BAGAMAT sabi ng beterang aktres na si Patricia Mijares na nainterbyu na siya ng peryodistang pampelikula na si Aster Amoyo bago siya maatake sa puso noong gitnang bahagi ng 1990s, hindi namin nabasa o walang nakapagsabi sa amin ng isiniwalat ni Patricia na “stepbrother” sina Conrad Poe at Edu Manzano.
Nitong mamatay si Conrad kamakailan, nakipaglamay kami at marami kaming nalaman na mga katotohanan ng buhay kay Mijares, walumpu’t anim na taong gulang sa ngayon pero malinaw na malinaw ang kanyang memorya at matalas ang kanyang pakiramdam.
Ayon kay Patricia, Pilar Castro sa tunay na buhay at taga-Baliuag, Bulacan, “may pinagsamahan” sina Poe at Edu.
***
Ganito ang kuwento.
Bago magkadigma, artista na si Patricia at kaibigan niya sina Yolanda Marquez, kilala rin sa tawag na Mary Prieto—pinsang-buo ni Rosario H. Panganiban na naging asawa ni Vicente Salumbides, ang itinuturing na Ikalawang Ama ng Pelikulang Pilipino kaya siya ang nagrekomenda sa mga prodyuser na gawing bituin si Mary at bininyagan ng screen name na Yolanda Marquez—Norma Blancaflor at Lilian Velez.
Nagtayo ng restoran sina Mijares, Yolanda, Lilian at Norma sa may San Marcelino Street sa malapit sa De La Salle na noon ay College pa.
Sa kanilang kainan ay madalas mag-istambay ang mga basketbolista ng DLSC kabilang sina Louie Prieto at Adriano Manzano.
Si Louie ang napangasawa ni Yolanda.
Si Louie Prieto na kinalaunan ay magiging komisyuner ng Philippine Basketball Association.
Noong isang taon ay magkasunod na namatay sina Yolanda at Louie.
At si Patricia naman ay mapapangasawa ni Adriano.
Nagpakasal sina Mijares at Manzano pero naghiwalay rin bago mag-liberation.
Nagkaanak sina Patricia at Adriano, si Angel Manzano na ngayon ay animnapu’t anim na taong gulang na.
Ayon kay Mijares, “magulo noong giyera kaya pinayagan kaming mag-divorce. Wala nang mga proseso.”
***
Nagpatuloy ang buhay para kina Patricia at Angel kaya ang ina ay iginapang ang anak kahit na magtrabaho bilang artista sa stage show dahil wala nang ginagawang pelikula noong panahon ng Hapon.
Nang hindi makarating si Mona Liza sa isang pagtatanghal sa Avenue Theater, si Patricia ang ipinalit ni Fernando Poe, Sr. sa show.
At dahil dito, nagkaibigan sina Patricia at Poe Senior kahit na may legal na asawa ang aktor, Bessie Kelley Poe.
Nagkaanak sina Mijares at Poe at siya nga si Conrad na nang mag-iisang taon na ito ay mag-aapat na taon naman si Angel.
***
Samantala, nagpunta sa Estados Unidos si Adriano at nakilala niya roon si Nenita Barrios, isang socialite sa Maynila at sila ay nagpakasal doon.
Naging anak nina Adriano at Nenita si Eduardo Manzano na kilala ngayon bilang Edu Manzano.
Nang dahil dito, masasabing magkapatid sa salubong sina Conrad at Edu dahil ang mga magulang nila ay nagkaasawa sa magkahiwalay na panahon.
Ang tunay na kapatid sa ina ni Edu ay si Angel na ayon kay Patricia ay madalas ding makausap ni Doods bagamat mas malapit anang beteranang aktres ang kanyang anak kay Adriano sa kanyang anak kay Fernando Poe, Sr. na ama naman ni Fernando Poe, Jr.
Napakaliit nga ng mundo, kung tutuusin.
***
Nang magdiwang nga ng kanyang kaarawan ang batambatang singer na si Dexter Encarnado sa DasmariƱas, Cavite kamakailan ay nasabi na sa amin ni Conrad na may relasyon siya kay Edu.
Pero hindi na namin ito pinalago dahil ang nasa isip namin ay gumawa ng isang documentary na tatalakay sa buhay ng mga Poe o sa partikular, ni Conrad.
Nadulas sa banyo noong Marso si Patricia at naka-wheelchair nga siya ngayon pero malinaw na malinaw ang takbo ng kanyang utak.
Kahit na siya ay namamaga ang kaliwang binti at hita, maliksi kung mag-isip at magsalita si Patricia na ayon sa common-law wife ni Conrad na si Zeny Marcelo-Poe ay ang ganda-ganda ng kanyang biyenan noong kapanahunan nito.
Star Patrol (for Saksi, July 5, 2010)
Boy Villasanta
Edu Manzano at Conrad Poe, magkapatid sa salubong
NPAKAKULAY talaga ng buhay.
Ang isang patunay na de-kolor ito ay nang mamatay si Conrad Poe kamakailan.
Maraming lumabas na mga kuwento sa kamatayan ni Conrad.
