BAGAMAT maugong na maugong na si Vilma Santos ang napipisil ng Star Cinema para gampanan ang makasaysayang papel ni Cory Aquino sa puting tabing, hindi nagpahuli ang mga Noranians na ipaglaban na si Nora Aunor ang maaaring gumanap sa karakter na ‘yon.
Kaya nga ngayon pa lang ay naguguluhan na ang mga Vilmanians at Noranians sa kung ano ba talaga ang totoong mangyayari sa alok na ito.
Kamakailan ay nagpahayag na si Vilma na talagang mas pipiliin niya ang pagiging gobernadora ng Lalawigan ng Batangas dahil mas kailangan siya sa probinsiyang ito.
Ito nga kaya ang magiging dahilan kung bakit si Nora ang makakakuha ng katauhan ni Cory sa pinilakang tabing?
Ano nga kaya ang kapalarang naghihintay kay Aunor?
***
Ayon sa isang halatang-halatang Noranian na may cellphone number 09323359843 “May kutob KAMI (we have a strong feeling) NA KAY MS NORA AUNOR MAPUPUNTA ANG ROLE NA ‘CORY AQUINO LIFE STORY’ BECOZ OF BOY ABUNDA na CLOSE FRIEND NG AQUINO FAMILY NA ALAM NAMIN NA GUSTO RIN NI KUYA BOY NA IF GIVEN A CHANCE AY SI MS NORA AUNOR ANG GUMANAP SA TALAMBUHAY NI TITA CORY KUNG ISASALIN SA PELIKULA…”
Hindi talaga natitigatig ang masusugid na tagahanga ni La Aunor na ang kanilang idolo ang magiging Cory Aquino.
Dahil nga sa matunog na matunog ang mga Aquino sa panahong ito, ang bawat isa ay naghahangad na makapantay sa kanilang estado at makasama sa pagpailanglang sa kalangitan ng kaluwalhatian ng pamilyang ito.
***
Pero hindi pa natutuloy ang padating ni Nora mula sa Estados Unidos?
Ano na ang nangyayari?
Ang sabi nina Lotlot de Leon at Matet de Leon kamakailan ay noong Hunyo na ang dating ng kanilang ina pero ngayon ay Hulyo na pero ni anino ni Guy ay hindi pa natin namumulatawan.
Makakabalik pa kaya si Ate Guy?
Ano pa ang problema at hindi pa siya nagpapakita sa kanyang milyun-milyong tagatangkilik?
***
Nagtataray naman si Willie Fernandez, ang dating aktibong peryodistang pampelikula na ngayon ay may sakit at namamalagi sa General Santos City.
Pero kahit na nasa malayo si Willie ay wala siyang takot na magsabing “puro gimik ‘yang si Orang. Bakit hindi na lang siya manahimik? Hindi ba siya nagsasawa na pulos gimik na lang siya kahit noon pa?”
Ayon kay Fernandez, ang lahat ng mga balita tungkol kay Aunor lalo na ang pagkawala ng boses nito ay gimik lamang.
Pero ipinagdidiinan naman ng mga Noranians na totoong nagpapahinga si La Aunor para maibalik ang kanyang tinig sa pagkanta na siyang nagpakilala sa kanya sa balana.
***
Asar na asar si Fernandez kay Ate Guy.
“’Yang si Orang, walang magawa. Kailangang may mapatunayan siya na kikita ang kanyang pelikula. Puro na lang siya gimik na hindi na nabibili kaya magtigil na siya,” pahayag ni Willie na punung-puno ng pang-uuyam.
Sinabi ni Willie na mas maganda ang nangyayari sa career ni Vilma dahil tinitingala ito sa lahat ng sulok ng kapuluan at hindi tulad anya ni Nora na kung anu-ano ang pinaggagawa.
Sana nga ay magkasundo na ang mga Vilmanians at Noranians para sa katiwasayan ng kani-kanilang hinahangaan.
Star Patrol (for Saksi, July 9, 2010)
Boy Villasanta
Umaasa pa rin ang mga Noranians, si Nora Aunor ang makukuhang Cory Aquino at hindi si Vilma Santos
TALAGANG kahit kailan ay hindi mawawala ang tunggalian kahit sa mga tagahanga nina Nora Aunor at Vilma Santos.
Kahit malalayo na ang nararating ng kanilang mga kasaysayan, ang kanilang kontribusyon sa pagsulong ng lipunan ay isang bagay na kailangang maiparating sa sambayanan.
Sina Nora at Vilma nga ang kumakatawan sa mga klase ng tao sa lipunang ito.
Dahil masang-masa si Aunor at middle class na middle class naman si Santos o kayang umalagwa ng huli sa kahit masa at kahit na sa mas masang middle class.
Dahil ang ginagaygay na landas ni Vi ay ang pangkaraniwang panggitnang hati ng lipunan lalo na ang pamamalakad sa pamahalaan ng mga elitista.
Nakilangkap na nga si Ate Vi sa burgis na klase ng pulitika sa Pilipinas mula sa kanyang pagiging ordinaryo sa lipunan at sa showbiz.
