NAKAKATAWANG nakakatuwa at kakatwa ang nagaganap kina Kris Aquino at Ruffa Gutierrez.
Ito ay lalo na nang ang buong media—lalo na ang malalaking istasyon ng telebisyon lalo na ang ABS-CBN at GMA Network at ang mga peryodista ng mga ito sa pambalitaan—ay magbalita na bakit daw hinahaluan ng pulitika ang nangyaring sigalot sa pagitan nina Ruffa at Kris samantalang showbiz naman ito.
Na mukhang tinitingnan pa nang mababa o kaya ay minamata ang showbiz o kaya ay inaari itong kaiba o hiwalay sa iba pang sangay at kalakaran ng buhay.
Na kesyo ang pagwo-walk out ni Gutierrez sa “The Buzz” kamakailan dahil sa “panggigisa” sa kanya ni Aquino ay showbiz na kaganapan lang
Nakakatawa, di ba?
***
Simulan natin sa simula.
Sa edisyon ng “The Buzz” noong Linggo, ika-7 ng Marso, 2010, nakaupo sa mesa sina Kris, Ruffa at Boy Abunda. Nasa kanang kabisera si Aquino samantalang sa kanyang kanan ay si Boy na katabi naman si Gutierrez.
Nagkomento si Aquino kay Ruffa na iba ang level ng saya sa “The Buzz” sa ABS-CBN.
Ito ay sa konteksto ng paglipat ni Gutierrez sa Associated Brodcasting Corporation of ABC TV5 o Channel 5.
Pamamaalam ni Ruffa sa “The Buzz” ang isa sa mga seksyon ng edisyon ng palatuntunan.
Aba at nag-react si Gutierrez na parang ang epekto ay huwag nang dagdagan pa ni Aquino ang kanyang nararamdaman na lungkot sa pag-alis sa ABS-CBN.
***
Heto na ang mga peryodista sa ibang beat at sinasabing showbiz ang naganap kina Ruffa at Kris.
Pati mga may kaugnayan kay Kris at Ruffa na hindi naman mga taga-media o taga-showbiz ay nagsasabing showbiz ang insidente at hindi kailangang ihalo ang pulitika lalo na ang pagtakbo ni Noynoy Aquino na kapatid ni Kris sa pagka-pangulo ng bansa.
Kung ganyan nang ganyan nga ang takbo at laman ng utak mga mga taga-media at taga-pulitika ay wala ngang mararating ang bansa at lipunang ito.
Paano masasabing huwag ihalo ang showbiz sa pulitika o kaya ay ang pulitika sa showbiz samantalang magkaugnay ang dalawang larangan sa lahat ng mga sangkap ng buhay kahit na hindi pa sina Kris at Ruffa ang pinag-uusapan.
***
Naghuhumindig at nakamulagat ang katotohanan na kahit ano, walang itulak-kabigin, ang anumang showbiz ay pulitikal at anumang pulitikal ay showbiz.
Ang isa sa mga ibig sabihin ng pulitika ay prosesong panlipunan at ano nga ba ang nangyari sa pagitan nina Aquino at Gutierrez kundi isang social process o prosesong panlipunan na nagaganap kahit na kaninong tao?
Malinaw pa ‘yan sa sikat ng araw ngayong El Niño at init ang ibinubuga ng talakayang ’yan.
Sobra na ngang sabihin na sina Ruffa at Kris at ang kanilang mga gawaing pang-araw-araw ay pulitikal kahit na hindi sila naglilingkod sa gobyerno at lalo pa nga ngayong pulitikal si Kris dahil nangangampanya siya para sa kanyang kapatid at si Gutierrez habang nakikipagtunggali kay Aquino ay nuknukan din ng pulitikal at pamumulitika para sa kanyang sariling interest kabilang ang pagpapahayag niyang wala pa siyang naririnig na paumanhin kay Kris mula nang mangyari ang pangangantiyaw nito kay Ruffa.
Hindi ba’t pulitikal din ang pahayag ni Annabelle Rama prang ang dating au huwag iboto si Noynoy?
Paano mo ngayon maihihiwalay sa lahat ng anggulo ng buhay sa bawat sandali ng ating elsistensiya, ang pulitika sa showbiz?
***
Kawing-kawing tayong lahat sa pulitika at showbiz at ito ay hindi ibig sabihin na masama.
Magaganda ang mga layunin ng pulitika at showbiz pero sumasama lang ang mga ito sa paggamit ng mga tao, sa loob at labas ng showbiz, sa pansarili lang na kapakanan at nakakalimutan ang kagalingan ng higit na nakararami na siyang una at huling layunin ng showbiz at pulitika lalo na ang pagpapalinaw sa malalabong isyu at pagpipigtal ng mga kabulaanan sa lipunang ito.
***
Ito rin ang takbo at tema ng usapan namin ng kabataang lider na si Carlo Argana nang makipaglamay kami sa kapitbahay ni Allan Paule at pinsan naming si Engr. Rufo Norada sa Putatan, Muntinlupa City.
Masarap na pulutan ang paksang Kris-Ruffa sa maraming anggulo nito.
Punumpuno rin ng showbiz at pulitikal na katotohanan ang kultural na salimbayan ng mga isipan at damdamin ng mga nakikipaglamay kaya may pitlag ng saya at lungkot sa tunggalian ng mga puso at utak sa ngalan ng trahedya at komedya.
