Saturday, May 8, 2010

4 na Mocha Girls na ang itinitiwalag sa grupo

NOONG unang iniulat ng peryodistang pampelikula na si George Vail Kabristante, dalawang miyembro pa lang ng Mocha Girls na inalis sa grupo.

Ngayon ay apat nang kasapi ang ininitiwalag sa samahan.

Susmaria!

Ano ang nangyayari at ganito karami agad ang inaalis sa organisasyong ito?

Ayon kay George, inisyuhan ng walking papers ng talent manager nitong si Lord Byron Cristobal ang dalawang naunang miyembro dahil sa hindi pagsunod sa nakatataas na miyembro o kaya naman ay itinuturing na front liner ng grupo na si Mocha Uson.

Nagtungo kasi sa Guam ang magaganda at seksing dilag kamakailan at doon ay nagkaroon ng pagtatalo ang mga miyembro.

“Ang gusto kasi ni Mocha Uson, walang makiki-table sa mga customer pagkatapos ng show. Kasi, may mga drink back o nakiki-table ang mga performers sa mga customers para lang bas a goodwill pero mas madalas, hindi naman sa goodwill-goodwill lang nauuwi ang lahat,” pahayag ni Vail Kabristante.

***

Pero nagkaroon ng pagtatalo ang dalawang member at si Mocha Uson.

“Galit kasi si Lord Byron sa mga taong hindi sumusunod sa mas nakakataas sa kanila. Naku, you should hear Lord Byron’s side to the issue. Masyado lang kasing matitigas ang ulo ng mga Mocha members na ‘yan kaya nainis na si Byron. Hindi sila marunong makisama,” pahayag ni Kabristante.

Nagsimula ang lahat nang umano’y maulit ang mga nagaganap sa mga taga-showbiz sa Guam.

Ito ay may kaugnayan sa pakiki-table ng mga babae sa mga kustomer na lalaki sa mga bahay-aliwan doon.

Pero mukhang natatagalan na hindi muna makikipagtrabos-kuwento si Cristobal sa mga tinanggal niyang miyembro.

***

Sinabi pa ni George na inaaring lider si Mocha Uson sa hanay ng mga Mocha Girls dahil siya ang pinakamatagal at pinakasentro ng atensyon sa samahan pero hindi na nga nagawang pakisamahan ng dalawang miyembro.

“She has been the image of the group and people look up to her as very professional,” sabi ni Kabristante.

Sinabi ni George na masakit man sa loob ni Lord Byron ang pagtanggal sa dalawang kasapi, nilakasan niya ang loob. “Had these two members who were forced to resign only humbled themselves before Mocha, it would have been easier for her to defend them pero matataray pa sila kaya nag-decide na si Byron,” wika pa ni George.

“These two members who were forced to resign even issued bad press against Byron and Mocha that made the situation all the more complicated and worst, it nearly caused the total breakup of the group,” dagdag ni Vail Kabristante.

***

Samantala, apat nang miyembro ng Mocha Girls ang nawawala sa hanay nito.

Narito naman ang opisyal na pahayag ni Mocha Uson kaugnay sa isyu:

“First, sitting down anytime in the workplace with customers is against the law. We were all performing artists as stipulated in our contract, not hostesses. Even dating with customers outside the workplace is also against the law.

“If caught, anytime we can go to the slammer which happened to some actresses and members of Baywalk Bodies before us. We have heard of this before, right? Of course, one can always take chances because the police are not there all the time. But why take the risk? Yes, it is possible you can go around the law and get yourself some fortune and a rich millionaire for a husband even, but what if you get caught? You go to jail and with it goes everything, including your future,” walang preno pang pahayag ni Mocha.
“Equally competent replacements are always available. As a performing group we are an ensemble, meaning all of us are replaceable. It has no solo performer. If it looks like I am the front-liner of the group it is because I happened to be a film and TV star in my own right,” sabi pa ni Uson nang makatotohanan.

Star Patrol (for Saksi, May 8, 2010)

Boy Villasanta

Ang pagsasalaysay ni Mocha Uson ng kanyang panig sa pagtanggal sa apat na miyembro ng Mocha Girls

HINDI na nga maawat pa ang pagsikat ng Mocha Girls.

Kung kailan lang ay kumakanta at sumasayaw lang sila sa Baywalk bars and restaurants sa Roxas Boulevard nang ginawa pang isang hanay ng mga bahay-aliwan ang lugar, ngayon ay hindi na maabot ang Mocha Girls.

