NAKAPAGPASYA na ang Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation nang opisyal na nitong piliin sina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo bilang mga Box-Office King and Queen of Philippine Movies noong isang tao at ngayong 2010 sila kokoronahan.
Talagang nakina John Lloyd at Sarah ang katibayan na sila ang mga pangunahing aktor at aktres na nagsasampa ng pera sa mga namumuhunan.
Ipinagmamalaki ng GMMSF na sina Cruz at Geronimo ang siyang mapagkakatiwalaan sa hanay ng mga bituin na kumikita sa takilya kaya naman sila ay nagsasaya.
Nagsasaya rin ang mga tagahanga ng dalawang artistang ito sa sinapit ng kanilang mga idolo.
Nagsasaya rin si Reggie Pecayo, ang tagapagtuklas ni John Lloyd dahil sa tagumpay na tinatamasa ngayon ng kanyang dating mahal na alaga pero hindi nga pumirma ng kontrata sa kanya.
***
Samantala, si John Lloyd pa rin ang napiling Best Film Actor ng GMMSF nang dahil sa kanyang walang kapantay na pagganap sa pelikulang “In My Life” ng Star Cinema.
Napili rin si Cruz ng samahan dahil sa bersatilidad nitong ipinakita sa obra ni Olivia Lamasan.
Si Vilma Santos naman ang napagdesisyunan ng grupo na hatagan ng Best Film Actress para rin sa “In My Life.”
Madalas ay si Vilma ang kinkoronahang Box-Office Queen ng GMMSF ng mga nakaraang taon pero bihira na ngang gumawa ng pelikula ang bituin at nakatutok na lang sa Lalawigan ng Batangas bilang gobernadora bagamat gusto na niyang laging umaakting sa harap ng kamera sa gitna ng kanyang mga limitasyon.
***
“Hinihintay ko na lang ang pagsasama namin ni Sharon Cuneta sa pelikula,” pahayag ni Vi.
Kaya lang ay walang pang ka-iskrip-iskrip ang proyektong ito ng Star Cinema pero hindi tutugot ang produksyon ni Malou Santos hanggang hindi nagaganap ang kanyang en grandeng pangarap.
Malaking bisyon ang pagtatambal nina Sharon at Baby Vi sa pelikula at tiyak na marami nang nag-aabang dito.
Kaya lang ay hinihnay-hina nina Cuneta at Santos ang pagtanto sa pangarap na ito nila at ng bayan.
***
Sa pagpirma ng Gobal Fusion sa mga kaagapay na kumpanyang Connell Brothers, Sabinsa Corporation at NutriLife Alliance Corporation sa pagpapalaganap ng kanilang health and wellness revolution kamakailan sa EDSA Shangrila Hotel sa may SM Megamall at Shaw Boulevard, si Manny Pacquiao sana ang nais ng PRO nito na siyang mag-endorso ng mga produkto pero hindi nga puwede si Manny dahil marami itong itinitindang mga serbisyo at produkto, si Herbert Bautista na lang ang kanilang binalingang imbitahan.
“Si Herbert kasi ay may mga ini-endorse na mga health and wellness products and services at siya mismo ay gumagamit ng mga ito,” pahayag ni Marga Deona, ang publisista ng Global Fusion na siyang atat na atat na mapapunta si Bautista sa kanilang pasinaya.
“Pero I’m sure, baka ma-late ‘yon. Kasi, alam mo naman ‘yon, maraming iniintindi dahil siya ang incoming mayor ng Quezon City but we are waiting for him,” pahayag ni Marga.
Star Patrol (for Saksi, June 3, 2010)
Boy Villasanta
John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo, kokoronahan bilang Box-Office King and Queen of Philippine Movies
NAKATAKDANG koronahan sina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo bilang Box-Office King and Queen of Philippine Movies sa isang marangal at maringal na pagdiriwang na gagawin sa lalong madaling panahon.
Napagpasyahan ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation na kina John Lloyd at Sarah ipagkaloob ang natatanging parangal dahil ang dalawa ang nagsilbing inspirasyon sa maraming prodyuser na mabigyan ng pagkakataon na makapagtambal ang dalawa sa pelikula para kumita.
