Tuesday, July 6, 2010

Lance Raymundo, lutang na lutang sa “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio”

HINDI magsisisi ang premyado at dakilang direktor na si Mario O’Hara sa kanyang pagkuha sa serbisyo sa pag-arte ni Lance Raymundo.

Si Lance Raymundo na nakilala bilang kapatid ng mahusay na mang-aawit na si Rannie Raymundo.

Si Lance Raymundo na sumikat bilang isa ring mang-aawit.

Si Lance Raymundo na natampok sa mga independent o indie films kabilang ang sinulat ni Charlotte Dianco na “Fidel.”

Ngayon ay isang pangunahing karakter ang binigyang-buhay ni Lance sa “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio” na mula sa ika-6 na Cinemalaya Independent Film Festival.

Opisyal na lahok ito ni Mario sa Open Category ng pestibal kung saan kasama ang apat pang napili sa bagong bidisyon na kinabibilangan ng “Pink Halo-Halo” ni Joselito Altarejos, “Donor” ni Mark Meily, “Sigwa” ni Joel Lamangan at “Two Funerals” ni Gil Portes.

***

Lutang na lutang si Lance sa kanyang papel bilan Emilio Aguinaldo na siyang kaintrigahan ni Andres Bonifacio sa pamamalakad ng rebolusyunaryong pamahalaan noong bago lumatag ang ikadalawampung siglo.

Bagamat kung minsan ay nagmamadali si Raymundo sa pagbigkas ng kanyang mga dayalogo tulad na lang sa pagsermon sa kanyang mga kasama sa Magdago sa payo niyang hindi dapat ang parusang kamatayan kay Bonifacio, mas marami at mas nangibabaw ang kanyang mga pag-arte na may katuturan at may sining.

Masasabing malayu-layo na ang narating ni Lance sa kanyang pag-arte.

***

Ayon kay Lance pagkatapos ng press screening ng “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio” sa Dream Theater ng Cultural Center of the Philippines noong Sabado ng gabi, talagang mapaghamon ang papel na Aguinaldo sa kanyang karerang panshowbiz.

“Talagang challenge sa akin ang pelikulang ito and I hope this is the most challenging one,” pahayag ni Raymundo.

Asahan na sa premiere night ng pelikulang ito sa panahon ng 2010 Cinemalaya sa CCP ay dadalo ang kanyang buong pamilya.

“Madalas po silang magbigay ng support sa akin lalo na pag may show ako pelikula. Talagang very helpful ang pamilya ko sa aking mga ginagawa,” pahayag ni Lance.

***

Tiyak na dadalo ang kanyang inang dating aktres na si Nina Zaldua, ang kanyang ama at ang kanyang kapatid na kuya.

Lalo pang aalsa ang pagbabalik-alaala ni Nina sa kanyang buhay-showbiz bago siya mag-asawa.

Sikat na sikat si Zaldua sa kanyang kapanahunan kung saan halos kasabay niya sina Miriam Jurado, Lucita Soriano, Sofia Moran, Mary Ann Murphy at marami pang iba na nagsabog ng ganda at talino sa langit-langitan ng aninonang gumagalaw.

Kaya nga nagmana sa kanya sina Lance at Rannie at ito ang simula ng lalo pang pagkaaktibo ni Raymundo sa showbiz.

Star Patrol (for Saksi, July 6, 2010)

Boy Villasanta

Mario O’Hara, hindi nagkamali sa pagpili kay Lance Raymundo na maging Emilio Aguinaldo

NANDITO na sa ating kamalayan ang pinag-uusapang pelikulang “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio.”

Tapos na tapos na ang obra ni Mario O’Hara at handa nang makipagtunggali sa darating na ika-6 na Cinemalaya Independent Film Festival ng Cultural Center of the Philippines na magsisimula sa ika-9 ng Hunyo, 2010.

