin.

Para kay Jason, ang publiko na lang ang maghuhusga sa anumang pagkakaiba o pagkakapareho nilang dalawa ni JC.

***

Samantala, ang isa pang napapagkamalang si Jason ay si Rayver Cruz o si Rayver Crus ay napapagkamalang si Jason Abalos.

“Naku, nakakatawa nga po. Ang dami-daming nagsasabi na kami naman ni Rayver ay magkamukha rin,” paliwanag ni Abalos.

Parehong taga-Star Magic siba Jason at Cruz kaya naman magandang pagmasdan ang dalawa at sipatin ang pagkakapareho at pagkakaiba nila.

“May isang araw nga po na nakakita ako ng picture sa dingding ng isang establishment. Nakadikit po ‘yong picture. Sabi ko, ‘aba, si Rayver Cruz ‘to, a.’ Pero parang namalikmata ako. Tiningnan ko uli, ‘aba, ako pala,’ sabi ko sa sarili ko,” pahayag ni Jason.

Magkaibigan din sina Cruz at Abalos dahil nga sa kanilang pagsasama sa showbiz at sa ABS-CBN pero mas malapit si Jason kay Matt Evans na isa ring taga-Star Magic.

Ayon kay Jason, palakaibigan siya pero mas madalas ay mag-isa siya at nagugustuhan naman niya ang paglakad nang solo.

***

Mabuti at hindi sila nagkakamali na manligaw sa iisang babae at magkakamali ang babae na makita na iba’t iba pala ang nanliligaw sa kanya pero parang iisa ang hitsura.

“Naku, nakakatawa naman po ‘yon,” sabi ni Jason na namumula ang mga pisngi sa hiya sa tanong at pagkakataon.

“Sana, bright na lang ‘yong babae para mahalata na hindi kami iisa. At siympre, hindi naman talaga kami iisa nag mukha. Magkakaiba kami, di po ba?” tanong ni Jason na malapit nang mapanood sa “Aleena” ng Channel 2 pagkatapos magtapos ng “Agua Bendita.”

Si Shaina Magdayao ang kapareha ni Abalos sa seryeng ito.

Hindi nga ba’t si Rayver ay nakaladkad ang pangalan kay Shaina bilang naniningalang-pugad?

Star Patrol (for Saksi, September 7, 2010)

Boy Villasanta

Si Shaina Magdayao sa buhay nina Jason Abalos at Rayver Cruz

Monday, September 6, 2010

Angelica Jones, inasawa ng isang Sultan sa Sulu?

BUKOD sa pagiging adopted daughter at inampon ng Sultan ng Sulu, ano pa ang papel ni Angelica Jones sa mga katutubong ito ng Pilipinas?

Gaano tinatanggap ni Angelica ang pagiging adopted Muslim ni Sultan Esmail Kiram II ng Sulu?

“Napakasarap po ng pakiramdam na maraming nagtitiwala sa akin kabilang na nga po si Sultan Esmail Kiram II. Hindi ko nga po akalain na aampunin niya ako.

“Kasi, si Tito Leo Caparas, ‘yong mining engineer po na nagtatrabaho rin sa Sulu, ipinakilala sa amin ni Mommy si Sultan Kiram, kasi, marami raw pong gustong gawin si Sultan Kiram kaya nakikipag-cooperate naman po kami sa kanya dahil ang bait-bait niya sa amin.

“Ngayon nga po, ipinagawa ko na ‘yong Muslim attire na isusuot ko sa second meeting namin ni Sultan Kiram,” pagbabalita ni Jones.

***

Gayunman, nang dahil dito ay kumalat ang balitang ikinasal na si Angelica kay Sultan Esmail Kiram II dahil puwedeng mag-asawa ang isang Muslim ng kahit na ilan bastat kaya lang niyang suportahan ang mga ito.

Natutuwa rin si Angie na nakilala niya si Sultan Kiram at malambing ito sa kanya.

Kaya nabigyan ng ibang kulay ang pagkakalapit sa kanila.

