SA katatapos na eleksyong pambansa kamakalawa, may nahulaan agad ang itinuturing na psychic ng showbiz at ng bayan na si Madam Suzette Arandela.
At kahit na automated pa ang paraan ng pagboto ng mga Filipino ay marami pa ring reklamo.
Pero masigasig at nananatiling iisa ang prediksyon ni Madam Suzette kaugnay sa resulta ng halalan sa Pilipinas.
Ayon kay Arandela, Disyembre pa noong isang taon ay nahulaan na niya ang magwawagi sa paligsahang ito.
“Noon, sa ‘Mel & Joey,’ ang sinabi ko ay isang ulila ang mananalong presidente. Pinaninindigan ko hanggang ngayon ‘yon.
”’Yon ngang iba kong kasama sa panel na manghuhula, ang sinabi pa nila ay hindi naman daw ulila ang mananalo. Kaya sabi ko ay bahala sila. Basta ako, ang nakikita ko talaga ay isang ulila ang mananalong pangulo ng bansa. Hanggang ngayon ay ‘yan ang paniniwala ko.
“Ang sabi pa nga nina Mel Tiangco at Joey de Leon ay maraming ulila sa mga presidentiable. Si Joseph Estrada raw, ulila na,” pahayag ni Madam Suzette isan araw bago ang eleksyong pampanguluhan.
***
“Si Noynoy Aquino ang mananalong presidente at si Mar Roxas ang mananalong vice president. Tandem talaga sila at sila ang talagang malakas na malakas.
“Kaya lang nang manghula ako sa ‘Mel & Joey’ ay marami pang puwedeng mangyari no’n. Pero ang nakikita ko na talaga no’n pa, sina Noynoy at Mar,” pag-uulit pa ni Suzette.
“Ang karamihan sa mananalo sa taong ito ay mga tandem.
“Sa Maynila, ang tandem nina Fred Lim at Isko Moreno ang mananalo uli. Walang makakatalo sa kanila bagamat malalakas din ang kanilang mga kalaban. Pero iba ang charisma nila as mayor and vice-mayor ng Maynila.
“Sa Quezon City, tandem din ang mananalo. Si Herbert Bautista ang magwawaging mayor at si Joy Belmonte naman ang mananalong vice-mayor. Kasi, maganda ang tandem nila,” sabi ni Madam.
Kaya nga nagdiriwang ngayon pa lang ang mga tambalan sa lipunang ito.
***
“Mananalo pa rin sina Bong Revilla, Lito Lapid at Jinggoy Estrada sa pagka-senador. Kahit sa surveys, malalakas sila at ang mga tao, gustung-gusto sila. Marami pa ring mga artista ang mananalo sa eleksyon o nanalo na ngayong eleksyon,” wika pa ng popular na psychic ng showbiz.
“Si Imelda Papin, talo ‘yan. Si Jay Sonza, talo rin ‘yan. Si Loren Legarda, talo rin ‘yan. Si Edu Manzano, talo rin ‘yan,” sabi pa ni Arandela nang walang kagatul-gatol.
“Mababago na ang kalagayan natin sa Pilipinas sa pananalo ni Noynoy. Ibang-iba na ang gabinete at maganda ang mangyayari sa ating buhay. Uunlad na tayo.
“Marami nang mga investors ang pupunta sa atin at maniniwala sa Pilipinas. Hindi tulad ngayon, pag nasa ibang bansa ako, ang sama ng image ng Pilipinas abroad. ‘Yong mga nangyayaring masama rito, alam na agad sa Amerika. Mas madali pa silang makaalam kaysa sa atin dito sa Pilipinas. Nauuna pa sila at ang sama ng tingin sa ating mga Filipino,” paliwanag ni Madam.
***
“Landslide si Vilma Santos sa pagka-gobernador ng Batangas at si Cesar Montano, malamang na manalo siya. Si Gary Estrada, mananalo na siyang bokal sa Second District ng Quezon Province.
“Dapat, noon pa kumandidatong board member si Gary para nanalo na siya noon pa. Pero hindi pa huli ang lahat. ‘Yong kapatid niya sa ama, si ER Ejercito, hindi natin masasabi kasi, ang lalakas din ng kanyang mga kalaban.
“Oo, aaminin ko, noon, ang lakas ni ER pero maramin sumulpot na magagaling at malalakas din sa Laguna as governor,” sabi ni Madam Suzette.
Sinabi niya na sa kaso ni Jestoni Alarcon na lumabang kongresista sa Rizal, “matatalo si Jestoni.”
Pero si Roderick Paulate anya na kandidatong konsehal sa Quezon City ay mananalo gayundin si Ara Mina.
“Sana, makatulong pa sa ating bansa ang mga artistang mananalo,” giit ni Arandela na makokontak sa 7146226.
Star Patrol (for Saksi, May 12, 2010)
Boy Villasanta
Hula ni Madam Suzette Arandela: “Si Noynoy Aquino ang mananalong presidente ng Pilipinas”
NAGSALITA na nang patapos ang pamosong manghuhula ng bayan at ng showbiz na si Madam Suzette Arandela.
Ayon sa beteranang psychic, matagal na niyang inuhula na ang mananalo sa eleksyong nakaraan kamakalawa ay isang ulila.
