NGAYONG bago na ang administrasyon ng pamahalaang Pilipinas, tinanong namin si Ginoong Sixto Dy, ang prodyuser ng Leo Films, kung ano ang magiging lagay ng pelikulang Filipino sa pag-upo ni Noynoy Aquino bilang pangulo ng bansa.
Ayon kay Sixto, nakikita niyang may magandang magaganap sa industriya ng pelikula ngayong si Aquino na ang presidente ng Pilipinas.
“May nakikita akong magandang mangyayari. Kasi, noong nakaraan, maraming corruption. Sana ay wala na ngayon,” pahayag ni Dy na siya ring nakatuklas kay Halina Perez, ang magandang aktres na namatay sa aksidente sa Tagkawayan, Quezon noong 2004.
“Noon kasi, puro palakasan. May agency nga nagbibigay ng support at grant sa paggawa ng pelikula pero palakasan din. Sana naman ngayon ay wala nang palakasan,” sabi ni Sixto.
***
Sinabi ng Chinese producer na nang dahil sa paglaganap ng pamimirata sa pelikula at sa mga independent film o kaya ay mga digital film, lalong sumadsad ang pagkita sa showbiz.
“Ang kailangan para masugpo ang piracy, to the bottom of things ang gawin. Kailangang hulihin ang mga tunay na salarin. Kasi ang nangyayari, ‘yong mga pakitang-tao lang.
“Halimbawa, o, sige, may raid tayo ng mga pirated tapes, o, papuntahin ang media, i-cover, kunan ng picture, kunan ng TV. ‘Yon, sasagasaan ng pison ang mga tapes, tapos, tapos na,” sabi ni Dy.
Kung sino talaga ‘yong nagpa-pirate na malaking tao, ‘yon talaga ang hulihin, ayon kay Sixto.
Idinagdag niyang maliliit na pirata lang ‘yang sa Quiapo. Wala naman anya ‘yang mga ‘yan kung ikukumpara sa mga totoong halimaw na nagpapahirap sa larangan ng paggawa ng pelikula at showbiz.
***
Umaasa pa rin naman si Mang Sixto sa kabila ng mga limitasyon na may magagawa pa rin si Ronnie Ricketts sa pagbabago sa industriya ng pelikula at ang mga pirata ng mga 35mm o kahit na digital films.
“Kung maganda naman ang performance ni Ronnie, sa palagay ko, hindi naman siya maaalis d’yan sa Optical Media Board. Hindi naman ‘yan major na cabinet post na kailangang iba na ang nakaupo ngayong si Noynoy na ang presidente,” sabi ni Dy.
Ngayon ay nais ni Dy na mabulabog ang mga nagpapahirap sa tax sa mga prodyuser.
“Akala ko ba ay naaprubahan na ‘yang entertainment tax reduction na ‘yan. Pero nang makausap namin ang mga may may-ari ng mga sinehan kung bakit wala pang implementasyon ang batas na ‘yan, ang sabi raw ng mga taga-Finance Department, wala pa silang directive.
“In other words, wala pang ginagawa ang Department of Finance tungkol sa entertainment tax reduction. Marami pa silang pinagkakaabalahang ibang bagay at hindi na nahaharap ang ganyang tax implementation,” paliwanag ni Dy.
***
Kahit na abala si Dy sa kanyang paggawa ng mga pelikula, pinakahuli ang “Araro” na pinagbibidahan nina Lorraine Lopez, Paolo Rivero at Jeff Luna.
Ito palang si Jeff ay alaga ni Bunch Cortez at dinala niya ang bagong bituin sa upisina ni Mr. Dy at dahil nangailngan ang produksyon ng isang lalaki na makakatrayanggulo ng babae sa kanyang asawang bading, si Luna na ang ipinatawag ni Dy at ng direktor ng obra na si Bong Ramos.
Kahit na marami pang dapat malaman sa pag-arte si Jeff ay kinuha siya nina Bong at Sixto.
Malapit nang ipalabas ang “Araro” na parang halaw sa “Brokeback Mountain” ni Ang Lee na talagang tumabo sa takilya at nanalo ng mga parangal sa iba’t ibang pestibal sa loob at labas ng Hong Kong kung saan si Ang ay isang mamamayan.
***
Nagtitiyaga si Sixto sa kanyang kumpanya dahil anya’y nagsawa na siya sa pakikipagtrabos-kunwenta sa mga kapwa prodyuser sa pagpapalago ng kanilang mga negosyo.
“Gusto ko ring mag-venture sa ibang negosyo pero wala naman sa ngayon akong naiisip na talagang buyable. Sana, may mga negosyo pa na puwede at nang makapagsimula na,” wika ng nagpasikat kay Halina.
Ngayon nga ay naghahanap siya ng isang bagong mukha ng isang batang aktres na maganda para ilunsad sa kanyang proyektong “Virgin Oil” ng Leo Films pa rin.
Star Partol (for Saksi, July 13, 2010)
Boy Villasanta
Mga mungkahi ni Leo Films produ Sixto Dy para umunlad ang pelikulang Filipino
HINDI tutugot si Sixto Dy, ang prodyuser ng Leo Films, hanggang hindi siya nakakapagmungkahi ng mga bagay at plano para lalo pang umunlad ang pelikulang Filipino.
