Jowee Morel, nanghihikayat sa mga taga-showbiz, tulungan si Mario O’Hara
PATULOY pa rin ang paghahanap ng kampo at produksyon ni Mario O’Hara ng karagdagang pondo para maituloy ang pagsasapelikula ng “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio” na aprubado nang isa sa limang pelikula para sa kauna-unahang Open Category ng ika-6 na Cinemalaya Independent Film Festival ng Cultural Center of the Philippines.
Nag-back out na nga si Mario sa unang hagupit nang umatras ang kanyang co-producer na si Ellen Ilagan, kaibigan ni Alfred Vargas, ayon sa peryodistang pampelikulang si Dennis Adobas.
Pero hindi pa ito pormal na pag-alis sa kompetisyon dahil matagal pa nga ang pagpapalabas ng Cinemalaya, sa Hulyo pa.
Bukod kay Coco Martin, ang isa pang nanghihinayang na naaantala ang paggiling ng kamera ni Mario ay ang kontrobersyal na direktor na si Jowee Morel.
***
Nakasiyam nang pelikula si Jowee kaya alam niya ang pinagdadaanang dusa ni O’Hara sa panahong naghihikahos ang showbiz at kakaunti na ang gumagawa ng likhang-sining na pelikula.
Bukod sa nagmamalasakit kay Mario si Morel ay ito pa ang kinausap ng premyadong filmmaker na siyang maging cinematographer ng pelikula.
Inoohan na ni Jowee ang proyekto kung sa Abril ang shooting nito dahil nag-aaral pa nga siya sa London, United Kingdom sa kasalukuyan.
Nakatala si Morel sa mga kursong Screenwriting at Digital Film Production sa City University of London pero nag-iisip siyang ihinto muna ang kanyang pag-aaral at ituon ang panahon sa paggawa ng mga pelikula sa London.
***
Ayon kay Jowee, “nakakapanghinayang naman na hindi pa natutuloy ang produksyon ni Direk Mario. Pero alam ko na maganda ang kanyang material kaya hindi dapat basta-basta.
“Marami pa ang magagawa ni Direk Mario. Sayang pag hindi natuloy ang pelikula. Kaya lang, hindi lang naman sa Cinemalaya puwedeng gawin ‘yan. Marami pang mga festival na puwede niyang isali ‘yan o kahit na the usual exhibition lang,” sabi ni Morel sa isang long distance call.
Ang “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio” ay tungkol sa tunggalian sa kapangyarihan nina Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo sa ilalim ng rebolusyonaryong pamahalaan ng Pilipinas noong mga huling taon ng 1800.
May mga dokumento si O’Hara na nagpapakita ng mga pagdinig sa kasong treason ni Bonifacio na inihain ni Aguinaldo.
Nasa mga ebidensiya rin ni Mario ang paggahasa kay Gegoria de Jesus, ang asawa ni Andres at ang pagpapapatay sa tinaguriang Dakilang Anak-Pawis na iniutos umano ni Aguinaldo.
***
“Sana naman ay magtulung-tulong ang lahat ng mga taga-showbiz, ang mga taga-local film industry para mai-produce ni Mario ang pelikula. Meaningful kasi ang material kaya kailangang suportahan si Mario.
“Mario O’Hara na ‘yan. Hindi basta-bastang pangalan ang nagawa ni Mario kaya kailangang magkaisa angindustriya at tulungan siyang makapag-produce nito.
“Kasi, kanya-kanya sa showbiz kaya naman ganyan. Pag maganda ang material at makatuturan, walang sumusuporta samantalang para sa mga Filipino ang pelikulang ‘yan,” pahayag ni Jowee.
Kahit nga si Mario ay nagsasabing kailangang mapanood ito ng mga estudyante dahil ito ang magbabago ng pananaw ng mga ito sa totoong kasaysayan ng lipunan at bansang Pilipinas.
“Sa kina Aguinaldo at Bonifacio nagsimula ang intrigahan sa pulitika,” pahayag ni O’Hara.
Star Patrol (for Saksi, March 16, 2010)
Boy Villasanta
Pagkakaisa para sa pelikula ni Mario O’Hara, hiling ni Jowee Morel
PATULOY na namamag-asa si Mario O’Hara na may papalit sa isang Ellen Ilagan sa pag-ayuda sa pagsasapelikula ng kanyang “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio” na isa sa limang nakapasa sa kabubukas lang na dibisyon sa ika-6 na Cinemalaya Independent Film Festival ng Cultural Center of the Philippines.
