Monday, April 26, 2010

Lucy Torres, mananataling ipinaglalaban si Richard Gomez


ANO ang sekreto ng kapayatan at kagandahan ng katawan ni Lucy Torres?

Bakit kahit na nagkakaedad na siya ay nasa kanya pa rin ang kariktan at magandang kalusugan na hindi naman mabata at hindi rin naman payatot at lalong hindi losyang?

Bukod sa pagsayaw ay ano pa ang ginagawa ni Lucy sa kanyang katawan?

Nakapagtataka na ang isang tulad niya na may mga biyayang natatanggap sa araw-araw ay hindi naman lumalaki ang bulto.

Talagang ganyan si Lucy, masigasig sa kanyang pagpapaganda ng katawan sa anumang paraan.

Kaya naman marikit pa rin sa pananaw ni Richard Gomez ang kanyang misis.

***

Sa isang paglulunsad ng C-Lium Fiber sa Antipolo City kamakailan, sinabi ni Torres na ang simpleng lihim lang ng kanyang katawan ay ang fiber na ito na si Richard rin ang nagrekomenda sa kanya.

“Noon kasi, mga three years ago, may ibinigay sa akin si Richard, powder at walang lasa pero sinubukan ko rin. Effective sa akin kaya naman nag-stick na ako pero ‘yong hindi naman powder,” pahayag ni Lucy na magandang-maganda at matangkad pa rin.

Sinabi ng modelo na ang kanyang pisikal na pagkatao ang kanyang armas sa pag-aartista.

***

Samantala, ipinaglalaban pa rin ni Torres ang kanyang asawa sa disqualification case nito sa Commission on Elections.

Diskuwalipikado si Gomez dahil sa mga isyu ng hindi pagtira sa Ormoc City sa Leyte na kanyang distritong kinakandidatuhan sa ikaapat na distrito ng lalawigan.

Pagka-congressman ang tinatakbuhan ni Goma at nasa likod niya palagi si Lucy.

“I will be one hundred percent behind my man,” pahayag ni Lucy sa pagtitipon.

“The disqualification is on appeal kaya umaasa kami na maganda ang mangyayari sa mga ebidensiya na ibinigay namin sa hukuman,” wika ni Torres.

Gayunman, patuloy na nangangampanya si Lucy sa kanyang mga kababayan sa gitna ng kanyang kaabalahan sa pag-aartista sa Channel 5 at sa Channel 11.

***

Samantala, nanggigigil naman ang beteranong aktor na si Sergio Galang sa nagaganap sa ating pulitikal na buhay sa Pilipinas.

Sinabi ni Sergio na malapit na naman ang eleksyon at marami ring mga artistang kandidato pero para sa kanya, ang mas mahalaga ay ang pag-aasikaso sa mga inaapi sa lipunan.

Bilang isang alagad ng sining at bituin sa pelikula at telebisyon, nais ni Galang na maging mabuti na ang buhay sa ating bayan para umunlad na rin ang showbiz.

“Sana naman ay paglingkuran na mga lider natin an gating mga kababayan,” pahayag ni Sergio na itinampok sa mga pelikula ni Manny Pacquiao at sa mga TV ni Dolphy.

***

Narito ang mga text message ni Sergio sa amin:

“Ang Pilipinas ay binubuo ng LUZON, VISAYAS at MINDANAO pare-pareho tayong PILIPINO kahit anuman ang relihiyon mo magmahalan tau bilang Pilippino…

“Marami ang gustong maglingkod sa bayan, kung ang layunin ng bawat isa ay malinis, hindi ka na dapat manakit ng kapwa o mandaya.”

Star Patrol (for Saksi, April 26, 2010)

Boy Villasanta

“I will stand by my man one hundred percent”

-Lucy Torres

BONGGANG-BONGGA ang maganda, matangkad, mayaman at artekulanteng bituin, modelo at TV hostess na si Lucy Torres.

Bakit kanyo?

Kasi nga’y ang ganda-ganda pa rin ng kanyang katawan kahit a hindi na siya bumabata.

