TIYAK na may loyalty award na si Mar Lopez, ang isa sa mga miyembro ng sikat na sikat na D’Big Three Sullivans at Tatlong Pinoy sa larangan ng broadcasting.
Mula nang maging announcer siya sa DWIZ ay napanatili niyang nasa istasyon pa siya ni Anthony Cabangon-Chua hanggang sa mga sandaling ito.
“Ganyan ako kung magpahalaga sa kapwa ko. Binigyan ako ni Tony ng chance kaya pinagbubuti ko,” pahayag ni Mar sa burol ni Palito kamakailan sa Loyola Memorial Chapels sa Guadalupe sa Makati City.
Ilang taon na nga ba si Mang Mar sa DWIZ?
“Matagal na kami r’yan kaya nga parang bahay na rin namin ang istasyon na ‘yan,” sabi ni Lopez.
Sinigundahan siya ng kanyang misis na alam na ninyong announcer na rin?
Kasi nga’y sayang din naman ang kanyang puwedeng sabihin sa balana.
***
Naging announcer ang asawa ni Mang Mar nang umalis na ang record producer ng mga awiting Ilocano, Bicolano at Bisaya na si Ernie de la Cruz.
Ernie de la Cruz who?
Sino pa kundi si Ernie de la Cruz na dating taga-Vicor Recording Company sa panahon nina Geraldine, Rey Valera, Anthony Castelo at marami pang iba?
Si Ernie de la Cruz na naging producer ng kauna-unahang plaka ni Lea Salonga.
Magka-co-host sina Mar at Ernie pero umalis na nga ang huli at nagtungo na sa Radio Veritas nina Mario Garcia, Angelique Lazo at marami pang iba.
***
Nag-i-enyoy ang asawa ni Lopez sa radio at kung anu-ano ang pinagkukukutinting nito.
“Ang sarap mag-radyo,” pahayag ni Mrs. Lopez.
“Nagpapasok din ako ng commercial sa DWIZ. Kaya nga masaya, e. Nakakatulong na ako sa istasyon ay nakakapag-radyo pa ako. Nakaka-miss talaga ang radio kaya lang, hindi kami puwede na araw-araw,” paliwanag ng esposa ni Mang Mar.
Tuwing umaga ng araw ng Linggo nagraradyo sina Mar.
Alas singko ng umaga hanggang alas sais ang kanilang time slot at kahit na alas tres ng umaga ay gising na ang mag-asawa, masaya pa rin dahil showbiz na showbiz ito at kailangang alagaan sa pagdaraan ng panahon.
Sa gabi naman ng Linggo ay nasa Associated Broadcasting Corporation si Mang Mar para sa kanilang sitcom ni Dolphy na “Pidol’s Wonderland” para sa Channel 5, kilala rin sa tawag na TV5.
“Malakas na ang ‘Pidol’ Wonderland’ baka akala mo. Gustung-gusto ‘yon ng mga bata,” pagmamalaki ni Mrs. Lopez.
***
Mukhang halos pare-pareho ang drama ng mga komedyante dahil tulad ng namayapang si Palito, parang playboy rin si Mar pero tinatanggap ito ng kanyang asawa.
“Ako, kasundo ko lahat ng mga babae ng asawa ko. Nakikipag-usap sila sa akin. Ako naman, nakikipagkaibigan din sa kanila. Para walang samaan ng loob.
“Gano’n lang ang buhay. Bastat nauunawaan namin ang isa’t isa. Kaya lang, siyempre, hindi mo masasabi ang buhay pero kung nagmamahalan tayong lahat, walang kaso,” katwiran ni Mrs. Lopez.
Star Patrol (for Saksil, April 22, 2010)
Boy Villasanta
Loyalty award ni Mar Lopez sa pagraradyo sa DWIZ
HINDI lang sina Alvin Capino o Eli Aligora ang mga star announcer ng DWIZ, ang istasyon na pinagmamay-arian ng negosyanteng si Anthony Cabangon-Chua.
Maging si Mar Lopez ng D’Big Three Sullivans at Tatlong Pinoy ay malaki ring pangalan sa radyo.
Hindi nga ba’t si Ariel Ureta ay isa ring maipagmamalaking radio personality ng DZMM?
Komedyante rin si Ariel kaya pareho lang sila ni Mar bagamat magkaiba ang kanilang tatak ng pagpapatawa.