“Sinabi ko na noon pa na isang ulila ang magiging pangulo ng Pilipinas,” pahayag ni Madam Suzette sa kanyang tahanan at klinika sa Bacood Street sa Sta. Mesa, Maynila.
Sa “Mel & Joey” niya anya sinabi ‘yon noong Disyembre noong isang taon.
“Kinakantiyawan nga ako ng mga kasamahan kong manghuhula noon na hindi raw isang ulila ang mananalong presidente ng Pilipinas. Hinahayaan ko na lang sia.
“Opinyon nila ‘yon at prediksyon nila ’yon kaya hayaan na lang natin na ‘yon ang sabihin nila,” katwiran ni Arandela na nagdiwang ng kaarawan noong araw ng halalan.
“Kahit nga sina Joey de Leon at Mel Tiangco, nagsabi rin na maraming ulilang kandidato sa pagkapresidente. Sabi nila, si Joseph Estrada rind aw ay ulila at meron pang iba.
“Nang tanungin nila ako off-cam ay saka ko lang sinabing si Nonoy Aquino ang tinutukoy ko. Pero pinaninindigan kong si Noynoy ang mananalong pangulo ng bansa,” pagdidiin ni Madam.
***
“Tandem ang mananalo ngayon sa eleksyon,” sabi pa ng kontrobersyal na manghuhula ng showbiz.
Marami nang nahulaan si Madam na nagkatotoo sa showbiz at ang pinakahuli ay ang sinabi niya sa “Mel & Joey” rin na mag-aasawa na talaga si Sunshine Dizon.
Hindi nga ba’t nabalita nang nagpakasal si Sunshine.
“Ang tandem nina Noynoy at Mar Roxas ang mananalo. They deserve it. Sila ang tunay na malalakas. Hindi na mababawi ‘yon. Talagang sila pa rin kahit noon pa.
“Consistent kasi sila sa survey kaya naman malakas na malakas sila. At napatunayan na ‘yan noong Lunes at sa mabilis na bilangan ngayon,” katwiran ni Madam.
Pero kahit na nga automated ang halalan ay may mga nagrereklamo pa rin.
“Ganyan talaga pero wala namang nakapagdaya kina Noynoy at Mar. Sila talaga ang nanalo,” pahayag ni Arandela.
***
“Ang karamihan sa mananalo sa taong ito ay mga tandem.
“Sa Maynila, ang tandem nina Fred Lim at Isko Moreno ang mananalo uli. Walang makakatalo sa kanila bagamat malalakas din ang kanilang mga kalaban. Pero iba ang charisma nila as mayor and vice-mayor ng Maynila.
“Sa Quezon City, tandem din ang mananalo. Si Herbert Bautista ang magwawaging mayor at si Joy Belmonte naman ang mananalong vice-mayor. Kasi, maganda ang tandem nila,” sabi ni Madam.
Kaya nga nagdiriwang ngayon pa lang ang mga tambalan sa lipunang ito.
***
“Mananalo pa rin sina Bong Revilla, Lito Lapid at Jinggoy Estrada sa pagka-senador. Kahit sa surveys, malalakas sila at ang mga tao, gustung-gusto sila. Marami pa ring mga artista ang mananalo sa eleksyon o nanalo na ngayong eleksyon,” wika pa ng popular na psychic ng showbiz.
“Si Imelda Papin, talo ‘yan. Si Jay Sonza, talo rin ‘yan. Si Loren Legarda, talo rin ‘yan. Si Edu Manzano, talo rin ‘yan,” sabi pa ni Arandela nang walang kagatul-gatol.
“Mababago na ang kalagayan natin sa Pilipinas sa pananalo ni Noynoy. Ibang-iba na ang gabinete at maganda ang mangyayari sa ating buhay. Uunlad na tayo.
“Marami nang mga investors ang pupunta sa atin at maniniwala sa Pilipinas. Hindi tulad ngayon, pag nasa ibang bansa ako, ang sama ng image ng Pilipinas abroad. ‘Yong mga nangyayaring masama rito, alam na agad sa Amerika. Mas madali pa silang makaalam kaysa sa atin dito sa Pilipinas. Nauuna pa sila at ang sama ng tingin sa ating mga Filipino,” paliwanag ni Madam.
***
“Landslide si Vilma Santos sa pagka-gobernador ng Batangas at si Cesar Montano, malamang na manalo siya. Si Gary Estrada, mananalo na siyang bokal sa Second District ng Quezon Province.
“Dapat, noon pa kumandidatong board member si Gary para nanalo na siya noon pa. Pero hindi pa huli ang lahat. ‘Yong kapatid niya sa ama, si ER Ejercito, hindi natin masasabi kasi, ang lalakas din ng kanyang mga kalaban.
“Oo, aaminin ko, noon, ang lakas ni ER pero maramin sumulpot na magagaling at malalakas din sa Laguna as governor,” sabi ni Madam Suzette.
Sinabi niya na sa kaso ni Jestoni Alarcon na lumabang kongresista sa Rizal, “matatalo si Jestoni.”
Pero si Roderick Paulate anya na kandidatong konsehal sa Quezon City ay mananalo gayundin si Ara Mina.
“Sana, makatulong pa sa ating bansa ang mga artistang mananalo,” giit ni Arandela na makokontak sa 7146226.
No comments:
Post a Comment