TINATAYANG milyun-milyon na ang mga tagahanga nina Jason Abalos at Andi Eigenmann lalo na sa pagpapalaganap nila ng konsepto at kuwento ng “Agua Bendita” sa Channel 2.
Noong wala pa si Andi, milyun-milyon na rin ang mga tagasubaybay ni Jason dahil sa kanyang kaguwapuhan, katikasan, kamachuhan, kabaitan pero nang pumasok sa eskena si Andi ay lalo pang nadagdagan ang mga tagahanga niya dahil kung sino ang mga gumugusto kay Eigenmann ay gumugusto rin sa sinuman ang kapareha niya sa TV o pag nagkapelikula na siya.
Maganda nga ang naging pagbubukas ng mga tsansa para kay Andi dahil hindi na siya dumaan sa butas ng karayom hindi tulad sa pinagdaanan ng kanyang ina na naghubad muna bago makilala.
Ang paraan ng pagpasok at pagpaumbulog ni Eigenmann sa showbiz ay may kakambal na buwenas dahil hindi na siya sasailalim sa paghuhusha at pangmamata ng mga manang at konserbatibo sa mga mapangahas na babaing naghuhubad.
***
Gayunman, pareho rin ito ng ibang paraan sa pagpapakilala sa sarili sa showbiz dahil sinisilipan din sila kahit na nakadamit pa.
Pilit na pinagpipistahan kahit nananahimik at nagtatrabaho lang.
Kahit na hindi naghuhubad si Andi ay kailangang gampanan niya ang papel na nais ng masa na nakapang-aaliw sa kanila.
Pero nakikisama si Eigenmann tulad rin ng kanyang pakikisama sa mga kapwa artista.
Bilib na bilib nga sa kanya si Pilar Pilapil sa kanyang propesyunalismo.
Si Abalos ay hangar in sa dalaga sa pananaw sa buhay.
Madalas ngang mag-usap sa set sina Andi at Jason at ang tungkol sa personal na buhay ang kanilang pinagkukuwentuhan.
Parehong nabibilang sa mga kabataang naghahanap ng tunay na identidad ng isang buong pamilya pero nagkakasya na sa kung ano ang nand’yan kahit bahala na.
***
Panay rin ang kuwentuhan nina Andi at Jason ng tungkol sa klase ng pananamit na isusuot nila.
Ayon kay Jason, “I like relaxing shirts that go around the body and not against it. Even my undergarments like shorts and boxers exude a warm vibe in relaxing fit that can show off my toned and tanned physique.”
Bilang modelo ng Cotton Club, naiimpluwensiyahan ni Abalos si Eigenman at ang costar nilang si Matteo Guidicelli.
Ang sabi ni Jason, nobenta y singko porsyento na bulak ang kanyang mga damit at limang posyento lang ang lycra.
Madalas anyang magtanong sina Andi at Matteo kung ano ang klase ng telang kanyang isinusot.
***
Sa malimit na pagsosolo nina Andi at Jason, hindi kaya sila ma-develop sa isa’t isa?
Ano naman ang masama kung talagang magksundo sila sa maraming bagay?
Binata si Abalos at dalaga naman si Eigenmann.
Ayon sa mga saksi, magiliw si Jason kay Andi lalo na pag breaktime ng kanilang taping.
Paano naman si Ria Garcia na katambal ni Abalos sa Cotton Club?
Hindi kaya maapektuhan ito kahit paano dahil madalas din silang magsama kahit na wala pang karanasan sa pakikipagkasintahan si Ria?
***
Samantala, nakakabwi na umano si Jason sa mga pasakit ng buhay sa kanyang pribadong pagtira sa mundong ito.
Marami ring problema sa buhay ang binata pero itinatawa lang niya.
Pag kasama sina Andi at Matteo, nawawala ang mga hilahil at hinanakit ng aktor sa buhay.
