Friday, June 11, 2010

Target ng mga Dumagat makasali sa “Pinoy Big Brother” ng ABS-CBN

KAHIT kailan ay panahon ng mga katutubo.

Ito ay dahil sa makukulay ang pinagmulan nila at sila ang mga kauna-unahang tumira sa ating bayan na showbiz na showbiz.

Showbiz na showbiz dahil makukulay nga, madadrama, matutunggali, madudula, malalalim, malalawak at masasalimuot ang mga rikotitos ng kanilang buhay.

Saanman daanin, ang mga katutubo ay kalangkap ng ating showbiz na showbiz ding lipunan.

Tulad nang sa Tribal Center for Development Foundation, isang tanggapan na nangangalaga, nagtataguyod, nagpipreserba at nakikipaglaban para sa mga karapatan ng mga katutubong Dumagat sa Infanta at General Nakar, Quezon at sa iba pang bayan sa lalawigang ito na may mga Dumagat.

Ang Dumagat ay isang grupo ng mga katutubo na ang madalas at kinamulatang tirahan ay pamamalisbis sa dagat o kaya’y pamamahay sa tabing-dagat kaya Dumagat ang tawag sa kanila.

Pero sa pagdaraan ng panahon, sila ay namamaybay at lumilikas din sa kabundukan.

***

Ngayong mga panahong ito na pinaliliit na ng mga iba’t ibang klase ng media ang daigdig, ang mga Dumagat ay kabahagi na rin ng iba’t ibang midyum.

Ito rin ang paniniwala ni Ramcy Astubeza, ang Executive Director ng Tribal Center for Development.

“Kailangang makihalo rin kami sa mas malawak na lipunan,” pahayag ni Ramcy.

Kaya nga ang dami-daming ginagawang proyekto ni Astubeza na may kaugnayan sa showbiz.

Una, may mga palihan sila ng pag-arte sa tanghalan at nilalahukan ito ng mga kabataang Dumagat na Filipino rin naman kahit na saan daanin.

Ikalawa, may mga kultural na presentasyon sa iba’t ibang panig ng Quezon kabilang sa Infanta at General Nakar.

Ikatlo, may mga panayam sa TV at iba pang media para sa mga Dumagat.

***

Sa pag-amin nga ni Ramcy, gusto niyang makasali ang mga Dumagat sa telebisyon na pambansa at pandaigdig.

“Sana, makasali rin kami sa ‘Pinoy Big Brother.’ Kasi, dapat lang naman na ang mga katutubo ay mabigyan din ng pagkakataon sa ganyang search.

“Bakit ang mga foreigners, nabibigyan ng pagkakataon na makasali sa ‘Pinoy Big Brother’? Pareho lang naman kaming mga tao. May market din kami. Wala na ‘yang mga discri-discrimination na ‘yan. Kailangang tapusin na ‘yan.

“Marginalized kami kaya kailangang bigyan kami ng pagkakataon na makapantay ng iba pang mga tao sa lipunan. Ipaglalaban namin ang aming mga karapatan,” sabi ni Astubeza.

***

Sa pelikula nga ay may mga Dagumat nang umaarte.

Artista na talaga sila.

Tulad ni Ikat Adornado na nakasama na sa mga pelikula nina Robin Padilla at Jestoni Alarcon.

Ngayon nga ay kasama siya sa isang lahok sa 2010 Cinemalaya Independent Film Festival ng Cultural Center of the Philippines na gaganapin sa unang linggo ng Hulyo.

Isang mahalagang papel ang ginagampanan ni Ikat sa “Mayohan” na proyekto ng batambatang direktor na si Dan Villegas.

Tampok sa “Mayohan” si Lovi Poe at Ping Medina kasama si Lui Manansala.

Malayo na talaga ang nararating ng mga Dumagat kaya palakpakan natin ang pagiging showbiz nila.

