Thursday, July 15, 2010

Mercedes Cabral, nagfa-fashion show habang palabas ang pelikula sa Cinemalaya 2010

NANG tawagin nang isa-isa sa entablado ng Main Theater ng Cultural Center of the Philippines ang mga artista ng pelikulang “Ganap na Babae” ng Hubo Productions na siyang opening film ng ika-6 na Cinemalaya Independent Film Festival ng CCP, inabangan namin ang pagtindig sa kanyang upuan, paglakad at pag-akyat sa tanghalan ni Mercedes Cabral, ang aktres na inilunsad ni Brillante Mendoza sa pelikulang “Serbis.”

Kasi nga’y alaga na namin si Mercedes noon pa mang nagsisimula siya sa panangangalaga ni Rey Raña at hinuhulma naman siya ng kontrobersyal na direktor na si Jowee Morel para gumanap sa kontrobersyal ding “Latak” ng Outline Films.

Pero naubos nang isa-isa ang mga pangunahing artista sa obra ay wala pa rin si Cabral.

Anong nangyari?

Bakit siya pa naman ang isa sa malalaking bituin ng pelikula pero absent siya sa premiere night ng kanyang pinagbibidahan?

***

“Naku, may fashion show po ngayon si Mercedes,” pahayag ni Will Fredo, ang Chief Executive Officer ng Hubo Productions.

Paborito ni Will si Cabral dahil nakakailan na nga bang proyekto ang aktres sa kanyang kumpanya ng pelikula.

Kaya pala nasa entablado na si Sue Prado, si Boots Anson Roa, ang mga direktor na sina Ellen Ramos, Rica Arevalo at Sarah Garcia pero nawawala si Mercedes, ang tinaguriang Most Beautiful Actress who walked the red carpet of the 2008 Cannes International Film Festival ay wala pa si Cabral.

Hinanap din siya ng kanyang dating talent manager na si Dennis Adobas, isa ring peryodistang pampelikula pero binitawan na nga niya si Cabral.

***

Mahusay talaga si Mercedes kahit saan daanin.

Ang galing-galing niya sa “Ganap na Babae.”

Papel ng isang puta ang karakter na ginagampanan ng bituin.

Isang hindi pangkaraniwang kautahan ng isang babaing bugbog-sarado sa kanyang kinakasamang Negrong Amerikano pero pag siya ay binibigyan ng pera at mga damit kabilang ang mga kasagkapan sa bahay, nagpapasailalim siya sa kagustuhan ng Itim na ito.

Hanggang sa hindi na niya matiis at siya ay nagpainterbyu na sa lahat ng kanyag dinanas na karahasan at pang-aapi laban sa Amerikanong ito na nagngangalang Thomas.

Kahit nga si Fredo ay bilib na bilib sa pag-arte ni Cabral sa obrang ito.

Kahit saan mo daanin at kahit na anuman ang kibot ng labi o kisap ng kanyang mga mata ay umaarte at talagang malalim ang mga kahulugan nito.

***

At alam din ba ninyo kung sino ang isa pang hangang-hanga kay Mercedes sa pagganap?

Walang iba kundi si Mario O’Hara.

Nang mapanood ni Mario ang eksena kung saan nilalawayan ng Negrong Amerikano ang maselang bahagi ng pagkababae ni Mecedes ay sumaludo si O’Hara sa pag-arte ng bituin at ang pagkakagawa ng tagpo sa kamay ni Rica.

“Ibang klase. I like it so much. Mahirap gawin ‘yon pero nagawa ni Rica at ni Mercedes. Perfect talaga,” papuri ni Mario na nahuli sa pagbubukas at pagpapakilala sa kanya bilang direktor ng “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio” na kasama ring kalahok sa Cinemalaya ngayong taong ito.

Sino ba naman ang hindi maiinspira kung ang mga pumupuri sa’yo ay mga Will Fredo at Mario O’Hara?

Star Patrol (for Saksi, July 15, 2010)

Boy Villasanta

Mercedes Cabral, mas inuna ang fashion show kaysa premiere night ng kanyang pelikula sa 2010 Cinemalaya

MGA alas osto y medya na ng gabi nang magsimulang ipamarali ang pagpapalabas ng opening film ng ika-6 na Cinemalaya Independent Film Festival sa Main Theater ng Cultural Center of the Philippines.

Nagkaroon muna ng pagtatanghal ng mga teaser at trailer ng mga pelikulang kalahok sa taunang pestibal.

Magkakahanay kami ng mga peryodistang pampelikula sa isang magkakatabing upuan kabilang sina Dennis Adobas, William Reyes, Art Tapalla at sa may dulo ay si Ibarra Mateo na may kasamang mga doktor.

Nasa kanilang grupo ang film buff na si Manny Pangaruy, isang miyembro ng Dulaang Don Mateo Lopez (DUMALO), isang pangkomunidad na organisasyon ng teatro sa Lopez, Quezon na bagamat nagpapahinga ay maipagpapatuloy naman bastat may pantustos lang sa mga gastusin ng produksyon sa tanghalan.

