KUNG hindi man inis o imbiyerna, nanghihingi o nagdi-demand si Gloria Diaz ng paumanhin mula sa mga taga-Cebu na anya ay hindi nakaunawa sa kanyang mga pahayag sa telebisyon batay sa interbyu sa kanya ng peryodistang pampelikulang si Mario V. Dumaual ng “Star News” ng “TV Patrol” ng ABS-CBN kamakailan.
Ito ay dahil sa paksa ng pagsagot ni Maria Venus Raj sa nakaraang 2010 Miss Universe na ginanap sa Mandalay Bay sa Las Vegas kamakailan.
Usap-usapan pa rin ang pagtugon ni Maria Venus sa tanong ng Hollywood actor na si William Baldwin kung ano ang kamalian na nagawa ng kalahok na mula sa Pilipinas at kung paano niya ito binago.
Sumagot si Venus ng humigit-kumulang ay ganitong pangungusap: “Thank you, Sir for the question. In my twenty two years in existence, I have not done a major, major problem in my life…”
Nagwagi naman si Raj ng 4th runner-up sa timpalak.
Pero mula noon ay kinantiyawan at pinaglaruan na siya ng media at ng iba pang tao sa lipunang ito.
Na kesyo mali-mali ang balilara ng beauty queen at sana ay mananalo pa ito kung tama ang pagsagot.
***
Naisipan ni Mario na tanungin si Gloria, Miss Universe noong 1969 at dumaan din sa proseso ng Question and Answer portion ng paligsahan.
Kung ano ani Dumaual ang masasabi ni Diaz sa pagsagot ni Venus.
Ayon kay Diaz, sinagot lang niya ang tanong ni Mario sa abot ng kanyang naiisip at opinion.
“Para sa akin, ang isang contestant ay may karapatan na sumagot sa kahit anong wika na kanyang maisipan na maipapaliwanag ang kanyang sagot sa tanong.
“A contestant should answer question in the most comfortable language she has to convey her answer. Kung gusto niya ng English, do ahead ang speak English. Kung Filipino naman, sige, speak the language. Kung gusto niya ng Bicolano, sige, mag-Bicolano siya, walang problema. Kung gusto ng Filipino na mag-Cebuano sige, mag-Cebuano siya,” paliwanag ni Diaz na ang karamihan sa mga salita ay isinalin na ng kolumnistang ito sa Filipino.
Lumabas sa sinasabi ni Gloria sa harap ng kamera ayon sa pagkakaintindi sa kanya ng mga manonood ay pinararatangan niyang bobo at hindi marunong mag-Ingles ang mga Cebuano.
Sinabi pa nga niyang kung kailangan ang interpreter, sige, kailangang mag-interpreter ang isang contestant.
***
Nang dahil dito, nag-react ang mga Cebuano.
Ayon kay Gloria, hindi naman niya napanood ang interview sa kanya pero ipinarating sa kanya ng kanyang mga anak na may mga mensahe sa Facebook na siya ay tinitira.
Meron ding ipinarating sa kanyang siya ay idineklara nang persona non grata ng pamahalaan ng Lalawigan ng Cebu at siya ay hindi makakaapak sa probinsiyang ito.
Ikinagulat ito ni Ms. Diaz at sinabing wala naman siya talagang sinabing masama laban sa mga Cebuano kaya hindi niya maintindihan ang mga reklamo ng mga ito.
“My interview was taken out of context. Pinagdugtung-dugtong ang mga soundbites ko na iba na ang dating. Pero hindi ko sinisisi ang istasyon dahil wala silang kasalanan.
“Ang may kasalanan ay ang mga taong nag-iisip nang masama laban sa sinabi ko,” pagdidiin ni Gloria.
***
Inamin niyang ang kanyang kasintahan sa loob ng labing-apat na taon, si Mike de Jesus na pamangkin ng mga Osmeña ng Cebu ay nagtataka rin kung bakit nabigyan ng masamang kahulugan ang panayam ni Dumaual kay Diaz.
“My God! Why should I say such things against Cebuanos when my boyfriend is Visayan. I love the Philippines. I love its people kaya bakit ko naman sila sisiraan?
“May gustong magpabagsak sa akin at ito ang gusto kong malaman. Dapat ay malaman nila ang puno’t dulo ng pangyayaring ito at huwag silang basta na lang magbibigay sa akin ng tawag na persona non grata.
“Kasi, di ba, ang persona non grata, inia-apply lang sa mga kidnapper, killer, criminal. My God! have I done anything criminally liable samantalang wala naman akong kasalanan d’yan,” paglilinaw ni Gloria.
Idiniin ni Diaz na hindi siya muling aapak sa lupain ng Cebu hanggang hindi humihingi sa kanya ng paumanhin ang mga Cebuano.
