Thursday, March 11, 2010

Ex-bf ni Keanna Reeves, nagkasira-sira ang mukha sa aksidente; Gertie Hermanos, di insecure kina Renee Salud


ALAALA pa ba ninyo ang ibinalita namin sa inyo na isang aktor ni Arman Reyes ang naaksidente sa Santa Rosa, Laguna isang gabi at nagpabali-baligtad ang kanyang kotse sa kahabaan ng kalsada?

Ang pangalan ng bituin ay si Alvin Geda na beterano ng isang pelikula ni Arman na pinagbibidahan nina Glydel Mercado at Tonton Gutierrez.

Si Alvin ay taga-Lopez, Quezon at kababayan naming mga peryodistang pampelikula na sina Roland Lerum, Leo Paul Caliwara alias Lollipop, Nelia Tan at ng namayapang si Andrew Gutierrez.

Disin sana’y makakasama pa si Alvin sa isang pelikula ni Joel Lamangan pero hindi ito sumipot sa call slip na ipinadala sa kanya kaya ngayon ay sising-alipin ang batang aktor.

***

Kaibigang matalik din ng sikat na fashion designer na si Eric Valeña si Alvin at sa katunayan, si Eric ang nagbalita sa ama ni Geda na naaksidente ang anak nito kaya dagling lumuwas ng Maynila.

Naoperahan na sa pantog si Geda sa Quezon Memorial Hospital sa Lucena City sa Lalawigan ng Quezon.

Nakaratay at nagpapagaling at nagpapahinga si Alvin sa pagamutan.

At alam ba ninyo kung ano ang pinakahuli niyang hiling sa amin?

Hanapin daw namin si Keanna Reeves na nakaromansa niya noong hindi pa masyadong sikat ang aktres.

***

“Matagal din po kaming naging magkasintahan, Tito,” pahayag ni Alvin.

Nagkakilala anya sila ni Keanna sa isang sosyalan at mula noon ay nabuo ang kanilang matamis na relasyon.

Panahon pa ito na alaga ni Richard Hiñola si Keanna at paborito ni Richard na boyfriend ng kanyang alaga si Alvin.

“Mahal na mahal ko si Keanna at sana ay magkausap kami. Pakikuha naman ninyo ang phone number ni Keanna, pleasea,” pakiusap ni Alvin na nais nang makalabas sa ospital pero kulang pa ang kanyang pera para makapagpa-discharge sa pagamutan.

“Hindi naman siguro ako mapapahindian ni Keanna sa tulong kahit na spiritul help lang. Bastat galing kay Keanna, okey lang,” pahayag ni Geda.

***

Sinabi ni Alvin na tiyak na maaalala siya ni Reeves na mabait din sa kanya.

“Nang magkasama pa kami ni Keanna no’n, masaya kami. Hindi kami nag-aaway kaya ideal sweetheart nga kami no’n.

“Baka naman sabihin niya na ginagamit ko siya. Hindi naman po. Kasi, totoo naman ang claim ko at hindi ako natatakot na ipaglaban ang karapatan ko na magkakilala kami. Kahit sikat na sikat na siya ngayon at hindi pa ako tuluyan na nag-aartista nang fulltime, walang masama sa pag-apila ko sa kanya,” pahayag ni Geda.

***

Samantala, walang pakialam ang fashion designer na si Gertie Hermanos na siyang resident designer ng summer collection ng Sassa ngayong mga panahong ito.

Bahagi ng walang pakialam ni Gertie ang paglalabas ng kanyang mga eksklusibong mga disenyo sa tag-araw kabilang ang mga shorts, swimwear at iba pang kasuotan na pantag-araw.

Sinabi ni Hermanos na ibang-iba ang kanyang mga disenyo kaysa disenyo ng ibang fashion designer.

Para kay Gertie, mas matingkad ang kulay ng kanyang mga tabas at hugis at naiiba ito sa ibang gawa na ng mga tagadisenyo ng damit.

***

Dahil ang lahat ng mga fashion designer ay puwedeng magtahi ng mga kasuotang pang-tag-init kaya kampante lang si Hermanos sa kanyang mga likha.

Kahit na sina Renee Salud, Boying Eustaquio, Jonathan Pagaduan, Eric Valeña, Albert Figueras, Goulle Gorospe at marami pang iba ay puwede ring magtabas at manahi ng mga bathing suit, swimsuit, shorts, hanging tops at marami pang iba at puwede ring kalabanin si Gertie pero kanya-kanya ngang pasiklaban ‘yan, kanya-kanyang merkado, kanya-kanyang panahon, kanya-kanyang komisyon kaya ang lahat ay salu-salo, rambolan at pingkian sa palaruan ng disenyo ng damit.

Iba’t iba ang mga estilo at kakayahan ng mga fashion designer na ito.

Bastat ang pilosopiya ni Hermanos ay ang puwdeng pagtatambal-tambal ng mga bahagi ng damit sa kung anumang okasyon at panahon kaya walang problema bastat may akmang pagkaka-match lang.

Star Patrol (for Saksi, March 13, 2010)

Boy Villasanta

Ex-bf ni Keanna Reeves, umapila sa sexy star; Gertie Hermanos, walang takot kina Renee Salud

INILIPAT na sa Quezon Memorial Hospital sa Lucena City sa Lalawigan ng Quezon ang pasyente ng pagkakaaksidente sa isang banggaan sa Santa Rosa, Laguna.

At ito ay ang isa sa mga aktor ni Arman Reyes na si Alvin Geda.

Si Alvin ay nakalasug-lasog ang katawan nang isang madaling-araw ay nagpasirku-sirko ang kanyang kotse pagkagaling sa isang inuman sa may kampo ng Sta. Rosa.

