Monday, July 12, 2010

Cherie Gil, aminado, wala na siyang sex life

TINAWAG pa lang ng PR man na si Toots Tolentino sa rostrum si Cherie Gil para magsalita ay hindi na maawat ang aktres sa kanyang talumpati tungkol sa kanyang pagganap bilang Maria Callas, ang sikat na sikat na soprano na dumagundong sa buong mundo noong bago at pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Isang Griyega o Greek si Maria na may dugong Amerikano na mataas ang boses at idolo ng maraming singer sa buong sanlibutan.

Una nang iprinodyus ng Philippine Opera Company ang “Master Class,” ang dulang hinalaw sa buhay ni Callas.

Kasi nga’y nais ng POC na dalhin ang opera o mga klasikong palabas sa kanayunan, sa kabukiran, sa kabayanan, sa kabundukan, sa kabarangay-an, sa kasubdibisyunan, sa kaMaynilaan, sa kasiyudad-an at sa lahat ng sulok ng bansang ito upang malaman ng mga Filipino na ang sining ay talagang makapagpapaunlad ng buhay at hindi lang para panoorin.

Kaya isa si Cherie sa nagtataguyod ng adhikaing ito kaya siya pumayag sa ikalawang pagkakataon sa POC na gampanan si Callas.

***

At dahil nga artekulante si Gil ay nasabi na niya pati na ang kanyang pinakasulok ng utak at puso, ang kanyang pagkatao.

Nang dahil nga sa kanyang kaabalahan sa maraming bagay sa showbiz tulad ng shooting ng pelikula, taping ng mga TV show, recording, paggawa ng mga patalastas, personal appearances at iba pang opisyo ng isang artista at pangkaraniwang tao, ang sabi ni Cherie ay “I don’t even have sex anymore.”

Wala na kasi siyang asawa.

Naghiwalay na sila ni Roni Rogoff na isang tanyag na tanyag na violinist.

May dalawa silang anak at talagang puspusan ang kanyang pagkamisis kay Rogoff.

“Pareho nga kami ni Maria Callas, ibinibigay namin ang aming mga sarili sa aming minamahal nang buung-buo,” pahayag ng premyadong aktres.

***

Kung may Rogoff na banyaga si Cherie, may Aristotle Onassis naman si Maria Callas.

Siyempre’y kilala naman natin si Aristotle Onassis, di ba?

Huwag naman tayong magmaang-maangan na hindi natin kilala si Aristotle Onassis.

Si Aristotle Onassis na napapag-aralan natin sa mababa at mataas na paaralan at maging sa kolehiyo lalo na nang siya ay maugnay sa balo ng pinatay na presidente ng Estados Unidos na si John F. Kennedy.

Dating asawa ni Kennedy ang inasawa ni Onassis pagkatapos, si Jacqueline Kennedy.

Naging Jacqueline Onassis na kinalaunan ang balo ni Kennedy.

Sinasabi sa mga lathalain na masyadong mayaman si Onassis at naglumunoy sa kayamanan si Callas nang magsyota pa sila noon.

O, ‘ayan, sasabihin ba nating hindi natin kilala si Onassis.

***

Tatalakayin din kahit kapirot ng “Master Class” na itatanghal sa Carlos P. Romulo Auditorium sa ika-28 ng Hulyo, 2010 ang parteng ito ng buhay ni Callas pero hindi naman ito ang pinakabuod ng kuwento kundi ang pagtuturo ni Maria ng pagkanta sa kanyang mga etudyante sa Julliard School of Music sa New York noong mga unang taon ng 1970s kung saan sa atin naman ay popular na popular sina Nora Aunor at Tirso Cruz III, Vilma Santos at Edgar Mortiz at marami pang kabataang artista noong bago at kasalukuyang may Martial Law sa Pilipinas.

Ngayon pa lang ay nananabik na naman si Cherie na gampanan ang makasaysayang papel na ito sa kanyang pagkaartista.

May sinasabi sa mga sulatin kaugnay kay Callas na ito umano ay mataray at marahas sa kanyang mga karibal sa popularidad at imbiyernang-imbiyerna sa mga peryodistang pampelikula ng kanyang panahon.

At dahil marami ngang mga ipinagkakapareho ng ugali at aktitud sina Maria at Cherie, ang mga ito ba ay katangian din ng ating kababayang aktres?

“Naku, I am not bitchy. Pero pag tama ako, ipinaglalaban ko. Pinipili ko lang naman ang pinagsasabihan ko ng professionalism,” pahayag ni Gil kaugnay sa kawalan ng propesyunalismo sa larangan ng showbiz sa bansa.

