Sunday, April 25, 2010

Maria Isabel Lopez, naghahanap ng nagnakaw ng P400,000.00 sa kanyang kaibigan; nakikipagtalo kay Ricky F. Lo

TINUTULUNGAN ni Maria Isabel Lopez ang kanyang kaibigang si Arlene Fernandez na madakip ang nagnakaw sa modelo ng humigit-kumulang sa apatnaraang libong piso kamakailan.

Hindi nangimi si Maria Isabel na ipaglaban ang karapatan ni Arlene na mahuli ang kanyang dating katiwala na nagpuslit ng gano’n kalaking halaga nang dahil sa pagtitiwala ng modelo sa katulong.

Pinagbayad kasi ni Fernandez ng mga bayarin ang kanyang kawaksi para sa kanyang farm sa Silang, Cavite noong ika-15 ng Abril, 2010 pero pagkatapos noon ay hindi na nagpakita sa kanya muli ang kanyang kasambahay.

‘Yon pala ay itinakas na nito ang malaking halaga mula sa amo.

***

Ayon sa salaysay ni Arlene sa pamamagitan ni Lopez, narito ang kabuuang opisyal na pahayag ng kampo ni Fernandez:

“Kasalukuyang pinaghahanap ang isang tomboy na katulong na nagtakbo ng P400,000.00 ng kanyang amo na si Arlene Fernandez, 42 years old ng 502 Green Road corner Purple Road Gatchalian Subdivision, Las Piñas City.

“Ang katulong ay nagngangalang Eloisa Tolentino, also known as Liza, 28 years old, mga 5’4” ang taas, may katabaan, maitim, maiksi ang buhok, medyo singkit at taga-Laguna. Siya ay tomboy kaya palaging naka-shorts at sombrero. Kasambahay ni Arlene nang mahigit sa pitong taon, ang pera ay ipinagkatiwala sa kanya para ipanggastos sa farm ni Arlene sa Silang, Cavite. Lumayas si Liza tangay ang pera noong ika-15 ng Abril, 2010 at mula noon ay hindi na makontak ang kanyang cellphone.

“May naghihintay na pabuya sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ni Eloisa. At kung sinuman ang may alam ng kanyang kinalalagyan, pakitawagan lang ang 09158597307, 09272874412 o 8201927 sa anumang impormasyon.”

***

Modelo si Fernandez at matagal nang barkada ni Maribel.

Sa katunayan, anang aktres, si Arlene pa ang unang niligawan ng dating asawa ni Lopez na si Hiroshi Yokohama.

Hindi nga ba’t nagpunta sa Japan si Maribel upang magmodelo at dito

sila nagkita ni Fernandez?

Pero sa dami ng manliligaw ni Arlene, nagsawa si Hiroshi sa paniningalang-pugad sa modelo at si Maria Isabel naman ang niligawan ng Hapones at sila na ang nagkatuluyan.

Ang isa sa mga naging bunga ng pagmamahalan nina Maribel at Yokohama ay si Mara Isabelle Lopez, batang aktres na dating nakakontrata sa ABS-CBN pero ngayon ay malaya na.

Mara Yokohama na rin ang ginagamit na screen name ni Mara Isabelle at katatapos lang ng kanyang pelikulang “Happyland” na idinirek ng premyadong filmmaker na si Jim Libiran.

Ang “Happyland” ay tungkol sa larong football sa Tondo at si Mara ang leading lady sa obra.

Katatapos ding mag-aral ni Mara ng AB Communication Arts sa De La Salle University sa Taft Avenue, Maynila at balak niyang magtrabaho ng international relations sa Japan pero patuloy siyang mag-aartista.

***

Samantala, inililinaw ni Maribel ang isyung sinabihan niyang mamatay na ang founder at organizer ng Binbining Pilipinas Charities, Inc. na si Stella Marquez-Araneta.

Si Lopez ay nagwagi sa Binibining Pilipinas beauty contest noong 1981 kung saan siya ang ipinadala ng bansa sa Miss Universe beauty pageant sa Lima, Peru noong 1982.

Nagsimula ang sigalot sa pagitan nina Stella at Maribel nang hindi payagan at hindi papasukin ang aktres sa Araneta Coliseum kaugnay sa pagtatanghal ng Bb. Pilipinas show noong isang taon.

Ayon kay Maria Isabel, hindi totoong ipinanalangin niyang mamatay na si Marquez-Araneta.

