TALAGA nga kayang hindi masuwerte si Kris Aquino sa ngalan ng pag-ibig o sadyang nilalagyan lang niya ng katalinuhan o pagmumuni-muni ng bawat relasyon na kanyang masuungan?
Ito ang pandalas na naitatanong sa kasalukuyan niyang kapalaran sa pag-ibig lalo na at naghiwalay na sila nang tuluyan ni James Yap.
Marami nang kasaysayan ng pag-ibig ang nilahukan ni Kris at kung hindi man matagumpay ang mga ito ay makulay naman at nagbibigay ng mga aral sa buhay hindi lamang niya bilang mangingibig kundi maging para sa kanyang mga tagahanga.
Matatandaan na nang pumalaot na siya sa mata ng publiko noong mga panahon bago ang EDSA Revolution ay may mga naiugnay na sa kanyang mga personalidad sa loob at labas ng showbiz.
***
Ang unang nakaladkad sa kanyang pangalan ay si Alvin Patrimonio sa panahon na kasagsagan ang pagbabasketball ng manlalaro.
Natatandaan pa namin nang gawan namin siya ng istorya para sa “Star News” ng “TV Patrol” ng ABS-CBN noong panahong ‘yon.
Nainterbyu namin siya at may anggulo ni Alvin ang kuwentong ginawa namin sa kanya.
Sinulat ko ang iskrip na may kalangkap na Patrimonio na may anghang ang pagkakaulat.
Nang magkita kami ni Kris sa Maynila Room ng Manila Hotel ay gayon na lang ang malutong niyang pagsasabi sa amin na “inintriga n’yo ako.”
Pero nakangiti si Aquino nang sabihin niya ang mga pariralang ‘yon.
Ang “n’yo” ay tumutukoy sa amin ni Mario Dumaual na kasama namin sa segment noon.
***
Sadya nga yatang mapanghalina ang mga basketbolista kay Kris.
Ito kaya ay dahil sa ang isang basketbolista ay nagpapahayag o sumisimbolo sa isang macho at matipuno, isang taong may sangkap ng awtoridad tulad ng isang pulitiko o lider saanmang larangan o kaya naman ay may mahalagang papel sa lipunan tulad ng isang artista na kilala at may hukbo ng mga tagahanga?
May mga anggulo pa ang mga balita noon na si Kris ang humahabol kay Alvin.
Bagamat hindi basketball player ang ikalawang nadikit sa romansa ni Kris sa katauhan ni Robin Padilla ay kumakatawan naman ang action star sa katipunuan at kamachuhan din.
Talagang pinag-usapan noon ang ugnayang Kris-Robin.
Sinakyan naman nang todo ni Padilla ang isyu at nakatulong ito sa kanyang lalo pang pagsikat dahil mainit na mainit na noon ang pangalan ng aktres at sinumang madikit sa kanya ay lalo pang nadaragdagan ang binisa sa showbiz.
***
Pinakamakulay ang relasyon nina Kris at Phillip Salvador at tandang-tanda pa namin, kami ang nakaiskup ng mga eksena sa likod ng kamera kung saan dumadalaw pa si Phillip kay Aquino sa kanyang palatuntunan sa Channel 9 noon.
Nang magbunga ang pagmamahalan nina Kris at Salvador, nakatatak kami sa utak ng dalawa dahil sa kinulit namin sila sa St. Luke’s Medical Center na mainterbyu tungkol sa pagsisilang ng aktres kay Joshua kahit na hindi kami pinaunlakan nila.
Humingi sila sa amin ng paumanhin dahil anila’y maselan ang kondisyon ng ganoong sitwasyon.
Matangkad at basketbolista rin si Ipe tulad ni Alvin at may malaki ring pangalan at responsibilida sa lipunan bilang aktor.
***
At si Joey Marquez?
Isang berdaderong basketbolista rin at mayor pa ng ParaƱaque City noon at makulay rin ang kanilang istoria de un amor.
Pinaghalong pulitika, showbiz at palakasan ang pinagmulan ni Joey at awtoridad ang umuusbong sa kanyang persona.
Dahil si Kris ay mula rin sa isang awtoridad na pamilya kaya naghahanap at nakikipagtambal siya sa may awtoridad rin.
Pero kahit na sabihing napakaromantika ni Kris ay nangingibabaw rin ang kanyang katalinuhan sa kanyang desisyon.
Nakipaghiwalay siya kina Phillip at Joey sa batayang may kabilanin na kaganapan sa kanilang ugnayan, isang bagay na hindi mapapayagan ng aktres kaya siya ay bumitiw sa relasyon.
Ang sitwasyon ni Kris kay James Yap ay hindi nalalayo sa mga nauna nang nangyari sa buhay-pag-ibig ng aktres.
Bilang babae, pinangangalagaan ni Kris ang kanyang mga karapatan sa abot ng kanyang makakaya.
Ayaw niyang masaktan kahit marami na siyang pasakit na nakamtan sa ngalan ng pag-ibig na kanyang sinuong at kinabaka.
Tunggalian pa rin ng mga kasarian ang drama at sa labanang ito, walang pinipili ang pag-ibig na estado ng buhay ng isang tao, babae man siya o lalaki.
Dahil patriyarkal ang lipunang Filipino, sa tuwina’y lalaki ang nangingibabaw.
Anuman ang sabihin na naapi ang babae, ang lalaki ay laging may alas na naiiwan sa kanyang pagkalalaki at ito ang binabaka ni Kris sa abot ng kanyang nauunawaan at nakakayanan.
Kaya karapatan niyang pakipaghiwalay kay James dahil nais niyang maipagmalaki na siya ay babae na naninindigan kahit na lampa kung ituring ng lipunan ang anak ni Eva.
Kahit hanap-hanapin ng babae ang lalaki, patutunayan ni Kris na may hangganan ang kanyang pananaghoy at paghahanap ng kalinga.
Namamag-asa siyang baka isang araw ay makamtan niya ang kanyang nais na kaligayahan.
Star Patrol
Boy Villasanta (for Saksi, July 18, 2010)
Ang mga pag-ibig ni Kris Aquino

No comments:
Post a Comment