WALANG habas na inobserbahan at sinabi ng beteranang aktres na si Lyn Madrigal na kung si Fernando Poe, Jr. noon ang itinuturing na ninong ng mga taga-showbiz dahil sa pagkupkop at pagtulong nito sa mga kasama sa larangan lalo na sa pagdaraos ng mga piging para sa mga ito, ngayon naman ay si Bong Pablico ang kapalit ng tinaguriang Hari ng Pelikulang Pilipino.
Sinabi ni Lyn na “naku, natutuwa ang maliliit sa showbiz dahil sa pangangalaga nitong si Bong.”
Si Bong ay hindi na iba kay FPJ.
Kasi, si Pablico at kumpare at kasosyo sa negosyo ng isa sa mga kapatid bagamat sa ina ng dakilang aktor na sumabak sa pulitika bagamat nadaya umano noong 2004.
Kumpare ni Bong si Conrad Poe na anak ni Fernando Poe, Sr. kay Patricia Mijares.
At ang nakikipagnegosasyon na ngayon kay Pablico ay si Zeny Marcelo-Poe.
Kaya naman ang isa sa mga punong-abala sa piging ni Bong noong Sabado ay si Zeny.
***
Nag-imbita sa mga taga-showbiz si Bong dahil ipinagdiwang ng kanyang upisina ang Araw ng Pasko noong Sabado.
Ano, Araw ng Pasko noong Sabado, ika-28 ng Agosto, 2010 samantalang hindi pa Disyembre?
Kasi, ayon, kay Pablico, nakagisnan na Pasko ang Disyembre 25, 2010 pero bakit anya gugunitain ang Pasko sa araw na ‘yon samantalang maniyebe o maraming yelo ng mga panahong ‘yon kaya bakit sinasabi sa mga pananalig na iba na may nagpapastol ng mga tupa samantalang malamig at maraming niyebe.
“Ito naming August 28, 27th founding anniversary n gaming kumpanya, ang JCB kaya ito rin ang itinuturing naming Pasko base sa Bibliya,” pahayag ni Bong.
***
Maraming mga taga-showbiz ang dumating sa pagdiriwang kabilang ang action star at nakilalang Tony Falcon Agent X-44 na ngayon ay mas makisig pagkatapos sumailalim sa bypass operation sa kanyang puso noong isang taon.
Ayon kay Tony, mga kapatid niya ang nag-ambag-ambagan para siya ay maoperahan pero siya ay gumastos din.
Naliligayahan naman siya at ang kanyang anak na si Mutya Crisostomo na kanyang anak sa beauty queen na si Alice Crisostomo ay nagsilang na ng panganay nito noong ika-6 ng Agosto, 2010 sa Singapore.
Sa Singapore na namamalagi si Mutya dahil siya ay may mataas na puwesto sa Unilever ng bansang ‘yon.
Isang sculptor na taga-Bataan ang naging asawa ni Mutya na nagngangalang Jinggoy Buensuceso na nag-iikot ng iba’t ibang bansa sa mundo para mag-exhibit ng kanyang mga sining.
Mayumi ani Ferrer ang pangalan ng kanyang apo kina Crisostomo at Jinggoy.
Dumarami na ang apo ni Tony sa kanyang mga anak kabilang ang kay Maricel Laxa na asawa ni Anthony Pangilinan at kay Falcon din.
***
Nasa piging din ni Bong si Bok Inciong, ang dating miyembro ng Masculados ni Maryo J. de los Reyes.
Ngayon ay wala na ang pormal na Masculados pero nakakapagtanghal pa rin sina Bok, Brillente Inciong sa tunay na buhay.
Konsehal na rin siya sa 2nd District ng Parañaque City kasama si Rosella Nava.
Nakipagbahagi rin ng Pasko ni Bong sina Alice Vergara, Linda Cabuhayan, Rudy de la Peña, Leo Paul Caliwara, Art Tapalla sa hanay ng mga peryodistang pampelikula samantalang sa kampon ng mga artista bukodkay Tony ay nandoon sina Roldan Aquino, Bert Vibar, Jimmy Concepcion, Kim Laurel, Bobby Hernandez, Honey Blanca at marami pang iba na hindi na namin matandaan ang mga pangalan dahil sa karamihan nila.
Pati na ang direktor at ngayon ay bise-alkalde ng San Antonio sa Nueva Ecija na si Jose “Kaka” Balagtas ay nandoon at kahit ang ina ng aktres na si Angelica Jones, si Beth Jones ay hindi nawala sa party.
Star Patrol (for Saksi, September 1, 2010)
Boy Villasanta
May kapalit na sa pagiging ninong ng showbiz si FPJ, si Bong Pablico

No comments:
Post a Comment