Tuesday, July 20, 2010

Gretchen Barretto, guwardiyado ni Tony Boy Cojuangco sa Cinemalaya 2010

ANO kaya ang magagawa ng sinumang nais sumalisi kay Gretchen Barretto sa mga panahong ito kung nand’yan lagi si Antonio “Tony Boy” Cojuangco, ang tagapangulo ng Cinemalaya Foundation na nagtataguyod sa Cinemalaya Independent Film Festival na kamakailan ay ginawa sa Cultural Center of the Philippines?

Kahit na nga ba angguluhan ang mga isip at istorya na dahil magkatambal sina Gretchen at Derek Ramsey sa “Magkaribal” ng ABS-CBN at baka mabaling ang pagtingin ni Derek kay Barretto, walang makakapasok sa bakuran ni Gretchen.

Kitang-kita ito nang magkasama sina Barretto at Tony Boy sa gabi ng parangal ng Cinemalaya 2010 sa Main Theater ng CCP.

Talagang mula sa simula hanggang sa wakas ay magkasama sina Greta at Cojuangco.

Secure na secure ang dalaga sa kanyang minamahal.

Nang umalis nga sa kanyang upuan si Antonio sandali para mag-presenta ng huling pangkat ng mga panalo, punumpuno sa kanyang pagkakaupo si Gretchen.

Kaya lang, sinenyasan ni Berretto si Evelyn Vargas na nakaupo sa kanyang likuran na umupo sa kanyang tabi para siya ay may kahimanglaw o kausap man lang upang hindi siya mainip o magmukhang tanga man lang.

***

Sa mga nagwagi pa rin.

Sa ngalan ng Audience Award o kung alin ang mga pelikulang tinangkilik nang wagas ng mga manonood, kinilala ng Cinemalaya 2010 ang “Two Funerals” ni Gil Portes sa hanay ng Directors Showcase, “P” ni Milo Tolentino sa sangay ng Shorts category at “Magkakapatid” ni Kim Homer Garcia sa kategorya ng New Breed o mga baguhang filmmaker.

Samantala, sosyal si Tetchie Agbayani sa kanyang pagdating sa gabi ng parangal.

Bida si Tetchie sa “Magkakapatid” at ayon naman sa kritiko at manunulat na si Will Proviño, “hindi nagamit nang husto si Tetchie. Sayang.”

***

Ang mahusay na filmmaker na si Arnel Mardoquio ay kinilala bilang nag-iisang nanalo ng Netpac Award o Network for the Promotion of Asian Cinema para sa kanyang pelikulang “Sheika” na naglalarawan ng ritwal at tradisyon ng paglilibing sa isang Muslim na namatay.

Alam ba ninyo na unang ipinasok sa New Breed category ang “Sheika” pero ayon sa peryodistang pampelikulang si Dennis Adobas, ayaw pumayag ni Arnel na kagustuhan ng Cinemalaya sa pangunguna ni Robbie Tan na diktahan siya sa mga bituing dapat gamitin sa pelikula?

Kaya nga kahit na wala siya sa grasya ng Cinemalaya at ginastusan niya nang kanyang sarili ang pelikula, napatunayan niyang siya ay may malayang diwa ng sining ng paggawa ng pelikula.

Hindi pa man umano naibibigay ang perang gagastusin ni Mardoquio sa produksyon ay ginagawa na niya ang kanyang pelikula.

***

Walang karangalang iginawad sa Best Sound and Music sa Directors Showcase kahit na mga bating ang mga filmmaker nito.

Ayon kay Lito Zulueta, isang respetadong miyembro ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino at isa sa mga hurado sa Cinemalaya 2010, pare-parehong magaganda ang tunog at musika ng mga “Two Funerals,” “Donor” ni Mark Meily, “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio” ni Mario O’Hara, “Sigwa” ni Joel Lamangan at “Pink Halo-Halo” ni Joselito Altarejos.

