NAI-CREMATE na kahapon ng umaga ang sikat na aktor at kapatid sa ama ni Fernando Poe, Jr. na si Conrad Poe.
Doon din siya sa Arlington Memorial Chapels sa Araneta Avenue nai-cremate.
Sinaksihan ng mga mahal sa buhay ni Conrad ang pamamaalam sa kanila ng kaanak.
Nandoon siyempre ang common-law wife ni Conrad na si Zeny Marcelo, isang mahusay na make-up artist sa lokal at intenasyunal na paggawa ng pelikula.
Pero sa “Kahapon Lamang” ni Eddie Ilarde nagsimula si Zeny bilang make-up artist sa GMA Network noong panahon ng diktadurya ni Ferdinand E. Marcos.
***
Ang iba pang mahahalagang bisita sa pagki-cremate kay Conrad ay ang kanyang kapatid sa ama na si Elizabeth Poe na alam ba ninyong noong kaaalis lang sa Pilipinas ni Elizabeth papuntang Estados Unidos noong Huwebe, ika-24 ng Hunyo, 2010.
Ika-25 naman ng Hunyo, 2010 namatay si Conrad.
Kinabukasan, ika-26 ng Hunyo, 2010 ay bumalik na agad sa Pilipinas si Elizabeth para makasama sa kanyang mga huling sandali si Conrad.
Pati na ang mag-inang Susan Roces at Mary Grace Poe ay matamang nakiramay kay Conrad.
Sa katunayan, si Susan pa ang gumastos sa lahat ng mga gastusin sa pag-i-embalsamo, pagbuburol at pagki-cremate sa action star.
***
Sa buong panahon ng lamay kay Conrad ay lumabas ang maraming kuwento tulad ng ibinibida ni Rudy de la Peña, isang peryodistang pampelikula.
Alam ba ninyo na si Rudy ang nakadiskubre kay Conrad?
Carlo Rodan ang unang ipinangalan ni de la Peña kay Poe.
Kasi’y naging checker muna si Conrad bago nag-artista. Siya ‘yong nagbabantay sa sinehan, sa pagbibigay ng tiket at pagpasok ng mga tagapanood sa isang pelikula.
Dinala at ipinakilala ni Rudy si Conrad kay Ramon Revilla, Sr. sa Imus Productions.
Sa Bacoor, Cavite nandoon ang upisina at studio ng Imus Productions kaya sumagsag sina de la Peña at Poe sa bahaging ‘yon ng Cavite.
At isinama ni Ramon sa maraming pelikula si Conrad kabilang sa “Tiagong Akyat.”
***
Hindi nawala sa burol ang mga kaibigan at kasamahan ni Conrad sa kanyang lamay.
Nandoon palagi ang kamakailan ay inari ng mga Poe na kanilang pinsan, ang isa sa mga tinaguriang Escolta Boys ni Vir Gonzales na si Gerry Roman.
Bagamat natutulog din, gabi-gabi si Gerry sa lamay kay Conrad.
Dumating na rin sa burol sina Phillip Salvador, Ramon “Bong” Revilla, Jr., Rey “PJ” Abellana, Rey Roldan, Cielo Macapagal-Salgado, ang kapatid sa ama ng dating pangulong si Gloria Macapagal-Arroyo, Chito P. Alcid, Alice Vergara, Linda Cabuhayan, Leo Lazaro, Ronald Nepomuceno, Aileen Papin, Star Villareal, Danny Riel, Jess Sanchez, Rene Matias, Robert Miller at marami pang iba.
Nagtanong si Vivian, ang stuntwoman na misis ni Riel kung bakit wala man lang siya nababasa o napapanood sa TV na patay na si Conrad.
Gayunman, nag-utos na si Mario Dumaual na kunan ng TV footage ang lamay kaya naisahimpapawid na sa “Star News” ng “TV Patrol.”
Ewan lang sa iba pero artista rin at mahalagang bahagi ng kasaysayan ng showbiz at maging ng Pilipinas si Conrad kaya siya ay may karapatan din na mailathala.
Star Patrol (for Saksi, July 4, 2010)
Boy Villasanta
Utol ni FPJ na si Conrad Poe, nai-cremate na
DAHIL sa kanyang kahilingan na siya ay i-cremate nang siya ay nabubuhay pa, ipinagkaloob ng kanyang common-law wife na si Zeny Marcelo, kilala rin sa tawag na Zeny Poe, isang mahusay na make-up artist sa local at international films ang hiling na ito.
Nai-cremate na si Conrad kahapon sa Arlington Memorial Chapels sa Araneta Avenue kung saan din siya ay ibinurol ng isang linggo.
Ayon kay Zeny, nang hindi pa natatagalan ay naipagtapat ni Conrad sa kanya ang cremation para sa kanyang common-law husband.
Sinabi ni Zeny na wala ni isang babaing pinakasalan si Conrad sa tanang buhay nito pero maraming naging kasintahang babae.
***
“Kasi, isang araw, nagkukuwentuhan kami ni Dinky (palayaw ni Conrad). Sabi ko, ‘ako ‘heart, pag namatay ako, gusto ko, cremation. Gusto ko, ilalagay sa isang magandang jar ang abo ko at ilalagay sa isang altar sa bahay.