Kahit si Kiram ay iti-next ng isa niyang kapatid na lalaki at nagtatanong kung ikinasal na sila ni Angelica.

“Nandito pa sa cellphone ko ‘yong message ng kapatid ko na nangangantiyaw sa akin na asawa ko na si Angelica. Sabi ko naman sa kanya, napakabait na bata lang ni Angelica kaya close kami,” pagtatapat ni Ginoong Kiram.

***

Natawa lang nga si Angelica sa paratang na ito sa kanya.

“Grabe naman ang balita. Talagang binigyan nila ng kahulugan ang pagiging close namin ni Tito Esmail.

“Malambing lang talaga ako pero parang tatay ko si Tito Esmail dahil nga sa kanyang kabaitan at kabutihan. Tamang-tama nga na siya ay isang peace negotiater.

“Marami nang natulungan si Tito Esmail na mga foreigner na mailigtas sa kamay ng mga kidnapper at naka-document ‘yan sa mga government records.

“Hindi matatawaran ang tapang ni Tito Esmail kaya hangang-hanga ako sa kanya. Mabuti naman at inampon niya ako,” sabi ni Angie.

***

Samantala, pinayuhan ni Gloria Diaz ang kongresista at TV host na si Cutie del Mara na bago ito magpahayag ng kanyang mga saloobin o opinyon ay magtanung-tanong muna at alamin ang ugat ng lahat ng nangyayari.

Nasa gitna kasi ng kontrobersya si Gloria mula nang magpahayag siya kay Mario V. Dumaual ng “Star News” ng “TV Patrol” ng ABS-CBN ng kanyang mga ideya at nararamdaman na dapat ang isang kalahok sa isang beauty contest ay gumamit ng isang lengguwahe na siya ay komportable o kung kailangang may interpreter ay kumuha siya ng interpreter.

Ayon kay Diaz, nang pagputul-putulin at pagdugtung-dugtungin ang kanyang mga sinabi sa harap ng kamera ay naiba na ang ibig sabihin.

“Pero wala akong sinisisi sa ganitong mga sandali,” pahayag ni Gloria na naisalin na namin sa Filipino.

***

Nakarating kay Cutie na isang congresswoman ng Cebu na may sinabi umanong gano’n si Diaz sa harap ng TV camera.

Nakarating din kay del Mar na pinaratangang persona non grata at hindi makakaapak sa Cebu ang Miss Unverse 1969.

Sinabi umano ni Cutie na kailangang magbigay ng paumanhin at mag-sorry si Gloria sa mga Cebuano dahil parang ang lumalabas ay sinabi ng beauty queen na hindi marunong mag-Ingles at bobo ang mga Cebuano, isang bagay na madiing pinasisinungalingan ng aktres.

“Dapat sa kanya ay magtanung-tanong muna at mag-verify ng kanyang facts bago siya magsalita. She should ask first the puno’t dulo ng lahat ng ito,” payo pa ni Diaz.

Star Patrol (for Saksi, September 6, 2010)

Boy Villasanta

Pinakasalan na nga ba ng isang Muslim si Angelica Jones?

Sunday, September 5, 2010

Gloria Diaz, nagdi-demand ng apology mula sa mga Cebuano

KUNG hindi man inis o imbiyerna, nanghihingi o nagdi-demand si Gloria Diaz ng paumanhin mula sa mga taga-Cebu na anya ay hindi nakaunawa sa kanyang mga pahayag sa telebisyon batay sa interbyu sa kanya ng peryodistang pampelikulang si Mario V. Dumaual ng “Star News” ng “TV Patrol” ng ABS-CBN kamakailan.

Ito ay dahil sa paksa ng pagsagot ni Maria Venus Raj sa nakaraang 2010 Miss Universe na ginanap sa Mandalay Bay sa Las Vegas kamakailan.

Usap-usapan pa rin ang pagtugon ni Maria Venus sa tanong ng Hollywood actor na si William Baldwin kung ano ang kamalian na nagawa ng kalahok na mula sa Pilipinas at kung paano niya ito binago.