Wala lang anyang namumukod-tangi sa teknikal na larangang ito kaya walang iprinoklamang panalo.

Best Editing, “Pink Halo-Halo,” Best Production Design, “Donor,” Best Cinematography, “Two Funerals” at Best Screenplay, “Two Funerals” na sinulat ni Eric Ramos, kilala rin sa tawag na Enrique Ramos, ang dating patnugot at nagpalakas ng FHM Magazine.

Special Jury Prize ang “Two Funerals.”

***

Sa Shorts category naman, Best Director, “P,” Best Film, “Huwag Kang Titingin” ni Pam Miras, Best Screenplay, “Harang” ni Mikail Red samantalang Special Jury Prize ang “P.”

Sa New Breed naman ay Special Jury ang “Sampaguita” ni Francis Xavier Pasion at ayon kay Proviño, malayo ang mararating ni Francis Xavier na batambata pang direktor na siya ring lumikha ng “Jay” na makabuluhan sa 4th Cinemalaya.

Best Sound, “Rekrut,” Best Music, “Mayohan,” Best Editing, “Halaw,” Best Production Design, “The Leaving” at tabla naman sa Best Cinematography ang “The Leaving” at “Mayohan.”

Ayon kay Sheron Dayoc na nagwagi ng Best Director at Best Film para sa “Halaw,” inihahandog niya ang mga karangalang ito sa mga tagagawa ng pelikula sa Mindanao.

“This award is for the Mindanaoan filmmakers,” sabi ni Sheron.

“Mabuhay ang regional filmmaking,” dagdag ni Dayoc.

Star Patrol (for Saksi, July 20, 2010)

Boy Villasanta

Gretchen Barretto, tinutukan ni Tony Boy Cojuangco sa Cinemalaya 2010

ESPESYAL na panauhin ni Antonio Cojuangco, kilala rin sa tawag na Tony Boy Cojuangco, mayamang negosyante at tagapangulo ng Cinemalaya Foundation, ang nagtataguyod sa taunang Cinemalaya Independent Film Festival, si Gretchen Barretto sa pagdiriwang ng ika-6 na Cinemalaya awards night sa Main Theater, Tanghalang Nicanor Abelardo ng Cultural Center of the Philippines kamakailan.

Siyempre’y aktres si Gretchen at ang mga okasyong tulad nito ay mahalaga para sa kanya.

Ikalawa’y mahal siya ni Tony Boy kaya ipinagmamalaki siya nito.

Wala talagang masasabing sisingit pa kay Gretchen sa mga panahong ito.

***

Kahit na sabihing makulay at maintriga ang showbiz at ang pagtatambal nina Barretto at Derek Dee sa telebisyon, sa “Magkaribal” ay maaaring mabaling ang pagtingin ng aktres sa machong aktor.

Sa pagtitinginan nina Gretchen at Tony Boy, walang makakahigit sa ngayon sa kanilang pagmamahalan.

Kahit sinong Ponsiyo Pilato ay walang makakahigit at makakasingit sa kagandahan ng dalagang malalim at malawak ang takbo ng utak.

Kahit nga wala sa tabi ni Greta ang kanyang mister ay secure na secre siya.

Kaya lang, upang may katabi o kahimanglaw o para naman siya ay may kausap nang kahit mababa lang ang kanyang boses, sinenyasan ni Gretchen si Evelyn Vargas na lumipat sa kanyang tabi nang pumunta sa entablado si Cojuangco para magbigay ng isang award.

Nasa likuran ng upuan si Evelyn at dahil magkakilala at magkaibigan, nakipagkuwentuhan si Vargas kay Barretto habang dumadaloy ang gabi ng parangal.

***

Narito pa ang ibang nanalo tulad ng sinabi natin kahapon na iuulat natin ngayong araw na ito dito sa Bomba Balita at Saksi sa Balita.

