Monday, April 19, 2010

Palito, dinalaw ni Dolphy bago i-cremate


HUMUGOS ang malalaking tao, bumaba sa lupa mula sa langit-langitan ng pelikulang Filipino ang mga bituin sa huling araw ng lamay sa sikat na komedyanteng si Palito noong bago siya i-cremate.

Ayon sa kanyang anak na si Jhune Hipolito, maraming kaibigan ang kanyang ama na hindi nagkait ng kanilang mahahalagang sandali makapiling lang ang namayapa.

“Pumunta po si Dolphy, Charlie Davao at marami pang iba,” pahayag Jhune.

Para kay Jhune, maituturing na magandang pagkakataon ang lamay sa kanyang ama sa pagbibigkis muli ng mga artista sa lokal na aliwan.

Hindi matatawaran ang impluwensiya ni Dolphy kay Palito sa pagpapatawa at nagkasama rin sila sa maraming proyekto.

***

Namatay si Palito, Reynaldo Hipolito sa tunay na buhay, noong mga unang bahagi noong isang linggo nang dahil sa matindi at malalang sakit sa baga.

“Nagpapasalamat po kami sa lahat na nagbigay ng tulong at mga taong hindi nakalimot sa aming ama,” pahayag ni Jhune, isa sa tatlong anak na lalaki ni Palito kay Remedios Hipolito.

Kapatid rin ni Jhune sina Ardy, Arlene Hipolito-Menguito at Arvy Hipolito.

Gayunman, may kapatid rin silang lalaki na iba ang ina, si Kent Ramirez na nasa Guam ang ina.

“Pero tanggap na tanggap po namin si Kent. Sa katunayan, sa bahay sa Malagasang 2 sa Imus, Cavite nakatira si Kent,” sabi ni Jhune.

Mag-aapat naman ang kapatid nina Jhune sa huling babae ni Palito na si Cecille Cinco ng Pook Maligaya, Quezon City.

***

Tinatanggap na rin ng mga Hipolito ang maliliit na anak ni Palito kay Cecille at ang ipinagbubuntis nito.

Anim na taong gulang ang panganay nina Cinco at Palito na si Rachelle samantalang limang taong gulang si Rey-Anne at dalawang taon si Rhian.

Anim na buwan din ang pumipintig sa sinapupunan ni Cecille.

“Maganda naman po ang sinulat ninyo tungkol sa ibang anak ng Daddy namin,” sabi ni Jhune.

***

Naghihintay pa rin sina Jhune ng tulong mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office sa pamamagitan ng isa sa mga namamahala ng lotto draw na si Manny Huang.

Isa sa mga araw na ito ay dadalaw ang mga anak ni Palito kay Manny para sa tulong na ipinangako ni Huang sa kanila.

Si Conrad Poe ang siyang susi sa suportang ito ni Manny sa pamilya ni Palito.

Buhay pa sana ay tutulong na ang PCSO kay Palito pero bigla ngang namatay ang aktor kaya ngayong pagka-cremate na lang sa kanya ibibigay.

Pero ang sabi ni Zeny Poe, ang misis ni Conrad ay ang huli na ang mag-aasikaso ng lahat na manggagaling sa PCSO.

Samantala, sinabi ni Jhune na wala namang malalaking tao sa cremation ng kanyang ama.

“’Yon pong mga anak ni Teroy de Guzman, nagpunta. Nakilala ko na rin po si Luz Villalon na nagpakilala sa inyo kay Cecille. Okey naman po si Ate Luz,” sabi ni Jhune.

Star Patrol (for Saksi, April 19, 2010)

Boy Villasanta

Cremation ni Palito, maluwalhating nairaos

SINUNOG na ang buong katawang mortal ni Palito kamakailan sa Loyola Memorial Chapels sa Guadalupe sa Makati City.

Ang ibig sabihin ay na-cremate na ito.

Pero bago isinagawa ang pag-aabo sa sikat na aktor ay nagsidalaw pa ang malalaking tao sa kanyang burol.