Gayunman, ang kanyang pagtaas ang antas ay segun na rin sa mga taong nakakatrabos-kuwenta niya tulad ng kanyang asawang si Ralph Recto na mula sa elitistang angkan.
***
Kaya nga ang pagganap sa katauhan ng dating pangulo ng Pilipinas at icon ng democrary na si Cory Aquino ay pinagdedebatehan ng mga Noranians at Vilmanians o ng mga tagasubaybay ni Nora at mga tagatangkilik ni Vilma.
Hindi nga ba’t maugong na maugong ang balitang si Vilma ang napipisil ng produksyon ng Star Cinema na gumanap sa papel ni Cory pero ano na ang nangyayari lalo na ngayong nagpahayag na si Baby Vi na itututok na lang muna niya ang pamamahala sa probinsiya ng Batangas ang kanyang sarili at oras bilang gobernadora ng lalawigan.
Ang showbiz anya ay pansamantalang papangalawa lang sa kanyang mga prayoridad.
Ano nga kaya ang mangyayari?
Tuloy na tuloy na nga kaya ang pagganap ni Santos bilang Cory Aquino?
***
May nag-text sa inyong lingkod kamakailan at nagsasaad ng isang magandang pangitain tungkol kay Nora.
Ayon sa isang halatang-halatang Noranian na may cellphone number 09323359843 “May kutob KAMI (we have a strong feeling) NA KAY MS NORA AUNOR MAPUPUNTA ANG ROLE NA ‘CORY AQUINO LIFE STORY’ BECOZ OF BOY ABUNDA na CLOSE FRIEND NG AQUINO FAMILY NA ALAM NAMIN NA GUSTO RIN NI KUYA BOY NA IF GIVEN A CHANCE AY SI MS NORA AUNOR ANG GUMANAP SA TALAMBUHAY NI TITA CORY KUNG ISASALIN SA PELIKULA…”
Hindi talaga natitigatig ang masusugid na tagahanga ni La Aunor na ang kanilang idolo ang magiging Cory Aquino.
Dahil nga sa matunog na matunog ang mga Aquino sa panahong ito, ang bawat isa ay naghahangad na makapantay sa kanilang estado at makasama sa pagpailanglang sa kalangitan ng kaluwalhatian ng pamilyang ito.
***
Hanggang ngayon ay hinihintay pa ang pagbabalik sa eksena ng Superstar.
Marami na ang nananabik sa kanyang pagyakap sa kanyang mga tagahangang nasa Pilipinas at pagyapak sa lupin ng bansang ito.
Kamakailan ay sinabi ng magkapatid na sina Matet de Leon at Lotlot de Leon na Hunyo ang dating ng kanilang ina pero Hulyo na ay hindi pa namumulatawan ang kahit anino ng aktres.
Ano na ang nangyayari?
Makakabalik pa kaya si Nora sa Pilipinas.
Kung ang mga Noranians ang paniniwalaan, babalik si Nora at sila ay itataguyod.
Pero may kumukontra sa kanila hindi lamang mga Vilmanians kundi ang mga nagsisisayat sa mga pangyayaring kaugnay sa aktres.
Pero umaasa pa rin kami na wala nang problema si Aunor sa kanyang mga papel sa Estados Unidos at kahit anong oras ay darating na siya.
***
Ang imbiyernang-imbiyerna kay Nora ay ang dating peryodistang pampelikula na si Willie Fernandez.
Maysakit si Willie, nagkasakit siya sa puso kaya kailangan niyang magpahinga sa malayong General Santos City.
Pero kahit na malayo si Fernandez ay nasa kanya ang masigasig na pakikipaglaban para sa kanyang idolo.
Kaya lang, nag-text din si Willie at kinakastigo si La Aunor.
Ayon kay Fernandez: “puro gimik ‘yang si Orang. Bakit hindi na lang siya manahimik? Hindi ba siya nagsasawa na pulos gimik na lang siya kahit noon pa?”
Sinabi ni Willie na ang halos lahat ng mga balita tungkol kay Aunor lalo na ang pagkawala ng boses nito ay gimik lamang.
Pero ipinagdidiinan naman ng mga Noranians na totoong nagpapahinga si La Aunor para maibalik ang kanyang tinig sa pagkanta na siyang nagpakilala sa kanya sa balana.
***
Asar na asar si Fernandez kay Ate Guy.
“’Yang si Orang, walang magawa. Kailangang may mapatunayan siya na kikita ang kanyang pelikula. Puro na lang siya gimik na hindi na nabibili kaya magtigil na siya,” pahayag ni Willie na punung-puno ng pang-uuyam.
Sinabi ni Willie na mas maganda ang nangyayari sa career ni Vilma dahil tinitingala ito sa lahat ng sulok ng kapuluan at hindi tulad anya ni Nora na kung anu-ano ang pinaggagawa.
Sana nga ay magkasundo na ang mga Vilmanians at Noranians para sa katiwasayan ng kani-kanilang hinahangaan.
No comments:
Post a Comment