Tuesday, February 16, 2010

Enjoy sa “Juicy” ng Channel 5



NANG una kaming tawagan ng peryodistang pampelikula na si Liza Endaya para mag-guest sa “Juicy” ng TV5, kulang na kami sa oras kaya nang tumawag siya mula pagkatapos ng ilang araw, pumuwede na kami.

Enjoy ang guesting namin sa palatuntunan dahil parang pagkabuhay na mag-uli ito ng mga programa ni Inday Badiday noong 1970s, 1980s at 1990s.

Nando’n pa mandin ang apo ni Inday, kilala rin sa tawag na Lourdes Carvajal, na si IC Mendoza.

Host si IC sa “Juicy,” na napapanood araw-araw, alas onse y medya hanggang alas dose ng tanghali, at kasama si Alex Gonzaga at ang mga peryodistang pampelikula na sina Pete Ampoloquio, Jr., Rey Pumaloy at Morly Alinio.

Ayon kay Mendoza, marami siyang natutunan sa kanyang lola sa pagho-host.

“Ang sabi niya sa akin, kailangang hindi lang naka-focus sa’yong sarili ang attention mo bilang host kundi sa mga co-hosts at mga guests,” pahayag ni IC.

Hindi rin makakalimutan ng bading na host ang kabanata sa buhay ni Ate Luds nang ginagawa niya ang “Heart-to-Heart” kung saan malapit na siyang mamatay.

At siyanga pala, katunggali o kalaban ng anak ang ina sa hosting dahil may TV show rin si Dolly Anne Carvajal PBO o sa Viva TV.

***

Phone-patched ng araw na ‘yon si Vina Morales at sinabi ng aktres na okey na okey ang kanyang pagkaina at naisasama na niya ngayon ang kanyang anak sa taping.

“Nagpapasalamat nga po ako sa mga Executive Producer ko at pinapayagan nila akong isama si Keena sa tapings ko,” pahayag ni Vina na laging masayahin.

Sinabi ni Vina na malapit pa rin naman silang pamilya kay John Prats kahit na nauugnay si Shaina Magdayao kay John Lloyd Cruz.

Hindi maitago ni Morales ang kanyang tuwa sa pakikipagtalamitam sa mga peryodistang pampelikula lalo na sa telebisyon.

***

Samantala, ang ganda-ganda ni Alex sa mga panahong ito at siya ay iba ang beauty sa kanyang kapatid na si Toni Gonzaga.

Ayon kay Alex, marami rin siyang natutunan sa hosting sa kanyang kapatid at hanggang ngayon ay tinuturuan pa rin siya nito sa pagharap sa kamera.

Sa Taytay, Rizal din nakatira si Alex kapiling si Toni at ang kanilang buong pamilya.

***

Hindi naman nawawala ang trademark laughter ni Pete na nakilala sa programa ni Ruth Abao Espinosa noon sa DZMM.

Si Ampoloquio, Jr. ang nagpasikat ng halakhak na Magdalena Mael at ngayon ay sumasalipawpaw sa “Juicy.”

Kumpletos rekados ang “Juicy” at talagang lalaban ito sa iba pang entertainment talk show sa telebisyon.

Maging sina Morly at Rey ay kampante sa kanilang guesting kaya naman parang walang kapaguran at walang air gap ang show sa kadadaldal nina Alinio at Pumaloy.

***

Inamin naman ni Jao Mapa sa kanyang guesting na talagang hindi siya nabayaran nang tama ng isang Born Again na samahan sa may Rizal nang mag-guest siya sa isa sa mga aktibidades nito.

Nang paalis na siya ay hindi ang pinag-usapang talent fee ang ibinigay sa kanya pero ang sabi lang ni Jao ay pang-Panginoong Diyos na lang ‘yon kaya naman hindi na niya hinahabol.

“It’s also for fund-raising,” sabi ng aktor.

Star Patrol (for Saksi, February 17, 2010)

Boy Villasanta

John Prats, hindi makakalimutan ng pamilya ni Vina Morales

KAHIT na pumapasok sa eksena ni Shaina Magdayao si John Lloyd Cruz ay hindi naman nakakalimutan ng pamilya ni Vina Morales si John Prats.