Parang kung kailan ay nakakasama ng Scrotum Band ang Mocha Girls sa mga pagtatanghal sa mga gabi-gabing pagpapasaya ng mga tambay at nag-uuli sa Roxas Boulevard, ngayon ay sosyal na ang mga ito.

Pero sa kabila ng kasikatan ay ang pagdaluyong ng mga alingasngas at kontrobersya tulad na lang ng nasuungan ng grupo kamakailan.

***

Nagsimula ang sitsit nang pumunta ang grupo sa Guam at magtanghal doon.

Saksi ang peryodistang pampelikula na si George Vail Kabristante sa mga makasaysayang pagganap ng Mocha Girls sa pang-araw-araw na buhay at pakikipagsapalaran sa estadong ‘yon ng Estados Unidos.

Pero hindi simple ang naganap doon.

May kaugnayan ito sa kalakaran na ang mga babaing nagtatanghal sa lugar na ‘yon ay nakiki-table at pinaiinom ng mga kustomer na lalaki ng alak o anumang likidong nakakalasing.

Tinatayang maraming lalaki ang nais magpainom sa Mocha Girls dahil nga naman napakagaganda at napakaseseksi ng mga ito kaya marami ang nararahuyo.

Pero nang magtalaga si Mocha Uson ng kanyang alituntunin bilang isa sa mga pangunahing miyembro ng grupo, nataranta ang lahat.

Para kay Mocha ay hindi puwedeng maki-table ang mga kasamahan niya sa mga lalaking kustomer ng club.

Ito ay ang pagpapainom din sa kanila na ipinagbawal din ni Uson.

***

Parang inaari na ng talent manager ng samahan na si Lord Byron Cristobal na si Uson ang lider kanyang mga alaga.

Pero bilang mga miyembro, may tendensiya ang isa na mainis at umayaw sa kapangyarihang taglay ni Uson kung isasaalang-alang ang katayuan at karapatan ng iba pang miyembro na kahanay din niya sa pagtatanghal.

Ang lumalabas ay parang siniway ng mga member ang gusto ni Lord Byron na nakapalaman sa katauhan ni Uson.

Mukhang nagkainitan sila.

Nagbanggaan ang mga Mocha Girls.

At siyempre’y nakarating kay Cristobal ang insidente kaya naman nagpasya siya na itaguyod si Uson at pagbayarin o kaya naman ay patawan ng parusa ang hindi sumunod sa kanya.

Inalis ni Lord Byron ang dalawang nakipagtarayan kay Uson.

***

Hindi sana aalisin ni Cristobal ang mga miyembrong ito kung naging mapagkumbaba lang, ayon kay George Vail.

Pero parang mga kung sino pa ani Kabristante ang iba pang members kaya napilitan na si Lord Byron na alisin ang mga ito.

“Galit kasi si Lord Byron sa mga taong hindi sumusunod sa mas nakakataas sa kanila. Naku, you should hear Lord Byron’s side to the issue. Masyado lang kasing matitigas ang ulo ng mga Mocha members na ‘yan kaya nainis na si Byron. Hindi sila marunong makisama,” pahayag ni Kabristante.

“Mocha Uson has been the image of the group and people look up to her as very professional,” sabi ni Kabristante.

Sinabi ni George na masakit man sa loob ni Lord Byron ang pagtanggal sa dalawang kasapi, nilakasan niya ang loob. “Had these two members who were forced to resign only humbled themselves before Mocha, it would have been easier for her to defend them pero matataray pa sila kaya nag-decide na si Byron,” wika pa ni George.

“These two members who were forced to resign even issued bad press against Byron and Mocha that made the situation all the more complicated and worst, it nearly caused the total breakup of the group,” dagdag ni Vail Kabristante.

***

Apat na Mocha Girls members na ang tsinutsugi ni Lord Byron.

Narito naman ang panig ni Mocha Uson sa isyu:

“First, sitting down anytime in the workplace with customers is against the law. We were all performing artists as stipulated in our contract, not hostesses. Even dating with customers outside the workplace is also against the law.

“If caught, anytime we can go to the slammer which happened to some actresses and members of Baywalk Bodies before us. We have heard of this before, right? Of course, one can always take chances because the police are not there all the time. But why take the risk? Yes, it is possible you can go around the law and get yourself some fortune and a rich millionaire for a husband even, but what if you get caught? You go to jail and with it goes everything, including your future,” walang preno pang pahayag ni Mocha.
“Equally competent replacements are always available. As a performing group we are an ensemble, meaning all of us are replaceable. It has no solo performer. If it looks like I am the front-liner of the group it is because I happened to be a film and TV star in my own right,” sabi pa ni Uson nang makatotohanan.

No comments:

Post a Comment