Kung magbibigayan ng parangal sa matatapat na announcer ng DWIZ, isa si Mang Mar sa talagang maghahakot ng loyalt award dahil sa kanyang pagyakap sa himpilan sa maraming taon.
***
Noong kasama pa ni Mar ang record producer na si Ernie de la Cruz ay lalo pang masigla si Lopez pero nagawa niyang pasiglahin nang nagsosolo ang kanyang programa.
Teka, sino nga ba si Ernie de la Cruz?
Sino pa, e, di ang dating taga-Vicor Recording Company na si Ernie de la Cruz na ngayon ay record producer na ng kanyang mga kantang Ilocano, Bicolano at Bisaya.
Si Ernie de la Cruz na nagsilbi kay Vic del Rosario sa mahabang panahon.
Si Ernie de la Cruz na naging producer si Lea Salonga sa kauna-unahang plaka at LP ng international star.
Ngayon ay nasa Radio Veritas na si Ernie kasama sina Mario Garcia, Angelique Lazo at marami pang iba.
***
“Sayang si Ernie. Pero hindi naman namin siya mapigilan dahil karapatan niya na maghanap kung saan niya gusto. May pinagsamahan din kami,” pahayag ni Mrs. Lopez.
Pero magkukumpare pa rin sina de la Cruz at Mar.
Bastat maliit lang ang industriya at sila-sila, kami-kami pa rin ang magkakabanggaan.
Kaya nga kahit na naghihinayang din si Mar ay wala siyang magagawa dahil may sariling diskarte ang bawat tao.
Ang diskarte naman ni Mar ay ang kanyang pagyakap nang todo sa DWIZ.
Kung maaari nga ay gawaran agad siya ng loyalty award para sa kanyang pagmamahal sa himpilan.
***
Masaya ang mga Lopez sa radyo.
Alam ba ninyo na pati si Mrs. Lopez ay announcer na rin.
“Nag-i-enjoy rin ako. Naku, talagang nakaka-miss ang radyo pag wala ka sa harap ng mikropono. Kaya nga ang gusto ko, laging araw ng Linggo,” wika ni Mrs. Lopez.
Tuwing alas singko ng umaga ang time slot ng programa nina Mar.
“Kahit gumising kami ng three o-clock in the morning, okey lang. Tapos, diretso na kami sa istasyon,” kuwento ni Mrs. Lopez.
Sa kahabaan lang ng Shaw Boulevard, sa may kanto ng Oranbo Street sa Pasig City ang studio ng DWIZ at mula sa Fairview ay nagbibiyahe ang mga Lopez patungo sa istasyon at hindi na nila ito makakalimutan sa tanang buhay nila.
“Nagpapasok din ako ng commercial sa DWIZ kaya nagraradyo na kami ay nakakatulong pa sa station,” pahayag ni Mrs. Lopez.
May mga show pa ang mag-asawa sa iba’t ibang panig ng Pilipinas at kahit na sa ibang bansa.
Minsan ay nakakasama pa ni Mar si Dolphy sa mga pagtatanghal sa ibayong-dagat.
***
Napapag-usapan na rin lang si Dolphy.
Alam ba ninyo na maganda ang samahan nina Mar at Dolphy?
Sa umaga ng Linggo ay nasa DWIZ si mar at sa gabi naman ay nasa Associated Broadcasting Corporation naman siya sa kanilang sitcom ni Dolphy na “Pidol’s Wonderland” para sa Channel 5, kilala rin sa tawag na TV5.
“Malakas na ang ‘Pidol’ Wonderland’ baka akala mo. Gustung-gusto ‘yon ng mga bata,” pagmamalaki ni Mrs. Lopez.
***
Samantala, tulad ng namayapang si Palito, parang playboy rin si Mar pero tinatanggap ito ng kanyang asawa.
“Ako, kasundo ko lahat ng mga babae ng asawa ko. Nakikipag-usap sila sa akin. Ako naman, nakikipagkaibigan din sa kanila. Para walang samaan ng loob.
“Gano’n lang ang buhay. Bastat nauunawaan namin ang isa’t isa. Kaya lang, siyempre, hindi mo masasabi ang buhay pero kung nagmamahalan tayong lahat, walang kaso,” katwiran ni Mrs. Lopez.
Mariano Lopez is the founding member of Tatlong Pinoy and Big Three Sullivans and now a TV Host
ReplyDelete