Star Patrol (for Saksi, July 12, 2010)

Boy Villasanta

Cherie Gil, aminadong abala kaya wala nang sex life

NAGHIWALAY na ngang tuluyan ang mag-asawang Cherie Gil at Roni Rogoff.

Si Rogoff na isang sikat na violinist.

Isang musikero na bating sa violin, isang instrumentong musikal na maganda ang tunog.

Ayon kay Cherie, “I am not secretive. I know that many of you know may love story,” pahayag ni Gil.

Matatandaan na kahit saan magtungo si Rogoff kahit sa Europe o sa Amerika at iba pang kontinente, magkasama sila ni Cherie kaya naman nawala sa lokal na showbiz noon ang aktres.

Nagkaanak sina Rogoff at Gil.

Pero ang kabanata ng buhay na ‘yon ay tapos na.

Nandito na sa ating piling muli si Cherie.

***

Bising-bisi nga si Gil sa maraming trabaho sa showbiz tulad ng mga personal appearances, shooting ng pelikula, independent o indie man o hindi, taping ng mga palabas pantelebisyon, recording, pakikipagsosyalan sa mga kapwa taga-showbiz at kahit sa mga pribadong tao at marami pang iba.

Nang dahil dito ay nasabi nga niyang “I don’t even have sex anymore.”

Naku, ang peryodistang pampelikula na si Wil ProviƱo o kilala rin sa tawag na Exel na dating kasa-kasama ng peryodista ring pampelikula na si Arthur Quinto, nagkomento na tungkol kay Cherie: “O, hindi ba? Ganyan siya talaga ka-open.”

Kaya nga mahal na mahal ng showbiz si Gil dahil sa kanyang katapatan.

***

Sa presscon nga ng dulang “Master Class,” isang dula na batay sa buhay ng klasikal na mang-aawit na si Maria Callas, artekulante na naman si Cherie.

Siya ang bida sa “Master Class.”

Si Cherie si Maria Callas.

At dahil kontrobersyal si Cherie, kontrobersyal din si Maria Callas.

Si Maria Callas ay isang Griyega o Greek na may dugong Amerikano.

Hinangaan siya sa buong daigdig sa kanyang mataas na boses sa pagkana.

Kaya nga kahit ang mga mang-aawit na Filipino ay kilalang-kilala si Callas at dapat lang na manatili siya sa ating kamalayan dahil magaganda ang kanyang pagtatanghal at pag-awit.

May sinasabi sa mga sulatin kaugnay kay Callas na ito umano ay mataray at marahas sa kanyang mga karibal sa popularidad at imbiyernang-imbiyerna sa mga peryodistang pampelikula ng kanyang panahon.

At dahil marami ngang mga ipinagkakapareho ng ugali at aktitud sina Maria at Cherie, ang mga ito ba ay katangian din ng ating kababayang aktres?

“Naku, I am not bitchy. Pero pag tama ako, ipinaglalaban ko. Pinipili ko lang naman ang pinagsasabihan ko ng professionalism,” pahayag ni Gil kaugnay sa kawalan ng propesyunalismo sa larangan ng showbiz sa bansa.

***

Kung nagka-Rogoff si Cherie, may Aristotle Onassis naman si Maria.

O, itatanong naman natin kung sino itong si Aristotle Onassis.

Aba naman, mga kaibigan, sino ba naman ang hindi makakakilala kay Aristotle Onassis.

Si Aristotle Onassis na isa ring Griyego na may pabrika ng mga barko.

Ano pa ang tungkol kay Aristotle Onassis?

Siyempre’y kilala rin siya bilang mister ni Jacqueline Kennedy, ang dating asawa ng pinaslang na pangulo ng Estados Unidos na si John F. Kennedy.

Nang mabalo si Jacqueline ay napangasawa niya si Aristotle Onassis.

O, di ba, kaya sikat na sikat si Maria Callas sa pagkakataong ito.

Sinasabi sa mga lathalain na naglumunoy si Maria sa kayamanan ni Onassis.

Bagamat hindi naman ito ang kuwento ng “Master Class,” mahalaga ring malaman na may ganitong istorya sa buhay ni Callas dahil nga sinasabi ni Cherie na maraming bagay na pinagkakaparerohan sila ni Maria.

***

Bukod sa pagiging disiplinado at propesyunal na kanilang mga sining, talagang matindi ang pagiging mga makabago nina Cherie at Maria.

Ayon kay Cherie, bastat sa ikagaganda ng kanyang propesyon, talagang suuungin niya ang lahat maging perpekto lamang ang kanyang pagganap sa mga opisyong ito.

Itatanghal sa Carlos P. Romulo Auditorium ang “Master Class” sa ika-28 ng Hulyo, 2010 at mula rito ay masasabing talagang pambato ng Pilipinas sa kahusayan si Cherie Gil.


No comments:

Post a Comment