Sumagot si Venus ng humigit-kumulang ay ganitong pangungusap: “Thank you, Sir for the question. In my twenty two years in existence, I have not done a major, major problem in my life…”

Nagwagi naman si Raj ng 4th runner-up sa timpalak.

Pero mula noon ay kinantiyawan at pinaglaruan na siya ng media at ng iba pang tao sa lipunang ito.

Na kesyo mali-mali ang balilara ng beauty queen at sana ay mananalo pa ito kung tama ang pagsagot.

***

Naisipan ni Mario na tanungin si Gloria, Miss Universe noong 1969 at dumaan din sa proseso ng Question and Answer portion ng paligsahan.

Kung ano ani Dumaual ang masasabi ni Diaz sa pagsagot ni Venus.

Ayon kay Diaz, sinagot lang niya ang tanong ni Mario sa abot ng kanyang naiisip at opinion.

“Para sa akin, ang isang contestant ay may karapatan na sumagot sa kahit anong wika na kanyang maisipan na maipapaliwanag ang kanyang sagot sa tanong.

“A contestant should answer question in the most comfortable language she has to convey her answer. Kung gusto niya ng English, do ahead ang speak English. Kung Filipino naman, sige, speak the language. Kung gusto niya ng Bicolano, sige, mag-Bicolano siya, walang problema. Kung gusto ng Filipino na mag-Cebuano sige, mag-Cebuano siya,” paliwanag ni Diaz na ang karamihan sa mga salita ay isinalin na ng kolumnistang ito sa Filipino.

Lumabas sa sinasabi ni Gloria sa harap ng kamera ayon sa pagkakaintindi sa kanya ng mga manonood ay pinararatangan niyang bobo at hindi marunong mag-Ingles ang mga Cebuano.

Sinabi pa nga niyang kung kailangan ang interpreter, sige, kailangang mag-interpreter ang isang contestant.

***

Nang dahil dito, nag-react ang mga Cebuano.

Ayon kay Gloria, hindi naman niya napanood ang interview sa kanya pero ipinarating sa kanya ng kanyang mga anak na may mga mensahe sa Facebook na siya ay tinitira.

Meron ding ipinarating sa kanyang siya ay idineklara nang persona non grata ng pamahalaan ng Lalawigan ng Cebu at siya ay hindi makakaapak sa probinsiyang ito.

Ikinagulat ito ni Ms. Diaz at sinabing wala naman siya talagang sinabing masama laban sa mga Cebuano kaya hindi niya maintindihan ang mga reklamo ng mga ito.

“My interview was taken out of context. Pinagdugtung-dugtong ang mga soundbites ko na iba na ang dating. Pero hindi ko sinisisi ang istasyon dahil wala silang kasalanan.

“Ang may kasalanan ay ang mga taong nag-iisip nang masama laban sa sinabi ko,” pagdidiin ni Gloria.

***

Inamin niyang ang kanyang kasintahan sa loob ng labing-apat na taon, si Mike de Jesus na pamangkin ng mga OsmeƱa ng Cebu ay nagtataka rin kung bakit nabigyan ng masamang kahulugan ang panayam ni Dumaual kay Diaz.

“My God! Why should I say such things against Cebuanos when my boyfriend is Visayan. I love the Philippines. I love its people kaya bakit ko naman sila sisiraan?

“May gustong magpabagsak sa akin at ito ang gusto kong malaman. Dapat ay malaman nila ang puno’t dulo ng pangyayaring ito at huwag silang basta na lang magbibigay sa akin ng tawag na persona non grata.

“Kasi, di ba, ang persona non grata, inia-apply lang sa mga kidnapper, killer, criminal. My God! have I done anything criminally liable samantalang wala naman akong kasalanan d’yan,” paglilinaw ni Gloria.

Idiniin ni Diaz na hindi siya muling aapak sa lupain ng Cebu hanggang hindi humihingi sa kanya ng paumanhin ang mga Cebuano.