Batay sa mga alintuntunin ng Cinemalaya Foundation, bibigyan ng P500,000.00 na production budget at karagdagang P100,000.00 para sa post-production mula sa Grassroots Film Productions ang mga nakuhang opisyal na lahok sa Open Category ng 2010 Cinemalaya.
Pero sa bisyon at misyon ni Mario para sa kanyang historikal na pelikula ay kulang ang halagang ito at pinapayagan naman ng CCP at Cinemalaya na kumuha ang mga proponent ng karagdagang pundo para idagdag sa perang ito.
At si Ellen nga ang sumagot sa karagdagang P500,000.00 pero ayon sa peryodistang pampelikula na si Dennis Adobas, nang mabasa ni Ilagan ang nakasaad ng kontrata at umatras ito bilang co-producer.
Nagbitiw din si Mario sa kanyang proyekto pero ito ay hindi pa opisyal at hindi pa pormal sa pananaw ng CCP at Cinemalaya.
***
Naghahanap pa ngayon ng pangtustos na dugtong na pampinansiya ang produksyon kaya ang karamihan sa mga nagmamahal kay O’Hara ay aligaga sa paghahanap ng pangdugtong.
At nadidismaya kundi man nalulungkot at nanghihinayang ang mga taong kasangkot sa proyekto sakali at hindi matuloy ang obra.
Gayunman, sa Hulyo pa naman ang pagbubukas ng Cinemalaya kaya mahaba pa ang panahon ng paghahanda kaya nakakaisip pa ang mga konektado sa produksyon sa pagtatawid-buhay nito.
***
Bukod kay Coco Martin, ang kontrobersyal na direktor na si Jowee Morel ang isa pa sa nanghihinayang na naaantala ang pagsasapelikula ng obra tungkol sa pulitikal na tunggalian nina Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo.
May preparasyon na nga naman sa mga damit na susuutin pero heto at nabimbin.
“Sayang ang project pag hindi natuloy. I’m really very sorry about what’s happening to Direk Mario,” pahayag ni Jowee sa isang overseas call mula sa London kung saan naglalagi si Morel para mag-aral at magtrabaho.
Naka-enroll siya sa Screenwriting at Digital Film Production courses sa City University of London at nagpapakadalubhasa sa edukasyon kaugnay sa pelikula pero ang mga balitang tungkol sa produksyon ni O’Hara ay hindi nakakaligtas kay Morel.
***
Kaya nananawagan ni Jowee sa lahat ng mga taga-showbiz, lalo na sa industriya ng pelikulang Filipino na magkaisa para maitawid ang pagsasapelikula ng “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio” na magpapalinaw ani Mario ng tunay na kasaysayan ng bansa at lipunang Filipino.
“Sana naman ay magtulung-tulong ang lahat ng mga taga-showbiz, ang mga taga-local film industry para mai-produce ni Mario ang pelikula. Meaningful kasi ang material kaya kailangang suportahan si Mario.
“Mario O’Hara na ‘yan. Hindi basta-bastang pangalan ang nagawa ni Mario kaya kailangang magkaisa angindustriya at tulungan siyang makapag-produce nito.
“Kasi, kanya-kanya sa showbiz kaya naman ganyan. Pag maganda ang material at makatuturan, walang sumusuporta samantalang para sa mga Filipino ang pelikulang ‘yan,” pahayag ni Jowee.
Kahit nga si Mario ay nagsasabing kailangang mapanood ito ng mga estudyante dahil ito ang magbabago ng pananaw ng mga ito sa totoong kasaysayan ng lipunan at bansang Pilipinas.
“Sa kina Aguinaldo at Bonifacio nagsimula ang intrigahan sa pulitika,” pahayag ni O’Hara.
***
Hindi lang sa si Jowee ang cinematographer sana ng pelikula kung sa Abril pa ito kukunan kundi nagsasalita si Morel bilang isang nagmamalasakit na filmmaker para sa larangan.
“Nag-usap na kami ni Direk Mario at magaganda ang napag-usapan namin sakali at ako ang matuloy niyang cinematographer,” sabi ni Jowee.
Masinsinan pa nga ang pagmimiting nina Jowee at Mario sa Jollibee sa tapat ng CCP bago tumulak ang una patungong London.
Saksi pa kami nina Dennis at Joey Arrogante, isang propesor ng sining sa De La Salle University-Dasmariñas, Cavite sa pulong na ‘yon nina Morel at O’Hara para sa makasaysayang pagsasalin sa puting tabing ng buhay at kamatayan ni Bonifacio.
No comments:
Post a Comment