Habang nakaburol siya sa Arlington Memorial Chapels sa Araneta Avenue sa Quezon City ay naglabasan ang masusustansiyang istorya tungkol sa kanya sa kagandahang-loob ng kanyang inang si Patricia Mijares.
Yes, buhay na buhay pa si Patricia Mijares sa mga sandaling ito.
Bagamat walumpu’t anim na taong gulang na si Patricia Mijares ay malinaw na malinaw ang takbo ng kanyang isip at marami siyang natatandaan sa kanyang mga pinagdaanan sa buhay.
Si Patricia Mijares na maraming ginawang pelikula noong bago mag-Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
***
Matatas magsalita si Patricia, Pilar Castro sa tunay na buhay at tubong-Baliuag, Bulacan.
Hindi mo aakalaing siya ay walumpu’t anim na taong gulang na sa kanyang pagsasalaysay ng mga buhay-buhay.
Ang isang nakakabigla at nakakaintrigang pahayag ni Mijares ay ang pagiging madrasta niya ni Edu Manzano.
Madrasta ni Edu Manzano?
Paano nangyari ‘yon?
Napakaliit naman ng mundo para maganap ‘yon.
Pero hindi nga ba’t napakaliit ng lipunan nating ito para magkadugtung-dugtong ang mga buhay ng mga tao sa loob at labas ng showbiz?
***
Ganito ang kuwento.
Bago magkadigma, artista na si Patricia at kaibigan niya sina Yolanda Marquez, kilala rin sa tawag na Mary Prieto—pinsang-buo ni Rosario H. Panganiban na naging asawa ni Vicente Salumbides, ang itinuturing na Ikalawang Ama ng Pelikulang Pilipino kaya siya ang nagrekomenda sa mga prodyuser na gawing bituin si Mary at bininyagan ng screen name na Yolanda Marquez—Norma Blancaflor at Lilian Velez.
Nagtayo ng restoran sina Mijares, Yolanda, Lilian at Norma sa may San Marcelino Street sa malapit sa De La Salle na noon ay College pa.
Sa kanilang kainan ay madalas mag-istambay ang mga basketbolista ng DLSC kabilang sina Louie Prieto at Adriano Manzano.
Si Louie ang napangasawa ni Yolanda.
Si Louie Prieto na kinalaunan ay magiging komisyuner ng Philippine Basketball Association.
Noong isang taon ay magkasunod na namatay sina Yolanda at Louie.
At si Patricia naman ay mapapangasawa ni Adriano.
Nagpakasal sina Mijares at Manzano pero naghiwalay rin bago mag-liberation.
Nagkaanak sina Patricia at Adriano, si Angel Manzano na ngayon ay animnapu’t anim na taong gulang na.
Ayon kay Mijares, “magulo noong giyera kaya pinayagan kaming mag-divorce. Wala nang mga proseso.”
***
Nagpatuloy ang buhay para kina Patricia at Angel kaya ang ina ay iginapang ang anak kahit na magtrabaho bilang artista sa stage show dahil wala nang ginagawang pelikula noong panahon ng Hapon.
Nang hindi makarating si Mona Liza sa isang pagtatanghal sa Avenue Theater, si Patricia ang ipinalit ni Fernando Poe, Sr. sa show.
At dahil dito, nagkaibigan sina Patricia at Poe Senior kahit na may legal na asawa ang aktor, Bessie Kelley Poe.
Nagkaanak sina Mijares at Poe at siya nga si Conrad na nang mag-iisang taon na ito ay mag-aapat na taon naman si Angel.
***
Samantala, nagpunta sa Estados Unidos si Adriano at nakilala niya roon si Nenita Barrios, isang socialite sa Maynila at sila ay nagpakasal doon.
Naging anak nina Adriano at Nenita si Eduardo Manzano na kilala ngayon bilang Edu Manzano.
Nang dahil dito, masasabing magkapatid sa salubong sina Conrad at Edu dahil ang mga magulang nila ay nagkaasawa sa magkahiwalay na panahon.
Ang tunay na kapatid sa ina ni Edu ay si Angel na ayon kay Patricia ay madalas ding makausap ni Doods bagamat mas malapit anang beteranang aktres ang kanyang anak kay Adriano sa kanyang anak kay Fernando Poe, Sr. na ama naman ni Fernando Poe, Jr.
Napakaliit nga ng mundo, kung tutuusin.
***
Nang magdiwang nga ng kanyang kaarawan ang batambatang singer na si Dexter Encarnado sa DasmariƱas, Cavite kamakailan ay nasabi na sa amin ni Conrad na may relasyon siya kay Edu.
Pero hindi na namin ito pinalago dahil ang nasa isip namin ay gumawa ng isang documentary na tatalakay sa buhay ng mga Poe o sa partikular, ni Conrad.
Nadulas sa banyo noong Marso si Patricia at naka-wheelchair nga siya ngayon pero malinaw na malinaw ang takbo ng kanyang utak.
Kahit na siya ay namamaga ang kaliwang binti at hita, maliksi kung mag-isip at magsalita si Patricia na ayon sa common-law wife ni Conrad na si Zeny Marcelo-Poe ay ang ganda-ganda ng kanyang biyenan noong kapanahunan nito.
No comments:
Post a Comment