Ayon kay Ginoong Dy, noon pa man ay aktibo na siya sa pagpapaunlad ng industriya ng pelikulang Filipino.
“Pero umayaw na ako. Kasi, dumami na rin ang mga ginagawa ko at marami ring intriga,” pahayag ni Sixto na ngayon ay magre-release na ng kanyang bagong pelikulang “Araro” na pinagbibidahan nina Lorraine Lopez, alaga ng talent manager na si Boy Pilapil, Jeff Luna at Paolo Rivero.
Pero marami pa rin namang nais gawin si Sixto para sa pag-alsa ng pelikulang Filipino lalo na ngayon na bago na ang dispensasyon.
***
Ayon sa kanya, nakikita niyang may magandang magaganap sa industriya ng pelikula ngayong si Aquino na ang presidente ng Pilipinas.
“May nakikita akong magandang mangyayari. Kasi, noong nakaraan, maraming corruption. Sana ay wala na ngayon,” pahayag ni Dy na siya ring nakatuklas kay Halina Perez, ang magandang aktres na namatay sa aksidente sa Tagkawayan, Quezon noong 2004.
“Noon kasi, puro palakasan. May agency nga nagbibigay ng support at grant sa paggawa ng pelikula pero palakasan din. Sana naman ngayon ay wala nang palakasan,” sabi ni Sixto.
***
Sinabi ng Chinese producer na nang dahil sa paglaganap ng pamimirata sa pelikula at sa mga independent film o kaya ay mga digital film, lalong sumadsad ang pagkita sa showbiz.
“Ang kailangan para masugpo ang piracy, to the bottom of things ang gawin. Kailangang hulihin ang mga tunay na salarin. Kasi ang nangyayari, ‘yong mga pakitang-tao lang.
“Halimbawa, o, sige, may raid tayo ng mga pirated tapes, o, papuntahin ang media, i-cover, kunan ng picture, kunan ng TV. ‘Yon, sasagasaan ng pison ang mga tapes, tapos, tapos na,” sabi ni Dy.
Kung sino talaga ‘yong nagpa-pirate na malaking tao, ‘yon talaga ang hulihin, ayon kay Sixto.
Idinagdag niyang maliliit na pirata lang ‘yang sa Quiapo. Wala naman anya ‘yang mga ‘yan kung ikukumpara sa mga totoong halimaw na nagpapahirap sa larangan ng paggawa ng pelikula at showbiz.
***
Umaasa pa rin naman si Mang Sixto sa kabila ng mga limitasyon na may magagawa pa rin si Ronnie Ricketts sa pagbabago sa industriya ng pelikula at ang mga pirata ng mga 35mm o kahit na digital films.
“Kung maganda naman ang performance ni Ronnie, sa palagay ko, hindi naman siya maaalis d’yan sa Optical Media Board. Hindi naman ‘yan major na cabinet post na kailangang iba na ang nakaupo ngayong si Noynoy na ang presidente,” sabi ni Dy.
Ngayon ay nais ni Dy na mabulabog ang mga nagpapahirap sa tax sa mga prodyuser.
“Akala ko ba ay naaprubahan na ‘yang entertainment tax reduction na ‘yan. Pero nang makausap namin ang mga may may-ari ng mga sinehan kung bakit wala pang implementasyon ang batas na ‘yan, ang sabi raw ng mga taga-Finance Department, wala pa silang directive.
“In other words, wala pang ginagawa ang Department of Finance tungkol sa entertainment tax reduction. Marami pa silang pinagkakaabalahang ibang bagay at hindi na nahaharap ang ganyang tax implementation,” paliwanag ni Dy.
***
Kahit na abala si Dy sa kanyang paggawa ng mga pelikula, pinakahuli nga ang “Araro.”
Ito palang si Jeff ay alaga ni Bunch Cortez at dinala niya ang bagong bituin sa upisina ni Mr. Dy at dahil nangailngan ang produksyon ng isang lalaki na makakatrayanggulo ng babae sa kanyang asawang bading, si Luna na ang ipinatawag ni Dy at ng direktor ng obra na si Bong Ramos.
Kahit na marami pang dapat malaman sa pag-arte si Jeff ay kinuha siya nina Bong at Sixto.
Malapit nang ipalabas ang “Araro” na parang halaw sa “Brokeback Mountain” ni Ang Lee na talagang tumabo sa takilya at nanalo ng mga parangal sa iba’t ibang pestibal sa loob at labas ng Hong Kong kung saan si Ang ay isang mamamayan.
***
Nagtitiyaga si Sixto sa kanyang kumpanya dahil anya’y nagsawa na siya sa pakikipagtrabos-kunwenta sa mga kapwa prodyuser sa pagpapalago ng kanilang mga negosyo.
“Gusto ko ring mag-venture sa ibang negosyo pero wala naman sa ngayon akong naiisip na talagang buyable. Sana, may mga negosyo pa na puwede at nang makapagsimula na,” wika ng nagpasikat kay Halina.
Ngayon nga ay naghahanap siya ng isang bagong mukha ng isang batang aktres na maganda para ilunsad sa kanyang proyektong “Virgin Oil” ng Leo Films pa rin.
No comments:
Post a Comment