Sunday, August 8, 2010

Jowee Morel, nalulungkot para kay Mario O’Hara; “When a Gay Man Loves,” suportado ni Mercedes Cabral

KAHIT nasa London ang kontrobersyal na direktor na si Jowee Morel at nag-aaral ng filmmaking, hindi nawawala ang kanyang diwa ng presensiya sa lahat ng kamalayan ng mga taga-showbiz.

“Nag-i-enjoy naman ako rito sa London. Sanay na po ako rito dahil bago ako nag-showbiz, nurse po ako at producer ng mga live shows dito kaya walang problema,” pahayag ni Jowee sa isang overseas call.

Sinabi ni Morel na pagkatapos niyang mag-aral sa London ay ipapasa naman niya ang kanyang mga napag-aralan sa mga Filipino na gustong matuto ng filmmaking.

Kaya nga ito ay isang magandang halimbawa at modelo para sa mga taga-showbiz.

“Noon pa naman po, gusto kong makatulong sa mga taga-showbiz. Nang nasa Pilipinas nga po ako, ang daming mga estudyante sa college na nag-o-on the job training sa akin sa Outline Films,” pahayag ni Jowee.

***

Samantala, nalulungkot si Morel sa kawalan ng napanalunan ng “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio” sa katatapos na ika-6 na Cinemalaya Independent Film Festival sa Cultural Center of the Philippines.

Hindi nga ba’t kahit na isa ay walang napanalunan ang pelikula?

“Pero hindi pa naman tapos ang mundo. Marami pang mga puwedeng gawin para sa pelikula. Marami pang makakapanood n’yan. Marami pa ring makakapagbigay ng award r’yan,” pahayag ni Jowee.

Malaki ang papel ni Morel sa “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio” dahil siya dapat ang cinematographer doon.

Nang dahil sa nasa London pa si Jowee nang gawin ni Mario O’Hara ang pelikula ay hindi niya inoohan ang proyekto dahil baka mabitin lang ang produksyon nito.

Kaya ipinagdasal na lang ni Morel ang proyektong ito ni Mario.

***

“Bilib na bilib pa naman ako kay Direk Mario pero siyempre, may iba’t ibang taste ang mga tao kaya hindi puwedeng pare-pareho ang resulta ng pagdya-judge,” wika ni Jowee.

“It was supposed to be a once in a lifetime experience and chance for me to work for and with Mario pero baka hindi pa ngayon talaga ‘yon. Sayang talaga ang offer pero wala akong magawa. Wala pa akong masyadong pera para makabalik-balik sa Pilipinas pero in the near future, pagkatapos kong mag-aral, handa na ako sa lahat sa kanila,” pagtatapat ng kontrobersyal na direktor na gumawa rin ng “Moma,” “Ec2luv,” “Latak,” “Moving Dreams,” “HiStory,” “Mona, Singapore Escort” at “Strictly Confidential,” mga pelikulang hinangaan ng buong mundo.

***

Samantala, nasa Kabayan Central na ang pelikulang “When a Gay Man Loves” na isa ring obra ni Jowee. Ang Kabayangcentral.com ang isa sa mga pinakamalalaking bilihan at at imbakan ng pelikula sa buong mundo.

Tatlong beses itong na-X ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB kaya naman hindi na muli ipinarebyu ni Morel ang kanyang pelikula.

Pinabayaan na lang niyang hanap-hanapin ito ng mga tao kaya naman nagpursigi siyang maipagbili sa mga video distribution shop tulad ng Videoflick, Synergy, Solar, Viva, Regal at marami pang iba.

Gayunman, ang napili ni Jowee ay ang Videoflick kaya naman naipagbanduhan ito sa apat na sulok ng mundo ng showbiz.

Heto at nagbubunga ang lahat ng pagsisikap ni Morel kaya heto at lalo pang lumalakas ang “When a Gay Man Loves” na tungkol sa pag-iibigan ng dalawang bading na lalaking-lalaki kung tingnan.

Hinahanap nga at nais bumili, kung gayon ay suportado ni Mercedes Cabral ang pelikulang ito na tampok sa kanyang mga nais ingatang video.

