Sunday, May 30, 2010

Aga Muhlach, tumanggi sa pulitika


ANG isa sa mga espesyal na panauhin ni Vilma Santos sa kanyang pagdiriwang ng pagkapanalong muli sa pagkagobernadora ng Lalawigan ng Batangas kamakailan sa Provincial Capitol sa Batangas City ay si Aga Muhlach.

Bagets na bagets si Aga nang pumunta sa kapitolyo kasama ang kanyang misis na si Charlene Gonzales.

Naka-shades ng may frame na kulay puti si Aga at talagang hindi namamaalam ang kanyang kabataan sa gitna ng pagkakaroon niya ng edad.

Ito ang hindi hinayaan ni Muhlach na mangyari sa kanya dahil pinangangalagaan niya ang kanyang katawan at kaluluwa.

Panay ang ehersisyo ni Aga, Ariel Muhlach sa tunay na buhay, kaya naman maganda pa rin ang kanyang katawan ngayon, seksing-seksi pa rin.

At alagang-alaga siya ni Charlene.

***

Nang ipakilala si Aga ng isa sa mga maestro ng palatuntunan, sinabi nitong ang kasunod na babati kay Vilma ay ang mayor ng Mataas na Kahoy, isang bayan sa Batangas.

Nagulat na lang ang lahat nang lumabas sa entablado si Muhlach na masayang-masaya.

Napapailing lang si Aga sa sinabi ng emcee na parang nagsasabing hindi siya papasok sa pulitika at haharapin na lang ang pulitika ng showbiz na pareho rin sa pulitika sa labas nito.

Kasama nina Aga at Charlene ang kanilang panganay na anak na si Andres, isa sa mga kambal na anak ng mga bituin.

Binati ng mag-asawa ang tagumpay ng Star for All Seasons at pati na si Andres kahit na nahihiya ay bumati na rin sa kanyang hinahangaang aktres.

***

Gaano naman katotoo na gino-groom na si Gonzales para maging bokal ng Batangas?

Ito ay dahil sa pag-aari nina Aga at Charlene ng mga ari-arian sa Batangas kaya may residensiya na sila sa bahaging ito ng bansa.

Natatawa lang naman si Gonzales sa hinahangad at inaasahan sa kanya ng mga kababayan.

Samantala, ang kumanta rin sa parangal kay Vi na si Ai Ai de las Alas ay nagsabi na pag siya ay nag-mayor ay aasahan niya ang suporta ni Santos sa kanyang karera sa pulitika.

Ini-assign naman ng emcee kay Ai Ai ang pagmi-mayor ng Calatagan, Batangas.

Mas malamang kaysa hindi ay may ari-ari rin si de las Alas sa bayang ito ng lalawigan.

***

Samantala, marami nang nakapaskel na mga tarpaulin ng pagbati at paghahain ng bagong gobyerno ng Pagsanjan, Laguna kay Maita Sanchez, ang aktres na asawa ng kasalukuyang alkalde pero magiging gobernador na ng Laguna na si ER Ejercito.

Kung saan-saang kanto na ang nakalagay ang mga patalastas na may bagong bisyon si Maita sa kanyang bayan.

Sobra ang kapalaran nina Sanchez at Ejercito sa pulitika dahil mag-asawa na sila ngayong may hawak ng kapangyarihan sa Laguna.

Star Patrol (for Saksi, May 30, 2010)

Boy Villasanta

Charlene Gonzalez at Aga Muhlach, tumanggi sa alok sa pulitika

HINDI matatawaran ang mga bisitang nakipagdiwang kay Vilma Santos sa pagkapanalo niyang muli sa pagkagobernadora ng Batangas Province.

Bukod kina Christopher de Leon na nanalong bokal sa Batangas ay nandoon din kamakailan sa rampa ng Provincial Capitol sa Batangas City si Tirso Cruz III na tumulong sa kandidatura nina Vi at Boyet.