***

“Ganap na Babae” ng Hubo Productions ang opening film ng Cinemalaya6 at tampok dito sina Mercedes Cabral, Sue Prado at Boots Anson Roas.

Siyempre’y tradisyon nang tawagin ang prodyuser o kung sinumang kinatawan ng produksyon sa entablado para ipakilala ang kanyang obra sa mga manonood.

Kasabay nito ay ang pagtawag sa mga aktor at aktres na gumaganap sa pelikula.

Kaya nga nananabik kami nina Dennis, Art at William sa pag-akyat ni Mercedes Cabral sa tanghalan para magpugay at makipagtalamitam sa kanyang mga kabituin sa pelikula.

Pero naubos at naubos nang tawagin ang mga tampok na artista sa obra nina Rica Arevalo, Ellen Ramos at Sarah Garcia ay ni anino ni Mercedes ay hindi namulatawan.

Anong nangyari?

Nasaan si Cabral?

Ang dami pa namang nais makakita sa kanya sa mga pagkakataong ‘yon.

“Naku, may fashion show po ngayon si Mercedes,” pahayag ni Will Fredo, ang Chief Executive Officer ng Hubo Productions.

Paborito ni Will si Cabral dahil nakakailan na nga bang proyekto ang aktres sa kanyang kumpanya ng pelikula.

Kaya pala nasa entablado na si Sue, si Boots, ang mga direktor na sina Ellen, Rica at Sarah pero nawawala si Mercedes, ang tinaguriang Most Beautiful Actress who walked the red carpet of the 2008 Cannes International Film Festival ay wala pa si Cabral.

Natalo niya sa kategorya sina Salma Hayek, Linda Evangelista at marami pang iba.

Hinanap din siya ng kanyang dating talent manager na si Dennis Adobas, isa ring peryodistang pampelikula pero binitawan na nga niya si Cabral.

***

Nami-miss namin si Mercedes dahil sa kanyang pagisimula sa aming pangangalaga.

Nang hawak pa siya ng talent scout at naging ganap na talent manager sanang si Rey Raña ay madalas siyang magpasyal sa bahay ng kontrobersyal na direktor na si Jowee Morel ng kontrobersyal ding “Latak” ng Outline Films.

Bago gawin ni Mercedes ang “Latak” ay inala-alagaan din siya ni Jowee.

Sa katunayan, sa bahay pa nga ni Morel sa Merville Park Subdivision sa Parañaque City tumira nang matagal ang aktres.

Lagi naming isinusulat ang mga kaganapan ni Cabral sa kanyang personal at pribadong buhay dahil lagi namin siyang nakakadaupang-palad sa araw-araw na ginawa ng Diyos.

Malayo na nga ang narating ni Mercedes dahil malalaking paktorya na ng pelikula ang kumukuha sa kanya at dahil din sa maraming maliliit na prodyuser ang kumukuha sa kanyang serbisyo sa showbiz.

***

Mahusay talaga si Mercedes kahit saan daanin.

Ang galing-galing niya sa “Ganap na Babae.”

Papel ng isang puta ang karakter na ginagampanan ng bituin.

Isang hindi pangkaraniwang kautahan ng isang babaing bugbog-sarado sa kanyang kinakasamang Negrong Amerikano pero pag siya ay binibigyan ng pera at mga damit kabilang ang mga kasagkapan sa bahay, nagpapasailalim siya sa kagustuhan ng Itim na ito.

Hanggang sa hindi na niya matiis at siya ay nagpainterbyu na sa lahat ng kanyag dinanas na karahasan at pang-aapi laban sa Amerikanong ito na nagngangalang Thomas.

Kahit nga si Fredo ay bilib na bilib sa pag-arte ni Cabral sa obrang ito.

Kahit saan mo daanin at kahit na anuman ang kibot ng labi o kisap ng kanyang mga mata ay umaarte at talagang malalim ang mga kahulugan nito.

***

At alam din ba ninyo kung sino ang isa pang hangang-hanga kay Mercedes sa pagganap?

Walang iba kundi si Mario O’Hara.

Nang mapanood ni Mario ang eksena kung saan nilalawayan ng Negrong Amerikano ang maselang bahagi ng pagkababae ni Mecedes ay sumaludo si O’Hara sa pag-arte ng bituin at ang pagkakagawa ng tagpo sa kamay ni Rica.

“Ibang klase. I like it so much. Mahirap gawin ‘yon pero nagawa ni Rica at ni Mercedes. Perfect talaga,” papuri ni Mario na nahuli sa pagbubukas at pagpapakilala sa kanya bilang direktor ng “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio” na kasama ring kalahok sa Cinemalaya ngayong taong ito.

Sino ba naman ang hindi maiinspira kung ang mga pumupuri sa’yo ay mga Will Fredo at Mario O’Hara?


No comments:

Post a Comment