HINDI naniniwala ang kolum na ito na hindi na dapat binibigyan ng espasyo ang mga nakalipas nang mga singer at bituin sa radyo, telebisyon, tanghalan at pelikula.
Ang kawalan ng mga celebrity ay nakasalalay lang sa marketing pero bilang mga tao at mamamayan ng isang lipunan at bansa, ang mga artista ay laging nasa ating piling.
Tulad nina Claire de la Fuente at Eva Eugenio.
Lagi silang nasa ating piling at huwag paniwalaan ang mga paghuhusga na wala nang intresado sa kanila.
Dahil bastat may talento, mananatiling buhay sa ating isipan at damdamin ang mga taga-showbiz.
***
Kahit hindi pilitin ay may mga balita kina Claire at Eva.
Tulad na lang nang kumanta si Eugenio sa Alegria Lounge ng Manila Pavilion sa United Nations Avenue sa Maynila.
Punung-puno ang venue at ‘yan ba ang sasabihin nating hindi na pinapansin ng publiko ang mga tulad niya.
Marami pa ring tumatangkilik kay Eva dahil siya ay isang mahusay na mang-aawit at ang kanyang gulang ay may mga sumusuporta pa lalo na ang kanyang mga kahenerasyon.
Kaya buhay na buhay ang mga tulad ni Eugenio.
***
Tinanong namin si Eva kung kailan muli sila magkakasama sina Claire at Imelda Papin sa entablado, sa telebisyon o kaya ay sa pelikula?
Ang kainaman kina Eugenio, de la Fuente at Imelda ay marunong silang magpatakam sa kanilang mga tagahanga.
Hindi sila basta na lang lumalabas na sila ay magkakasama.
Kaya naman nang aming tanungin si Eva tungkol sa posibleng pagsasama-sama nila ay sinabi niyang “kasi, pag sinasabihan si Claire, ang sasabihin daw niya ay iba na ang leveling nila. Na kesyo nakasama na niya si Michael Bolton sa isang show at nakipag-duet na siya rito kaya hindi na puwede sa kung kani-kanino na lang siya sasama.”
Na nauunawaan naman ni Eugenio pero para sa kanya ay sayang ang pagkakataon na gusto pa sila ng balana.
Kaya nang dahil kay Michael Bolton ay hindi na muna sasama si de la Fuente sa iba pang personalidad.
***
Sa kaso naman ni Papin, sinabi ni Eva na bahala ‘yang si Imelda kung ayaw pa niyang makisama sa kanya sa ibabaw ng isang entablado.
“Ganyan lang naman ang buhay, di ba? Hayaan mo sila,” pahayag ni Eugenio, ang nagpasikat ng awiting “Tukso, Layuan Mo Ako” at iba pang makabagbag-damdaming musika.
Sinabi ni Eva na abala naman si Mel sa kandidatura sa pagka-senador ngayong halalan sa Mayo.
“Pang-number twelve na raw siya,” pahayag ni Eva.
Nananalangin naman si Eugenio na maganap ang mga pangarap ng tinaguriang Asia’s Sentimental Songstress.
***
Kung si Carmen Pateña ay tuwing Lunes ng gabi sa buong buwan ng Abril kakanta sa Heritage Hotel Pagcor Casino, tuwing Martes naman ng gabi sa buong buwan ng Abril await si Eva sa Alegria Lounge, ang pamosong lugar na kantahan ng mga sikat na mang-aawit.
Kasama nga pala ni Eva nang gabing kumanta siya ang kanyang anak na si Evangeline na anak ng negosyanteng si Boy Sebastian.
Samantala, nanood naman ng concert ni Eugenio ang mga magulang ni Precious Hipolito-Castelo na matagal na ring hindi nakakaikot sa Maynila.
Kanditato sa pagkonsehal ng Lunsod ng Quezon si Precious kaya nagbitiw na bilang newscaster ng Channel 13.
Star Patrol (for Saksi, April 9, 2010)
Boy Villasanta
Dahil kay Michael Bolton, hindi na magsasama sa show sina Eva Eugenio, Imelda Papin at Claire de la Fuente
TULAD nina Kim Chiu, Regine Velasquez, Jaya, Zsa Zsa Padilla, Mark Bautista, Christian Bautista, Dingdong Dantes at iba pang mga bituing kumakanta, sina Eva Eugenio, Imelda Papin at Claire de la Fuente ay mananatiling celebrity ng ating panahon.
