BUKOD sa pagiging adopted daughter at inampon ng Sultan ng Sulu, ano pa ang papel ni Angelica Jones sa mga katutubong ito ng Pilipinas?
Gaano tinatanggap ni Angelica ang pagiging adopted Muslim ni Sultan Esmail Kiram II ng Sulu?
“Napakasarap po ng pakiramdam na maraming nagtitiwala sa akin kabilang na nga po si Sultan Esmail Kiram II. Hindi ko nga po akalain na aampunin niya ako.
“Kasi, si Tito Leo Caparas, ‘yong mining engineer po na nagtatrabaho rin sa Sulu, ipinakilala sa amin ni Mommy si Sultan Kiram, kasi, marami raw pong gustong gawin si Sultan Kiram kaya nakikipag-cooperate naman po kami sa kanya dahil ang bait-bait niya sa amin.
“Ngayon nga po, ipinagawa ko na ‘yong Muslim attire na isusuot ko sa second meeting namin ni Sultan Kiram,” pagbabalita ni Jones.
***
Gayunman, nang dahil dito ay kumalat ang balitang ikinasal na si Angelica kay Sultan Esmail Kiram II dahil puwedeng mag-asawa ang isang Muslim ng kahit na ilan bastat kaya lang niyang suportahan ang mga ito.
Natutuwa rin si Angie na nakilala niya si Sultan Kiram at malambing ito sa kanya.
Kaya nabigyan ng ibang kulay ang pagkakalapit sa kanila.
Kahit si Kiram ay iti-next ng isa niyang kapatid na lalaki at nagtatanong kung ikinasal na sila ni Angelica.
“Nandito pa sa cellphone ko ‘yong message ng kapatid ko na nangangantiyaw sa akin na asawa ko na si Angelica. Sabi ko naman sa kanya, napakabait na bata lang ni Angelica kaya close kami,” pagtatapat ni Ginoong Kiram.
***
Natawa lang nga si Angelica sa paratang na ito sa kanya.
“Grabe naman ang balita. Talagang binigyan nila ng kahulugan ang pagiging close namin ni Tito Esmail.
“Malambing lang talaga ako pero parang tatay ko si Tito Esmail dahil nga sa kanyang kabaitan at kabutihan. Tamang-tama nga na siya ay isang peace negotiater.
“Marami nang natulungan si Tito Esmail na mga foreigner na mailigtas sa kamay ng mga kidnapper at naka-document ‘yan sa mga government records.
“Hindi matatawaran ang tapang ni Tito Esmail kaya hangang-hanga ako sa kanya. Mabuti naman at inampon niya ako,” sabi ni Angie.
***
Samantala, pinayuhan ni Gloria Diaz ang kongresista at TV host na si Cutie del Mara na bago ito magpahayag ng kanyang mga saloobin o opinyon ay magtanung-tanong muna at alamin ang ugat ng lahat ng nangyayari.
Nasa gitna kasi ng kontrobersya si Gloria mula nang magpahayag siya kay Mario V. Dumaual ng “Star News” ng “TV Patrol” ng ABS-CBN ng kanyang mga ideya at nararamdaman na dapat ang isang kalahok sa isang beauty contest ay gumamit ng isang lengguwahe na siya ay komportable o kung kailangang may interpreter ay kumuha siya ng interpreter.
Ayon kay Diaz, nang pagputul-putulin at pagdugtung-dugtungin ang kanyang mga sinabi sa harap ng kamera ay naiba na ang ibig sabihin.
“Pero wala akong sinisisi sa ganitong mga sandali,” pahayag ni Gloria na naisalin na namin sa Filipino.
***
Nakarating kay Cutie na isang congresswoman ng Cebu na may sinabi umanong gano’n si Diaz sa harap ng TV camera.
Nakarating din kay del Mar na pinaratangang persona non grata at hindi makakaapak sa Cebu ang Miss Unverse 1969.
Sinabi umano ni Cutie na kailangang magbigay ng paumanhin at mag-sorry si Gloria sa mga Cebuano dahil parang ang lumalabas ay sinabi ng beauty queen na hindi marunong mag-Ingles at bobo ang mga Cebuano, isang bagay na madiing pinasisinungalingan ng aktres.
“Dapat sa kanya ay magtanung-tanong muna at mag-verify ng kanyang facts bago siya magsalita. She should ask first the puno’t dulo ng lahat ng ito,” payo pa ni Diaz.
Star Patrol (for Saksi, September 6, 2010)
Boy Villasanta
Pinakasalan na nga ba ng isang Muslim si Angelica Jones?

No comments:
Post a Comment