MOOG na talaga si Lino Brocka ng pelikulang Pilipino dahil kahit wala na siya sa ating piling at nand’yan pa rin ang kanyang mga diwa at alaala.
Talaga naman kasing dapat ganyan.
Dahil si Lino ay tagapaglikha ng makabagong pananaw at personalidad ng showbiz.
Hindi nga ba’t nand’yan pa at buhay na buhay ang kanyang mga nilikhang bituin at obra para sa publiko at sa larangan.
Nand’yan pa rin sina Christopher de Leon, Carmin Martin, Dennis Roldan, Snooky Serna, Gina Alajar, Phillip Salvador, Allan Paule, Hilda Koronel at marami pang iba.
Pati na nga si Lorna Tolentino o si Amy Austria o si Bembol Roco o maging si William Lorenzo ay lalang na mga bituin ni Brocka.
Kaya nga ang mga nagtatatag ng mga film festival ay hindi siya nakakalimutan.
***
Tulad na lang ng Pandayang Lino Brocka Political Film and New Media Festival na itinatag noong isang taon.
Magdaraos na naman ito ang ikalawang kabanata sa buhay ng grupong ito na nagbibigay pugay kay Lino sa ngalan ng pagmumulat na ang pelikula ay kailangang nagtataguyod ng mga simulain ng mga mamamayan at ang pagkakamit ng katarungan at kalayaan para sa sambayanan para mas umunlad ang buhay.
Parang kung kailan lang nang kausapin kami ni Icy Salem o Lady Salem, isang gradwado ng kursong pelikula sa University of the Philippines College of Mass Communication tungkol sa pagsusulat ng mga balita kaugnay sa Unang Pandayang Lino Brocka.
Nagtanong siya sa amin kung paano ang pagpapasulat at pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa kanilang proyekto at plataporma.
Ang sabi ko sa kanya sa text ay puwedeng magpadala sa mga patnugot ng mga babasahin ng press release o istorya kaugnay sa pagdiriwang.
Sinabi ko pang kung may regalong cake o anuman para pampalubag-loob sa mga manunulat ay puwede rin.
Kung wala naman talagang pambigay ay puwede rin.
Pero hindi na namin nakausap si Icy dahil nawalan na kami ng komunikasyon.
***
Hanggang sa napalagay sa Internet ang pagdaraos ng 2nd Pandayang Lino Brocka Political Film and New Media Festival at nagkainterest kaming sumali.
Ang nais namin ay ang showbiz ang talakayin sa isang pelikula.
Ang paksa kasi ng pestibal ay human rights, ang pulitikal, sibiko, economiko, kultural at iba pang karapatang pantao.
Naisip naming bakit hindi ang mga aspirasyon sa kultura at showbiz ng mga Dumagat sa Infanta at General Nakar, Quezon ang aming dalirutin sa aming pelikula.
Showbiz dahil para sa amin, ang buhay ay showbiz dahil kung ang pangkaraniwang pananaw sa showbiz ay maintriga, makulay, madrama, malalim, malawak, matunggali, matsismis, makatotohanan at iba pang katangian ng buhay, kung gayon, ito ay buhay kaya ang buhay ay showbiz na maintriga, makulay, madrama, malalim, malawak, matunggali, matsismis, makatotohanan, matalinghaga at iba pang katangian ng buhay.
Ganyan din ang mga Dumagat bagamat magtataka dahil wala nga sa showbiz na napapanood natin sa TV o nababasa sa mga pahina ng aliwan ng pahayagan o magasin o nababanggit sa tsika sa radio ang mga Dumagat.
Pero hindi nga ba’t naisulat namin sa pitak na ito na nais din ni Ramcy Asubeza, ang tagapangulo ng Tribal Center for Develeopment sa Infanta na gusto rin ng mga Dumagat na makasali sa “Pinoy Big Brother.”
“Bakit sa ‘Pinoy Big Brother,’ may mga Chinese o taga-ibang bansa o kaya ay mga taga-ibang baryo sa Pilipinas, bakit hindi puwede ang Dumagat sa amin?” tanong ni Ramcy.
O, di ba, hindi tayo nalalayo sa ating argumento na kahit ang mga katutubo ay showbiz din.
***
Kaya nga nagpursigi kaming gumawa ng isang documentary film tungkol sa mga Dumagat at ang anggulong showbiz ang aming tinalakay.
Nakapasa, napili at gagawaran ng pagkilala ang “Dumagat” sa ika-11 hanggang ika-12 ng Agosto, 2010 sa University of the Philippines Film Institute Cine Adarna sa pagganap sa 2nd Pandayang Lino Brocka Political Film and New Media Festival.
Naglalayon ang pestibal na maiparating sa higit na nakararaming Filipino ang kahalagahan ng mga pelikula ni Lino at ang mga pelikulang napili sa taong ito.
Bukod sa aming “Dumagat” na talagang maipagmamalaki naming showbiz na showbiz, ang iba pang napili sa okasyon ay ang mga sumusunod: “Ang Sandaling Sadya Nina Lire at Isa,” Francis Losaria, “Wag Kang Titingin,” Pam Miras, “Handum,” Manie Magbanua, “Bingit,” Michael Christian Cardoz, “Hamon ng Panahon,” Kodao Productions, “Ing Magdarame,” University of Assumption Pampanga, Babae ako, Jeyow Evangelista “Dissatisfied,” Jet Leyco “Tagulaylay sa Hacienda Yulo,” Rom Factolerin “Mga Liham mula sa Alaska,” Roberto Reyes Ang “Kinulayang Kiti,” Richard Legaspi “Kibo,”Rosswil Hilario “Lawa ng Bae,” Donnie Sacueza “Hulagway,” Jerry Jumawan “Kakasa ka ba?,” Mayday Productions “Kababayang Kalakal,” Ilang Ilang Quijano and King Catoy at “Badjao,” La Consolacion College Manila.
Star Patrol (for Saksi, August 3, 2010)
Boy Villasanta
“Dumagat” docu drama sa 2nd Pandayang Lino Brocka Political Film and New Media Festival
BANTAYOG na talaga si Lino Brocka ng pelikulang Pilipino dahil kahit wala na siya sa ating piling at nand’yan pa rin ang kanyang mga diwa at alaala.

No comments:
Post a Comment