Thursday, August 5, 2010

Manager ni Robin Padilla, direktor nina Lorraine, Victoria at Chico

HINDI pa rin naglalaho ang pasyon ng panghabambuhay na talent manager ni Robin Padilla na si Deo Fajardo, Jr. dahil patuloy ang kanyang pagdidirek sa pelikula mula nang likhain niya ang tinagurian noon na Bad Boy of Philippine Movies.

Ngayon ay nakatutok siya pagtatapos ng kanyang obrang “Lagkit” na kanyang pinoprodyus sa pamamagitan ng pagtatanghal sa mga bituing sina Lorraine Lopez, Victoria Varga at Chico Escudero bilang mga pangunahing tauhan ng kanilang pelikula.

Nananabik na nga si Boy Pilapil, ang talent manager nina Lorraine, Victoria at Chico at ang road manager nilang si Blueseal, sa pagkakagawa ni Deo ng “Lagkit.”

Kaya lang, kung seksing pelikula ito, ano ang gagawin ni Fajardo, Jr., hanggang saan ang kanyang limitasyon sa proyektong ito.

***

Ayon kay Deo, sisikapin niyang maging makatarungan at lohikal sa paglalahad ng mga nakakakiliting eksena sa pelikula.

“Kasi, nang makasalubong ko si Amalia Fuentes, sabi niya sa akin na pag gumawa ako ng bold, naku, huwag ko naman daw grabehan. Kasi, alam na naman natin si Nena (palayaw ni Amalia). Kaya nga I will see to it na magiging malinis ang pagkakagawa ko ng pelikula nina Lorraine,” pahayag ni Dikong, palayaw ni Deo.

Si Amalia ay isa sa mga board member ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB.

Kilala na si Fuentes sa kanyang matalas at mataray na pagrerebyu ng mga pelikula sa sensura lalo na at bold ang pelikula.

Kaya nga marami ang umiiwas na prodyuser at direktor na magparebyu sa kanya.

Pero dahil nga magkaibigan sina La Fuentes at Deo ay inunahan na ng aktres ang direktor sa kanyang gagawin para naman makaligtas sa mga aberya sa pagkatay ng sensura.

***

Tuturulin ni Dikong ang payo ni Nena pero ayon kay Blueseal, may frontal nudity ang pelikula.

“May frontal nudity po si Chico Escudero sa pelikula. Naku, ano kaya ang gagawin sa kanya sa censors?” tanong ni Blueseal.

Ipinagmamalaki pa ni Blueseal ang eksenang ginawa ng kanyang inaalagaan.

Paano kaya ang mangyayari pag napasakamay na ni Fuentes (kung siya man ang matoka sa pagrerebyu ng pelikula?

Marahil naman ay hinog na o mature na si Deo para humawak ng ganitong mga tagpo sa pelikula dahil ilang pelikula na ni Robin ang kanyang nagawa?

***

Dati ay Victoria Kurt ang pangalan ni Victoria pero ginawa ni Boy na Victoria Varga ang screen name ng aktres.

“Para naman mas glamorous at hindi misleading. Talagang napakaganda ng pag-a-analize sa mga pangalan sa showbiz. I hope na maganda ang kahinatnan ng kanyang launching movie,” pahayag ni Pilapil na paspasan at puspusan ang pagdiskubre sa mga artista.

Kamakailan ay nakasalubong namin si Boy sa kaarawan ng pandaigdig na filmmaker na si Brillante Mendoza kasama sina Blueseal at ang isa pa nilang alaga na si Sofia Lee.

Ratsada ang mga trabaho nina Sofia, Victoria at Chico na nakita rin namin sa isang sosyalan sa Century Park Sheraton kamakailan.

***

Ayon kay Deo, nais niyang isali sa mga international film festival ang “Lagkit” kung mabibigyan ng pagkakataon.

Pero sa lokal na pagtatanghal muna niya ito isosoga para naman ang mga kababayan natin ang makapakinabang sa katuturan nito.

May sekswal na konotasyon ang titulo ng pelikula na sinadya talaga ni Fajardo na maging kaiga-igaya.

Inaasahan namin na lalo pang madaragdagan ang mga pelikula ni Dikong.

Star Patrol (for Saksi, August 5, 2010)

Boy Villasanta

Lifetime talent manager ni Robin Padilla, pinayuhan ni Amalia Fuentes sa pelikula nina Lorraine, Victoria at Chico

MALAPIT nang matapos ang obra ni Deo Fajardo, Jr., ang panghabambuhay na talent manager ni Robin Padilla, na “Lagkit.”

Ang “Lagkit” ay isang independent film na nagpapakita ng katuturan ng seks sa buhay ng isang tao.