Matagal din ang pakikibakang ginawa ni Mario sa pagbuo ng kanyang pelikula.

Maraming aberya ang nangyari bago niya naisakatuparan ang piyesang ito para sa puting tabing.

Ngayon ay maipagmamalaki na ang kanyang produkto sa merkado ng mga pelikula at tayo na ang huhusga sa pagkakataong ito.

***

Hindi nagkamali ang direktor sa pagpili kay Lance Raymundo para gampanan ang papel ni Emilio Aguinaldo bilang kaintrigahan ni Andres Bonifacio sa pagtatatag ng pamahalaang Pilipinas sa ating bansa noong pag-ikot ng ika-20 siglo.

Ngayon ay masasabi ni Lance na siya ay isa nang aktor sa pagpili sa kanya ng premyadong tagalikha ng sining sa showbiz.

Si Lance Raymundo na nakilala bilang kapatid ng mahusay na mang-aawit na si Rannie Raymundo.

Si Lance Raymundo na sumikat bilang isa ring mang-aawit.

Si Lance Raymundo na natampok sa mga independent o indie films kabilang ang sinulat ni Charlotte Dianco na “Fidel.”

Ngayon ay isang pangunahing karakter ang binigyang-buhay ni Lance sa “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio” na mula sa ika-6 na Cinemalaya Independent Film Festival.

Opisyal na lahok ito ni Mario sa Open Category ng pestibal kung saan kasama ang apat pang napili sa bagong bidisyon na kinabibilangan ng “Pink Halo-Halo” ni Joselito Altarejos, “Donor” ni Mark Meily, “Sigwa” ni Joel Lamangan at “Two Funerals” ni Gil Portes.

***

Ayon kay Lance pagkatapos ng press screening ng “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio” sa Dream Theater ng Cultural Center of the Philippines noong Sabado ng gabi, talagang mapaghamon ang papel na Aguinaldo sa kanyang karerang panshowbiz.

“Talagang challenge sa akin ang pelikulang ito and I hope this is the most challenging one,” pahayag ni Raymundo.

Asahan na sa premiere night ng pelikulang ito sa panahon ng 2010 Cinemalaya sa CCP ay dadalo ang kanyang buong pamilya.

“Madalas po silang magbigay ng support sa akin lalo na pag may show ako pelikula. Talagang very helpful ang pamilya ko sa aking mga ginagawa,” pahayag ni Lance.

***

Tiyak na dadalo ang kanyang inang dating aktres na si Nina Zaldua, ang kanyang ama at ang kanyang kapatid na kuya.

Lalo pang aalsa ang pagbabalik-alaala ni Nina sa kanyang buhay-showbiz bago siya mag-asawa.

Sikat na sikat si Zaldua sa kanyang kapanahunan kung saan halos kasabay niya sina Miriam Jurado, Lucita Soriano, Sofia Moran, Mary Ann Murphy at marami pang iba na nagsabog ng ganda at talino sa langit-langitan ng aninonang gumagalaw.

Kaya nga nagmana sa kanya sina Lance at Rannie at ito ang simula ng lalo pang pagkaaktibo ni Raymundo sa showbiz.

***

Bagamat hindi perpekto ang pagganap ni Lance bilang Aguinaldo, mataas na ang gradong kailangang ipataw sa kanya.

May pagkakataon na nagmamadali si Raymundo sa kanyang pagbigkas ng mga linya lalo na ang kanyang pagtutol sa parusang kamatayan kay Bonifacio.

Ipinagtanggol niya na dapat mabuhay ang isang Andres na siyang nagsimula ng rebolusyon laban sa Espanya.

Kung wala si Andres ay wala ang pamahalaang tinatamasa natin ngayon.

Marami pang matututunan sa pag-arte si Lance pero sa “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio” ay lutang na lutang na siya at marami pang hamon na kanyang haharapin sa gubat na ito ng showbiz.

No comments:

Post a Comment