MADRAMA ang pagkuha ng image model ng Cotton Club.
Una’y si Aljur Abrenica ang kanilang modelo pero pagkatapos ng isang taon, hindi na ini-renew ang kontrata ng batang aktor.
“Kasi, magulo ang handler niya. Ayaw namin ng gano’n. Kasi, kailangang maging practical and realistic ang lahat. We couldn’t afford to be wishy-washy ,” pahayag ni Richard de Castro.
Nagustuhan nila si Aljur noon dahil sa nasa tanghaling-tapat pa ito ng kanyang kabataan at talagang maraming sumusuporta sa bituing ito kaya naman okey na okey sa pangasiwaan ng kumpanya pero hindi nga madalumat ang kawirwiran ng humahawak dito kaya nag-isip na lang sina Richard ng iba.
At naghanap sila nang naghanap hanggang may makapagmungkahi na bakit hindi si Jason Abalos ang bigyan ng pagkakataon na makapag-endorso ng kasuotan.
***
Ngayon ay nakakadalawang taon na sa pagtitinda ng kamiseta at mga kasuotang panloob si Jason.
Pagtitinda na hindi ibig sabihin ay nagbebenta sa isang puwesto o nagbabahay-bahay si Abalos para makapagtinda kundi ito ay isa pang paglalarawan ng pag-i-endorso ng isang modelo.
Kailangang maging malawak at malusog, sagana ang bokabularyo at paggamit ng mga salita para sa paglalarawan ng mga tao, bagay-bagay, sitwasyon at iba pang mga pagkilos at mga katotohanan ng buhay.
Ayon kay Richard, aprubadung-aprubado ngayon sa kanila si Jason dahil madaling makatono sa mga pamantayan ng kanilang produkto.
“May cooperation si Jason and we like that,” pahayag ni de Castro.
Ang isa pa’y nadadala ng batang bituin ang katangian niyang isang tunay na aktor dahil siya ay nanalo na ng Pinakamahusay na Aktor sa Gawad Urian, ang isa sa kakaunting may kredibilidad na organisasyon ng nagbibigay ng parangal sa pelikula.
Ang mga kritiko ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino ang namimigay ng Gawad Urian taun-taon at ang pananalo ni Jason sa grupong ito ay isang patunay na seryoso sa kanyang trabaho ang bituin kaya naman ang isang tulad ni Richard at ng kanyang kasamang si Joel Capulong ay naniniwala sa kredibilidad ni Abalos.
***
Walang arte ring nag-pose si Jason sa harap ng kamera ng kanyang seksing katawan.
“He’s easy to deal with,” pahayag nina de Castro at Capulong.
Mabait namang talaga si Jason pero hindi naman ibig sabihin nito ay walang kuwenta si Aljur.
May mga tao lang sa paligid ng aktor na hindi makaagapay sa mas masalimuot na laro ng buhay sa loob at labas ng showbiz.
Ngayon ay maligayan sina Joel at Richard sa pagganap ni Jason bilang image model.
Nabibigyan nila ng mga briefs at panloob na kasuotan ang bagets na bituin kung kinakailangan.
***
Ang isa pang nagkaproblema ang Cotton Club ay walang iba kundi kay Charice Solomon na kahanay rin ni Abrenica.
Ayon kay Richard, problemado naman sila sa hindi pagsipot ni Charice sa mga promosyon ng kumpanya kaya naman nagpasya ang pangasiwaan na palitan na lang ang batambatang komedyante na produkto rin ng “Starstruck.”
“Kasi, hindi naman sumisipot si Charice sa mga promo appearance namin kaya nag-decide kami to replace her. Hindi madali ang ganitong desisyon pero for the interest of fair play, dapat ay makipag-intindihan muna ang mga taong concerned sa amin.
“We did our best pero gano’n lang yata ang business sa showbiz. Kaya nga we couldn’t think of anything but replace Charice. Mabait pa naman siyang bata,” komento nina Richard at Joel.
***
Ang ipinalit sa image ni Solomon ay si Iya Garcia na isang estudyante at propesyunal ding modelo.