Sa pamagat pa nga lang ay talagang sekswal na ang tono ng pelikula pero ayon kay Deo ay maraming rebelasyon ang makakamtan sa kanyang bagong panoorin.

Sinabi ni Fajardo, Jr. na hindi niya bibiguin si Amalia Fuentes sa mga inaasahan nito sa kanya.

Si Amalia Fuentes bukod sa pagiging aktres ay kabilang sa mga lupon ng Movie and Television Review and Classification Board at nagrerebyu ng mga pelikula para sa taumbayan bago ito maipalabas sa mga sinehan o kaya ay sa telebisyon.

***

Ayon kay Dikong, palayaw ni Deo, nagkausap sila kamakailan ni Amalia at naikuwento niya ang paggawa niya ng pelikula.

Siyempre, seksi ang sanligan at nilalaman ng obra ni Deo kaya naman hindi siya nagpaliguy-ligoy pa sa pakikipagtalamitam kay Fuentes.

Maugong na maugong sa industriya ng pelikula na napakahigpit ni Nena, palayaw ni Amalia, sa mga bold na pelikula.

Marami na ang nakapagsabi na walang sinasanto ang bituin sa pagsesensor ng mga nakakakiliting pelikula.

Kaya nga nais ni Deo na sundin ang nais ni Fuentes.

“Sabi kasi sa akin ni Amalia na huwag naming walang katuturan ang hubaran na bastat hubaran, hubaran. Sabi niya na kontrolin ko naman daw ang mga eksena,” pahayag ni Dikong.

***

“I will see to it na rerepasuhin ko ang lahat ng mga eksena sa pelikula ko para naman hindi ako mapahiya sa kanya. Kaibigan ko rin naman si Nena, e,” sabi ni Fajardo, Jr.

Sila nga ay nagkakaunawaan at bastat susunod lamang siya ani Deo sa batas ay walang problema sa mga ahensiyang panggobyerno na may kaugnayan sa showbiz.

“Mabuti naman at pinayuhan ako ni Amalia,” wika pa ni Deo.

Kasi nga ay wala pang pumapalit sa lupon ni Consoliza Laguardia bilang tagapangulo ng MTRCB.

Status quo pa rin ang tanggapan kaya bahagi pa rin si Fuentes ng departamento.

***

Pero paano ‘yan, ang sabi ni Blueseal ay may frontal nudity si Chico Escudero sa pelikulang “Lagkit”?

Paano ang gagawin ni Deo at ni Amalia.

Sa aming palagay ay may pansarili namang katwirang propesyunal si Deo para gawin niya ang tagpong ito.

Masusukat ang responsibilidad na pinapasan ni Fajardo, Jr. sa kanyang sining sa pagrerebyu ni Amalia, kung ang aktres man ang uupo sa pagrerebyu ng pelikula.

Sabi naman ni Blueseal, ang road manager ng mga bituin sa pelikula na sina Lorraine Lopez, Victoria Varga at Chico, maganda ang pelikula kaya hindi dapat matakot ang MTRCB o si Deo.

Pati na ang talent manager nina Lorraine, Vicroria at Chico na si Boy Pilapil ay nagsasabi na done in good taste ang ginawa ng kanyang mga alaga sa pelikula ni Deo.

Dahil pasado sa maraming pamantayan ang mga pinaggagawa sa sining ng mga aktres na ito ni Boy.

***

Dati ay Victoria Kurt ang pangalan ni Victoria pero ginawa ni Boy na Victoria Varga ang screen name ng aktres.

“Para naman mas glamorous at hindi misleading. Talagang napakaganda ng pag-a-analize sa mga pangalan sa showbiz. I hope na maganda ang kahinatnan ng kanyang launching movie,” pahayag ni Pilapil na paspasan at puspusan ang pagdiskubre sa mga artista.

Kamakailan ay nakasalubong namin si Boy sa kaarawan ng pandaigdig na filmmaker na si Brillante Mendoza kasama sina Blueseal at ang isa pa nilang alaga na si Sofia Lee.

Ratsada ang mga trabaho nina Sofia, Victoria at Chico na nakita rin namin sa isang sosyalan sa Century Park Sheraton kamakailan.

***

Ayon kay Deo, nais niyang isali sa mga international film festival ang “Lagkit” kung mabibigyan ng pagkakataon.

Pero sa lokal na pagtatanghal muna niya ito isosoga para naman ang mga kababayan natin ang makapakinabang sa katuturan nito.

May sekswal na konotasyon ang titulo ng pelikula na sinadya talaga ni Fajardo na maging kaiga-igaya.

Inaasahan namin na lalo pang madaragdagan ang mga pelikula ni Dikong.

No comments:

Post a Comment