Star Patrol (for Saksi, September 5, 2010)

Boy Villasanta

Gloria Diaz, kinukuwestyon ang akusasyon sa kanya ng mga Cebuano na persona non grata

KUNG hindi man inis o imbiyerna, nanghihingi o nagdi-demand si Gloria Diaz ng paumanhin mula sa mga taga-Cebu na anya ay hindi nakaunawa sa kanyang mga pahayag sa telebisyon batay sa interbyu sa kanya ng peryodistang pampelikulang si Mario V. Dumaual ng “Star News” ng “TV Patrol” ng ABS-CBN kamakailan.

Ito ay dahil sa paksa ng pagsagot ni Maria Venus Raj sa nakaraang 2010 Miss Universe na ginanap sa Mandalay Bay sa Las Vegas kamakailan.

Usap-usapan pa rin ang pagtugon ni Maria Venus sa tanong ng Hollywood actor na si William Baldwin kung ano ang kamalian na nagawa ng kalahok na mula sa Pilipinas at kung paano niya ito binago.

Sumagot si Venus ng humigit-kumulang ay ganitong pangungusap: “Thank you, Sir for the question. In my twenty two years in existence, I have not done a major, major problem in my life…”

Nagwagi naman si Raj ng 4th runner-up sa timpalak.

Pero mula noon ay kinantiyawan at pinaglaruan na siya ng media at ng iba pang tao sa lipunang ito.

Na kesyo mali-mali ang balilara ng beauty queen at sana ay mananalo pa ito kung tama ang pagsagot.

***

Naisipan ni Mario na tanungin si Gloria, Miss Universe noong 1969 at dumaan din sa proseso ng Question and Answer portion ng paligsahan.

Kung ano ani Dumaual ang masasabi ni Diaz sa pagsagot ni Venus.

Ayon kay Diaz, sinagot lang niya ang tanong ni Mario sa abot ng kanyang naiisip at opinion.

“Para sa akin, ang isang contestant ay may karapatan na sumagot sa kahit anong wika na kanyang maisipan na maipapaliwanag ang kanyang sagot sa tanong.

“A contestant should answer question in the most comfortable language she has to convey her answer. Kung gusto niya ng English, do ahead ang speak English. Kung Filipino naman, sige, speak the language. Kung gusto niya ng Bicolano, sige, mag-Bicolano siya, walang problema. Kung gusto ng Filipino na mag-Cebuano sige, mag-Cebuano siya,” paliwanag ni Diaz.

Lumabas sa sinasabi ni Gloria sa harap ng kamera ayon sa pagkakaintindi sa kanya ng mga manonood ay pinararatangan niyang bobo at hindi marunong mag-Ingles ang mga Cebuano.

Sinabi pa nga niyang kung kailangan ang interpreter, sige, kailangang mag-interpreter ang isang contestant.

***

Nang dahil dito, nag-react ang mga Cebuano.

Ayon kay Gloria, hindi naman niya napanood ang interview sa kanya pero ipinarating sa kanya ng kanyang mga anak na may mga mensahe sa Facebook na siya ay tinitira.

Meron ding ipinarating sa kanyang siya ay idineklara nang persona non grata ng pamahalaan ng Lalawigan ng Cebu at siya ay hindi makakaapak sa probinsiyang ito.

Ikinagulat ito ni Ms. Diaz at sinabing wala naman siya talagang sinabing masama laban sa mga Cebuano kaya hindi niya maintindihan ang mga reklamo ng mga ito.

“My interview was taken out of context. Pinagdugtung-dugtong ang mga soundbites ko na iba na ang dating. Pero hindi ko sinisisi ang istasyon dahil wala silang kasalanan.

“Ang may kasalanan ay ang mga taong nag-iisip nang masama laban sa sinabi ko,” pagdidiin ni Gloria.

