NGAYON ay ipinagmamalaki na ng seksing aktor na si Toffee Calma na siya ay may anak na.
“Wala akong girlfriend pero I have an eight-year-old daughter,” pahayag ni Toffee.
Samantalang noon ay pinagdududahan pa siyang bading pero heto ang katibayan at siya ay lalaki na may intensyon na magparami ng lahi.
Kasi nga naman ay napakaguwapo at nakapagandang lalaki ni Calma. Idagdag pa ang kanyang kulay na puting-puti na mamula-mula kaya sino ba naman ang hindi maghihinala na siya ay baklain.
Hanggang heto na nga at ipinagtatapat niyang may anak na siya.
“Ngayon lang niya ipinagtapata na may asawa na siya,” pahayag ng peryodistang pampelikula na si Arthur Quinto sa paghihintay ng pagtatanghal ng pelikulang “Parisukat” ng Phylum Productions.
“Di ba, Vir (Gonzales), ngayon lang yata ipinagtapat ni Toffee na may anak na siya?” pagdidiin ni Arthur sa tanong.
“Parang ngayon lang nga,” sabi ni Vir.
***
Kaya para sa kanyang anak na si Jasmine ang kanyang pagpupunyagi.
Hiwalay na sila ng ina ng kanyang anak kaya naman siya ay malaya na sa mga sandaling ito.
Maraming negosyo si Calma na nagpapatuloy ng kanyang magandang pamumuhay.
Kagagaling lang niya sa Thailand sa loob ng tatlong taon.
Tatlong taon?
“Yes, three akong nawala sa Pilipinas,” pagdidiin ni Toffee.
Nagtrabaho siya bilang modelo sa rampa at komersyal sa Thailand.
Kung puwede nga ay sa Thailand na siya mamalagi dahil ayon sa kanya, ibang-iba ang bansang ito kaysa sa Pilipinas.
“Dito sa akin, hindi natin sinusunod ang batas. Sa Thailand, masunurin ang mga tao sa batas. Kasi nga, matatakutin sila sa awtoridad at ipinapatupad nila ang batas nang maayos.
“Hindi tulad rito sa atin na walang sumusunod sa batas. Sa Thailand, sa hari sila nakikinig at magaganda ang pinatutupad ng hari,” wika ni Calma.
***
Nakaipon si Toffee kaya naman dito sa “Parisukat” ay nakisosyo siya sa produksyon.
Para kay Calma ay nais niyang makatulong sa pag-unlad ng industriya ng pelikulang Pilipino kaya naman heto siya at nagbibigay ng inspirasyon sa lahat na makapag-ambag ng magagandang halimbawa sa larangang ito na tayo na rin ang gumuguhit ng ating kapalaran.
Kahit na lumilitaw na si Jeff Tetsuro ang bida sa pelikula ay malaki ang papel na ginagampanan ni Toffee sa ibrang ito ni Jonison Fontanos, ang direktor na siya ring nagdirek ng kontrobersyal na “Hugot.”
***
Hindi pa rin nagbabago ang katawan ni Toffee.
Machung-macho pa rin siya sa bawat galaw at sa bawat nilalaman ng kanyang katawan.
Ayon sa kanya, hindi niya pinababayaan na mag-ehersisyo at magpaganda pa ng kanyang katawan.
Puwedeng-puwede pa si Calma sa maraming bagay sa mundong ito kaya naman siya ay nagpapasalamat na nakakagawa pa siya ng pelikula.
Nakalimang digital film na nga ang guwapong bituin kaya naman masaya na siya.
Star Patrol (for Saksi, March 14, 2010)
Boy Villasanta
Ini-expose namin: Toffee Calma, may anak na
NGAYON ay mapapatunayan ni Toffee Calma sa buong mundo na siya ay ama na.
Siya ay isang nagbubunying tatay ng isang walong taong gulang na anak na babae.
Jasmine ang pangalan ng kanyang anak sa isang babaing minahal niya subalit nagkahiwalay sila pagkatapos.
Masaya naman si Toffee kahit na siya ay walang kasintahan ngayon bastat magkasama sila ng kanyang anak.
Mahal na mahal niya ang bata at ang kanyang pagsisikap sa buhay ay inilalaan niya sa pagpapalaki ng paslit na ito na hindi niya hahayaang mabulid sa kawirwiran.
***
Inamin ni Calma sa kauna-unahang pagkakataon na siya ay isa nang ama sa gitna ng mga alingasngas at palamara na siya ay isang taong walang pagmamahal sa kanya.
Idagdag pa ang mga intrigang siya ay bading dahil sa kalamlaman ng kanyang mukha.
Para ngang babae ang kaamuan ng mukha ng bituin at ang kanyang kulay ay nagpapahayag ng malambot na kutis na sa babae lamang ikinakabit sa isang lipunang matindi ang pagpapahalaga sa sekswalidad.
Pero lalaking-lalaki nga si Toffee at napatunayan niya ito sa maraming bagay lalo na sa kanyang pagkamaginoo.
Ang lahat ng pagsisikap na makapagtrabaho at makahanap ng pera ay para kay Jasmine.
***
Tatlong taon ngang namalagi ang bituin sa Thailand para makapagtrabaho roon ng modeling.
Kung puwede nga ay sa Thailand na lang siya manirahan dahil kung ikukumpara anya sa Pilipinas, ang layu-layo ng Thailand kahit pa anya itanong sa mga Filipino na nagtatrabaho roon.
Naging modelo sa rampa at komersyal si Calma sa Thailand.
“Sa Thailand, masunurin sa batas ang mga Thai kaya naman maunlad sila. Hindi tulad rito sa atin na hindi sumusunod sa mga batas ang mga kababayan natin.
“Kanya-kanya rito sa atin kaya walang nangyayari. Hindi pa sumusunod sa batas ang mga tao. Naturingan ngang Christian country pero hindi naman sumusunod sa batas ang mga tao. Nakakatawa, di ba?” tanong ng machong aktor.
***
Samantala, pinatotohanan ng mga peryodistang pampelikula na sina Arthur Quinto at Vir Gonzales na talagang ngayon lang nagsiwalat ng katotohanan si Toffee na may anak na siya.
Kaya nga scoop ito para sa mga Filipino dahil hindi lang sina Marian Rovera, Dingdong Dantes, Kris Aquino, Nora Aunor, Lorna Tolentino, Bea Alonzo, Piolo Pascual o Paolo Contis ang malalaking bituin na kailangang ibalita.
Si Toffee ay malaki ring artista sa kanyang kakayahan kaya ang mga pahayag na may anak na siya ay malaking istorya sa lipunang ito at hindi lang ang nagaganap sa mga iba pang artista.
***
Prodyuser na rin sa pelikula si Toffee.
Sa “Parisukat” ng Phylum Productions ay nakisosyo siya sa mga namuhunan dito.
At kahit na hindi siya ang sentro o bida sa istorya, umiikot din sa kanya ang kuwento.
Bale ang batang aktor na si Jeff Tetsura ang bida rito pero napakahalaga ng karakater ni Calma para sa pag-usad ng kuwento sa isang digital na pelikula.
No comments:
Post a Comment