Monday, March 15, 2010

Dahil sa pagbubuntis ni Juday…

Ryan Agoncillo, panay ang dalaw sa ina ni Judy Ann Santos

PARANG piyesta ngayon sa bahay nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

Ito ay dahil sa pagbubuntis ni Judy Ann nang dalawang buwan.

Kung susumahin, dalawang buwan at sampung araw nang nagdadalantao si Juday dahil nang ipahayag ni Ryan sa “Eat Bulaga” ang kondisyon ng asawa, araw ng Biyernes noon at dalawang buwan at apat na araw nang may pumipintig na buhay sa sinapupunan ng aktres kaya bale nadagdagan na ang mga bilang ng araw sa buhay ng pagkaina ni Santos.

Hindi talaga maipaliwanag ni Juday ang kanyang nararamdaman sa magandang kapalarang kanyang nararanasan sa mga sandaling ito.

Kahit na ang talent manager at dating singer na si Phillip Gomez, nag-aalaga sa baguhang si Earl Gatdula, pinsan ni Juday nang dahil sa inang si Karol Santos, saksi sa mga kaligayahan ng mga Santos sa mga sandaling ito.

“Naku, nai-inspire si Mommy Karol sa nangyayari sa kailang pamilya kaya naman lagi siyang nakangiti at masaya ngayon,” pahayag ni Phillip.

***

Mapuputing bagay ang pinaglilihian ni Judy Ann tulad ng singkamas kaya mas malamang kaysa hindi ay napakaputi ng iaanak nito.

Gayundin, mapuputi sila ni Ryan kaya ano pa ang kulay ng balat na magiging ng kanilang supling?

Kamakailan ay lagi na lang dumadalaw si Ryan kina Karol at nagbabalita ng mga nangyayari.

Si Juday ay dumaraan sa bahay ng ina pag may panahon siya mula sa mga taping at shooting.

Ayon kay Karol, nasa kanilang bahay si Ryan isang araw pagkatapos nitong i-annouce sa buong Pilipinas at mundong mundo na nagdadalantao nga ang kanyang misis.

Tiyempung-tiyempo na may pagtatanghal sa eskuwelahan ang kanyang pamangkin kay Juday na si Yohan kasama ang isang malapit na bata sa pamilya.

***

Nakiisa rin sina Juday sa pagdiriwang na ito at mga bata na naman ang kanilang kapiling kaya nga nakadaragdag ito ng kasiyahan sa kanilang paghahanda at pag-asam sa pagsisilang ng kanilang panganay.

“Totoo na ito. Natupad na ang pangarap ko. Maraming salamat sa lahat ng nagdasal para sa akin na magka-baby na kami. Ito na talaga ‘yon,” pahayag ni Juday sa mga panayam sa kanya kabilang ni Marie Lozano para sa “Star News” ng “TV Patrol.”

Si Ryan naman ay lalo pang inspirado at Ganado sa kanyang hosting sa GMA Network, TV5 at mga paglabas sa mga programa sa ABS-CBN.

Trabaho talagang pampamilya ang inaasikaso ngayon ni Ryan para sa kanilang kinabukasan.

***

Samantala, kung may balita tungkol sa pagsisilang at may ulat din naman tungkol sa pagkamatay.

At ito ay ang paglilibing sa nanay ni Cristy Fermin kamakailan sa Eternal Gardens.

Bago alisin ang mga labi ni Felina S. Fermin sa Funeraria Nacional sa Araneta Avenue ay dumating si Vilma Santos at nakipaglamay kaya pagkaalis niya sa loob ng tatlumpung minuto ay dinala na sa libingan ang namayapa.

Nakipaglibing sina Phillip Salvador, Jude Esrada, Rose Flaminiano, Bernadette Sembrano, Tates Gana, ang may-ari ng Bodega ng Bayan at marami pang kaibigan at katrabaho ni Cristy.

Samantala, usapang-patay pa rin ang paghahatid sa huling hantungan sa aming pinsan na si Engr. Rufo Norada sa Everest Memorial Garden sa may Susana Heights sa Muntinlupa City kung saan malapit ang bahay nina Juday at Ryan.

Kapitbahay ni Allan Paule sa Putatan, Muntinlupa sina Kuya Rufo kaya lagi ang mga kaanak ng aktor sa bahay ng namata.

Maligayang paglalakbay sa dako pa roon kina Aling Felina at Engr. Norada.

