Thursday, September 2, 2010

Jason Abalos, nalulungkot sa pagtatapos ng “Agua Bendita” nila ni Andi Eigenmann

HINDI maalis sa sistema ni Jason Abalos ang malungkot sa pagtatapos sa himpapawid ng soap operang “Agua Bendita” ng ABS-CBN kung saan isa siya sa natatangi at malalaking bituing nagbigay-buhay sa isa sa mahahalagang tauhan ng kuwento.

Ayon kay Jason, parang isang pamilya na ang kanyang paglalagi sa “Agua Bendita.”

Parang bahay na niya anya ang shooting nito kung saan ang bawat isa ay may kakayahang magbigay ng pagmamahal sa kapwa bilang mga kasamahan sa trabaho.

“Kaya mami-miss ko silang lahat. Parang laro lang naman kami sa ‘Agua Bendita,’ e. Laro na seryoso. Talagang okey lahat kami ro’n,” wika ni Abalos sa pagdiriwang ng ika-12 taon ng Poulex sa Cabanatuan City noong Linggo.

***

Sinabi ni Abalos na naging mahalagang pitak na sa kanyang puso ang pakikitalamitam sa mga kasama sa dula sa telebisyon.

“Close po kaming lahat sa set kaya mami-miss ko ‘yon. Sana nga ay magkasama-sama pa kaming lahat,” pahayag ng simpatikong bituin na taga-Pantabangan, Nueva Ecija.

Kahit nga si Pilar Pilapil ay hangang-hanga kay Jason at gayon din ang binata sa ina ni Pia Pilapil.

“Si Ms. Pilar Pilapil, naku, ang dami kong natututunan sa kanya pag nagsasalita siya. Marami na kasi siyang karanasan kaya naman gano’n siya kalawak kung magsalita. I really admire her,” paghanga ni Abalos.

Maging ang beteranang aktres ay nagbibigay rin ng papuri kay Jason.

“He’s a very nice guy. Maganda ang kanyang mga ipinapakitang katangian sa showbiz kaya I’m sure, magtatagal ang batang ‘yan. Aside from his looks he’s got talent,” wika ni Pilar na nalulungkot din sa pagwawakas ng kanilang drama sa telebisyon.

***

Kasama ni Jason sa Cabanatuan City si Ria Garcia, ang katambal niya sa image modeling ng Cotton Club.

Matagal-tagal na ring magkasama sa produktong ito sina Jason at Ria kaya nang magtanghal sila sa Poulex ay hiyawan at tilian ang mga fans.

Tiyak na hindi talaga mapupuknat ang mga tagahanga sa pagsubaybay sa mga kuwento ng buhay nina Jason at Ria dahil mga kakontemporaryo nila ang mga tagatangkilik na ito.

Kumanta si Ria ng “Fearless” at “White Horse,” mga awiting pinasikat ng kontrobersyal at magandang singer na banyaga na si Taylor Swift.

Si Jason naman ay bumanat ng mga kanta ng Cueshe at Hale na talagang pinalakpakan at hinangaan ng kapwa niya mga bagets.

***

Pagkatapos ng show ay dumiretso si Jason sa kanilang bayan sa Pantabangan na humigit-kumulang sa isang oras ang paglalakbay kung ang may dala kang sasakyan pero lalagpas ng isa’t kalahating oras kung sasakay ka sa mga pampublikong behikulo.

Binabakas nga ni Abalos habang siya ay nasa loob ng Congo Grill sa Poulex ang kanyang mga karanasan sa Cabanatuan City.

“Dito po ako madalas sa Poulex dahil malapit lang sa eskuwelahan namin ito. About two blocks away lang kaya madalas kaming tumambay rito ng mga barkada ko.

“Tapos, sumasali na po ako sa mga modeling search kasi mas gusto ko pong magmodel kaysa mag-artista pero dahil nandito na rin lang itong pag-aartista, okey na rin po,” wika ni Jason na ang guwapu-guwapo at ang macho-macho.

Nag-aral naman si Jason sa Nueva Ecija University of Science and Technology kung saan siya kumuha ng civil engineering.

Civil engineer kasi ang ama ni Abalos kaya lang ay isang Overseas Filipino Worker sa South Africa.

Ang nasa Pantabangan lang ay ang ina ni Jason at isang kapatid na babae na may asawa na.

Kaya nga sa daan pa lang patungong Nueva Ecija ay namimili na ng mga pasalubong ang batang aktor para ibigay sa kanyang mga mahal sa buhay.

Nagkataong National Heroes Day pa kinabukasan nang dumating ang bituin sa kanyang bayang sinilangan at nilakhan.

Star Patrol (for Saksi, September 2, 2010)

Boy Villasanta

Jason Abalos at Pilar Pilapil, hindi maipinta ang kalungkutan sa pagwawakas ng “Agua Bendita”

Naghahalo ang balat sa tinalupan kina Mr. M at Claudine Barretto

ni Boy Villasanta

ABA, parang isyu kay Regine Velasquez ang ibinato umano ni Angelica Panganiban laban kay Claudine Barretto.

Aba at ang sabi ng patnugot ng mga pahinang pang-aliwan ng diyaryong ito na si Art Tapalla ay sinabi ni Angelica na ampon si Claudine.

Aba’y parang naganap noong mga unang taon ng 1990s nang sabihin at ipagladlaran ng namayapa nang si Ginang Remy Zacarias na anak niya si Regine.

Aba’y talagang naghahalo ang balat sa tinalupan sa panig nina Panganiban at Barretto.

Aba’y nakaladkad na ang pangalan ni Johnny Manahan o mas kilala sa tawag na Mr. M sa kontrobersyang ito.

Kasi nga ay ipinagtatanggol umano ni Johnny si Angelica na isa sa kanyang mga artista sa Star Magic.

At parang anak na ni Manahan si Panganiban kaya ang kanyang simpatya ay nasa batang aktres.

Samantala, galing mula sa pangangalaga ni Mr. M. si Claudine dahil mula rin sa ABS-CBN ang aktres na ito na ngayon ay nasa GMA Network na.

Marami na ring pinagsamahan sina Barretto at Manahan pero marami ring mga rikotitos sa buhay-buhay sa showbiz sa pamamagitan ng kanilang mga nagawa noon.

Nagbabalik ba ang tunggalian nina Claudine at Johnny noong mga nakaraang panahon?

Kung talagang hindi totoo na ampon si Barretto ay bakit naman niya papatulan pa si Angelica?

Ang makapagsasabi ng totoo ay si Inday Barretto, ang ina nina Gretchen, Marjorie at Claudine Barretto dahil siya ang kumpletong may kaalaman sa isyung ito.

Masyado nang humahalukay sa mga personal na tunggalian ng buhay sina Barretto at Panganiban.

Kaya nga ito ang batayan ng usaping ito upang lalo pang maunawaan ng publiko ang nagaganap sa showbiz.

1 comment:

  1. tito boy, matagal ko na po kayo gusto tawagan pero nawala po ung number nyo sa akin....weng po ito dati nyo PA..7761020 landline ko,09182311699.sana mabasa nyo ito,wala ako iba access to contact you!.ty!

    ReplyDelete