Hindi naniniwala ang kolum na ito na ang mga tulad nina Eva, Imelda at Claire ay hindi na pinapansin.
Nand’yan pa rin sila at ang kanilang mga tagahanga ay laging tumatangkilik sa kanila.
Bastat may talento, walang matanda at walang bata.
Hindi namimili ng gulang o kabanata ng buhay ang talento dahil ito ay walang kamatayan.
***
Kaya ang balita sa mga tulad nina Eugenio, Papin at de la Fuente ay laging sariwa dahil nag-aapoy ang mga kontrobersya na kanilang dala-dala.
Ang marketing at ang merkado lang naman ang nagpapasya kung kailangang hindi na makita o mapakinggan ang mga tulad nila pero ang merkado nga ay binubuo ng iba’t ibang klase at istratipikasyon kaya naman hindi kailanman mawawala ang mga tulad nina Eva.
Ang kanilang henerasyon ay laging nand’yan tulad rin ng henerasyon ng mga tulad nina Kim, Regine, Rachel Anne Go at marami pang iba.
Puwede ring magkasama ang tulad nina Eva at Regine o kaya naman ay ni Sheryn Regis at Imelda o kaya naman ay ni Sarah Geronimo at Claire.
Depende talaga.
Laging nag-aabang ang kani-kanilang tagahanga sa bawat hakbang na gawin nila.
***
May anghang pa ang mga Eugenio, Papin at de la Fuente kahit na sabihing hindi na sila bumabata.
Dahil nand’yan pa rin sila.
Tingnan natin ang nangyari nang pagsamhin sina Eva at Claire sa pagtatanghal na “The Legends” na ginanap sa Philippine International Convention Center o PICC noong isang taon.
Tumabo sa takilya ang espesyal na panooring ‘yon.
Kaya naman nang makita namin si Eva sa Alegria Lounge ng Manila Pavilion ay agad namin siyang tinanong kung kailan naman sila magkakasama muli ni Claire.
“Ay naku, baka hindi na,” tahasang pahayag ng kontrobersyal na mang-aawit na nagpasikat ng awiting “O, Tukso. Layuan Mo Ako.”
Bakit naman mukhang parang ipinipinid na ang pinto sa kanilang pagsasama?
***
“Kasi, pag sinasabihan si Claire, ang sasabihin daw niya ay iba na ang leveling nila. Na kesyo nakasama na niya si Michael Bolton sa isang show at nakipag-duet na siya rito kaya hindi na puwede sa kung kani-kanino na lang siya sasama,” pahayag ni Eva
Na nauunawaan naman ni Eugenio pero para sa kanya ay sayang ang pagkakataon na gusto pa sila ng balana.
Kaya nang dahil kay Michael Bolton ay hindi na muna sasama si de la Fuente sa iba pang personalidad.
***
Sa kaso naman ni Papin, sinabi ni Eva na bahala ‘yang si Imelda kung ayaw pa niyang makisama sa kanya sa ibabaw ng isang entablado.
“Ganyan lang naman ang buhay, di ba? Hayaan mo sila,” pahayag ni Eugenio, ang nagpasikat pa ng awiting “Kasalanan Ba?”at iba pang makabagbag-damdaming musika.
Sinabi ni Eva na abala naman si Mel sa kandidatura sa pagka-senador ngayong halalan sa Mayo.
“Pang-number twelve na raw siya,” pahayag ni Eva.
Nananalangin naman si Eugenio na maganap ang mga pangarap ng tinaguriang Asia’s Sentimental Songstress.
***
Kung si Carmen Pateña ay tuwing Lunes ng gabi sa buong buwan ng Abril kakanta sa Heritage Hotel Pagcor Casino, tuwing Martes naman ng gabi sa buong buwan ng Abril await si Eva sa Alegria Lounge, ang pamosong lugar na kantahan ng mga sikat na mang-aawit.
Kasama nga pala ni Eva nang gabing kumanta siya ang kanyang anak na si Evangeline na anak ng negosyanteng si Boy Sebastian.
Samantala, nanood naman ng concert ni Eugenio ang mga magulang ni Precious Hipolito-Castelo na matagal na ring hindi nakakaikot sa Maynila.
Kanditato sa pagkonsehal ng Lunsod ng Quezon si Precious kaya nagbitiw na bilang newscaster ng Channel 13.
No comments:
Post a Comment