Kaya nga nagpapasalamat ang mga nakakatrabaho ni Jason dahil nasasakyan na nito ang ibig sabihin ng pang-araw-araw na eksistensiya sa planetang ito.
Star Patrol (for Saksi, July 10, 2010)
Boy Villasanta
Jason Abalos at Andi Eigenmann, hindi kaya madala sa kanilang emosyon sa pagsasama sa “Agua Bendita”?
MALAYO na ang talaga ang nararating ni Andi Eigenmann sa kanyang pag-aartista kahit kailan lang naman siya lumabas sa “Agua Bendita” ng ABS-CBN.
Parang kung kailan lang ay nag-i-email siya ng mga litrato sa amin na mula sa kanyang inang si Jaclyn Jose.
Ngayon ay nagsasarili na ng kanyang mga desisyon at pagkakataon si Andi sa tulong din ng kanyang mga magulang kahit na ang mga ito ay hindi magkasama sa bahay at may kanya-kanya nang buhay.
Gauyunman, wala pa talagang kapag-i-pag-ibig itong si Eigenmann.
Ayon kay Jaclyn, mas mabuti pa kay Andi na mag-computer sa bahay kaysa lumabas ng tahanan na wala namang kapararakan ang mga bagay na nasusumpungan.
***
Pero paano naman kaya ang obserbasyon ng mga tao sa taping ng “Adua Bendita” na madalas umanong mag-usap sina Andi at Jason Abalos.
Hindi kaya ma-develop ang dalawang ito sa proseso ng kanilang pagsasama sa soap opera.
Ayon naman kay Jose, malaki ang kanyang paniniwala na hindi gagawa ang kanyang anak ng anuman na ikasisira ng kanyang pagkatao lalo na ng kanyang propesyon.
Nananalig si Jaclyn sa katapatan at katalinuhan ng kanyang nag-iisang beybi sa buhay.
Kahit na nga ba ang guguwapo ng mga kasamaha niya sa TV show tulad na nga ni Abalos at ni Matteo Guidicelli.
***
Bilang mga kabataan na mahilig sumunod sa uso, ang pagdadamit ang madalas bangka ng usapan nina Matteo, Jason at Eigenmann.
Ayon kay Jason pag nakikipagkuwentuhan siya sa mga costars, “I like relaxing shirts that go around the body and not against it. Even my undergarments like shorts and boxers exude a warm vibe in relaxing fit that can show off my toned and tanned physique.”
Bilang modelo ng Cotton Club, naiimpluwensiyahan ni Abalos si Eigenman at ang costar nilang si Matteo Guidicelli.
Ang sabi ni Jason, nobenta y singko porsyento na bulak ang kanyang mga damit at limang posyento lang ang lycra.
Madalas anyang magtanong sina Andi at Matteo kung ano ang klase ng telang kanyang isinusot.
***
Sa malimit na pagsosolo nina Andi at Jason, hindi kaya sila ma-develop sa isa’t isa?
Ano naman ang masama kung talagang magksundo sila sa maraming bagay?
Binata si Abalos at dalaga naman si Eigenmann.
Ayon sa mga saksi, magiliw si Jason kay Andi lalo na pag breaktime ng kanilang taping.
Paano naman si Ria Garcia na katambal ni Abalos sa Cotton Club?
Hindi kaya maapektuhan ito kahit paano dahil madalas din silang magsama kahit na wala pang karanasan sa pakikipagkasintahan si Ria?
***
Samantala, nakakabwi na umano si Jason sa mga pasakit ng buhay sa kanyang pribadong pagtira sa mundong ito.
Marami ring problema sa buhay ang binata pero itinatawa lang niya.
Pag kasama sina Andi at Matteo, nawawala ang mga hilahil at hinanakit ng aktor sa buhay.
Kaya nga nagpapasalamat ang mga nakakatrabaho ni Jason dahil nasasakyan na nito ang ibig sabihin ng pang-araw-araw na eksistensiya sa planetang ito.
No comments:
Post a Comment