Wednesday, February 3, 2010

Lalaki ang ikalawang anak nina Raymond Lauchengco at Mia Rocha



KUNG ang kanilang panganay na anak ay babae, at ngayon ay dalawang taong gulang na, ang susunod na isisilang ni Mia Rocha, isang alagad ng sining, patnugot ng libro at curator ng gallery, ay lalaki.

Kaya masayang-masaya ang tinaguriang Premier Balladeer na si Raymond Launchengco sa pagdating ng kanyang anak na lalaki.

Sa Mayo manganganak si Mia at ngayon pa lang ay nananabik na ang mag-asawa sa kanilang magandang kapalarang naghihintay.

Ayon kay Raymond, David ang ipapangalan nila sa kanilang anak na lalaki.

Samantala, wala ring kapantay ang kaligayahan ni Natalie, isang dalawang taong gulang na bata sa pagdating kanyang kapatid na bunsong lalaki.

***

Napakasuwerte talaga si Raymond sa pagkakaroon ng isang Mia Rocha sa kanyang buhay.

Si Mia na talagang mapagmahal at matalinong babae na dumating sa buhay ni Lauchengco.

Kaya naman ayon kay Raymond ay think tank si Rocha sa kanyang buhay.

“She has always been the thinker in many of my projects,” pag-amin ni Raymond isang tanghali sa Beverly Place sa Annapolis Street sa Greenhills.

May mga record albums ang singer na si Mia ang nag-isip ng konsepto at ang mga it ay bumenta nang todo at pinuri ng mga kritiko.

***

Ngayon naman ay ang pagkokonsepto ni Rocha sa pagsasama ng magkapatid na Raymond at Menchu Lauchengco-Yulo.

Hindi maitatanggi na parehong magaling ang magkapatid na ito pero wala pang pagsasama sa ibabaw ng isang entablaso sa pagitan nila kaya naman mabilis ang utak ni Mia na isakatuparan ang mga balak na ito para sa lalo pang pag-angat ng propesyon ng magkapatid na Lauchengco.

Sa ika-14 ng Pebrero, 2010, Araw ng mga Puso, aakyat sa tanghalan sina Raymond at Menchu para pasayahin ang mga magsing-irog sa pamamagitan ng kanilang musika.

Sa Rockwell Tent sa Makati City ay magpaparinig at magpapakita ang magkapatid na Lauchengco ng kanilang musika sa pamamagitan ng “Siblings Revelry,” isang pagtanaw sa mga birtud at kagalingan ng magkapatid na walang salang may tunggalian pero nasa lugar at masyadong propesyunal.

Aminado si Menchu na may argumento sila ni Raymond sa bawat sandali.

“It naturally happens. Life will be dull without it,” pahayag ni Menchu. Pero ang lahat ay nalulutas sa isang mabuting paraan at patuloy ang buhay sa pag-ikot kabilang ang pagpatag ng kanilang mga talento para sa ibang tao.

Kailan ba sila nagkasama sa isang tanghalan?

Noon pang panahon ng New Generation ng Pepsi noong mga 1980s at kasagsagan ng kasikatan ni Raymond sa showbiz kabilang lalo na sa pelikula.

Kasama noon nina Menchu at Raymond si Gina Padilla at iba pang tanyag na mga mang-aawit.

***

Ngayon naman ay pareho na silang hinog na artista. Nakatutok si Menchu sa Repertory Philippines at iba pang pangkulturang gawain samantalang si Raymond ay sa kanyang masang pang-aaliw at sosyal na pakikipagtalamitam sa mga nagmamahal ng kanyang de-kalidad na sining.

Panaka-naka, ani Menchu ay naggi-guest siya sa shows ni Raymond pero maikli lang na sandali, hindi tulad sa “Siblings Revelry” na mula umpisa hanggang wakas ay sila ang magkasama. Para itong drama ng magkakapatid na Carpenters, Osmonds at Jacksons sa Amerika.

“We have done shows together before our family and friends when we still kids but this time, we are all grown-ups,” pagtatapa ni Raymond na kasama sa pelikula nina Aga Muhlach at Regine Velasquez para sa Viva Films.

No comments:

Post a Comment