Friday, July 23, 2010

Sagot ng Cinemalaya 2010 awards night jurors sa sama ng loob ni Dennis Adobas na bokya sa award ang “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio”

IMBES na isang hiwalay na istorya ang ginawa namin para sa panig ng Cinemalaya Independent Film Festival ng Cultural Center of the Philippines sa pagbibigay ng parangal sa mga natatangi sa mga kalahok sa iba’t ibang kategorya ng timpalak kamakailan, sa kolum na ito na lamang natin dadaanin ang kuwento nito.

Hindi nga ba’t naglasing kapagdaka ang peryodistang pampelikula na si Dennis Adobas nang walang napanalunan ang pelikulang “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio” ni Mario O’Hara?

Kaoopera lang ni Dennis sa maselang bahagi ng kanyang katawan mga isang taon at kalahati na ang nakakaraan pero hindi niya napigilang tumungga ng serbesa sa cocktails ng Cinemalaya 2010 pagkatapos ng award night noong Linggo.

Kahit nga ang isa sa mga sumuporta sa kanya sa operasyon na si Jowee Morel, ang kontrobersyal na direktor ng kontrobersyal ding “Latak” ng Outline Films ay nagpayo sa kanya na huwag nang uminom pero dahil sa dismaya na walang napagwagihan ang “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio,” nagpasya si Adobas na lunurin ang siphayo sa alak.

***

Malaki ang paniniwala ni Dennis kay Mario bilang direktor at kasama rin siya sa nagplano sa produksyon ng “Ang Paglilitis…” bilang isa sa mga tagapaghanap ng mga artistang gaganap sa iba’t ibang papel kahit mumunti lang ang karakter.

“Ano kaya ang nangyari at wala man lang napanalunan ang pelikula?” tanong ni Dennis.

Napabuti naman ang kanyang pag-inom ng alak dahil mas naging artikulante siya at naisatinig niya ang lahat ng kanyang nais ibulalas sa harap ng isa sa mga hurado ng paligsahan na si Joselito B. Zulueta, isa sa mga respetadong kasapi ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino.

Nagkumprontahan na sina Adobas at Joselito, kilala rin sa tawag na Lito Zulueta, isa sa mga patnugot ng Philippine Daily Inquirer.

Mas bukas at diretsa si Lito sa kanyang pagkilatis sa obra ni O’Hara.

Ayon kay Zulueta, “bilang isang historical film, walang emotional peg ang pelikulang ‘Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio.’ Ito ang dahilan kung bakit hindi ito nakatawag-pansin sa manonood.”

Prinartikular ni Lito ang bahaging paglilitis kay Andres Bonifacio na ginagampanan ni Alfred Vargas.

“Lalo na sa trial scenes, walang emotional peg” pahayag ni Lito.

Ang “emotional peg” ay marahil na tinitukoy ni Zulueta ay ang “kaukulang damdamin” na dapat ibulalas ng isang karakter sa eksena para maugma at maiakma ng damdamin ng tauhan kahit na historikal ito.

Dahil tao rin naman ang mga nilalang sa kasaysayan kaya inaasahang may emosyon din ang mga ito na puwedeng paghulmahan ng damdamin ng isang artista sa paggagad at paglangoy sa damdamin ng personang kanyang ginagampanan.

***

Idinagdag din ni Lito na bakit nagsimulang ipakilala o ipaalam ni O’Hara sa madla na ang pelikula ay pelikula lamang sa paunang salita nito.

“It was stated na it was only a film,” sabi ni Lito.

“Pero bakit historical ang napili niya? Bakit niya sasabihing film lang ‘yon samantalang tinalakay niya ang history?” tanong ni Zulueta.

Hindi maunawaan ni Lito kung bakit nangahas si Mario na ideklarang pelikula lang ‘yon samantalang sa epilogue o sa hulihan ng pelikula ay sinabing walang binago sa mga iskriba ng pagdinig sa hukuman.

Ang mga kaso ng rebelyon, sedesyon at treason ang inilitis kay Bonifacio at ang nakuhang dokumento ni Mario ay orihinal.

May kontradiksyong nakita si Zulueta sa presentasyon ni O’Hara na pelikula lang ang kanyang ginawa pero may pantukoy sa orihinal na dokumento ng kasaysayan ng Pilipinas.

***

Pero hindi nawawalan ng pag-asa si Lito na may mga manonood pang makakaibig sa pelikula ni Mario.

“Who knows the film might find its own audience,” pamamag-asa ng isa sa mga iginagalang at intelektwal na Manunuri ng Pelikulang Pilipino.

“It might have found its audience,” pagdidiin ng kritikong propesor ng panitikan, pamamahayag at pelikula sa Faculty of Arts and Letters ng University of Santo Tomas.

***

Samantala, ang Hapones namang kritiko at hurado na siyang programmer ng Tokyo International Film Festival sa Japan sa ika-23 ng Oktubre, 2010 sa Asian-Middle East section na si Kenji Ishizaka ay nag-Google pa sa mga kaalaman tungkol kay Bonifacio at General Emilio Aguinaldo na siyang mga pangunahing tauhang historikal ng pelikula.

Para kay Kenji, malaking puntos na naghanap pa siya sa Internet ng mga impormasyon sa kasaysayan ng Pilipinas kaya ang paghuhurado sa isang pelikulang tumatalakay sa kasaysayan ay malaking responsibilidad.

Gayunman, kilala ni Ishizaka si O’Hara dahil siya ang nagdala sa Tokyo International Film Festival ng “Babae sa Breakwater” ni Mario noong 2004.

***

Sinabi ni Kenji na nahirapan siya sa paghuhusga sa mga karapat-dapat na pelikulang kalahok sa 2010 Cinemalaya.

“They are all masters and they have already established their styles,” pahayag ng Hapones sa kanyang Ingles na Hapon.

Ang iba pang bihasa na o master sa pananaw ni Ishizaka ay sina Joel Lamangan para sa “Sigwa” at Gil Portes para sa “Two Funerals.’

Ipinagpilitan ni Adobas na sina Joselito Altarejos para sa “Pink Halo-Halo” at Mark Meily para sa “Donor” ay mga bagito pa lang sa pagdidirek pero hindi na ito diniskusyon ni Kenji bagkos ay itinuon ang argument sa mga establisadong estilo nina Mario, Joel at Gil.

Para kay Ishizaka, sa kanyang short list bago ang deliberasyon ng pagpili sa pinakamahuhusay, dalawa ang pangunahin sa kanyang listahan at ang mga ito ay ang “Donor” at “Two Funerals.”

Kaya nga sinabi ni Lito na “kilala ni Kenji Ishizaka si Mario O’Hara at baka dalhin niya ang ‘Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio’ sa Japan.”

Sinabi ni Kenji na kaya siya nahirapan sa pagpili sa mga pelikula ng Directors Showcase bukod sa mga bihasa na ang mga tagalikha nito ay “we want to choose indie films which are representatives of indie spirit.”

Nagpapasalamat si Ishizaka na may Cinemalaya na nagtutulay sa komersyal at malayang paggawa ng pelikula.

Star Patrol (for Saksi, July 23, 2010)

Boy Villasanta

Manunuri ng Pelikulang Pilipino Lito Zulueta, sinagot ang mga tanong ng naglasing na si Dennis Adobas dahil bokya si Mario O’Hara sa award

No comments:

Post a Comment