Ayon sa pamahalaan, may ibang karisma at dating si Iya kaya naman nagustuhan na rin ng buong pamamalakad ng kumpanya ng apparel.
Ngayon ay nakakagawa na si Garcia ng maraming eksperimentasyon sa kanyang pagmomodelo sa kasuotan at talagang para sa kanya ay ito na ang isa sa kaganapan ng kanyang mga pangarap.
Si Iya ay isang mayuming dalaga na kailangan lang ang ayuda at mas marami pa siyang mapapatumbang nagrereyna-reynahan sa showbiz.
Kahit itanong mo pa sa book editor at dating peryodistang pampelikula na si Terry Cagayat-Bagalso.
***
Ang isa sa mga nakakaintrigang gagawin ni Iya ay ang pagtuklas sa iba pang magiging modelo ng kasuotang kanyang iminomodelo.
Nag-usap na sina Terry at ang tagapagtatag ng Gawad Tanglaw o Gawad Tagapuring mga Akademisyan ng Aninong Gumagalaw na si Dr. Romeo Flaviano Lirio tungkol sa paraan ng pagtuklas sa mga karagdagang modelo ng Cotton Club.
Maghahanap sila ng mga kabataang nais maging image model at aalagaan nila at ilalagay ang mga mukha sa poster upang pagpilian at iboto ng bawat mamimili ng kasuotan.
Ayon kay Capulong, kung mayayari agad ang mga larawan at materyales sa timpalak, mga Abril o kaya ay matagal na ang Mayo sa paglulunsad ng paligsahan.
Mula sa mga paaralan tulad ng Jose Rizal University sa Shaw Boulevard at sa Centro Escolar University ang ilan lang sa mga eskuwelahan na pagkukunan ng mga modelo.
“Mga deserving sila lahat kaya naman natutuwa kami ni Terry,” pahayag ni Dr. Lirio na tumangging tawagin at suungin ang talent management dahil makakasira anya sa kredibilidad ng Gawad Tanglaw.
“Tutulong na lang ako kay Terry sa marketing ng Cotton Club bagets,” pahayag ni Dr. Lirio.
Star Patrol (for Saksi, March 24, 2010)
Boy Villasanta
Aljur Abrenica, pinalitan ni Jason Abalos sa Cotton Club dahil sa handler
KAHIT na sa pagbebenta ng mga kasuotang panloob ay talagang batbat pa rin ng mga kontrobersya at intriga.
Tulad na lang nang kunin ng Cotton Club si Aljur Abrenica na image model ng tatak na ito.
Maganda ang usapan ng pangasiwaan ng apparel at ng mga namamahala sa career ni Aljur pero sa kinalaunan ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa dalawang panig.
Bagay na sana kay Abrenica ang pagiging image model ng t-shirt at mga sando kasama na ang briefs dahil matipuno at maganda ang hubog ng katawan ng aktor pero may mga bagay sa paligid niya na hindi makokontrol o ayaw magpakontrol sa mga naghahari.
***
Ayon kay Richard de Castro, ang isa sa mga opisyal ng kumpanya, mabuti na sana noong una at lagi pang nakakapunta si Aljur sa mga kompromiso nito sa kanyang kasunduan pero nang lumaon ay hindi na natupad ang mga pinag-usapan ng kumpanya at ang mga nangangasiwa sa career ng batang bituin.
“May problema sa handler ni Aljur kaya binitiwan namin siya. Kasi, kami ang on the losing end kaya kailangang hindi na humaba pa ang usapan. Nagmiting kami sa board at isinangguni ko ang problema.
“Ang desisyon ng aming board ay palitan na lang si Aljur kaya naghanap kami ng kanyang kapalit. Hindi madali ang paghahanap ng replacement dahil nakagaanan na namin ng loob si Aljur pero ibang klase rin ang kanyang handler at ‘yon ang problema,” pahayag ni de Castro.
Mabuti na lang at hindi pa natagalan ay nakahanap na sila ng kapalit ni Abrenica.
***
Si Jason Abalos nga ang nakapalit ni Aljur at sa loob ng isang taon na pamamalagi ni Abrenica bilang image model ng kasuotan ay nakagawa naman ito ng kasaysayan kaya lang nga ay kailangang maipagpatuloy ang kasaysayang ito.