Star Patrol (for Saksi, August 8, 2010)

Boy Villasanta

Naghihinagpis si Jowee Morel para kay Mario O’Hara; “When a Gay Man Loves” hinahanap ni Mercedes Cabral

HINDI na mapipigil pa ang mga paghahangad ng kontrobersyal na filmmaker na si Jowee Morel na maipamalas sa Pilipinas at sa buong mundo ang kanyang talento sa pagdidirek kaya naman kahit na siya ay nasa London at nag-aaral ng filmmaking, hindi nawawala ang kanyang diwa ng presensiya sa lahat ng kamalayan ng mga taga-showbiz.

“Nag-i-enjoy naman ako rito sa London. Sanay na po ako rito dahil bago ako nag-showbiz, nurse po ako at producer ng mga live shows dito kaya walang problema,” pahayag ni Jowee sa isang overseas call.

Sinabi ni Morel na pagkatapos niyang mag-aral sa London ay ipapasa naman niya ang kanyang mga napag-aralan sa mga Filipino na gustong matuto ng filmmaking.

Kaya nga ito ay isang magandang halimbawa at modelo para sa mga taga-showbiz.

“Noon pa naman po, gusto kong makatulong sa mga taga-showbiz. Nang nasa Pilipinas nga po ako, ang daming mga estudyante sa college na nag-o-on the job training sa akin sa Outline Films,” pahayag ni Jowee.

***

Samantala, nalulungkot si Morel sa kawalan ng napanalunan ng “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio” sa katatapos na ika-6 na Cinemalaya Independent Film Festival sa Cultural Center of the Philippines.

Hindi nga ba’t kahit na isa ay walang napanalunan ang pelikula?

“Pero hindi pa naman tapos ang mundo. Marami pang mga puwedeng gawin para sa pelikula. Marami pang makakapanood n’yan. Marami pa ring makakapagbigay ng award r’yan,” pahayag ni Jowee.

Malaki ang papel ni Morel sa “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio” dahil siya dapat ang cinematographer doon.

Nang dahil sa nasa London pa si Jowee nang gawin ni Mario O’Hara ang pelikula ay hindi niya inoohan ang proyekto dahil baka mabitin lang ang produksyon nito.

Kaya ipinagdasal na lang ni Morel ang proyektong ito ni Mario.

***

“Bilib na bilib pa naman ako kay Direk Mario pero siyempre, may iba’t ibang taste ang mga tao kaya hindi puwedeng pare-pareho ang resulta ng pagdya-judge,” wika ni Jowee.

“It was supposed to be a once in a lifetime experience and chance for me to work for and with Mario pero baka hindi pa ngayon talaga ‘yon. Sayang talaga ang offer pero wala akong magawa. Wala pa akong masyadong pera para makabalik-balik sa Pilipinas pero in the near future, pagkatapos kong mag-aral, handa na ako sa lahat sa kanila,” pagtatapat ng kontrobersyal na direktor na gumawa rin ng “Moma,” “Ec2luv,” “Latak,” “Moving Dreams,” “HiStory,” “Mona, Singapore Escort” at “Strictly Confidential,” mga pelikulang hinangaan ng buong mundo.

***

Samantala, nasa Kabayan Central na ang pelikulang “When a Gay Man Loves” na isa ring obra ni Jowee. Ang Kabayancentral.com ang pinakamalaking imbakan at bilihan ng mga pelikula sa Internet.

Tatlong beses itong na-X ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB kaya naman hindi na muli ipinarebyu ni Morel ang kanyang pelikula.

Pinabayaan na lang niyang hanap-hanapin ito ng mga tao kaya naman nagpursigi siyang maipagbili sa mga video distribution shop tulad ng Videoflick, Synergy, Solar, Viva, Regal at marami pang iba.

Gayunman, ang napili ni Jowee ay ang Videoflick kaya naman naipagbanduhan ito sa apat na sulok ng mundo ng showbiz.

Heto at nagbubunga ang lahat ng pagsisikap ni Morel kaya heto at lalo pang lumalakas ang “When a Gay Man Loves” na tungkol sa pag-iibigan ng dalawang bading na lalaking-lalaki kung tingnan.

Hinahanap nga at nais bumili, kung gayon ay suportado ni Mercedes Cabral ang pelikulang ito na tampok sa kanyang mga nais ingatang video.

No comments:

Post a Comment