Star Patrol (for Saksi, March 17, 2010)

Boy Villasanta

Panay ang pagkunsulta ni Judy Ann Santos sa ina tungkol sa pagbubuntis

NGAYONG dalawang buwan at sampung araw nang nagdadalantao si Judy Ann Santos ay talagang hindi na maipinta ang kaligayahan sa mga mukha nila ni Ryan Agoncillo.

Mula nang isapubliko ni Ryan sa “Eat Bulaga” GMA Network ang kondisyong pang-ina ni Judy Ann, hindi na rin mapigil ang kanyang pagtanaw sa magandang bukas.

Lagi ngayong abala si Agoncillo sa kanyang trabaho at lagi siyang nakatutok sa lahat ng mga makapagbibigay ng kaligayahan at biyaya sa kanilang mag-asawa lalo na sa panganganak ni Juday.

***

Panay rin ang dalaw ni Ryan at ni Santos sa bahay ng ina ng aktres na si Karol Santos.

Ito ang ibinalita ng talent manager ngayon pero kumakanta pa ring si Phillip Gomez na nag-aalaga sa baguhang si Earl Gatdula.

Pinsan kasi ni Phillip si Karol kaya ito rin ang bisa ng pagkakamag-anak nila ng kontrobersyal na nanay ng bituin.

Ipinadala nga sa amin ni Gomez ang iti-next sa kanya ni Karol kaugnay sa kaligayahang nadarama ng magulang sa panganganay ng anak na aktres

Naghahanda ani Phillip si Karol sa pagpunta sa paaralan ng kanyang mga apo lalo na ni Yohan na may palabas sa school kasama ang isa pang bata na anak ng kaibigan ng mga Santos na Alliana Cleofas.

Pati sina Ryan at Judy Ann ay nakikisali sa preparasyon ng mga bata dahil tungkol ito sa mga paslit na may malaking puwang ngayon sa puso at isip ng mga magiging bagong magulang.

Laging kumukunsulta si Juday kay Karol kaugnay sa kanyang pagdadalantao at mabilis pa sa alas kuwatro ang huli sa pagpapayo sa una sa mga kung ano ang gagawin sa pagbubuntis.

***

Mga puting bagay, lalo na at pagkain, ang pinaglilihian ni Juday at isa ang singkamas sa mahilig na mga kinakain ng aktres.

“Salamat sa mga tao na nagdasal para magkatotoo na ito. Ito na ‘yon. Masayang-masaya ako sa nangyayari sa buhay ko. Matagal din naming hinintay ito at para sa inyong lahat ang masayang balitang ito,” pahayag ni Juday sa mga kumapanayam sa kanya kabilang si Marie Lozano ng “Star News” ng “TV Patrol” ng ABS-CBN.

Pati si Ryan ay walang pagsidlan ng kanyang kaligayahan sa kanyang pagiging lubusang tatay sa mga hinaharap na araw.

Eksaktamente, dalawang buwan at sampung araw nang may pumipintig na buhay sa sinapupunan ni Judy Ann dahil nang ipamarali ito ni Ryan sa “Eat Bulaga” ay noong Biyernes at ang kanyang eksaktong pahayag ay dalawang buwan at apat na araw.

Pero ngayong araw na ito ay nadagdagan na naman ang bilang kaya anim na araw at dalawang buwan na ang haba ng pagdadalantao ni Juday.

***

Samantala, kung may balita tungkol sa pagsisilang at may ulat din naman tungkol sa pagkamatay.

At ito ay ang paglilibing sa nanay ni Cristy Fermin kamakailan sa Eternal Gardens.

Bago alisin ang mga labi ni Felina S. Fermin sa Funeraria Nacional sa Araneta Avenue ay dumating si Vilma Santos at nakipaglamay kaya pagkaalis niya sa loob ng tatlumpung minuto ay dinala na sa libingan ang namayapa.

Nakipaglibing sina Phillip Salvador, Jude Esrada, Rose Flaminiano, Bernadette Sembrano, Tates Gana, ang may-ari ng Bodega ng Bayan at marami pang kaibigan at katrabaho ni Cristy.

Samantala, usapang-patay pa rin ang paghahatid sa huling hantungan sa aming pinsan na si Engr. Rufo Norada sa Everest Memorial Garden sa may Susana Heights sa Muntinlupa City kung saan malapit ang bahay nina Juday at Ryan.

Kapitbahay ni Allan Paule sa Putatan, Muntinlupa sina Kuya Rufo kaya lagi ang mga kaanak ng aktor sa bahay ng namata.

Maligayang paglalakbay sa dako pa roon kina Aling Felina at Engr. Norada.

1 comment:

  1. try checking out my blog! :)

    http://philippineonlineentertainmentmedia.blogspot.com/

    ReplyDelete