At nagampanan ni Jason ang papel na iniwan ni Abrenica.
Para kay Richard, karapat-dapat din si Abalos sa posisyong iniwan ni Aljur dahil propesyunal din ang talent ng Star Magic ng ABS-CBN.
“Kasi, ini-equate din namin ang credibility ng isang image model sa kanyang image bilang aktor. Nagustuhan namin si Jason dahil siya ay may image na real actor.
“Kasi, mahalaga na si Jason ay Best Actor na. Nakatanggap na siya ng trophy sa acting award at malaking tulong ito sa aming produkto. Kasi, may following ang isang best actor lalo na sa mga serious buyers,” paliwanag ni de Castro.
Sa Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino nagkamit ng award si Abalos at mahalaga na isang kapani-paniwalang organisasyon ang panggalingan ng parangal ng isang artista.
“Kung awarded na ang image model namin, marami nang maniniwala sa kanya sa bawat gawin niya,” sabi pa ni Richard.
***
Ang isa pang nagkaproblema ang Cotton Club ay walang iba kundi kay Charice Solomon na kahanay rin ni Abrenica.
Ayon kay Richard, problemado naman sila sa hindi pagsipot ni Charice sa mga promosyon ng kumpanya kaya naman nagpasya ang pangasiwaan na palitan na lang ang batambatang komedyante na produkto rin ng “Starstruck.”
“Kasi, hindi naman sumisipot si Charice sa mga promo appearance namin kaya nag-decide kami to replace her. Hindi madali ang ganitong desisyon pero for the interest of fair play, dapat ay makipag-intindihan muna ang mga taong concerned sa amin.
“We did our best pero gano’n lang yata ang business sa showbiz. Kaya nga we couldn’t think of anything but replace Charice. Mabait pa naman siyang bata,” komento nina Richard at Joel.
***
Ang ipinalit sa image ni Solomon ay si Iya Garcia na isang estudyante at propesyunal ding modelo.
Ayon sa pamahalaan, may ibang karisma at dating si Iya kaya naman nagustuhan na rin ng buong pamamalakad ng kumpanya ng apparel.
Ngayon ay nakakagawa na si Garcia ng maraming eksperimentasyon sa kanyang pagmomodelo sa kasuotan at talagang para sa kanya ay ito na ang isa sa kaganapan ng kanyang mga pangarap.
Si Iya ay isang mayuming dalaga na kailangan lang ang ayuda at mas marami pa siyang mapapatumbang nagrereyna-reynahan sa showbiz.
Kahit itanong mo pa sa book editor at dating peryodistang pampelikula na si Terry Cagayat-Bagalso.
***
Ang isa sa mga nakakaintrigang gagawin ni Iya ay ang pagtuklas sa iba pang magiging modelo ng kasuotang kanyang iminomodelo.
Nag-usap na sina Terry at ang tagapagtatag ng Gawad Tanglaw o Gawad Tagapuring mga Akademisyan ng Aninong Gumagalaw na si Dr. Romeo Flaviano Lirio tungkol sa paraan ng pagtuklas sa mga karagdagang modelo ng Cotton Club.
Maghahanap sila ng mga kabataang nais maging image model at aalagaan nila at ilalagay ang mga mukha sa poster upang pagpilian at iboto ng bawat mamimili ng kasuotan.
Ayon kay Capulong, kung mayayari agad ang mga larawan at materyales sa timpalak, mga Abril o kaya ay matagal na ang Mayo sa paglulunsad ng paligsahan.
Mula sa mga paaralan tulad ng Jose Rizal University sa Shaw Boulevard at sa Centro Escolar University ang ilan lang sa mga eskuwelahan na pagkukunan ng mga modelo.
“Mga deserving sila lahat kaya naman natutuwa kami ni Terry,” pahayag ni Dr. Lirio na tumangging tawagin at suungin ang talent management dahil makakasira anya sa kredibilidad ng Gawad Tanglaw.
“Tutulong na lang ako kay Terry sa marketing ng Cotton Club bagets,” pahayag ni Dr. Lirio.
No comments:
Post a Comment