Narito ang kabuuang pahayag na opisyal ni Maribel:

“IN the April 19, 2010 issue of Philippine Star entertainment page, Ricky Lo of Fanfare wrote: Ma. Isabel Lopez lashed out to BPCI Stella Marquez-Araneta and ‘wished her dead.’ Foul Foul Foul. Bad public behavior for a beauty queen.

“This is my response. Please do not put words into my mouth. These are the words I stated.

“1. Last year, after the controversy of BPCI not inviting me and attempting to let me leave Araneta Coliseum, I have made a decision na para WALA NA LANG GULO, I will only return to the Bb. Pilipinas pagent night when Stella Marquez is already ‘REST IN PEACE.’

“2. I NEVER said ‘I wish her dead.’ As I responded to Cristy Fermin’s question on TV5’s ‘Paparazzi’ last April 18, 2010, I can never wish somebody to be dead! Unang-una, WE DON’T OWN OUR LIVES since ang buhay natin sa mundong ito ay hiram lang. It belongs to God. I can never wish that to anyone.

“On another note, I also mentioned on the TV show, I want the BCPI head to have peace in her heart and come to terms with herself that I was her former Bb. Pilipinas-Universe 1982.

“3. RICKY LO misquoted me and put words into my mouth. He is one of my respected journalists pa naman and that to me is FOUL! He even said it was bad public behavior for a beauty queen. To me, irresponsible ang PAG MIS-QUOTE niya sa akin nang ganuon. That to me is BAD PUBLIC BEHAVIOR.”

Star Patrol (for Saksi, April 25, 2010)

Boy Villasanta

Kaibigang matalik ni Maria Isabel Lopez, ninakawan ng P400,000.00 ng tomboy na katulong

NAGPUPUYOS sa galit ang magandang aktres at beauty queen na si Maria Isabel Lopez nang mabalitaan niyang ninakawan ang kanyang isa sa matatalik na kaibigang modelo na si Arlene Fernandez.

Hindi maipinta ang mukha ni Maria Isabel sa inasal ng katulong ni Arlene sa kanya.

“Kilala ko ang Arlene na ‘yan. Pag nagpupunta kami sa bahay nina Arlene, naku, nakikipagtsikahan ‘yan sa alalay ko. Magkasundo sila. Tapos, ganyan pala ‘yang katulong ni Arlene na ‘yan,” pahayag ni Lopez.

Sinabi ng aktres na nagulat siya nang isang umaga ay tawagan siya ni Fernandez at isiwalat ang katotohanan.

Kaya nga nagpayo ang bituin na magsuplong na sa may kapangyarihan, ipa-blotter ang katulong na ‘yon sa barangay at a pulis.

***

Sinabi ni Maribel na siya ay hindi tutugot hanggang hindi nahuhuli ang nagnakaw sa kanyang best friend.

Idinagdag ng Binibining Pilipinas-Universe 1982 na gagawin niya ang lahat madakip lang ang katulong ni Arlene na tumangay ng mga pera ng modelo.

“Baka, hindi lang ‘yong perang ‘yon ang nakuha sa’yo, Arlene. Baka may mga nadekwat na ‘yan no’n. Naku, alamin mo. Masyado naman siya. Ni hindi niya pinangalagaan ang inyong pagkakaibigan.

“Bakit naman gano’n siya? Para namang hindi mo siya inasikaso samantalang kahit ano ang ibinibigay mo pa sa kanya,” sabi ni Maribel.

Bukod pa sa suweldo ng katulong, ani Arlene, nagbibigay pa rin siya ng allowance sa kanyang katiwala at nagtiwala siya nang lubusan sa nagnakaw sa kanya.

“Kaya nga iyak ako nang iyak pag naaalala ko ang ginawa niya sa akin. Kasi, parang nilapastangan niya ako at hindi na ikinosider na magkaibigan kami,” sabi ni Fernandez.

Nagbibigay rin anya siya ng lapad, ang pera ng Hapon na malaki ang halaga sa kanyang kawaksi pag nasa Pilipinas ang kanyang asawang Hapones.

***

Narito ang opisyal na pahayag ni Maribel kaugnay sa nakawang naganap:

“Kasalukuyang pinaghahanap ang isang tomboy na katulong na nagtakbo ng P400,000.00 ng kanyang amo na si Arlene Fernandez, 42 years old ng 502 Green Road corner Purple Road Gatchalian Subdivision, Las Piñas City.