Star Patrol (for Saksi, September 5, 2010)
Boy Villasanta
Gloria Diaz, kinukuwestyon ang akusasyon sa kanya ng mga Cebuano na persona non grata
KUNG hindi man inis o imbiyerna, nanghihingi o nagdi-demand si Gloria Diaz ng paumanhin mula sa mga taga-Cebu na anya ay hindi nakaunawa sa kanyang mga pahayag sa telebisyon batay sa interbyu sa kanya ng peryodistang pampelikulang si Mario V. Dumaual ng “Star News” ng “TV Patrol” ng ABS-CBN kamakailan.
Ito ay dahil sa paksa ng pagsagot ni Maria Venus Raj sa nakaraang 2010 Miss Universe na ginanap sa Mandalay Bay sa Las Vegas kamakailan.
Usap-usapan pa rin ang pagtugon ni Maria Venus sa tanong ng Hollywood actor na si William Baldwin kung ano ang kamalian na nagawa ng kalahok na mula sa Pilipinas at kung paano niya ito binago.
Sumagot si Venus ng humigit-kumulang ay ganitong pangungusap: “Thank you, Sir for the question. In my twenty two years in existence, I have not done a major, major problem in my life…”
Nagwagi naman si Raj ng 4th runner-up sa timpalak.
Pero mula noon ay kinantiyawan at pinaglaruan na siya ng media at ng iba pang tao sa lipunang ito.
Na kesyo mali-mali ang balilara ng beauty queen at sana ay mananalo pa ito kung tama ang pagsagot.
***
Naisipan ni Mario na tanungin si Gloria, Miss Universe noong 1969 at dumaan din sa proseso ng Question and Answer portion ng paligsahan.
Kung ano ani Dumaual ang masasabi ni Diaz sa pagsagot ni Venus.
Ayon kay Diaz, sinagot lang niya ang tanong ni Mario sa abot ng kanyang naiisip at opinion.
“Para sa akin, ang isang contestant ay may karapatan na sumagot sa kahit anong wika na kanyang maisipan na maipapaliwanag ang kanyang sagot sa tanong.
“A contestant should answer question in the most comfortable language she has to convey her answer. Kung gusto niya ng English, do ahead ang speak English. Kung Filipino naman, sige, speak the language. Kung gusto niya ng Bicolano, sige, mag-Bicolano siya, walang problema. Kung gusto ng Filipino na mag-Cebuano sige, mag-Cebuano siya,” paliwanag ni Diaz.
Lumabas sa sinasabi ni Gloria sa harap ng kamera ayon sa pagkakaintindi sa kanya ng mga manonood ay pinararatangan niyang bobo at hindi marunong mag-Ingles ang mga Cebuano.
Sinabi pa nga niyang kung kailangan ang interpreter, sige, kailangang mag-interpreter ang isang contestant.
***
Nang dahil dito, nag-react ang mga Cebuano.
Ayon kay Gloria, hindi naman niya napanood ang interview sa kanya pero ipinarating sa kanya ng kanyang mga anak na may mga mensahe sa Facebook na siya ay tinitira.
Meron ding ipinarating sa kanyang siya ay idineklara nang persona non grata ng pamahalaan ng Lalawigan ng Cebu at siya ay hindi makakaapak sa probinsiyang ito.
Ikinagulat ito ni Ms. Diaz at sinabing wala naman siya talagang sinabing masama laban sa mga Cebuano kaya hindi niya maintindihan ang mga reklamo ng mga ito.
“My interview was taken out of context. Pinagdugtung-dugtong ang mga soundbites ko na iba na ang dating. Pero hindi ko sinisisi ang istasyon dahil wala silang kasalanan.
“Ang may kasalanan ay ang mga taong nag-iisip nang masama laban sa sinabi ko,” pagdidiin ni Gloria.
***
Inamin niyang ang kanyang kasintahan sa loob ng labing-apat na taon, si Mike de Jesus na pamangkin ng mga Osmeña ng Cebu ay nagtataka rin kung bakit nabigyan ng masamang kahulugan ang panayam ni Dumaual kay Diaz.
“My God! Why should I say such things against Cebuanos when my boyfriend is Visayan? I love the Philippines. I love its people kaya bakit ko naman sila sisiraan?
“May gustong magpabagsak sa akin at ito ang gusto kong malaman. Dapat ay malaman nila ang puno’t dulo ng pangyayaring ito at huwag silang basta na lang magbibigay sa akin ng tawag na persona non grata.
“Kasi, di ba, ang persona non grata, inia-apply lang sa mga kidnapper, killer, criminal. My God! have I done anything criminally liable samantalang wala naman akong kasalanan d’yan,” paglilinaw ni Gloria.
Idiniin ni Diaz na hindi siya muling aapak sa lupain ng Cebu hanggang hindi humihingi sa kanya ng paumanhin ang mga Cebuano.
No comments:
Post a Comment