Star Patrol (for Saksi, March 11, 2010)
Boy Villasanta
Kultural na pulitikal sa sigalot na Kris Aquino at Ruffa Gutierrez
PATULOY ang mahahalagang implikasyon ng pinakahuling sigalot ng bayan sa ngalan nina Kris Aquino at Ruffa Gutierrez.
Ito ay naganap noong Linggo, ika-7 ng Marso, 2010, sa “The Buzz” ng ABS-CBN kung saan magkakaharap sa isang may pagkamahabang mesa ang mga hosts nito na sina Kris na nasa kanang kabisera at nasa kanyang kanan si Boy Abunda at nasa tabi naman nito si Ruffa.
Nagsalita nang pakomento si Aquino sa pag-alis ni Gutierrez sa ABS-CBN patungo sa ibang istasyon ng telebisyon, sa Associated Broadcasting Corporation o ABC Channel 5 na mas kilala ngayon sa tawaag na TV5.
Ayon kay Kris, “di ba, mas iba ang level ng saya rito?” na ang tinutukoy ay ang ABS-CBN o ang partikular na palatuntunan, ang “The Buzz.”
Nagdamdam si Ruffa sa mga sinabing ito ni Kris samantalang idinaan lang ni Boy ang lahat sa pagtawa at pagsasabi ng mga susunod na bahagi ng programa.
***
Pagkatapos nito ay isa nang mainit na ulat ang pangyayari na ibinando na sa iba’t ibang klase ng media—broadcast na radyo at telebisyon o webcast at sa print kabilang ang mga huntahan sa kung saang-saang sulok ng lipunan.
Sa ngalan ng pambalitaan ng mga TV at radio, kapuna-puna na inilalarawan ang naganap na showbiz lang.
Ang iba o karamihan ay nagsasabing bakit isasali ang pulitika sa showbiz samantalang showbiz lang ang implikasyon nito.
Mula pa mandin ang pag-uulat na ito sa mga taga-media mismo na siyang dapat magpalinaw at magpaliwanag ng mga katotohanan ng buhay sa mga tao pero mukhang lalo pang pinalabo ang ugnayan ng showbiz at pulitika.
***
Na mukhang tinitingnan pa nang mababa o kaya ay minamata ang showbiz o kaya ay inaari itong kaiba o hiwalay sa iba pang sangay at kalakaran ng buhay.
Na kesyo ang pagwo-walk out ni Gutierrez sa “The Buzz” kamakailan dahil sa “panggigisa” sa kanya ni Aquino ay showbiz na kaganapan lang
Nakakatawa, di ba?
***
Paano masasabing huwag ihalo ang showbiz sa pulitika o kaya ay ang pulitika sa showbiz samantalang magkaugnay ang dalawang larangan sa lahat ng mga sangkap ng buhay kahit na hindi pa sina Kris at Ruffa ang pinag-uusapan.
Naghuhumindig at nakamulagat ang katotohanan na kahit ano, walang itulak-kabigin, ang anumang showbiz ay pulitikal at anumang pulitikal ay showbiz.
Ang isa sa mga ibig sabihin ng pulitika ay prosesong panlipunan at ano nga ba ang nangyari sa pagitan nina Aquino at Gutierrez kundi isang social process o prosesong panlipunan na nagaganap kahit na kaninong tao?
Malinaw pa ‘yan sa sikat ng araw ngayong El Niño at init ang ibinubuga ng talakayang ’yan.
Sobra na ngang sabihin na sina Ruffa at Kris at ang kanilang mga gawaing pang-araw-araw ay pulitikal kahit na hindi sila naglilingkod sa gobyerno at lalo pa nga ngayong pulitikal si Kris dahil nangangampanya siya para sa kanyang kapatid at si Gutierrez habang nakikipagtunggali kay Aquino ay nuknukan din ng pulitikal at pamumulitika para sa kanyang sariling interest kabilang ang pagpapahayag niyang wala pa siyang naririnig na paumanhin kay Kris mula nang mangyari ang pangangantiyaw nito kay Ruffa.
Hindi ba’t pulitikal din ang pahayag ni Annabelle Rama na parang ang dating ay huwag iboto si Noynoy?
Paano mo ngayon maihihiwalay sa lahat ng anggulo ng buhay sa bawat sandali ng ating elsistensiya, ang pulitika sa showbiz?
***
Kawing-kawing tayong lahat sa pulitika at showbiz at ito ay hindi ibig sabihin na masama.
Magaganda ang mga layunin ng pulitika at showbiz pero sumasama lang ang mga ito sa paggamit ng mga tao, sa loob at labas ng showbiz, sa pansarili lang na kapakanan at nakakalimutan ang kagalingan ng higit na nakararami na siyang una at huling layunin ng showbiz at pulitika lalo na ang pagpapalinaw sa malalabong isyu at pagpipigtal ng mga kabulaanan sa lipunang ito.
***
Ito rin ang takbo at tema ng usapan namin ng kabataang lider na si Carlo Argana nang makipaglamay kami sa kapitbahay ni Allan Paule at pinsan naming si Engr. Rufo Norada sa Putatan, Muntinlupa City.
Masarap na pulutan ang paksang Kris-Ruffa sa maraming anggulo nito.
Punumpuno rin ng showbiz at pulitikal na katotohanan ang kultural na salimbayan ng mga isipan at damdamin ng mga nakikipaglamay kaya may pitlag ng saya at lungkot sa tunggalian ng mga puso at utak sa ngalan ng trahedya at komedya.
No comments:
Post a Comment