Monday, May 17, 2010

Pangarap Roderick Paulate, natupad at ang iba pang nananalo at natatalo sa eleksyon

PATULOY ang paghahatid namin sa inyo ng mga nananalo, panalo at natatalong kandidatong mga artista at iba pang mga taga-showbiz sa nakaraang eleksyon.

Ayon sa peryodistang pampelikula na si Chito P. Alcid, “oo naman, panalong-panalo si Cristina Gonzales sa pagkakonsehala sa Tacloban City sa Leyte.”

Dahil malakas na malakas sa siyudad na ‘yon ang mga Romualdez at si Alfred Romualdez na mister ni Cristina ay mayor pa rin ng lunsod kaya naman masasabing ang mga Romualdez at Marcos ay binigyan muli ng pagkakataon ng mga tao na manalo sa nakaraang halalan.

Tiya ni Alfred si Imelda Romualdez Marcos na nagwagi namang kongresista sa Ilocos Norte.

Nang makausap namin si Cristina, kilala rin sa tawag na Kring Kring Gonzales sa loob at labas ng showbiz, sinabi niyang prayoridad niya sa Tacloban ang kultura at sining kaya naman nagpagawa agad sila ni Alfred ng isang bonggang cultural center doon na tanghalan ng mga alagad ng sining ng lugar.

***

Natupad naman pangarap ni Roderick Paulate na makapaglingkod sa kanyang mga kababayan sa Quezon City.

Matagal ding nanirahan si Roderick sa distritong ito ng bansa at ang pulitika ay kanyang inasinta mula nang siya ay bata pa.

“Matagal ko nang gustong mag-public service kaya hindi ko pinalagpas ang chance na kunin ako na kumandidato as councilor sa Quezon City,” pahayag ni Paulate.

Sinabi ni Dick na hindi naman niya iiwan ang showbiz sakali at maging abala siya sa konseho ng Lunsod ng Quezon.

Makakasama ni Roderick sa larangang ito sina Alfred Vargas, Herbert Bautista, Precious Hipolito at marami pang mga nagmamahal sa showbiz at sa sining.

***

Panalo naman si Christopher de Leon sa pagka-bokal ng Batangas Province.

Para sa mga tagasubaybay ni Christopher, bagamat siya ay may lupa at bahay sa Batangas ay kaprobinsiya na rin ang turing nila sa aktor.

Sining at kultura rin ang pagbabalingan ni de Leon sa kanyang pangasiwaan lalo na at ang kanyang gobernadora ay kanyang laging katambal sa pelikula at telebisyon na si Vilma Santos.

Kumpleto na ang kanilang tambalan sa pulitika at lagi silang magkikita ni Vilma sa Kapitolyo ng Batangas.

Mas malamang kaysa hindi, maitoka ni Santos ang komite sa sining at kultura kay Boyet dahil gamay na gamay na nito ang pamamahala sa larangang ito na kapwa nila mahal.

***

Pag-iibayuhin din ni Lou Veloso, Jr. ang pag-unlad ng sining at kultura sa Maynila.

Ang isa sa mga ugat ng kaunlaran ay ang patuloy na pagpailanglang ng mga sining at arte sa bawat lipunan dahil naituturo nito ang mabuting daan samagandang buhay.

Sa pamamagitan ng mga tamang pelikula, telebisyon, radyo, tanghalan, musika at bidyo at iba pang sangay ng showbiz ay naituturo sa publiko angkahalagahan ng mga ito sa pag-asenso sa buhay dahil nagiging kritikal at mapagmahal ang mga tao sa kanilang kapwa lalo na at maluwag ang sensura ng isang gobyerno.

Sa tulong nina Yul Servo at Robert Ortega sampu ni Isko Moreno ay palalaguin ni Lou ang kultura at showbiz ng Maynila para sa kaunlaran.

***

Samantala, natalo sa pagkakonsehal ng San Francisco del Monte, Bulacan si Juan Carlos Castro.

Malungkot si Juan Carlos sa kanyang pagkatalo pero pinasasaya siya ng peryodistang pampelikula na si Chito P. Alcid.

Para kay JC, ang pagpapaunlad sa sining at kultura ay isang panig na dapat asikasuhin ng mga pulitiko para umunlad ng ating buhay.

Star Patrol (for Saksi, May 17, 2010)

Boy Villasanta

Pangarap ni Roderick Paulate nang siya’y musmos pa, natupad at iba pang panalo, nananalo at natatalong kandidato sa showbiz

MULA sa kanyang pagkabata ay pinangarap na ni Roderick Paulate na makapaglingkod sa kanyang kapwa.