Talagang sosyal ang babaing ito na nanggaling talaga sa isa sa mga pinakamayayamang angkan sa Leyte.

Taga-Ormoc City, Leyte si Lucy at may hacienda roon ang kanyang pamilya kaya naman ang kanyang buhay ay maalwan at nasusunod niya ang kanyang naisin.

Pero ang mga ito ay kailangang bagay para mapanatili ang magandang kalusugan ng isang tao dahil nasusunod niya ang mga pagkain na masusustansiya na kailangang kainina.

Pero ang naturalesa ng isang tao, mayaman man o mahirap ay may impluwensiya sa kanyang kalusugan.

Hindi dahil sa nasusunod ang layaw sa pagkain ng isang tao ay hindi na siya magkakasakit.

May minana ang isang tao na genes o naturalesa sa kanyang mga ninuno at mahalaga itong matukoy para sa ikakaganda lalo ng katawan ng isang may kaya.

***

Kaya masyadong partikular si Lucy sa kanyang pagpayat at pag-aalis ng mga taba sa kanyang buong katawan.

Nang maging panauhin siya sa paglulunsad ng C-Lium sa Antipolo City kamakailan, lalo pang ipinagbuyangyangan ni Torres ang bukal ng kalusugan ng kanyang katawan.

“Bilib ako sa fiber powder na ito kaya naman hindi na ako bibitiw rito,” pahayag ni Torres.

“Noon kasi, mga three years ago, may ibinigay sa akin si Richard, powder at walang lasa pero sinubukan ko rin. Effective sa akin kaya naman nag-stick na ako pero ‘yong hindi naman powder,” pahayag ni Lucy na magandang-maganda at matangkad pa rin.

Sinabi ng modelo na ang kanyang pisikal na pagkatao ang kanyang armas sa pag-aartista.

***

Samantala, ipinaglalaban pa rin ni Torres ang kanyang asawa sa disqualification case nito sa Commission on Elections.

Diskuwalipikado si Gomez dahil sa mga isyu ng hindi pagtira sa Ormoc City sa Leyte na kanyang distritong kinakandidatuhan sa ikaapat na distrito ng lalawigan.

Pagka-congressman ang tinatakbuhan ni Goma at nasa likod niya palagi si Lucy.

“I will be one hundred percent behind my man,” pahayag ni Lucy sa pagtitipon.

“The disqualification is on appeal kaya umaasa kami na maganda ang mangyayari sa mga ebidensiya na ibinigay namin sa hukuman,” wika ni Torres.

Gayunman, patuloy na nangangampanya si Lucy sa kanyang mga kababayan sa gitna ng kanyang kaabalahan sa pag-aartista sa Channel 5 at sa Channel 11.

***

Samantala, nanggigigil naman ang beteranong aktor na si Sergio Galang sa nagaganap sa ating pulitikal na buhay sa Pilipinas.

Sinabi ni Sergio na malapit na naman ang eleksyon at marami ring mga artistang kandidato pero para sa kanya, ang mas mahalaga ay ang pag-aasikaso sa mga inaapi sa lipunan.

Bilang isang alagad ng sining at bituin sa pelikula at telebisyon, nais ni Galang na maging mabuti na ang buhay sa ating bayan para umunlad na rin ang showbiz.

“Sana naman ay paglingkuran na mga lider natin an gating mga kababayan,” pahayag ni Sergio na itinampok sa mga pelikula ni Manny Pacquiao at sa mga TV ni Dolphy.

***

Narito ang mga text message ni Sergio sa amin:

“Ang Pilipinas ay binubuo ng LUZON, VISAYAS at MINDANAO pare-pareho tayong PILIPINO kahit anuman ang relihiyon mo magmahalan tau bilang Pilippino…

“Marami ang gustong maglingkod sa bayan, kung ang layunin ng bawat isa ay malinis, hindi ka na dapat manakit ng kapwa o mandaya.”

No comments:

Post a Comment