Monday, August 9, 2010

Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto, bagay na bagay sa dambana ng pagpapakasal

ANG pag-iibigang Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto parang repetisyon ng pagmamahalang Dina Bonnevie at Vic Sotto.

Nagkataon lang na mag-ama sina Oyo Boy at Vic at kahit na walang personal na relasyon sa dugo o anumang pagkakaugnay sina Kristine at Dina ay parang pinagtiyap sila ng pagkakataon.

Kaya nga sa unang tingin at kahit na sa ikalawa ay bagay na bagay sila.

Para ngang pati ang kanilang mga magulang ay iisa bagamat may sarili ring mga paryentes si Hermosa.

Ang pag-iisang-dibdib nila sa Enero sa 2011 ay hudyat na may malaking pagkakawangis ang okasyon sa naganap kina Vic at Dina.

***

Alam ba ninyo na si Kristine ay isa ring taga-Timog na tulad ni Dina?

Kung si Bonnevie ay taga-Albay, si Kristine naman ay taga-Masbate na may ugat at bahagi rin ng kulturang Bicolona.

Ang pagiging rehiyunal naman ay hindi mismong kailangang nasasakop ng isang partikular na lugar kundi ang impluwensiya ng mga kanugnog-pook ay puwede ring ikonsidera dahil magkakaugnay naman ang mga rikotitos ng bawat isa.

At isa pa’y nasa ilalim naman tayo ng isang bandila bagamat hindi tayo nagmula sa iisang lalawigan o bayan lang sa bansang ito.

Pero ang pagmumula sa Katimugang Luzon ni Kristine ay pagpapatunay na siya ay may pagka-Bicolana rin.

Kung MIMAROPA (Mindoro, Masbate, Romblon, Palawan) si Hermosa, ito ay malapit na malapit sa Bicol at ang migrasyon ay isang phenomenon na mahalaga sa sosyalisasyon sa makabagong panahon.

***

Siyempre, si Oyo Boy ay impluwensiyado ng mga kulturang MIMAROPA nang dahil sa kanyang ina at mula naman sa panig ng kanyang ama, ng kulturang Kahilagahan dahil ang kanyang ama ay tubo namang Nueva Ecija.

Si Vic na ang ina ay Castelo ay mga taga-Cabanatuan City sa Hilaga samantalang ang mga Sotto ay may dugong Cebu kaya nga hindi nalalayo si Sotto, ang anak, sa pinagmulan ni Kristine dahil ang MIMAROPA at Bicol ay malapit sa herograpiyang Bisaya at Bicolano.

Sa ganitong hugpungan ay bagay na bagay ang dalawang bituin.

***

Ang kronolohiya ng hpag-iibigan nila ay nagsimula hindi sa mismong kanila kundi sa sinimulan ng ibang kaugnay sila.

Hindi nga ba’t si Kristine sa showbiz ay nagsimulang umibig kay Jericho Rosales na isa ring Bicolano samantalang si Oyo Boy ay kung kani-kanino naiugnay pero ang pinakamatunog ay kay Angel Locsin.

Nagkaroon din ng pag-iibigan sina Tintin at Diether Ocampo at hindi nga ba’t sila’y ikinasal pa sa huwes?

Napawalang-bisa na ang kasal nina Diet at Tintin kaya puwede nang magpatali muli sa ibang puso ang aktres.

Kung pagbabatayan ang naganap na personal na romansa, katakut-takot na mga relasyon ang dinanas din nina Dina at Vic.

Hindi nga ba’t nag-ibigan sina Alfie Anido at Dina bago nakilala ni

Bonnevie si Sotto at si Vic naman ay may Coney Reyes-Mumar pa at Angela Luz?

Ang pag-ugit ding ito ang ginaygay nina Oyo Boy at Kristine kaya hindi nagkakalayo ang kanilang kasaysayan ng pag-ibig sa istorya de un amor ng kanilang mga magulang—kahit na marahil ang mga paryentes ni Tintin.

Kaya bagay na bagay sila.

Nawa lang sana ay hindi magmana ang kanilang relasyon sa nalugsong ugnayan nina Vic at Dina.

Star Patrol (for Saksi, August 9, 2010)

Boy Villasanta

HINDI nga isang ilang na kuwento ng pag-ibig ang pagtatagpo ng dalawang magkasintahan sa pugad ng ibang lokasyon.

Ito ay dahil ang pag-iibigang Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto parang repetisyon ng pagmamahalang Dina Bonnevie at Vic Sotto.

No comments:

Post a Comment