***

Inamin niyang ang kanyang kasintahan sa loob ng labing-apat na taon, si Mike de Jesus na pamangkin ng mga OsmeƱa ng Cebu ay nagtataka rin kung bakit nabigyan ng masamang kahulugan ang panayam ni Dumaual kay Diaz.

“My God! Why should I say such things against Cebuanos when my boyfriend is Visayan? I love the Philippines. I love its people kaya bakit ko naman sila sisiraan?

“May gustong magpabagsak sa akin at ito ang gusto kong malaman. Dapat ay malaman nila ang puno’t dulo ng pangyayaring ito at huwag silang basta na lang magbibigay sa akin ng tawag na persona non grata.

“Kasi, di ba, ang persona non grata, inia-apply lang sa mga kidnapper, killer, criminal. My God! have I done anything criminally liable samantalang wala naman akong kasalanan d’yan,” paglilinaw ni Gloria.

Idiniin ni Diaz na hindi siya muling aapak sa lupain ng Cebu hanggang hindi humihingi sa kanya ng paumanhin ang mga Cebuano.

Thursday, September 2, 2010

Jason Abalos, nalulungkot sa pagtatapos ng “Agua Bendita” nila ni Andi Eigenmann

HINDI maalis sa sistema ni Jason Abalos ang malungkot sa pagtatapos sa himpapawid ng soap operang “Agua Bendita” ng ABS-CBN kung saan isa siya sa natatangi at malalaking bituing nagbigay-buhay sa isa sa mahahalagang tauhan ng kuwento.

Ayon kay Jason, parang isang pamilya na ang kanyang paglalagi sa “Agua Bendita.”

Parang bahay na niya anya ang shooting nito kung saan ang bawat isa ay may kakayahang magbigay ng pagmamahal sa kapwa bilang mga kasamahan sa trabaho.

“Kaya mami-miss ko silang lahat. Parang laro lang naman kami sa ‘Agua Bendita,’ e. Laro na seryoso. Talagang okey lahat kami ro’n,” wika ni Abalos sa pagdiriwang ng ika-12 taon ng Poulex sa Cabanatuan City noong Linggo.

***

Sinabi ni Abalos na naging mahalagang pitak na sa kanyang puso ang pakikitalamitam sa mga kasama sa dula sa telebisyon.

“Close po kaming lahat sa set kaya mami-miss ko ‘yon. Sana nga ay magkasama-sama pa kaming lahat,” pahayag ng simpatikong bituin na taga-Pantabangan, Nueva Ecija.

Kahit nga si Pilar Pilapil ay hangang-hanga kay Jason at gayon din ang binata sa ina ni Pia Pilapil.

“Si Ms. Pilar Pilapil, naku, ang dami kong natututunan sa kanya pag nagsasalita siya. Marami na kasi siyang karanasan kaya naman gano’n siya kalawak kung magsalita. I really admire her,” paghanga ni Abalos.

Maging ang beteranang aktres ay nagbibigay rin ng papuri kay Jason.

“He’s a very nice guy. Maganda ang kanyang mga ipinapakitang katangian sa showbiz kaya I’m sure, magtatagal ang batang ‘yan. Aside from his looks he’s got talent,” wika ni Pilar na nalulungkot din sa pagwawakas ng kanilang drama sa telebisyon.

***

Kasama ni Jason sa Cabanatuan City si Ria Garcia, ang katambal niya sa image modeling ng Cotton Club.

Matagal-tagal na ring magkasama sa produktong ito sina Jason at Ria kaya nang magtanghal sila sa Poulex ay hiyawan at tilian ang mga fans.

Tiyak na hindi talaga mapupuknat ang mga tagahanga sa pagsubaybay sa mga kuwento ng buhay nina Jason at Ria dahil mga kakontemporaryo nila ang mga tagatangkilik na ito.

Kumanta si Ria ng “Fearless” at “White Horse,” mga awiting pinasikat ng kontrobersyal at magandang singer na banyaga na si Taylor Swift.