Star Patrol (for Saksi, June 11, 2010)

Boy Villasanta

“Pinoy Big Brother,” target ng mga Dumagat salihan

KUNG may magbubulong anya sa pamunuan ng ABS-CBN at partikular sa mga namamahala ng “Pinoy Big Brother” ng Channel 2, sinabi ng Dumagat na si Ramcy Astubeza, ang Executive Director ng Tribal Center for Development, gusto nilang maging bahagi ng “Pinoy Big Brother.”

“Kasi, kahit na naman ‘yong mga foreigner, isinasali nila sa ‘Pinoy Big Brother.’ Bakit kaming mga katutubo, hindi puwede? Puwede rin kami. Makakadagdag nga kami sa interest ng mga televiewers. ‘Yan ang pananaw ko kasi nakikita nila na unique kami kaya bakit hindi kami subukan?” tanong ni Ramcy.

Kaya nga hinahamon niya si Laurente Dyogi, ang direktor ng talents search at reality TV na pagtuunan ng pansin ang mga katutubo kabilang ang Dumagat.

Matagal na ani Ramcy na pinupuntirya ng kanyang grupo ang “Pinoy Big Brother.”

Kaya kung mabibigyan ng pagkakataon, sasali sila sa programa at sana ay matanggap anya sila.

***

Kahit kailan ay panahon ng mga katutubo.

Ito ay dahil sa makukulay ang pinagmulan nila at sila ang mga kauna-unahang tumira sa ating bayan na showbiz na showbiz.

Showbiz na showbiz dahil makukulay nga, madadrama, matutunggali, madudula, malalalim, malalawak at masasalimuot ang mga rikotitos ng kanilang buhay.

Saanman daanin, ang mga katutubo ay kalangkap ng ating showbiz na showbiz ding lipunan.

Tulad nang sa Tribal Center for Development Foundation, isang tanggapan na nangangalaga, nagtataguyod, nagpipreserba at nakikipaglaban para sa mga karapatan ng mga katutubong Dumagat sa Infanta at General Nakar, Quezon at sa iba pang bayan sa lalawigang ito na may mga Dumagat.

Ang Dumagat ay isang grupo ng mga katutubo na ang madalas at kinamulatang tirahan ay pamamalisbis sa dagat o kaya’y pamamahay sa tabing-dagat kaya Dumagat ang tawag sa kanila.

Pero sa pagdaraan ng panahon, sila ay namamaybay at lumilikas din sa kabundukan.

***

Ngayong mga panahong ito na pinaliliit na ng mga iba’t ibang klase ng media ang daigdig, ang mga Dumagat ay kabahagi na rin ng iba’t ibang midyum.

Ito rin ang paniniwala ni Astubeza.

“Kailangang makihalo rin kami sa mas malawak na lipunan,” pahayag ni Ramcy.

Kaya nga ang dami-daming ginagawang proyekto ni Astubeza na may kaugnayan sa showbiz.

Una, may mga palihan sila ng pag-arte sa tanghalan at nilalahukan ito ng mga kabataang Dumagat na Filipino rin naman kahit na saan daanin.

Ikalawa, may mga kultural na presentasyon sa iba’t ibang panig ng Quezon kabilang sa Infanta at General Nakar.

Ikatlo, may mga panayam sa TV at iba pang media para sa mga Dumagat.

***

Sa pelikula nga ay may mga Dagumat nang umaarte.

Artista na talaga sila.

Tulad ni Ikat Adornado na nakasama na sa mga pelikula nina Robin Padilla at Jestoni Alarcon.

Ngayon nga ay kasama siya sa isang lahok sa 2010 Cinemalaya Independent Film Festival ng Cultural Center of the Philippines na gaganapin sa unang linggo ng Hulyo.

Isang mahalagang papel ang ginagampanan ni Ikat sa “Mayohan” na proyekto ng batambatang direktor na si Dan Villegas.

Tampok sa “Mayohan” si Lovi Poe at Ping Medina kasama si Lui Manansala.

Malayo na talaga ang nararating ng mga Dumagat kaya palakpakan natin ang pagiging showbiz nila.

No comments:

Post a Comment