Wednesday, February 3, 2010

Makinig kayo, Baywalk Bodies at Wonder Gays…



“Kung ano ang time na nakalagay sa plane ticket, ‘yon ang alis ng eroplano”

-Cebu Pacific Corporate Communications staff

May dalawang panig sa isang isyu.

At nang sampalin ng Baywalk Bodies at Wonder Gays ang Cebu Pacific kamakailan kaugnay sa hindi nila pagkakasakay sa eroplano patungong Cebu City, nagbigay ng pahayag ang isa sa mga staff ng Cebupac Corporate Communications.

Ayon kay Michelle de Guzman, isa sa mga staff ng Cebupac PR office, wala pang opisyal na pahayag ang kumpanya kaugnay sa insidente.

Pero alam niya anya ang naganap. “Napanood na po namin sa TV,” pahayag ni de Guzman.

Ang staff, wala ang kanilang boss kaya wala pang official statement mula sa pangasiwaan.

Tumawag kami sa Cebupac CC noong Biyernes at ayon kay Michelle, wala ang kanyang boss ng mga sandaling ‘yon kaya wala siyang masasabi o walang opisyal na pahayag ang airline company.

***

“My boss Candice Y is out of the country and she hasn’t advised me yet about the case,” pahayag ni de Guzman.

“We still have to wait for the official statement,” sabi pa ni Michelle.

Pero sinabi niyang sa kanyang personal na palagay ay “kung ano ang time na nakalagay sa plane ticket, ‘yon ang alis ng eroplano.”

Inirereklamo kasi ni Lito de Guzman, walang kaugnayan kay Michelle, na iniwan sila sampu ng kanyang mga alagang Baywalk Bodies at Wonder Gays ng eroplano ng Cebu Pacific sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport patungong Cebu City noong umaga ng ika-15 ng Enero, 2010.

“Malinaw naman na parang ibinoldyak kami ng Cebi Pacific. Kasi, nakalagay sa tiket na four forty five in the morning ang alis ng eroplano. Pero iniwan pa rin kami kahit na maaga kami sa airport,” pahayag ni Lito.

***

Ayon sa opisyal na tagapagsalita ni de Guzman na si Danny Batuigas, ala una pa ng umaga ng araw na ‘yon ay nasa paliparan na ang Baywalk Bodies at ang Wonder Gays dahil sa gabi ang show nila sa Cebu.

“Pagka-check in nila ng kanilang mga gamit, nagutom sila kaya nagpasya sila na kumain muna ng lugaw. Pero nang bumalik sila bago mag-four forty five ay nakaalis na ang eroplano,” sabi ni Danny.

“Ba’t naman gano’n? Kasi, ang sabi raw, may nakalagay na tiket na puwedeng umalis ang eroplano nang mas maaga. Pero hindi alam ‘yon nina Lito. Ang alam ni Lito, ‘yong nakalagay sa tiket na oras ng departure and nasusunod kaya alam niya kung kailan sila babalik,” sabi pa ni Batuigas.

“Masyado namang naapi ang Baywalk Bodies at ang Wonder Gays sa ganyan,” sabi pa ng peryodistang pampelikula.

***

Nakasakay rin naman ang mga miyembro ng Baywalk Bodies at ng Wonder Gays pero hiwa-hiwalay na sila. Nagdala-dalawa na ng ibang eroplano na patungong Cebu.

Kaya ang dulo ay hindi nakaabot sa maraming iskedyul ang mga bituin.

Dapat nga ani Danny ay may mga courtesy call pa ang mga seksing dilag at mga bading sa mga opisyal ng pamahalaang lunsod pero wala nang oras dahil hiwa-hiwalay na ang dating ng mga artista.

Kanselado na rin ang mga show nila kaya ano ang mangyayari sa kontrata ni de Guzman sa kanyang mga alaga?

Masalimuot ang legal at komersyong anggulo ng kasong ito kaya naman nagpatulong na si Lito sa National Press Club sa pamamagitan ng pagdulog sa pangulo nito na si Benny Antiporda.

Nakialam na rin si direktor Romy Suzara sa kaso.

Pati sina Leo Martinez at Lakay Gonzalo na kapwa mga nominee sa party-list na Alyansa ng Media at Showbiz o AMS ay kumondeda na sa sitwasyon.

No comments:

Post a Comment