Pareho nang maglilingkod sa lalawigan ang tambalang ito sa pelikula at telebisyon.

Ayon nga kay Vi, masyadong mga guwapo ang mga nasa kapitolyo ngayon kabilang na ang kanyang matagal nang leading man na si Christopher.

Nasa palatuntunan din si Bogie Cruz, ang anak nina Tirso at Lyn Ynchausti na nasa selebrasyon din.

***

Hindi pa nagkasya ay pumasyal at bumati rin sa panalo ni Santos si Vice Ganda na talagang hinangaan at hiniyawan ng mga BatangueƱo dahil sa kasikatan ng TV host na ito.

Gayundin, nandoon si Ai Ai de las Alas na game na game na nakipagsayaw kay Vice Governor-elect Mark Leviste.

Guwapung-guwapo si Ai Ai kay Mark.

Samantala, ang talagang naggupo ng pagdiriwang ay ang magandang tambalan nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales.

Bagets na bagets si Aga nang pumunta sa kapitolyo kasama ang kanyang misis na si Charlene Gonzales.

Naka-shades ng may frame na kulay puti si Aga at talagang hindi namamaalam ang kanyang kabataan sa gitna ng pagkakaroon niya ng edad.

Ito ang hindi hinayaan ni Muhlach na mangyari sa kanya dahil pinangangalagaan niya ang kanyang katawan at kaluluwa.

Panay ang ehersisyo ni Aga, Ariel Muhlach sa tunay na buhay, kaya naman maganda pa rin ang kanyang katawan ngayon, seksing-seksi pa rin.

At alagang-alaga siya ni Charlene.

***

Nang ipakilala si Aga ng isa sa mga maestro ng palatuntunan, sinabi nitong ang kasunod na babati kay Vilma ay ang mayor ng Mataas na Kahoy, isang bayan sa Batangas.

Nagulat na lang ang lahat nang lumabas sa entablado si Muhlach na masayang-masaya.

Napapailing lang si Aga sa sinabi ng emcee na parang nagsasabing hindi siya papasok sa pulitika at haharapin na lang ang pulitika ng showbiz na pareho rin sa pulitika sa labas nito.

Kasama nina Aga at Charlene ang kanilang panganay na anak na si Andres, isa sa mga kambal na anak ng mga bituin.

Binati ng mag-asawa ang tagumpay ng Star for All Seasons at pati na si Andres kahit na nahihiya ay bumati na rin sa kanyang hinahangaang aktres.

***

Gaano naman katotoo na gino-groom na si Gonzales para maging bokal ng Batangas?

Ito ay dahil sa pag-aari nina Aga at Charlene ng mga ari-arian sa Batangas kaya may residensiya na sila sa bahaging ito ng bansa.

Natatawa lang naman si Gonzales sa hinahangad at inaasahan sa kanya ng mga kababayan.

Samantala, ang kumanta si Ai Ai ay nagsabi na pag siya ay nag-mayor ay aasahan niya ang suporta ni Santos sa kanyang karera sa pulitika.

Ini-assign naman ng emcee kay Ai Ai ang pagmi-mayor ng Calatagan, Batangas.

Mas malamang kaysa hindi ay may ari-ari rin si de las Alas sa bayang ito ng lalawigan.

***

Samantala, marami nang nakapaskel na mga tarpaulin ng pagbati at paghahain ng bagong gobyerno ng Pagsanjan, Laguna kay Maita Sanchez, ang aktres na asawa ng kasalukuyang alkalde pero magiging gobernador na ng Laguna na si ER Ejercito.

Kung saan-saang kanto na ang nakalagay ang mga patalastas na may bagong bisyon si Maita sa kanyang bayan.

Sobra ang kapalaran nina Sanchez at Ejercito sa pulitika dahil mag-asawa na sila ngayong may hawak ng kapangyarihan sa Laguna.

No comments:

Post a Comment