Friday, April 23, 2010

Dumarami pa ang naghahabol na anak sila ni Palito; Albert Figueras at Erick Valeña, bati na

HINDI ipinagkaila ni Jhune Hipolito, isa sa mga anak ng namayapang komedyante na si Palito, Reynaldo Hipolito, na nang nakaburol ang kanyang ama ay marami pang dumating na mga bata at tin-edyer na nagsasabing anak din sila ng bituin.

Sila ay bukod pa kina Rachelle, 6; Rey-Ann, 5 at Rhian, 2 na mga anak ni Palito sa batambatang si Cecille Cinco na taga-Tacloban City sa Leyte.

Kahit sitenta y sais nang mamatay si Palito ay nakabuntis pa rin siya ng maraming babae.

“Naku, nang nakaburol pa si Daddy sa Loyola Memorial Chapels, ang daming nagpupunta ro’n na mga bata at kasama pa ‘yong mga nanay nila,” pahayag ni Jhune sa Starmall Jollibee kung saan kami nagkita sa disin sana’y pakikipag-usap niya kay Manny Huang ng Philippine Charity Sweepstakes Office kamakalawa ng hapon.

Tutulong pa rin ang PCSO sa pamamagitan ni Manny sa pamilya ni Palito kahit na-cremate na ang mga labi nito.

“Awang-awa ako kay Palito kaya tutulungan natin siya,” pangako ni Huang nakaratay pa sa banig ng karamdaman ang komiko.

Pero nahuli nga sa aming miting si Jhune dahil isasalang pa sa lotto draw si Manny at pag lumipas pa ang maraming oras ay hindi na siya matatagpuan sa kanyang upisina.

***

Kasyang-kasyang pasiyam din ng araw na ‘yon kay Palito at sina Jhune kasama ang kanyang kapatid sa ama na si Kent Ramirez ay nakatakdang dumalo sa pamisa at padasal sa kanilang ama sa bahay nila sa Malagasang 2 sa Imus, Cavite.

“Naku, may mga anak si Daddy sa isang nagngangalang Ligaya. Tapos, kay Janet. May mga dumating pa po sa punerarya na tatlong bata na anak din daw ni Daddy.

“Makikita mo naman po, mga kamukha sila ng Daddy kaya hindi maikakailang totoo ang sabi nila.

“May isang babae si Daddy na nakalusot sa pagdalaw kahit na hindi pumayag si Mommy na makadalaw ‘yong mga babae.

“Tiniyempuhan no’ng babae na lumabas sa punerarya si Mommy at saka pumasok ‘yong babae. Pero hinarang siya ng isa sa mga tita ko na kapatid ng mother ko. Pinaalis siya kasi, ayaw nga ni Mommy,” pahayag ni Jhune.

***

“May Reynante pa na pangalan. At saka, may mga kapatid pa ‘yong Reynante.

“Pero tinatanggap namin sila. ‘Yong mga anak nga ni Cecille, tinatanggap namin. Kaya lang, paano niya bubuhayin ang mga ‘yon? Sabi ni Cecille, babalik na lang siya sa Leyte.

“’Yon, binigyan ko ng limandaang piso. Si Arvin, nagbigay rin ng five hundred pesos. Wala rin kaming malaking pera, e,” pahayag ni Jhune.

“Alam ko, may mga anak pa si Daddy sa ibang bansa. Sa Japan, nag-show din ‘yan do’n. Tiyak na may anak din si Daddy ro’n,” sabi ni Kent na natatawa.

Si Kent ang nakakasama ni Palito sa mga shows niya sa Casino Filipino Pagcor sa may Santa Cruz.

“Alam mo, nakaka-touch. Kasi, nang huling magkita kami ni Daddy sa casino, sabi niya na ibibili niya raw ako ng bagong shoes. Tapos, namatay na nga siya,” malungkot na pahayag ni Ramirez na ang ina ay nagtatrabaho sa Guam.

“May nagti-text din sa akin mula sa States. Alam mo, anak din ‘yon ni Daddy. Kaya lang, naputol ‘yong text message niya,” pagbabalita pa ni Jhune.

***

Ayon kay Jhune, mga labingsiyam na anak sa labas meron ang kanyang ama.

‘Yon ay puwera pa si Kent.

“Gano’n nga siguro ang buhay,” pahayag ng batang Hipolito.

“Kung puwede lang, pag tumata ako sa lotto, aampunin ko ang lahat ng anak ni Daddy,” natatawang wika ni Jhune.

Isang simpleng pasiyam lang ang ginanap sa bahay ng mga Hipolito sa Cavite bagamat mas mabisa ang dasal kahit na sa anumang ritwal na puwedeng gawin sa pasiyam.

***

Samantala, bati na ang magkaibigang mga pamosong fashion designer na sina Albert Figueras at Erick Valeña.

Sa katunayan, mayroon silang magarang fashion show mamayang gabi sa Hard Rock Café sa Makati City.

Tubig ang sentro ng paksa at tema ng pagtatanghal nina Albert at Erick.

Good luck sa inyong dalawa.

Star Patrol (for Saksi, April 23, 2010)

Boy Villasanta

Pamilya ni Palito, nagpasiyam sa aktor; Albert Figueras at Erick Valeña, nagkaayos na

NAGKASUNDO kami ni Jhune Hipolito, isa sa mga anak ng namayapang komedyante na si Palito sa Starmall kamakalawa ng hapon.