“Dumating po si Dolphy at si Charlie Davao. Kaya po nagpapasalamat kami sa lahat ng nagbigay ng tulong sa aming pamilya kahit po sa spiritual side,” pahayag ni Jhune Hipolito, isa sa mga anak na lalaki ng komedyante.

Sumakabilang-buhay si Palito, Reynaldo Hipolito sa tunay na buhay sa gulang na pitumpu’t anim sa Philippine General Hospital sa Maynila noong isang linggo nang dahil sa malubhang bara sa kanyang dibdib na hindi na nalaman kung gaano kalala dahil hindi na napa-CT scan sa isang laboratoryo.

***

Bago i-cremate si Palito ay nagbigay rin ng panalangin at bisitasyon ang mga anak ng isa sa kanyang mga naging kaibigan sa showbiz na mga anak ni Teroy de Guzman.

“Pabalik-balik po sa punerarya ang mga anak ni Tito Teroy at nagpapasalamat kami sa kanila. Maraming kaibang ang Daddy namin at nagpapasalamat kami,” pahayag ni Jhune.

Ang abo ng bituin ay ilalagak nina Jhune sa kanilang tahanan sa Malagasang 2 sa Imus, Cavite.

Doon ay aalayan ng mga Hipolito ng mga bulaklak at dasal ang kanilang ama.

***

“Ipagpapatuloy namin ang kabaitan ng aming ama. Bastat makikipag-ugnayan kami sa showbiz. Anyway, nand’yan naman po kaming lahat.

May isang kapatid sina Jhune na si Kent at nag-aartista ito at kumakanta sa banda.

“Nagpapasalamat din ako kay Ate Flor dahil sa tulong niya sa amin. Taga-Rivermaya si Ate Flor at mabait siya,” sabi ni Jhune,

“Nagpapasalamat po kami sa lahat na nagbigay ng tulong at mga taong hindi nakalimot sa aming ama,” pahayag pa ni Jhune, isa sa tatlong anak na lalaki ni Palito kay Remedios Hipolito.

Kapatid rin ni Jhune sina Ardy, Arlene Hipolito-Menguito at Arvy Hipolito.

Gayunman, may kapatid rin silang lalaki na iba ang ina, si Kent Ramirez na nasa Guam ang ina.

“Pero tanggap na tanggap po namin si Kent. Sa katunayan, sa bahay sa Malagasang 2 sa Imus, Cavite nakatira si Kent,” sabi ni Jhune.

Mag-aapat naman ang kapatid nina Jhune sa huling babae ni Palito na si Cecille Cinco ng Pook Maligaya, Quezon City.

***

Tinatanggap na rin ng mga Hipolito ang maliliit na anak ni Palito kay Cecille at ang ipinagbubuntis nito.

Anim na taong gulang ang panganay nina Cinco at Palito na si Rachelle samantalang limang taong gulang si Rey-Anne at dalawang taon si Rhian.

Anim na buwan din ang pumipintig sa sinapupunan ni Cecille.

“Maganda naman po ang sinulat ninyo tungkol sa ibang anak ng Daddy namin,” sabi ni Jhune.

***

Naghihintay pa rin sina Jhune ng tulong mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office sa pamamagitan ng isa sa mga namamahala ng lotto draw na si Manny Huang.

Isa sa mga araw na ito ay dadalaw ang mga anak ni Palito kay Manny para sa tulong na ipinangako ni Huang sa kanila.

Si Conrad Poe ang siyang susi sa suportang ito ni Manny sa pamilya ni Palito.

Buhay pa sana ay tutulong na ang PCSO kay Palito pero bigla ngang namatay ang aktor kaya ngayong pagka-cremate na lang sa kanya ibibigay.

Pero ang sabi ni Zeny Poe, ang misis ni Conrad ay ang huli na ang mag-aasikaso ng lahat na manggagaling sa PCSO.

Samantala, sinabi ni Jhune na wala namang malalaking tao sa cremation ng kanyang ama.

“’Yon pong mga anak ni Teroy de Guzman, nagpunta. Nakilala ko na rin po si Luz Villalon na nagpakilala sa inyo kay Cecille. Okey naman po si Ate Luz,” sabi ni Jhune.

No comments:

Post a Comment