Nang siya ay mag-aral sa University of the Philippines lalo na ay lalo pang nagsumidhi ang kapakanan at interest ni Roderick na makapag-serbisyo publiko.

Kaya naman nang alukin siya ni Annie Susano na kumandidatong konsehal sa Quezon City ay hindi na nagdalawang-isip ang bituin at tumugpa na siya sa larangan.

Sa kabutihang-palad ay nagkapuwesto sa konseho si Paulate nitong nakaraang eleksyon.

Kaya naman ang pangarap din ng kanyang namayapang ina na si Aling Paz Paulate noong isang taon ay hindi nasayang dahil ang pag-asam ng ina na makapaglingkod ang anak sa kanyang mga kababayan ay natupad na rin.

***

“Para kay Mamang ang panalo kong ito,” pahayag ni Dick sa kanyang pagwawagi sa halalan.

Kasama niya sa pagtugpa sa larangan ng pulitika sa Lunsod ng Quezon sina Alfred Vargas at Precious Hipolito samantalang si Herbert Bautista ay siyang mayor nila.

Aasikasuhin nina Alfred, Precious at Paulate ang sining at kultura ng siyudad para maging lalo pang de-primerang lugar ang Kyusi.

Kahit nang si Roderick ay nag-aaral pa ay ang asignaturang political science ang kanyang kinagigiliwan dahil sa pagsama sa masalimuot na proseso ng pulitikal na panlipunan ng kultural na ekonomiya.

***

Si Cristina Gonzales na nananalong konsehala sa Tacloban City sa Leyte ay nakapako rin sa pagpapaunlad ng kanilang lugar sa Bisaya.

Bukod sa mga pangkabuhayang layunin ay tututukan din ni Cristina, kilala rin sa tawag na Kring Kring Gonzales, ang sining at kultura ng Tacloban City.

Sa katunayan, sa kanyang unang termino bilang konsehala sa lunsod na ‘yon, ang pag-unlad ng arte sa kanilang distrito ay pinakialaman ng aktres.

Nagmula sa angkan ng pulitiko si Cristina mula nang ang kanyang amang si Jose Mari Gonzales ay nanalong kongresista sa Manadaluyong City noong panahon nina Cory Aquino, Fidel Ramos at Joseph Estrada.

Sa panig naman ng kanyang asawang si Alfred Romualdez na mayor ng Tacloban, ang mga Romualdez ni Imelda Romualdez Marcos ay nakasapid sa kanyang dugo.

***

Panalo naman si Christopher de Leon sa pagka-bokal ng Batangas Province.

Para sa mga tagasubaybay ni Christopher, bagamat siya ay may lupa at bahay sa Batangas ay kaprobinsiya na rin ang turing nila sa aktor.

Sining at kultura rin ang pagbabalingan ni de Leon sa kanyang pangasiwaan lalo na at ang kanyang gobernadora ay kanyang laging katambal sa pelikula at telebisyon na si Vilma Santos.

Kumpleto na ang kanilang tambalan sa pulitika at lagi silang magkikita ni Vilma sa Kapitolyo ng Batangas.

Mas malamang kaysa hindi, maitoka ni Santos ang komite sa sining at kultura kay Boyet dahil gamay na gamay na nito ang pamamahala sa larangang ito na kapwa nila mahal.

***

Pag-iibayuhin din ni Lou Veloso, Jr. ang pag-unlad ng sining at kultura sa Maynila.

Ang isa sa mga ugat ng kaunlaran ay ang patuloy na pagpailanglang ng mga sining at arte sa bawat lipunan dahil naituturo nito ang mabuting daan samagandang buhay.

Sa pamamagitan ng mga tamang pelikula, telebisyon, radyo, tanghalan, musika at bidyo at iba pang sangay ng showbiz ay naituturo sa publiko angkahalagahan ng mga ito sa pag-asenso sa buhay dahil nagiging kritikal at mapagmahal ang mga tao sa kanilang kapwa lalo na at maluwag ang sensura ng isang gobyerno.

Sa tulong nina Yul Servo at Robert Ortega sampu ni Isko Moreno ay palalaguin ni Lou ang kultura at showbiz ng Maynila para sa kaunlaran.

***

Samantala, natalo sa pagkakonsehal ng San Francisco del Monte, Bulacan si Juan Carlos Castro.

Malungkot si Juan Carlos sa kanyang pagkatalo pero pinasasaya siya ng peryodistang pampelikula na si Chito P. Alcid.

Para kay JC, ang pagpapaunlad sa sining at kultura ay isang panig na dapat asikasuhin ng mga pulitiko para umunlad ng ating buhay.

No comments:

Post a Comment