Thursday, July 22, 2010

Dawn Zulueta, class na class pa rin; Xian Lim, markado sa pelikula ni Gil Portes

LUMIPAS man ang panahon ay nananatiling class na class ang klasikong kagandahan ng aktres na si Dawn Zulueta.

Magkaasawa man siya at manganak, hindi maglalaho ang kanyang karitakn.

At napatunayan natin ‘yan kamakailan nang siya ay dumalo sa gabi ng parangal ng ika-6 na Cinemalaya Independent Film Festival sa Main Theater, sa Tanghalang Nicanor Abelardo ng Cultural Center of the Philippines.

Laban ka dahil dalawa na ang anak ni Dawn pero balingkinitan pa rin ang kanyang katawan.

Mahusay mag-alaga ng kanyang katawan ang aktres at may disiplina siya sa pagpapaganda ng kanyang kurbada.

***

Kaya naman ipinagmamalaki siya ng kanyang mister na si Anton Lagdameo na isang kongresista.

Magkasama ang dalawa sa awards night ng Cinemalaya 2010 kung saan kalahok ang isang pelikula ni Dawn na “Sigwa” sa direksyon ni Joel Lamangan kung saan pumapel ang aktres ng isang Fil-Am na manunulat at namundok nang bumisita siya sa Pilipinas noong bago mag-Martial Law.

Siyempre’y nominado si Zulueta sa pagka-Best Actress pero hindi nga siya nanalo.

Imbes si Meryll Soriano nga ang nagwagi para sa pelikulang “Donor” ni Mark Meily.

Pero mananatiling nakaukit sa puso at diwa ng mga manonood ang kahusayan sa pagganap ni Dawn dangan nga lamang at hindi siya nagkapalad sa mga sandaling ito.

Marami pa namang award-giving body na maghahatag ng parangal at sino ang makapagsasabi, baka siya na ang kasunod na bibigyan ng parangal sa mga awards night sa isang taon.

***

Ang pinupuri pa sa kanyang pagganap ay ang bagets na matangkad na si Xian Lim.

Si Xian Lim na miyembro ng Star Magic ng ABS-CBN.

Marami nang nagampanan si Xian kabilang ang “Katorse” ni Erich Gonzales sa Channel 2 at dito ay pinuri ng mga kritiko ang kanyang pag-arte kaya naman hindi kataka-takang mapuna siya ng mga direktor at prodyuser kabilang ang mga talent coordinator na isama siya sa mga proyekto ng mga ito.

Kaya nang maghanap si Gil Portes para gampanan ang isa sa mahahalagang papel sa pelikulang “Two Funerals,” si Lim ay hindi nakalimutan.

***

Pero sa audition idinaan ni Gil ang pagpili sa kanyang aktor.

Nagdaos siya ng pagpili at maraming bituing lalaki ang nagbaka-sakali.

Wala si Xian sa mga naunang nag-audition.

“Akala ko nga ay wala nang darating sa audition. Pero bigla akong nagulat, may isa pa. Si Xian Lim nga. Humabol talaga siya. Last minute at talagang very memorable.

“Una kong nakita si Xian sa ‘Katorse’ and I told myself na malayo ang mararating ng batang ito. Kaya naman kasama agad siya sa ‘Two Funerals.’ I am very proud of Xian,” patunay ni Portes.

At nang ipalabas na nga ang “Two Funerals” sa CCP sa pamamagitan ng Cinemalaya, nakatutok na mula noon kay Xian ang mga kamera at tape recorder ng mga peryodistang pampelikula.

May laban nga sa awards night si Lim pero matitindi ang kanyang mga kalaban kabilang sina Alfred Vargas bilang Andres Bonifacio sa “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio,” Baron Geisler sa “Donor,” Marvin Agustin sa “Sigwa,” Allen Dizon sa “Pink Halo-Halo” at marami pang iba.

Pero nakiisa ang bituin sa mga kaganapan sa malayang paggawa ng pelikulang sa lipunang ito.

Star Patrol (for Saksi, July 22, 2010)

Boy Villasanta

Dawn Zulueta, walang itatapon sa pag-arte; Xian Lim, paborito ni Gil Portes

HINDI na mapapasubalian ang kahusayan ni Dawn Zulueta sa pag-arte.

Tumagal siya sa showbiz nang dahil dito.

Hinubog na siya ng larangang ito.