Isinugod si Geda sa isang sosyal na pagamutan sa Santa Rosa ng mga taong nagmagandang-loob sa batang bituin ni Arman sa kanyang pelikula kasama sina Glydel Mercado at Tonton Gutierrez.

Disin sana’y nasundan pa ang pelikula ni Alvin nang tawagan siya ng production staff ni Joel Lamangan pero hindi sinipot ng batang bituin ang tawag ng direktor kaya ngayon ay nagsisisi siya.

“Sana ay marami na akong nagawang pelikula. Pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa,” pahayag ni Alvin.

***

Inoperahan na sa pantog si Geda sa oras na lumipat na siya sa Quezon Memorial Hospital.

Nagpapagaling at nagpapahinga ang bituin sa pagamutan at kahit anong oras ay puwede na siyang mags-showbiz uli.

Pero ayon kay Alvin, baka magtrabaho muna siya sa ibang bansa paggaling niya agad.

“Kasi, matagal ang asenso sa showbiz kaya magtatrabaho muna ako sa ibang bansa. Pag marami na akong pera, magpoprodyus ako ng digital film,” sabi ni Geda.

***

Ngayon ay may iniuungot si Geda sa amin at ito ay ang cellphone o kaya ay landline ni Keanna Reeves.

Ano ang relasyon ni Alvin kay Keanna?

Naging magkasintahan lang naman sila, ayon kay Geda.

Panahon pa ito nang si Reeves ay alaga pa ni Richard Hiñola.

Matatandaan na si Richard ang nagbigay at nagbinyag ng screen name na Keanna Reeves kay Keanna at tinaglay na ito ng aktres hanggang ngayon na sikat na sikat na siya.

“Matagal din po kaming mag-girlfriend ni Keanna at hindi ko siya makakalimutan. Sana ay makontak ko naman siya, Tito. Kasi, marami rin naman kaming pinagsamahan,” sabi ni Alvin.

***

Kababayan namin nina Roland Lerum, Leo Paul Caliwara alias Lollipop, Nelia Tan at ng namayapang peryodistang pampelikula na si Andrew Gutierrez si Alvin.

Sa totoo lang, marami nang naitulong sina Roland at Leo Paul sa batang aktor kaya lang ay hindi nga inabyad na maige ni Geda ang kanyang pag-aartista.

Kahit si Andrew bago mamatay ay tumutulong sa pagpailanglang sa kasikatan ni Geda pero mas pinili niyang makipagrelasyon sa mga babae kaysa mag-artista.

Puwede naman niyang pagsabayin ‘yon pero mas kumiling siya sa kanyang pagka-pabling.

Ngayon, ani Geda ay maaaring mag-artista siya muli pero nababagalan siya sa pag-asenso ng kanyang pagkabituin kaya mas malamang kaysa hindi, anya ay magtungo muna siya sa ibang bansa.

***

Ito ngang pagkontak kay Keanna ay minamadali na ni Alvin ang pakikipagkita kay Reeves kung nanaisin ng aktres na siya ay makita.

“Kaya nga nais ko siyang makausap kahit sa telepono lang. Marami kaming pinagsamahan ni Keanna at alam ko na kahit spiritual needs lang ay maibibigay ni Keanna sa akin para naman mas gumaan ang nararamdaman kom” pahayag ni Geda.

“Hindi naman ako manghihingi ng pinansiyal na tulong kay Keanna. Gusto ko lang siyang makausap para naman mas gumaling ako agad.

“Very thoughtful kasi si Keanna kaya hindi ako nangingiming siya ay makausap. Magkakatawanan lang kami, alam ko. Sana, hindi pa siya nagbabago,” pahayag ni Alvin.

***

Samantala, walang pakialam ang fashion designer na si Gertie Hermanos na siyang resident designer ng summer collection ng Sassa ngayong mga panahong ito.

Bahagi ng walang pakialam ni Gertie ang paglalabas ng kanyang mga eksklusibong mga disenyo sa tag-araw kabilang ang mga shorts, swimwear at iba pang kasuotan na pantag-araw.

Sinabi ni Hermanos na ibang-iba ang kanyang mga disenyo kaysa disenyo ng ibang fashion designer.

Para kay Gertie, mas matingkad ang kulay ng kanyang mga tabas at hugis at naiiba ito sa ibang gawa na ng mga tagadisenyo ng damit.

***

Dahil ang lahat ng mga fashion designer ay puwedeng magtahi ng mga kasuotang pang-tag-init kaya kampante lang si Hermanos sa kanyang mga likha.

Kahit na sina Renee Salud, Boying Eustaquio, Jonathan Pagaduan, Eric Valeña, Albert Figueras, Goulle Gorospe at marami pang iba ay puwede ring magtabas at manahi ng mga bathing suit, swimsuit, shorts, hanging tops at marami pang iba at puwede ring kalabanin si Gertie pero kanya-kanya ngang pasiklaban ‘yan, kanya-kanyang merkado, kanya-kanyang panahon, kanya-kanyang komisyon kaya ang lahat ay salu-salo, rambolan at pingkian sa palaruan ng disenyo ng damit.

Iba’t iba ang mga estilo at kakayahan ng mga fashion designer na ito.

Bastat ang pilosopiya ni Hermanos ay ang puwdeng pagtatambal-tambal ng mga bahagi ng damit sa kung anumang okasyon at panahon kaya walang problema bastat may akmang pagkaka-match lang.

1 comment:

  1. This is Alvin Geda. These are all LIES!Mr. Boy Villasanta, please provide your cellphone number so that I can speak with you about these lies that you are writing about! Please text your cell number to my cellphone: 09185979458.

    ReplyDelete