Sasamahan naming makipagpulong si Jhune kay Manny Huang, isa sa masusugid na tagapamahala ng lotto draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

Nangako kasi si Manny na tutulong sa pamilya ni Palito, Reynaldo Hipolito sa tunay na buhay, kahit noong buhay pa ang komiko at nakaratay pa sa Philippine General Hospital.

Pero hindi nga naasikaso ng pamilya ni Palito at ngayon lang nagkapanahon na dapat mamasyal sa PCSO para makausap si Huang.

Pero nahuli sa aming usapan si Jhune.

Dalawang solidong oras ang ipinaghintay namin sa kanya pero kailangan ngang umalis sa upisina si Manny dahil may kalog siya ng lotto.

At pagkatapos ay uuwi na siya ng bahay para naman makapagpahinga.

***

Kuntodo paghingi ng paumanhin si Jhune sa kanyang pagkaantala pero wala na ring magagawa ang kanyang paghingi ng dispensa dahil sa nagawa na nga niya ang pagkahuli sa usapan.

Ibinigay ko na lang kay Jhune ang cellphone number ni Huang at nang sila na ang mag-usap tungkol sa suportang ibibigay ng PCSO sa mga naulila ng bituin.

Maya-maya ay dumating pa si Kent Ramirez, ang isa sa mga anak ni Palito sa ibang babae pero tinatanggap nang lubusan ng mga legal na Hipolito.

Anak si Kent ng isang nagtatrabaho sa Guam.

Musikero si Kent at nagbabanda.

Tiyempong pasiyam noong kamakalawa kay Palito at kahit na si Kent ay nag-anyaya sa amin na makipagtapos sa kanyang ama.

Nagtanong siya kung ano ang balak namin sa pasiyam sa aktor pero ang sinabi lang namin sa kanya ay may usapan kami ng kanyang Kuya Jhune sa Starmall para makapunta sa PCSO.

‘Yon pala ay susunod si Ramirez.

***

Sa aming umpukan sa Jollibee na namin napag-ukulan ng pansin ang kuwentuhan sa pribadong buhay ni Palito at sa mga posibleng anak nito sa iba’t ibang babae.

“Naku, may mga anak si Daddy sa isang nagngangalang Ligaya. Tapos, kay Janet. May mga dumating pa po sa punerarya na tatlong bata na anak din daw ni Daddy.

“Makikita mo naman po, mga kamukha sila ng Daddy kaya hindi maikakailang totoo ang sabi nila.

“May isang babae si Daddy na nakalusot sa pagdalaw kahit na hindi pumayag si Mommy na makadalaw ‘yong mga babae.

“Tiniyempuhan no’ng babae na lumabas sa punerarya si Mommy at saka pumasok ‘yong babae. Pero hinarang siya ng isa sa mga tita ko na kapatid ng mother ko. Pinaalis siya kasi, ayaw nga ni Mommy,” pahayag ni Jhune.

***

“May Reynante pa na pangalan. At saka, may mga kapatid pa ‘yong Reynante.

“Pero tinatanggap namin sila. ‘Yong mga anak nga ni Cecille, tinatanggap namin. Kaya lang, paano niya bubuhayin ang mga ‘yon? Sabi ni Cecille, babalik na lang siya sa Leyte.

“’Yon, binigyan ko ng limandaang piso. Si Arvin, nagbigay rin ng five hundred pesos. Wala rin kaming malaking pera, e,” pahayag ni Jhune.

“Alam ko, may mga anak pa si Daddy sa ibang bansa. Sa Japan, nag-show din ‘yan do’n. Tiyak na may anak din si Daddy ro’n,” sabi ni Kent na natatawa.

Si Kent ang nakakasama ni Palito sa mga shows niya sa Casino Filipino Pagcor sa may Santa Cruz.

“Alam mo, nakaka-touch. Kasi, nang huling magkita kami ni Daddy sa casino, sabi niya na ibibili niya raw ako ng bagong shoes. Tapos, namatay na nga siya,” malungkot na pahayag ni Ramirez na ang ina ay nagtatrabaho sa Guam.

“May nagti-text din sa akin mula sa States. Alam mo, anak din ‘yon ni Daddy. Kaya lang, naputol ‘yong text message niya,” pagbabalita pa ni Jhune.

***

Ayon kay Jhune, mga labingsiyam na anak sa labas meron ang kanyang ama.

“Gano’n nga siguro ang buhay,” pahayag ng batang Hipolito.

“Kung puwede lang, pag tumata ako sa lotto, aampunin ko ang lahat ng anak ni Daddy,” natatawang wika ni Jhune.

Isang simpleng pasiyam lang ang ginanap sa bahay ng mga Hipolito sa Cavite bagamat mas mabisa ang dasal kahit na sa anumang ritwal na puwedeng gawin sa pasiyam.

***

Samantala, bati na ang magkaibigang mga pamosong fashion designer na sina Albert Figueras at Erick Valeña.

Sa katunayan, mayroon silang magarang fashion show mamayang gabi sa Hard Rock Café sa Makati City.

Tubig ang sentro ng paksa at tema ng pagtatanghal nina Albert at Erick.

Good luck sa inyong dalawa.


No comments:

Post a Comment