Si Jason naman ay bumanat ng mga kanta ng Cueshe at Hale na talagang pinalakpakan at hinangaan ng kapwa niya mga bagets.

***

Pagkatapos ng show ay dumiretso si Jason sa kanilang bayan sa Pantabangan na humigit-kumulang sa isang oras ang paglalakbay kung ang may dala kang sasakyan pero lalagpas ng isa’t kalahating oras kung sasakay ka sa mga pampublikong behikulo.

Binabakas nga ni Abalos habang siya ay nasa loob ng Congo Grill sa Poulex ang kanyang mga karanasan sa Cabanatuan City.

“Dito po ako madalas sa Poulex dahil malapit lang sa eskuwelahan namin ito. About two blocks away lang kaya madalas kaming tumambay rito ng mga barkada ko.

“Tapos, sumasali na po ako sa mga modeling search kasi mas gusto ko pong magmodel kaysa mag-artista pero dahil nandito na rin lang itong pag-aartista, okey na rin po,” wika ni Jason na ang guwapu-guwapo at ang macho-macho.

Nag-aral naman si Jason sa Nueva Ecija University of Science and Technology kung saan siya kumuha ng civil engineering.

Civil engineer kasi ang ama ni Abalos kaya lang ay isang Overseas Filipino Worker sa South Africa.

Ang nasa Pantabangan lang ay ang ina ni Jason at isang kapatid na babae na may asawa na.

Kaya nga sa daan pa lang patungong Nueva Ecija ay namimili na ng mga pasalubong ang batang aktor para ibigay sa kanyang mga mahal sa buhay.

Nagkataong National Heroes Day pa kinabukasan nang dumating ang bituin sa kanyang bayang sinilangan at nilakhan.

Star Patrol (for Saksi, September 2, 2010)

Boy Villasanta

Jason Abalos at Pilar Pilapil, hindi maipinta ang kalungkutan sa pagwawakas ng “Agua Bendita”

Naghahalo ang balat sa tinalupan kina Mr. M at Claudine Barretto

ni Boy Villasanta

ABA, parang isyu kay Regine Velasquez ang ibinato umano ni Angelica Panganiban laban kay Claudine Barretto.

Aba at ang sabi ng patnugot ng mga pahinang pang-aliwan ng diyaryong ito na si Art Tapalla ay sinabi ni Angelica na ampon si Claudine.

Aba’y parang naganap noong mga unang taon ng 1990s nang sabihin at ipagladlaran ng namayapa nang si Ginang Remy Zacarias na anak niya si Regine.

Aba’y talagang naghahalo ang balat sa tinalupan sa panig nina Panganiban at Barretto.

Aba’y nakaladkad na ang pangalan ni Johnny Manahan o mas kilala sa tawag na Mr. M sa kontrobersyang ito.

Kasi nga ay ipinagtatanggol umano ni Johnny si Angelica na isa sa kanyang mga artista sa Star Magic.

At parang anak na ni Manahan si Panganiban kaya ang kanyang simpatya ay nasa batang aktres.

Samantala, galing mula sa pangangalaga ni Mr. M. si Claudine dahil mula rin sa ABS-CBN ang aktres na ito na ngayon ay nasa GMA Network na.

Marami na ring pinagsamahan sina Barretto at Manahan pero marami ring mga rikotitos sa buhay-buhay sa showbiz sa pamamagitan ng kanilang mga nagawa noon.

Nagbabalik ba ang tunggalian nina Claudine at Johnny noong mga nakaraang panahon?

Kung talagang hindi totoo na ampon si Barretto ay bakit naman niya papatulan pa si Angelica?

Ang makapagsasabi ng totoo ay si Inday Barretto, ang ina nina Gretchen, Marjorie at Claudine Barretto dahil siya ang kumpletong may kaalaman sa isyung ito.

Masyado nang humahalukay sa mga personal na tunggalian ng buhay sina Barretto at Panganiban.

Kaya nga ito ang batayan ng usaping ito upang lalo pang maunawaan ng publiko ang nagaganap sa showbiz.