At muli niyang napatunayan na siya pa rin si Dawn Zulueta na mahusay na aktres nang tanggapin niya ang papel na Dolly, ang Fil-Am na manunulat na umuwi sa kanyang bayang sinilangan para balikan ang kanyang kamusmusan pero dahil sa kanyang matalas na pagmamasid sa paligid, nabaling ang kanyang atensyon sa pag-aaklas ng mga kabataan laban sa mapagsamantalang sistema at rehimen noong bago mag-Martial Law.

Ito ang kanyang karakter sa “Sigwa” ni Joel Lamangan.

At nagpapasalamat kami at may ganitong papel na bagay na bagay kay Dawn.

Kaya nakipagkooperatiba si Zulueta sa lahat ng mga lumikha ng “Sigwa” at nakapag-ambag ng magandang pagganap para makamtan ni Joel ang kanyang bisyon para sa obra.

***

Nang dumating ang awards night ng ika-6 na Cinemalaya Independent Film Festival noong Linggo sa Main Theater, Tanghalang Nicanor Abelardo ng Cultural Center of the Philippines, hindi nagkait si Dawn ng kanyang presensiya sa gabi ng parangal.

Nag-ambag siya ng ningning sa isang okasyon showbiz na showbiz at nakipagbungguang-balikat sa mga iba’t ibang aktor at aktres ng ating panahon na mula sa iba’t ibang henerasyon.

Kahit na hindi nagwagi si Zulueta ng parangal na Best Actress ay okey lang sa kanya.

Ang mahalaga ay ang pakikiisa sa mga layunin ng independent o indie filmmaking sa bansa na nais ni Dawn na lumawak at magtagumpay lalo na para sa isang alagad ng sining na tulad niya.

***

Hindi lamang sa propesyunal na laban nakikibaka si Dawn kundi sa personal man niyang kalakaran.

Palagi siyang nag-aasikaso ng kanyang sarili para lalo pa siyang umunlad.

Ang kalusugan ay mahalaga para sa kanya.

Pati na ang pangangalaga sa kanyang katawan ay binibigyang-halaga ni Zulueta.

Kaya kita mo naman na laging maganda at kabigha-bighani ang kanyang katawan.

Kaya naman mahal na mahal siya ni Anton Lagdameo, ang kanyang asawang kongresista ng Davao.

Para silang mga bagets na laging may dalang ngiti sa bawat isa.

Kaya nakakatulong ito sa magandang pananaw ni Dawn sa kanyang propesyunal na pagiging bahagi ng showbiz.

***

Ang pinupuri pa sa kanyang pagganap ay ang bagets na matangkad na si Xian Lim.

Si Xian Lim na miyembro ng Star Magic ng ABS-CBN.

Marami nang nagampanan si Xian kabilang ang “Katorse” ni Erich Gonzales sa Channel 2 at dito ay pinuri ng mga kritiko ang kanyang pag-arte kaya naman hindi kataka-takang mapuna siya ng mga direktor at prodyuser kabilang ang mga talent coordinator na isama siya sa mga proyekto ng mga ito.

Kaya nang maghanap si Gil Portes para gampanan ang isa sa mahahalagang papel sa pelikulang “Two Funerals,” si Lim ay hindi nakalimutan.

***

Pero sa audition idinaan ni Gil ang pagpili sa kanyang aktor.

Nagdaos siya ng pagpili at maraming bituing lalaki ang nagbaka-sakali.

Wala si Xian sa mga naunang nag-audition.

“Akala ko nga ay wala nang darating sa audition. Pero bigla akong nagulat, may isa pa. Si Xian Lim nga. Humabol talaga siya. Last minute at talagang very memorable.

“Una kong nakita si Xian sa ‘Katorse’ and I told myself na malayo ang mararating ng batang ito. Kaya naman kasama agad siya sa ‘Two Funerals.’ I am very proud of Xian,” patunay ni Portes.

At nang ipalabas na nga ang “Two Funerals” sa CCP sa pamamagitan ng Cinemalaya, nakatutok na mula noon kay Xian ang mga kamera at tape recorder ng mga peryodistang pampelikula.

May laban nga sa awards night si Lim pero matitindi ang kanyang mga kalaban kabilang sina Alfred Vargas bilang Andres Bonifacio sa “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio,” Baron Geisler sa “Donor,” Marvin Agustin sa “Sigwa,” Allen Dizon sa “Pink Halo-Halo” at marami pang iba.

Pero nakiisa ang bituin sa mga kaganapan sa malayang paggawa ng pelikulang sa lipunang ito.


No comments:

Post a Comment