Sa ngalan ng Audience Award o kung alin ang mga pelikulang tinangkilik nang wagas ng mga manonood, kinilala ng Cinemalaya 2010 ang “Two Funerals” ni Gil Portes sa hanay ng Directors Showcase, “P” ni Milo Tolentino sa sangay ng Shorts category at “Magkakapatid” ni Kim Homer Garcia sa kategorya ng New Breed o mga baguhang filmmaker.

Samantala, sosyal si Tetchie Agbayani sa kanyang pagdating sa gabi ng parangal.

Bida si Tetchie sa “Magkakapatid” at ayon naman sa kritiko at manunulat na si Will Proviño, “hindi nagamit nang husto si Tetchie. Sayang.”

***

Ang mahusay na filmmaker na si Arnel Mardoquio ay kinilala bilang nag-iisang nanalo ng Netpac Award o Network for the Promotion of Asian Cinema para sa kanyang pelikulang “Sheika” na naglalarawan ng ritwal at tradisyon ng paglilibing sa isang Muslim na namatay.

Alam ba ninyo na unang ipinasok sa New Breed category ang “Sheika” pero ayon sa peryodistang pampelikulang si Dennis Adobas, ayaw pumayag ni Arnel na kagustuhan ng Cinemalaya sa pangunguna ni Robbie Tan na diktahan siya sa mga bituing dapat gamitin sa pelikula?

Kaya nga kahit na wala siya sa grasya ng Cinemalaya at ginastusan niya nang kanyang sarili ang pelikula, napatunayan niyang siya ay may malayang diwa ng sining ng paggawa ng pelikula.

Hindi pa man umano naibibigay ang perang gagastusin ni Mardoquio sa produksyon ay ginagawa na niya ang kanyang pelikula.

***

Walang karangalang iginawad sa Best Sound and Music sa Directors Showcase kahit na mga bating ang mga filmmaker nito.

Ayon kay Lito Zulueta, isang respetadong miyembro ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino at isa sa mga hurado sa Cinemalaya 2010, pare-parehong magaganda ang tunog at musika ng mga “Two Funerals,” “Donor” ni Mark Meily, “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio” ni Mario O’Hara, “Sigwa” ni Joel Lamangan at “Pink Halo-Halo” ni Joselito Altarejos.

Wala lang anyang namumukod-tangi sa teknikal na larangang ito kaya walang iprinoklamang panalo.

Best Editing, “Pink Halo-Halo,” Best Production Design, “Donor,” Best Cinematography, “Two Funerals” at Best Screenplay, “Two Funerals” na sinulat ni Eric Ramos, kilala rin sa tawag na Enrique Ramos, ang dating patnugot at nagpalakas ng FHM Magazine.

Special Jury Prize ang “Two Funerals.”

***

Sa Shorts category naman, Best Director, “P,” Best Film, “Huwag Kang Titingin” ni Pam Miras, Best Screenplay, “Harang” ni Mikail Red samantalang Special Jury Prize ang “P.”

Sa New Breed naman ay Special Jury ang “Sampaguita” ni Francis Xavier Pasion at ayon kay Proviño, malayo ang mararating ni Francis Xavier na batambata pang direktor na siya ring lumikha ng “Jay” na makabuluhan sa 4th Cinemalaya.

Best Sound, “Rekrut,” Best Music, “Mayohan,” Best Editing, “Halaw,” Best Production Design, “The Leaving” at tabla naman sa Best Cinematography ang “The Leaving” at “Mayohan.”

Ayon kay Sheron Dayoc na nagwagi ng Best Director at Best Film para sa “Halaw,” inihahandog niya ang mga karangalang ito sa mga tagagawa ng pelikula sa Mindanao.

“This award is for the Mindanaoan filmmakers,” sabi ni Sheron.

“Mabuhay ang regional filmmaking,” dagdag ni Dayoc.


No comments:

Post a Comment