“’’Yan sabi ko, maganda kasi hindi ako ‘yong mabubulok sa ilalim ng nitso, tapos, kakainin ng uod ang mga laman ko at ang mga buto ko na lang ang matitira pero kakainin naman ng aso. Mas gusto ko na nand’yan lang at naka-preserve ang abo ko.
“’Nagalit sa akin si Dinky. Sabi niya, ‘ikaw talaga, ba’t ganyan ka? Ang bata-bata mo pa. Mas mauuna ako sa’yo.’ Sabi ko naman, ‘‘heart, kahit na ano ang mangyari, basta ang gusto ko, cremation’,” pahayag ni Zeny.
***
Pumayag na rin anya si Conrad sa kanilang usapan.
Kaya ngayon ay sinunog ang kanyang mortal na katawan sa crematorium ng Arlington.
Ang ilan sa mga sumaksi sa cremation ay ang mga mahal sa buhay ng aktor kabilang sina Elizabeth Poe, ang kanyang inang si Patricia Mijares, ang kapatid sa ama na si Angel Manzano at marami pang iba.
Sina Susan Roces at Mary Grace Poe ay nagpakita rin ng kanilang walang hanggang pakikiramay lagi na.
Hindi nga ba’t si Susan pa ang gumastos sa pagpapaembalsamo, paglalamay at pagpapa-cremate kay Conrad?
Mahal na mahal talaga ng mga Poe si Conrad kaya naman sila ay nagkakaisa na itataguyod ang pagpapaigpaw ng bituin sa dako pa roon.
***
Alam ba ninyo na umalis si Elizabeth patungong Estados Unidos noong ika-24 ng Hunyo, 2010?
Namatay naman si Conrad noong ika-25 ng Hunyo, 2010 at kapagdaka ay tinawagan agad si Elizabeth ng kanilang mga kaanak kaya sumagsag agad sa pagbalik ang paganay na Poe noong Sabado, ika-26 ng Hunyo, 2010.
Hindi pa nga nabubuksan ang kanyang mga bagahe sa Amerika ay nandito na agad sa Pilipinas ang maganda ring Poe na disin sana ay nag-artista rin.
Dumiretso si Elizabeth sa punerarya nang siya ay bumaba ng eroplano sa Ninoy Aquino International Airport.
At gabi-gabi ay nagbabantay si Elizabeth sa kanyang mahal na kaputol ng pusod.
***
Hindi nawala sa burol ang mga kaibigan at kasamahan ni Conrad sa kanyang lamay.
Nandoon palagi ang kamakailan ay inari ng mga Poe na kanilang pinsan, ang isa sa mga tinaguriang Escolta Boys ni Vir Gonzales na si Gerry Roman.
Bagamat natutulog din, gabi-gabi si Gerry sa lamay kay Conrad.
Dumating na rin sa burol sina Phillip Salvador, Ramon “Bong” Revilla, Jr., Rey “PJ” Abellana, Rey Roldan, Cielo Macapagal-Salgado, ang kapatid sa ama ng dating pangulong si Gloria Macapagal-Arroyo, Chito P. Alcid, Alice Vergara, Linda Cabuhayan, Leo Lazaro, Ronald Nepomuceno, Aileen Papin, Star Villareal, Danny Riel, Jess Sanchez, Rene Matias, Robert Miller at marami pang iba.
Nagtanong si Vivian, ang stuntwoman na misis ni Riel kung bakit wala man lang siya nababasa o napapanood sa TV na patay na si Conrad.
Gayunman, nag-utos na si Mario Dumaual na kunan ng TV footage ang lamay kaya naisahimpapawid na sa “Star News” ng “TV Patrol.”
Ewan lang sa iba pero artista rin at mahalagang bahagi ng kasaysayan ng showbiz at maging ng Pilipinas si Conrad kaya siya ay may karapatan din na mailathala.
***
Nagkukuento si Rudy. “Ako ang nakadiskubre kay Conrad. Ano ‘yan, e, checker sa mga sinehan,” pahayag ni de la Peña.
Ang checker ay ang nagririkesa ng mga bumibili ng tiket at pumapasok sa sinehan.
Siya rin ang nagkukuwenta ng lahat ng mga kita ng sinehan na kanyang binabantayan sa pamamagitan ng pag-aakma ng bilang ng tiket at ng mga taong pumasok sa sinehan.
“Carlo Rodan pa ang screen name noon ni Conrad. Tapos, dinala ko siya sa Imus Productions ni Ramon Revilla, Sr. Sa Bacoor, Cavite pa ang office no’n ng Imus Productions. Tapos, nagustuhan siya ni Mang Ramon hanggang isinama siya sa mga pelikula, kauna-unahan sa ‘Tiagong Akyat.’ Do’n na nagsimulang magkasunud-sunod ang mga pelikula ni Conrad,” kuwento ni de la Peña na siyang kauna-unahang hinanap ng mga Poe lalo na ni Zeny.
No comments:
Post a Comment