Kahit na nakikipagkaibigan si John Lloyd kay Shaina ay okey pa rin naman sa kanila si John.

Mahirap talagang magkaroon ng trayanggulo pero ano pa naman ang mahihiling ni Magdayao samantalang napakaganda niya at hinahabol siya ng mga kalalakiha.

Sinabi ni Vina sa “Juicy” ng Channel 5 na mabait kapwa sina John Lloyd at John kaya naman wala siyang itulak-kabigin at ang kanyang kapatid na bunso lang ang may masasabi at makakapagpasya sa ganitong sitwasyon.

***

Aminado naman si Morales na ubod ng saya ang kanyang buhay ngayon lalo na at nand’yan sa kanyang tabi ang mga mahal niya sa buhay.

“Naisasama ko na ang baby ko sa mga tapings ko kaya ang sara-sarap lalo ng pakiramdam ko. Nagpapasalamat ako sa mga Executive Producers ko at nakakapiling ko lagi ang baby ko kahit nagtatrabaho ako,” pahayag ni Vina.

Abala ang aktres sa maraming obligasyon sa showbiz kaya naman hindi kataka-taka na lagi siyang busy.

“Para sa anak ko ang ginagawa ko ngayon. Siya lang ang nasa sentro ng buhay ko,” pahayag ni Vina.

***

Napapag-usapan na rin lang ang palatuntunang “Juicy,” maganda at nakakaaliw ang programang ito na pinangungunahan ng mga peryodistang pampelikula na sina Rey Pumaloy, Pete Ampoloquio, Jr. at Morly Alinio.

Kasama nila sina IC Mendoza, ang anak ni Dolly Anne Carvajal at apo ng nasirang si Inday Badiday at Alex Gonzaga, ang kapatid ni Toni Gonzaga.

Ayon kay IC, marami siyang natutunan sa kanyang lola sa pagho-host.

“Ang sabi niya sa akin, kailangang hindi lang naka-focus sa’yong sarili ang attention mo bilang host kundi sa mga co-hosts at mga guests,” pahayag ni Mendoza.

Hindi rin makakalimutan ng bading na host ang kabanata sa buhay ni Ate Luds nang ginagawa niya ang “Heart-to-Heart” kung saan malapit na siyang mamatay.

At siyanga pala, katunggali o kalaban ng anak ang ina sa hosting dahil may TV show rin si Dolly Anne Carvajal PBO o sa Viva TV.

***

Samantala, ang ganda-ganda ni Alex sa mga panahong ito at siya ay iba ang beauty sa kanyang kapatid na si Toni Gonzaga.

Ayon kay Alex, marami rin siyang natutunan sa hosting sa kanyang kapatid at hanggang ngayon ay tinuturuan pa rin siya nito sa pagharap sa kamera.

Sa Taytay, Rizal din nakatira si Alex kapiling si Toni at ang kanilang buong pamilya.

***

Hindi naman nawawala ang trademark laughter ni Pete na nakilala sa programa ni Ruth Abao Espinosa noon sa DZMM.

Si Ampoloquio, Jr. ang nagpasikat ng halakhak na Magdalena Mael at ngayon ay sumasalipawpaw sa “Juicy.”

Kumpletos rekados ang “Juicy” at talagang lalaban ito sa iba pang entertainment talk show sa telebisyon.

Maging sina Morly at Rey ay kampante sa kanilang guesting kaya naman parang walang kapaguran at walang air gap ang show sa kadadaldal nina Alinio at Pumaloy.

***

Inamin naman ni Jao Mapa sa kanyang guesting na talagang hindi siya nabayaran nang tama ng isang Born Again na samahan sa may Rizal nang mag-guest siya sa isa sa mga aktibidades nito.

Nang paalis na siya ay hindi ang pinag-usapang talent fee ang ibinigay sa kanya pero ang sabi lang ni Jao ay pang-Panginoong Diyos na lang ‘yon kaya naman hindi na niya hinahabol.

“It’s also for fund-raising,” sabi ng aktor.

No comments:

Post a Comment