Nakakadalawang pelikula pa lang sina John Lloyd at Sarah pero talaang pinuputakti na ang kanilang pagpapareha.
Kasi nga’y kahit na hindi sila magsyota sa tunay na buhay ay nasa kanila ang katuturan ng magandang pagsasamahan sa harap at likod ng kamera.
***
Milyun-milyon ang isinasampang pera nina Cruz at Geronimo sa Star Cinema kung saan nila ginawa ang kanilang mga pelikulang tumabo ng maraming kauwarta sa takilya.
Kaya naman alagang-alaga ng produksyon ang tambalang ito na nagbibigay ng kasiyahan sa mamamayan.
Hindi nagkamali ang GMMSF sa pagpili sa kanila.
Matagal nang nagbibigay ng parangal ang organisasyong ito ng mga taga-Bulacan at hindi sila pumapalya na makapagpakilala sa mga totoong box-office king at queen ng pelikulang Filipino.
Nagpapasalamat hindi lang sina John Lloyd ar Sarah sa GMMSF kundi sa kanilang milyun-milyon ding mga tagahanga na walang sawang sumusubaybay sa kanilang mga proyektong itinitinda.
***
Kung sila ang napiling hari at reyna ng takilya, si Vilma Santos naman ang pararangalan ng GMMSF bilang Best Film Actress ng pelikulang Tagalog.
Ito ay dahil sa makabuluhang pagganap ni Vilma sa pelikulang “In My Life” ng Star Cinema.
Walang mintis na si Vi ang siyang nagpaantig sa maraming puso bagamat marami ring mga independent o indie films na mahuhusay ang mga aktres.
Pero para sa GMMSF, si Santos ang may pinakamaraming fans na nanood ng pelikula.
At hindi nagkukulang sa parangal si John Lloyd dahil siya naman ang Best Film Actor ng taon.
Napabilib ni Cruz ang mga hurado sa kanyang makatotohanang pagganap bilang bading sa “In My Life” pa rin.
***
Sa pagwawaging muling ito ni Baby Vi sa pagka-Pinakamahusay na Aktres, marami ang lalong nag-aabang sa kanya na mapanood muli sa puting tabing,
Pero humihingi ng pasensiya si Santos dahil sa kanyang kaabalahan sa pamumulitika sa Lalawigan ng Batangas bilang gobernadora.
Nais man niyang gumawa araw-araw ng pelikula para sa mga sumusuporta sa kanya ay hindi puwede dahil maraming BatangueƱo ang umaasa sa kanyang pamamalakad.
“Naghihintay na lang ako ng pagsisimula namin ni Shawie ng pelikula,” pagtatapat ni Vi.
Matagal nang proyekto ng Star Cinema ang pagsasama sa isang obra nina Ate Vi at Sharon Cuneta kaya lang hanggang sa mga sandaling ito ay walang pang iskrip para sa dakilang proyektong ito.
“Pero maghihintay ako,” sabi ni Vi.
***
Sa pagpirma ng Gobal Fusion sa mga kaagapay na kumpanyang Connell Brothers, Sabinsa Corporation at NutriLife Alliance Corporation sa pagpapalaganap ng kanilang health and wellness revolution kamakailan sa EDSA Shangrila Hotel sa may SM Megamall at Shaw Boulevard, si Manny Pacquiao sana ang nais ng PRO nito na siyang mag-endorso ng mga produkto pero hindi nga puwede si Manny dahil marami itong itinitindang mga serbisyo at produkto, si Herbert Bautista na lang ang kanilang binalingang imbitahan.
“Si Herbert kasi ay may mga ini-endorse na mga health and wellness products and services at siya mismo ay gumagamit ng mga ito,” pahayag ni Marga Deona, ang publisista ng Global Fusion na siyang atat na atat na mapapunta si Bautista sa kanilang pasinaya.
“Pero I’m sure, baka ma-late ‘yon. Kasi, alam mo naman ‘yon, maraming iniintindi dahil siya ang incoming mayor ng Quezon City but we are waiting for him,” pahayag ni Marga.
No comments:
Post a Comment