“Ang katulong ay nagngangalang Eloisa Tolentino, also known as Liza, 28 years old, mga 5’4” ang taas, may katabaan, maitim, maiksi ang buhok, medyo singkit at taga-Laguna. Siya ay tomboy kaya palaging naka-shorts at sombrero. Kasambahay ni Arlene nang mahigit sa pitong taon, ang pera ay ipinagkatiwala sa kanya para ipanggastos sa farm ni Arlene sa Silang, Cavite. Lumayas si Liza tangay ang pera noong ika-15 ng Abril, 2010 at mula noon ay hindi na makontak ang kanyang cellphone.

“May naghihintay na pabuya sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ni Eloisa. At kung sinuman ang may alam ng kanyang kinalalagyan, pakitawagan lang ang 09158597307, 09272874412 o 8201927 sa anumang impormasyon.”

***

Matagal nang barkada sina Fernandez at Lopez.

Sa katunayan, anang aktres, si Arlene pa ang unang niligawan ng dating asawa ni Lopez na si Hiroshi Yokohama.

Hindi nga ba’t nagpunta sa Japan si Maribel upang magmodelo at dito

sila nagkita ni Fernandez?

Pero sa dami ng manliligaw ni Arlene, nagsawa si Hiroshi sa paniningalang-pugad sa modelo at si Maria Isabel naman ang niligawan ng Hapones at sila na ang nagkatuluyan.

Ang isa sa mga naging bunga ng pagmamahalan nina Maribel at Yokohama ay si Mara Isabelle Lopez, batang aktres na dating nakakontrata sa ABS-CBN pero ngayon ay malaya na.

Mara Yokohama na rin ang ginagamit na screen name ni Mara Isabelle at katatapos lang ng kanyang pelikulang “Happyland” na idinirek ng premyadong filmmaker na si Jim Libiran.

Ang “Happyland” ay tungkol sa larong football sa Tondo at si Mara ang leading lady sa obra.

Katatapos ding mag-aral ni Mara ng AB Communication Arts sa De La Salle University sa Taft Avenue, Maynila at balak niyang magtrabaho ng international relations sa Japan pero patuloy siyang mag-aartista.

***

Samantala, inililinaw ni Maribel ang isyung sinabihan niyang mamatay na ang founder at organizer ng Binbining Pilipinas Charities, Inc. na si Stella Marquez-Araneta.

Si Lopez ay nagwagi sa Binibining Pilipinas beauty contest noong 1981 kung saan siya ang ipinadala ng bansa sa Miss Universe beauty pageant sa Lima, Peru noong 1982.

Nagsimula ang sigalot sa pagitan nina Stella at Maribel nang hindi payagan at hindi papasukin ang aktres sa Araneta Coliseum kaugnay sa pagtatanghal ng Bb. Pilipinas show noong isang taon.

Ayon kay Maria Isabel, hindi totoong ipinanalangin niyang mamatay na si Marquez-Araneta.

Narito ang kabuuang pahayag na opisyal ni Maribel:

“IN the April 19, 2010 issue of Philippine Star entertainment page, Ricky Lo of Fanfare wrote: Ma. Isabel Lopez lashed out to BPCI Stella Marquez-Araneta and ‘wished her dead.’ Foul Foul Foul. Bad public behavior for a beauty queen.

“This is my response. Please do not put words into my mouth. These are the words I stated.

“1. Last year, after the controversy of BPCI not inviting me and attempting to let me leave Araneta Coliseum, I have made a decision na para WALA NA LANG GULO, I will only return to the Bb. Pilipinas pagent night when Stella Marquez is already ‘REST IN PEACE.’

“2. I NEVER said ‘I wish her dead.’ As I responded to Cristy Fermin’s question on TV5’s ‘Paparazzi’ last April 18, 2010, I can never wish somebody to be dead! Unang-una, WE DON’T OWN OUR LIVES since ang buhay natin sa mundong ito ay hiram lang. It belongs to God. I can never wish that to anyone.

“On another note, I also mentioned on the TV show, I want the BCPI head to have peace in her heart and come to terms with herself that I was her former Bb. Pilipinas-Universe 1982.

“3. RICKY LO misquoted me and put words into my mouth. He is one of my respected journalists pa naman and that to me is FOUL! He even said it was bad public behavior for a beauty queen. To me, irresponsible ang PAG MIS-QUOTE niya sa akin nang ganuon. That to me is BAD PUBLIC BEHAVIOR.”


No comments:

Post a Comment